Chapter 11: Ten (10)
- Jc's POV -
"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea.
"Kapag hindi sumagot?" Tanong ko.
"Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."
Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."
Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..
Kinuha ko nalang yung baso saka uminom.
"Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.
Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo."
"Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.
Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi.
Ang kulit talaga ng isang ito. Parang naguguilty ako kapag tinangihan ko.
"Sige na nga."
Basta Jc, relax ka lang. Wag kang magisip ng kung anu-ano. Kontrolin mo ang sarili mo. Wag mong hayaan na kontrolin ka ng sarili mo. Baka pagsisihan mo ang sunod na mangyari.
Nakangiting ininom niya ang nasa baso niya saka nagsimula itong magsulat ng tanong. Ganun din ako.
Ilang minuto ay sinimulan na naming tupiin ang mga sinulat namin at inilagay sa baso. Habang hinahalo niya ang mga tanong, ako naman ay nagsasalin sa mga baso namin.
"Tapos na." Sabi niya.
"Lady's first." Sagot ko naman.
Mukhang magrereklamo pa sana siya ngunit pinalampas niya nalang ito at kumuha na siya ng isa.
"Pinakaclose mo sa clan." Binasa niya ang nabunot niya.
"Sagot mo."
Nagisip siya saglit habang nakatingin sa baso niya, "Si Almira, Princess, Musaii at.." Huminto siya at tumingin sakin, "Si Jc."
"Close pala tayo?" Pagbibiro ko habang nakangiti.
"Ay hindi pala. Sorry po." Kunwari ay nagtatampo siya.
"Joke nga lang."
"Kumuha na ng sayo."
Habang bumubunot ako ay ininom na niya ang kanya na nakatingin sa akin.
"First Ex na iniyakan mo." Naitaas ko ang dalawang kilay ko pagkatapos kong basahin ang tanong saka kinuha ang baso ko at ininom. "Si Gwen Dela Cerna. Schoolmate niyo ni Almira."
"Kilala ko siya pero di kami close."
"Mabuti."
Pagkatapos ay bumunot na ulit siya ng isa at binasa ito, "Unang Ex mong sineryoso."
"Sagot?"
"Si..." Ininom niya ang sa kanya habang nagiisip siya ng isasagot, "Si Angelo De Asis."
Tumango lang ako at sinalinan muna ang baso namin saka bumunot ako.
Tumawa ako ng sobrang lakas pagkatapos kong basahin ang tanong, "Ikaw ba sumulat nito?" Nakabungisngis ako ng pinakita ko ang tanong sa kanya.
"May experience ka na ba sa sex?" Mahinang binasa niya ang tanong tapos humalakhak din siya ng sobrang lakas na halos magechoe sa buong party house.
"Sobra ka naman magtanong." Nakangiti kong pahayag.
"Katuwaan lang naman." Natatawa pa nitong saad, "Sagotin mo na."
"Mga... tatlong babae pa naman naipapasok ko sa lodge." Sagot ko na may kasamang pilyong ngiti sa mukha.
"Hala! Talaga, Jc? Tapos? Anong nangyari?" Pangungusisa pa nito na bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Gago!" Bulalas ko. Sa sobrang lakas ng boses ko, parang nagechoe yata sa loob, "Wala pa! Pakakasalan ko muna ang girlfriend ko bago may mangyari sa amin."
"Di nga..."
Parang di yata to naniniwala sa akin.
"Matino akong lalaki." Marahan kong pagkasabi, "Bad boy ba ako sa paningin mo?"
"Wala akong sinabi." Nakangisi nitong sagot saka bumunot na ng tanong at binasa, "Status ng puso mo."
Pinagtaasan ko siya ng dalawang kilay para ipakitang naghihintay ako sa sagot niya.
Pandalian niyang tinitigan ang baso niya saka umiinom habang nakatingin sa akin, "In love ang puso ko ngayon."
"Kay Princebeybe?" Agad kong tanong.
"Bumunot ka na."
"Kay Princebeybe ba?"
"Wala namang nakalagay na follow up question." Pagdadahilan niya
"Sige na nga. Nakalusot ka." sagot ko at pinilit ko paring ngumiti para maging mukhang okay sa harap niya.
Wala ngang nakalagay kung sino pero gusto ko lang naman malaman kung sino kaso naisahan ako ..
Kumuha na ako ng tanong sa baso at nilapit ito sa mukha ko para mabasa ko.
Bigla akong natulala habang nakatingin sa kapirasong papel. Parang ayaw ata magregister sa utak ko ang nabasa ko. Parang bula na naglaho ang bokabularyo ko sa utak.
"Ano bang nakuha mo?" Pagtataka niya sabay inagaw ang kapirasong papel sa kamay ko.
"Mahal mo pa ba ang Ex mo?" Pabulong na binasa niya ang tanong at curios na tumingin siya sa akin.
Iniwasan ko ang tingin niya at binaling ko ito sa baso ko. Mahal ko pa ba si Jaycille? Kakabreak lang namin kaninang tanghali.
"Bumunot ka nalang ng iba." Payo niya nang magtagal ng ilang minuto ang katahimikan.
"Sasagotin ko yan para matapos na." Lakas loob kong bulalas saka inimon ang nasa baso ko, "Oo, mahal ko parin si Jaycille. Kaya ako naglalasing kasi gusto ko nang makamove on."
Hindi ko man sinasadya pero bakas parin ang lungkot sa boses ko kahit medyo nilakas ko ang boses ko para magmukhang agrisibo ang dating.
"Wag ka ng malungkot. Tutulungan kitang magmove on ng isang gabi lang." Paniniguro niyang magiging maayos rin ang lahat sa tono ng pagkasabi niya.
Nang makaramdam ako ng sinseridad sa boses niya, biglang lumingon ang mga mata ko sa kanya at napatitig sa seryoso at maamong mukha nito. Ngumiti siya sa akin na para bang sigurado siyang magiging okay ang lahat.
Hindi ko lang maintindihan kung ano pero may bigla akong naramdaman. Parang isang spark mula sa hindi maipaliwanag na chemical reaction.
Pakiramdam ko tuloy tinamaan na ako...... Ng Scotch na iniinom namin. Langya to. Lumalabas na yata yung amats ko..
"Bumunot na ako ng isa." Pahayag niya para makabalik ako sa kung saan man ako dinala ng amats ko.
"Pinakahate mo sa clan at bakit." Binasa niya ang nakasulat sa papel at pandaliang natahimik para magisip, "Si Lucy Heartfillia ang pinakahate ko sa clan. Kasi lage ka nalang niyang sinasaktan at pinagmumukhang tanga."
Pagkatapos niyang sumagot ay ininom niya ang nasa baso niya habang nakatingin ako sa mukha niya.
"Bakit ba masyado kang concern sa akin?" Biglang lumabas ang tanong sa bibig ko na dapat sa isip ko lang. Tinulak ata ng Scotch. Pagsisisihan ko talaga ang tanong na to.
Pinilit niyang ngumiti ng natural kahit halata naman sa mata niya na lulungkot siya, "Kasi isa ka sa mga tunay kong kaibigan."
BOOM! First blood
Ininom ko na ang nasa baso ko para madrain rin ang nararamdaman kong affected ako sa sinabi niya.
"Ang sakit mo rin palang magsalita." Tugon ko habang nakatingin sa baso ko. Iniwasan ang tingin niya.
"May sinabi ba akong na-offend ka?" Pagaalala niya na may halong pagtataka.
"Sinabi mo lang naman ang pinakamasakit na salita sa buong mundo." Sagot ko habang nagsasalin sa baso namin.
"Ano?" Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka.
Seryosong tinitigan ko siya sa mata at sumagot, "Kaibigan."
Napakurap ng ilang beses ang mga mata ni Rhea saka lumingon siya sa ibang dereksyon. Parang iniiwasan niya ang tingin ko.
Bago pa man maging awkward ang paligid ay bumunot na ako. Nakangiti naman ako na abot hanggang tenga habang binabasa ang nakasulat.
"Close friend mong hindi mo malilimutan at bakit." Binasa ko ng malakas ang tanong at automatikong napalingon siya sa akin, "Rhea Castino. Siya lang ang kaibigan kong nag-abalang gumawa ng kalokohan para makamove on ako."
Tikom ang bibig nitong ngumiti habang walang kibo na bumunot ng tanong.
Biglang nanlaki ang mga mata niya habang nasa papel ang tingin niya. Kinagat niya ang kanyang lower lip at tinitigan habang sinusubukang iabsorb ang kung ano mang nakuha niya.
Maya-maya ay binaling niya ang kanyang tingin sa akin na halatang nagpipigil ng isang malaking ngiti.
Curios tuloy ako sa nakuha niya.
Akmang itatapon niya sana ang papel ng mahawakan ko ang kamay niya at inagaw ito sa kanya.
'Inlove ka ba sa bestfriend mo ngayon?'
Binasa ng isip ko ang nakasulat at napatitig ako sa kanya, habang nagaabang ng isasagot.
Pero sa di inaasahan ay tinanggal niya ang tali niya sa buhok at hinayaang bumagsak ang makintab at natural brown niyang buhok.
"Mukhang gamit ko ata ang unang madidisplay." Nilapag niya ito malapit sa shoting glass niya.
"Bakit di mo sinagot yung tanong?" Seryosong tanong ko.
"Walang nakalagay na follow up question." Nangaasar ba ang ngiti niya.
"Di bale nalang." Tugon ko saka bumunot ng tanong.
Bigla akong napabungisngis habang binasa ang nakasulat, "True Love mo."
Alaala ng nagiisang babaeng matagal ko nang namimiss ang unang pumasok sa isip ko. Tuwang tuwa pa ako ng tumingin ako kay Rhea pero dahan dahang napalitan ng malungkot na ngiti ng sumagot na ako.
"Crista Segovia ang one great true love ko." Mahinang sagot ko na halos di na marinig niya, habang binaling ko ang tingin sa baso ko, "Pero naging unfair ang tadhana sa amin. Kinuha agad siya ng langit bago ko pa man masabi na mahal ko siya."
Alam kong dahan-dahang bumabasa na ang mga mata ko at may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko. Bago pa man ito makatulo ay ininom ko na ang nasa baso ko.
Lumingon din siya sa baso niya. Tila hindi sigurado sa isasagot niya.
"What if buhay si Crista tapos bigla siyang magpakita sayo. Anong gagawin mo?" Nagaalangan na tanong niya.
"Yayakapin ko talaga siya ng sobrang higpit." Sagot ko.
Malinaw ang lungkot sa boses ko at halata namang nagpipigil ako ng luha. Ayokong umiyak sa harap niya.
Biglang tumahimik ang paligid. Kahit siya ay hindi kumikibo. Sinilip ko siya mula sa gilid ng aking mga mata. Nakatingin lang siya sa baso niya na namumula ang mga mata.
"Rhea, umiiyak ka ba?" Pagtataka kong tanong at tiningnan siya ng maayos para obserbahan ang mukha niya.
"Hu?" Agad naman niyang kinusot ang mata niya at tumingin sa akin, "May kung ano lang sa mata ko. Pupunta muna ako sa comfort room para tignan sa salamin." Agad niyang ininom ang nasa baso niya at nakayukong nagtungo sa Lady's room.
Hindi man lang niya hinintay ang magiging sagot ko.
Anyare kaya sa isang yun?
Di ko na siya pinigilan at hinayaan ko na lang siyang iwan ako. Estie pumunta ng lady’s room. Kahit naman kasi na pigilan ko, sa galaw pa lang niya, aalis pa rin siya kahit kokontra ako.
Nagtataka tuloy ako kung bakit siya nagkaganun. May koneksyon ba siya kay Crista? Bakit parang maluha siya kanina? Si Crista naman tinutukoy ko, hindi siya.
####Eleven (11)
Inalis ko nalang yun sa isipan ko at binaling ang atensyon sa cellphone ko. Hindi ako nakapag. gm ngayon, kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at pinindot ang screen.
Bumungat sa screen ang sandamak-damak na gm mula sa clan. Iniskip ko na ang lahat ng yun at dumeretso sa Create Message. Mamaya ko na titignan kung may pm.
Matapos ang ilang segundong pagtype ng message agad ko nang sinend na buong clan via send to many. Hindi naman kasi ako ganun ka haba mag. gm.
Di ba, nagawa ko pang makapag. gm. Sino ba naman kasi ang may sabi na lasing ako. Malinaw pa kaya sa paningin ko ang mga letra. Mahaba kasi dosage ko at sanay ako sa hard drinks.
Nilagay ko sa tabi ng baso ko ang cellphone habang hinahayaang masend sa 125 members ang gm ko.
Maya-maya may unknown number na tumawag. Hindi ko talaga ugali ang sumagot ng tawag mula sa mga unknown numbers kaso hindi tumigil sa kakatawag ang number.
Nagkasalubong ang kilay ko ng kinuha ko ang cellphone at sinagot. Disturbo.
“Jc Laporre.” Sinubukan kong maging casual ang boses ko.
“Cyrel Castino ito. Anjan ba si Rhea?” Sagot ng isang boses mula sa kabilang linya.
Si Cyrel ba talaga tong kausap ko? Patay..
“C-Cyrel? Nasa lady’s room pa kasi si Rhea.” Halos mautal kong sagot.
Bigla kasing lumakas ang kabog ng puso ko.
“Magkasama kayo? At nasan kayo ngayon?” Sunod sunod na tanong nito na halatang hindi siya handa para maghintay ng matagal para sa sagot.
Lumunok muna ako para pakalmahin ang pakiramdam kong kinakabahan, “N-Nasa.. Party House kasi kami ngayon..”
Magsabi ng totoo para magtiwala ang tao sayo kahit pakiramdam kong uupakan talaga ako nito.
“Party House? Kelan pa siya natutong pumanta ng discohan?” Ngayon naririnig ko talagang lumakas ang boses niya.
“Ako kasi nagimbeta sa kanya.” >_<
Dinig kong bumuntong hinga siya. Parang sinusubakan niyang kontrolin ang init ng ulo niya.
“Anong oras ba siyang uuwi? Malapit ng maghating-gabi.”
“P-Pwede bang bukas nalang umuwi si Rhea? Hati---”
“ANO!?” Galit na sumbat niya bago ko pa matapos ang sinabi ko 😡
Pinagtaasan na talaga niya ako ng boses dahilan ng medyo dinistansya ko ang tenga ko sa cellphone.
“Malapit na kasing maghating gabi. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag umuwi siya ng ganitong oras.” Dahil sa nerbyos na nararamdaman ko, naging matulin ang pagsagot ko ng hindi ko iniisip. Natataranta na ako ei >_<
Ilang minuto ang lumipas ng hindi ko marinig ang boses niya sa kabilang linya. Mukhang pinagiisipan niya ang sinabi ko. Pero patuloy paring mabilis ang kabog ng puso ko.
“Mapagkakatiwalaan ba kita, Jc?” Kalmadong tanong niya makaraan ang ilang minuto.
“Syempre naman. Sa akin niyo po ibato lahat ng sisi at panunumbat kapag may nangyari sa kanya.” Sinusubukan kong maging kalmado kahit pinagpapawisan na ang kamay ko dahil sa kaba.
“Isang beses lang akong magtitiwala sa isang tao. Wag mong sisirain, Jc.” Bilin pa nito.
“O-Oo naman. Bukas ng umaga ihahatid ko siya.”
“Pakisabi nalang na tumawag ako.” Huling tugon nito bago pa matuloy ang linya.
Grabe. Kinabahan ako ng matindi don. Buti nalang napapayag ko siya.
Sinusubakan kong pahupain ang kaba na nararamdaman ko ng bumalik na si Rhea mula sa Lady’s room. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya at mukhang naghilamos siya dahil medyo basa ang buhok niya malapit sa kanyang noo.
“Bumunot ka na.” Tugon ko habang sinasalinan ang baso namin.
Ngumiti muna siya sa akin saka bumunot.
“Ilan na naging Ex mo?” Halos matawa niyang binasa ang tanong, “Teka, bibilangin ko muna…” Biro nito habang umaarteng nagiisip.
“Ang ganda mo naman.” Ginatongan ko pa ang biro niya.
Natawa naman siya at nakabungisngis na sumagot, “Actually, tatlo pa lang naman at magiging pang-apat si Princebeybe.”
“Pang-apat agad? Hindi pa nga nagiging kayo.”
“Advance lang ako magisip. Wala kasing forever.” Pangangatwiran niya.
“Meron kaya. Maniwala ka.” Paniniguro ko habang bumubunot ng tanong, “Pinakamasayang nangyari sa buong buhay mo.”
Nakangisi ako ng malaki na halos mapunit na ang pisngi ko matapos kong basahin ang tanong at agad namang sumagot, “Nang makilala ko si Crista Segovia ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Parang nakahiga ako sa ulap habang niyayakap ng preskong hangin.”
“Wow naman. Ganda ng hugot mo don ah.” Nakabungisngis naman na sabi ni Rhea, “Ang sarap mo sigurong magmahal.”
“Gusto mong subukan?” Isang pilyong ngiti ang naglalaro sa mukha ko habang nanghahamon ang tono ng pagkasabi ko.
Pareho kaming nagkatitigan sa mata at nakangiti si Rhea na halatang pinipilit niyang maging normal. Kahit kita sa mata at pisngi niyang namumula na kinikilig siya.
“Wag na. May Princebeybe na ako.” Bigla nitong sagot para putulin ang kumikinang naming titigan.
DOUBLE KILL
“May gusto ka sa kanya?” Tinulak ng tama ng Scotch ang tanong na dapat sa isip ko lang para lumabas sa bibig ko na alam kong pagsisisihan ko pagkatapos.
Hindi nawala yung ngiti niya sa mukha nang sumagot siya, Oo. Baka nga may gusto na ako sa kanya.”
UNSTOPPABLE
“GG na ako. Bumunot ka na.” Sagot ko na agad kinuha ang baso ko at ininom habang nakatingin sa ibang dereksyon.
“Hoy, anong GG? Pinatay ba kita?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero namumula parin ang pisngi niya
“Yung katawan ko, hindi pero puso ko, oo.” Hinayaan ko na talagang kontrolin ng Scotch ang bibig at isip ko. Tutal malilimutan din naman niya kinabukasan.
“Ano ba yang biglang pinagsasabi mo? Lasing ka na nu?” Pambabara niya na pilit maging sarcastic ang dating. Pero lumutaw parin na nagpipigil siyang ngumiti para magmukha siyang masungit.
“Ang sabi ko bumunot ka na.” Pagsusungit ko habang iniiwasan ang tingin niya. Hindi ko kasi kayang tumingin ng deretso sa kanya.
Mukhang tumalab naman dahil hindi na niya ako kinulit at bumunot na siya habang nakatingin parin sa akin.
“First date mo.” Natatawa pa nitong binasa ang nabunot niya, “Si Antony James Armigos. Siya ang first date kong nagturo sa akin ng GGX, Need for Speed at Dota.”
“Naging Ex mo pala si James?” Sabi ko pero hindi parin nakatingin sa kanya.
“Oo. Kababata ko nga yun at first love narin.” Nakangiti niyang sagot, “Bakit kilala mo siya?”
“Yung lalaking sobrang puti na parang labanos.” Tinignan ko siya mula sa gilid ng mga mata ko at nakita kong tumango siya ng konti, “Bakit naman kayo naghiwalay?”
“May iba na siyang love ei.” Malungkot pero nagpapacute nitong sagot.
“Kawawa.” Pangaasar ko pa sa kanya saka bumunot ng tanong, “First Kiss mo.” Tumawa ako pagkatapos kung basahin ang tanong.
Ako yung sumulat nito tapos ako rin pala ang sasagot. Ang galing di ba?
“Sino?” Excited pang tanong niya.
“Langaw.” Natatawa kong sagot.
Tumawa rin naman siya, “Yung seryoso.”
“Syempre parents ko.” Kabitteran ko nga naman 😂
“Umayos ka nga, Jc.” Nakabungisngis pa niya sita.
“Nakaupo naman ako ng maayos ah.” Pilosopong sagot ko 😁
“Pilosopo.” Nagkasalubong ang kilay niya habang nakapout.
Ang cute niyang tignan..
Humagalpak ako sa tawa, “Oo na. Si Marie Grace Detecio.” Nakangisi parin ako ng tuwid na sumagot, “Kaibigan siya ni CrimeLocca.”
Tikom ang bibig niyang ngumiti habang iniinom ang nasa baso niya, “Magaling ba siyang humalik?”
“Oo.” Sagot ko habang sinasalinan ang baso namin, “Pero mas masarap ka sigurong humalik.”
Tinitigan ko siya sa mata na may kasamang pilyong ngiti.
“Hinahamon mo ba ako?” Pinipilit niyang maging seryoso at matapang sa tono ng pagkakasabi niya pero hindi sumasangayon ang mukha niya.
Namumula parin ang mukha niya at nagpipigil siya ng isang malaking ngiti.
Pinantayan ko ang kunwari ay matapang niyang tingin ng mas seryoso kong tingin.
Tumayo ako at lumapit sa kanya, “Papayag ka ba kung sakali?”
Nang walang ni isang salita ay tumayo rin siya at lumapit sa akin habang nakacrossed arms at hindi pinuputol ang titigan namin.
Humakbang pa ako ng isang beses palapit sa kanya at magkadikit na ang dulo ng ilong namin. Nararamdaman ko na rin ang init ng hininga niya sa mukha ko. Nagawa niya pang makapag-sarcastic smile at sinagot ko naman ng pilyong ngiti.
Unti-unting tumatayo….. Ang balahibo ko sa leeg ko habang bumibilis ang kabog ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Si Rhea lang naman tong kaharap ko.
Nasa kanyang mata parin ang tingin ko habang dahan-dahang binababa ko ang mukha ko papalapit sa labi niya. Inaabangan ko ang magiging reaksyon ng mukha niya.
Konting-konti nalang at magdadampi na ang mga labi namin ng biglang may kaperasong papel na humarang sa pagitan ng mga labi namin.
“Nasubukan mo na bang mag-cheat?” Casual na binasa niya ang nakasulat na parang walang kung anong nangyayari.
Napasmirk nalang ako at umatras saka umupo habang nakatingin sa ibang dereksyon.
Bumunot na pala siya? Sayang akala ko makascore na talaga ako. Gago! Nanghihinayang ba ako? Nangingibabaw na talaga ang impluwensya ng Scotch sa pagiisip ko. Pakiramdam ko kasi parang umiikot ng konti ang paligid at ang init din ng pakiramdam ko kaya pinagpapawisan ang noo ko.
Ang lakas talaga ng tama ng Scotch. Hindi na ako iinom nito sa susunod. Kung anu-anong hindi maipaliwanag na kuryente ang dumadaloy sa katawan ko. Parang grounded tuloy ang katawan ko.
“Sagot mo.” Dismayado kong pagkakasabi tapos ininom na ang nasa baso ko.
Nagkasalubong ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin. Siguro sa tono ng pagkakasabi ko. Nilantad kong dismayado ako.
Umupo na ulit siya habang pilit niyang binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko habang ako naman ay pilit na iniiwasan ang tingin niya.
Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng deretso. Hindi ko alam kung bakit. Yung tingin niya sa akin parang di niya ako titigilan hangga’t hindi niya napapasok ang utak ko.
“Naghihintay ako sa sagot mo.” Pinilit kong maging natural ang tono ng boses ko para hindi na siya magtaka.
Ininom niya muna ang nasa baso niya, “Hindi. At never kong susubukan” Sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.
Dahil sa tama ng Scotch, nagkaroon ako ng lakas ng loob para humarap at tumingin ng deretso sa kanya.
Imbis na may sasabihin pa sana ako ay biglang nabura sa isip ko kung ano man yun at tikom ang bibig na tinitigan siya. Iba talaga dating ng babaeng to sakin. Naweweirduhan na talaga ako. O baka naman impluwensya lang ng Scotch. Ewan ko..
Nanaig parin ang instinct ko at bumunot ng tanong.
‘Pinakamahabang relasyon mo at kanino.’
Binasa ng utak ko ang nakasulat sa kaperasong papel.
Sinalinan ko muna ang baso namin sa huling pagkakataon habang tahimik lang si Rhea na nagaabang sa sasabihin ko, “Si Mary Jane Clarkson ang pinakamahabang nakarelasyon ko, 1 year and 3 months.”
At sa di inaasahan ay nanlaki ang mga mata niya at bahagyang napanganga ang bibig niya, “Naging Ex mo pala si Mj?”
“Oo. Kilala mo siya?” Pagtataka ko naman sa naging reaksyon niya.
“Sobra. Anak siya sa pangalawang pamilya ng mama ko.” Patangong katwiran niya.
“Kaya pala may konti kayong pagkakahawid.” Wika ko naman.
Nagkasalubong na naman ang kilay niya habang nakanguso, “Mas maganda kaya ako kesa sa kanya.”
“Talaga? San nga ba?” Nakangisi kong pangaasar.
“Ulo hanggang paa.” Pagmamayabang niya.
Tinitigan ko naman siya mula ulo hanggang paa and examining kung tunay nga siyang maganda.
Maganda nga siya dahil sa makinis at maputi niyang kutis, bumagay sa kanya ang makintab at natural brown niyang buhok. Attractive siya dahil sa matangos niyang ilong at charming niyang ngiti, sexy naman siya dahil sa suot niyang plain orange dress na hanggang tuhod at suot na maong blazer na hanggang siko ang sleeve.
Pero hindi siya ganun ka ganda para pumasok sa standards ko ng ‘Maganda’.
Sige, lokohin mo pa ang sarili mo, Jc.
“Wala talaga akong makita.” Pangaasar ko pa na may pilyong ngiti.
“Basta! Maganda ako! Wag ka ng kumontra.” Inis pa na sumbat nito habang bumubunot ng tanong.
“Ikaw lang yata yung nakakaalam.” Dugtong ko pa.
Pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay. Isang bagay na ginagawa niya kapag naiinis na siya pero di ako tinablan dahil nakabungisngis parin akong nakatingin sa kanya.
Kalaonan ay binaling niya na ang atensyon niya sa papel at tahimik na binasa ang tanong.
Nanlaki ang mga mata niya matapos niyang basahin ang tanong at kinuha ang baso niya at ininom.
Nagtataka tuloy ako kung ano ang nabunot niya…
“Pinakamatinding heartbreak ko..” Bulong niya sa sarili niya habang nakatingin sa sahig na tila nagiisip.
Kalaonan ay tumingin siya sa akin.
“Ba’t ka naman nakatingin sa akin?” Pagtatakang tanong ko.
Bumuntong hinga siya at tinanggal ang suot niyang kwentas na hindi ko napansin at nilagay sa tabi ng tali niya sa buhok.
Nagkasalubong ang kilay ko, “Ang daya mo. Halos lahat ng tanong sinasagot ko tapos ikaw, pangalawa na yan.”
“Hindi ko kasi pwedeng sagutin ang tanong.” Katwiran niya.
“Bakit naman? Ako lang naman ang makakaalam.” Pangungulit ko.
“Yun nga yung problema. Malalaman mo.” Pagdadahilan niya.
“Ako ba ang pinakamatinding heartbreak mo?” Boses kong mahina pero seryoso ang tono.
Scotch na talaga yung nagsasalita. Marami na akong nainom para mangibabaw ang impluwensya ng Scotch sa isip at bibig ko.
Hindi niya magawang tumingin sa akin ng deretso at nakabaling parin ang atensyon niya sa sahig, “Tinanggal ko na ang kwentas ko kaya bumunot ka na.”
Hindi ko na siya kinulit. Parang ayaw niya talagang magkwento. Pero parang sinasabi ng instinct ko na ako ang sagot. Nababasa ko sa galaw at reaksyon niya sa mukha.
Ang hirap talagang magisip ng matino kapag may impluwensya ng ininom ang isip mo. Yung impossible, nagiging possible at yung possible nagiging kahibangan.
Bumunot na ako ng tanong habang pinagmamasdan siya. Ang lungkot ng mata niya. Parang may nakatagong hinanakit.
‘Ex na hindi mo malilimutan at bakit’
Binasa ng isip ko ang nakasulat at pandaliang nakatitig sa papel. Inipon ko ang lahat ng emosyon na nakabaon sa puso ko para ilabas lahat sa magiging sagot ko. Para isang bagsakan na lahat at matapos na tong sakit na nararamdaman ko.
“Si Jaycille Gamboa ang ex kong hindi ko malilimutan.” Pagsisimula ko na agad inangat niya ang kanyang tingin deretso sa mata ko, “Dahil kahit ilang buwan lang ang tinagal ng relasyon namin, sa kanya lang ako nagpakamartir.” Dugtong ko habang nakatingin sa ibang dereksyon.
Iniiwasan ko na naman ang tingin niya dahil alam kong gumagaspang ulit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil kong lumuha. Ayokong umiyak sa harap ng ibang tao. Lalong lalo na sa kanya.
Pagkatapos niya akong titigan ng ilang minuto ay tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Kahit hindi ko man siya tignan ay dinig ko sa bawat hakbang niya.
At sa di inaasahan ay niyakap niya ako. Yakap ng isang kaibigang nakikiramay. Bigla akong naging bato sa kinauupuan ko at pati utak ko nagfreeze.
Bakit ang sarap sa pakiramdam? Pwedeng brokenhearted nalang ako lage para lage niya akong yakapin ng ganito?
Rhea: 🎼 Why do people fall in love
And then end up crying
Why do lovers walk away from themselves
When their hearts are breaking
Why does lovin’ sometimes never stay long
Why does kissing this time mean you’ll be gone
Why does gladness become sadness
Things that I don’t get
Someone's always sayin’ goodbye
I believe it hurts when we cry
Don’t we know partings never so easy
And with all the aching’s inside
I believe some hearts will survive
Tryin’ hard to pretend that were gonna be fine