She's Back

She's Back

By: Cecille Kudogawa

4.9K
views
40
Chapters
Ongoing
Status

She's Back is an ongoing fantasy novel by Cecille Kudogawa with 40 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added January 12, 2023.

Synopsis

Isang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa.

Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen sa kanyang muling pagbabalik, magawa niya kayang gawin ang bagay na di niya nagawa at mahanap ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik? O tuluyan siyang mahulog sa kamay ng Fallen?

Read the first chapter

Chapter 1: Prologue

“Ate….” Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang patuloy ang kaba na nararamdaman niya na tila sa sasabog na ang kanyang dibdib.

Malungkot na tumingin ito sa kanya habang pinipigilan nitong tumulo ang kanyang luha, “Wag kang magalala di tayo pababayaan ng Diyos.” Niyakap niya rin ito ng mahigpit saka pumikit, “Magdasal tayo.”

Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit habang binaon niya ang mukha niya sa dibdib ng kanyang kayakap, “Wag muna ngayon. Hinihintay niya ang pagbabalik ko.” Maluha nitong bulong sa kanyang sarili.

Tahimik ang kasama nitong nagdasal. Kabado man ngunit pinaubaya niya na sa Panginoon ang magiging kapalaran ng kanilang buhay.

“Jc.. Jc. Gumising ka na. Magsisimula na.”

Isang boses ang bumulong sa tenga ko para maging dahilan ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napatingin sa kung saan galing ang boses.

“Magsisimula na..” Tugon ng isang babaeng may suot na reading glass at may dalang ilang papel sa kanyang kamay.

Matamlay na tumango ako saka tumayo at nilagay sa tenga ang headphones na kanina pa na nasa aking leeg habang ako’y naiidlip.

Nauna nang umalis ang babaeng gumising sakin habang ako naman ay walang kabuhay-buhay na sumunod sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa habang nalulunod sa alala ng aking napanaginipan kanina lang.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ako ng ganung panaginip. Hindi ko man lang makilala ang mukha ng mga taong napanaginipan ko. Ni hindi ko masabi kung ito ba’y lalaki o babae.

Ngunit ramdam ko ang takot na kanilang nararamdaman. Tila may isang nakakatakot na mangyayari na tila ayaw nilang maganap. Pilit nilang hinahanda ang kanilang sarili sa maaaring mangyari ngunit andon parin ang pag-asa sa kanilang luha na sana, may milagrong mangyari kahit alam nilang ito’y malabo na.

More by Cecille Kudogawa

View all

You may also like

Fantasy

Sign in to join the discussion