Chapter 20: Nineteen (19)

Rhea’s POV –

Muling kinuha ni Boss Ganda ang walang laman na bote ng beer at muli itong pinaikot.

Niyanig ng tilian ng mga kababaihang kasama ko sa balcony ng huminto ang bote na nakaturo ang bibig nito kay Almira. Sabay-sabay nilang kinukutya ang nakabungisngis kong kaibigan habang tinuro siya. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya.

“Ikaw magbigay ng dare, Sais.” Aniya Otso dahil nakaturo ang pwet ng bote kay Sais.

“Sige.” Nakatitig si Sais sa bote habang nagiisip.

Pandaliang natahimik ang lahat habang nagiisip si Sais ng dare para kay Almira ngunit nakangiti parin ang lahat na halatang sobrang excited.

Ako naman ay medyo sinuswerte sa bawat ikot ng bote. Dahil ubos na ang tagay, di pa ako natuturo ng bote. Pero kinakabahan pa rin ako baka maubos ang swerte ko bago matapos ang gabing ito.

Biglang ngumiti si Sais na halatang may pumasok na sa isip niya, “Isigaw mo sa labas, ‘Bumalik ka na, Lorenz’.”

Muling nabuhay ang tilian ng maibigay na ni Sais ang dare niya na halatang game na game silang gawin ito ni Almira.

Pero maliban lang kay Almira na kahit nagkasalubong ang kilay niya ay nakangiti parin siya, parang nagpipigil na kiligin.

Wag lang sana marinig ni Uno. Aakyat talaga yun dito.

“Ayoko!!” Sigaw ni Almira sa gitna ng tilian nila.

“Sige na, crushmate. Di naman siguro maririnig ni Uno.” Pangungumbinsi ko na nakangiti habang tinutulak siya para tumayo.

Lahat ay nagyaya para sa kanya na gawin ang dare. Yung iba nga sobrang excited, parang gusto talaga nilang magfling sila Uno at Almira. Mukhang nakalimutan talaga nila na bahay ito ni Otso at andito siya sa harap namin ngayon.

“Sige na nga!” Bumigay na talaga siya sa pangungulit ng lahat.

“Hooo!! Bi-bi-gurl! Bi-bi-gurl! Bi-bi-gurl!” Malakas at naghihikayat na sigaw ng lahat habang tumayo na si Almira at naglakad papunta sa railings na nakangiti.

Parang gusto rin niya, pakipot pa. Halata naman sa mukha niya.

Biglang umiral ang katahimikan ng nasa railings na siya at attentive talagang nagaabang sa lalabas sa bibig niya.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim saka tumayo sa kanyang mga tip toes.

“Bumalik ka na, Lorenz!” Sigaw ni Almira.

Nakangiti naman ang lahat ng sa wakas ay nagawa ni Almira ang dare. Lahat sila tuwang-tuwa maliban lang kay Otso.

Sumulyap ako sa kanya at nakakita ako ng maliit na ngiti sa kanyang mukha na parang napipilitan siyang ngumiti. Para di mahalata na naapektuhan siya. Ilang members na nakakaalam tungkol sa nakaraan nila Uno, Otso at Almira ay tumingin rin sa kanya na may kasamang maliit na ngiti.

“Okay lang ako.” Wika ni Otso ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Tumango nalang ako at binalik ang atensyon sa laro.

Matalik kong kaibigan si Otso. Kaya nagaalala ako sa kung anong nararamdaman niya. Magaling kasi siyang magtago ng feelings kahit nasasaktan na siya.

“Hoy! Ubos na ang swerte mo!!” Sigaw ni Princess sa akin habang tinuturo ang bote.

Muntik ng mahulog ang mga mata ko nang makita kong nakaturo ang bote sa akin.

Tapos na ang maliligayang araw ko

At sinundan ko naman ng tingin ang pwet ng bote kung saan ito nakaturo para makilala ko kung sino ang magbibigay ng dare sa akin.

Napasapak nalang ako sa noo ko nang makita kong nakaturo ito kay Boss Ganda. Kitang kita pa ang lahat ng ngipin niya sa sobrang laki ng ngiti niya.

“Hmmm. Ano kaya ang magandang dare sa isang ‘to?” Nagiisip si Boss Ganda habang nakatitig siya sa bote.

Muling nangibabaw ang katahimikan habang naghihintay ang lahat na magbitaw ng dare si Boss Ganda. Titig na titig ang lahat sa kanya na halatang excited at hindi makapaghintay. Wala pa nga siyang sinasabi pero mukhang tuwang-tuwa na sila na ako ang gagawa ng dare. Habang ako naman ay walang paglalagyan ang kaba na nararamdaman ko.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa tingin ng isang to. Sana wag naman hard ang dare niya sa akin..

“May tagay pa ba kayo?”

Isang boses mula sa likod naming lahat ang umagaw ng aming atensyon at lumingon.

Nakatingin kaming lahat kay Jc na mahina pero paekis ang lakad papalapit sa amin. Pulang pula ng mukha niya at kalahating nakabuka ang mga mata niya. Ang dami ng nainom niya at parang ilang segundo nalang, magcocollapse na ang katawan niya.

Sa kondisyon niyang yan, naghahanap pa siya ng tagay? Parang hindi na niya kaya. Napasobra yata ang tagay ng mga boys sa baba.

Si Ceejay kaya? Knock out na rin kaya? Mababa pa naman ang alcohol tolerance ng mokong na yun. Kahit beer, ang dali lang nun malasing.

Habang nakafocus ang mata ko sa mukha ni Jc ay biglang may humila sa braso ko papunta sa kung saan. At bago pa man ako makalingon ay nakarinig ako ng bulong sa tenga ko.

“I-kiss mo si Four sa pisngi.” Boses ni Boss Ganda ang narinig ko na may kasamang hagikhik.

Agad naman akong umatras para bumalik sa posisyon ko na nakanguso habang nakataas ang dalawang kilay, “Ayoko.”

“Kj naman nito.” Pagdadabog pa ni Boss Ganda.

“Anong kalokohan na naman ba ito, Otso?” Pinilit ni Jc na maging maayos ang tono ng boses niya.

“Spin the bottle. Sasali ka?” Nakangising pahayag ni Otso.

Walang salita siyang umupo sa tabi ni Otso. Naka-indian sit habang nakayuko ang ulo niya at nakacrossed arms.

Ginalaw ko ng bahagya ang mata ko at nakita kong nakapikit ang mata niya mula sa gilid ng mata ko. Pero hindi naman siya mukhang natutulog.

Ngunit sa kabilang banda, nakahinga ako ng maluwag. Nakaligtas ako mula sa isang kahihiyan. Hindi ko na magagawa ang dare dahil iikot ulit ang bote.

O baka yun lang ang pag-aakala ko.

“Ganda, yung dare mo kay Primera.” Paalala ni Otso na may kasamang makulit na ngiti.

Binaon ko ang mukha ko sa mga kamay ko bago pa man ako matitigan ng lahat.

“Parang ayaw niya eh.” Aniya Boss Ganda.

“Ano pala ang dare mo sa kanya?” Tanong ni Jc.

Sumilip ako mula sa gap ng mga daliri ko para makita ang mukha ni Jc. Curious itong nakatingin kay Boss Ganda kahit kalahating nakabuka ang mata niya. At halatang excited ang mukha ng babaeng to para magkwento.

“I-kikiss ka niya sa pisngi.” Wika naman ng bruhang ito na halatang tuwang-tuwa.

Nabingi na naman ako sa sobrang lakas ng tilian ng mga kasama ko habang panay naman ang pangaasar ng iba. Pati si Almira ay panay na tinutusok ang tagiliran ko gamit ang daliri niya. Panay naman ang ilag ko kasi nga nakakakiliti.

“Hindi naman malalaman ni Ceejay eh.” Ginatungan naman ni Almira habang umaagikhik.

Pinikit ko ang mata ko habang nakadikit ang palad ko sa mukha ko.. Wala akong mukhang maihaharap, lalo na kay Jc. Nakakahiya besh .. Parang biglang nakalimutan ng lahat ang tungkol sa kondisyon. Pero siguro may exception kasi birthday naman ni Otso.

Maya-maya, isang kamay ang maingat na humawak sa dalawang mga kamay ko. Bigla nitong inalis ang mga kamay ko sa mukha at gulat akong napadilat.

O_O

Muntik na talagang mahulog ang mga mata ko sa sobrang lapit ng mukha ni Jc sa akin. May konting gap ang mga ilong namin pero para namang sasabog ang dibdib ko sa kaba.

Bigla akong naging bato sa kinauupuan ko at pinagpapawisan ng malamig ang kamay ko.

Ang pula na ng mukha niya at may mga pulang ugat din akong nakikita sa mata niya. Nakakakilabot ang walang emosyon niyang mukha at tingin niya sa akin. Habang ako naman ay parang umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha. Pero siguro dahil sa nakainom ako, di siguro halata.

Bakit ba kasi ang hirap basahin ng lalaking ‘to???

Sa kabilang banda naman, ngayong napagmasdan ko siya ng malapitan, hindi naman ganun kaputi ni Jc. Natural lang ang kulay ng kutis niya, yun lang ay matangos ang ilong niya at hot pink ang lips niya na parang naglipstick with matching caramel eyes. Pero kapag itong lalaking to ngumiti kahit smirk lang, madadali niya talaga kahit si Nadine Lustre.

Nadali niya nga ako dati di ba??

Habang lutang ako sa pagiisip ay biglang nilapit niya ang kanyang pisngi sa akin na nagpabalik sa aking katinuan.

“Humalik ka na. Mula gabi hanggang umaga.” Pilyong pangaasar pa niya habang umaagikhik.

Nagsitilian ulit sila na parang kiniliti ng pitong demonyo habang tuwang-tuwa silang nakatingin sa amin.

Tinulak ko naman siya habang nakasimangot na kinagat ang ibabang lips ko para pigilan ang sarili kong ngumiti. Siya naman ay tumawang napaatras.

“Yung dare mo, crushmate!” Natatawang sigaw naman ni Almira.

“Ayoko ko nga!” Inis na sagot ko.

“Sige, sa lips nalang.” Dugtong pa ni Boss Ganda.

Nakasimangot na talaga ako kay Boss Ganda na may kasamang pout. Umagikhik naman si Jc habang pinagmamasdan ang reaksyon ng mukha ko. Ayoko sa ngiti ng lalaking ito. Mukha siyang pervert tignan.

“Baka gusto mong halikan ako sa kwarto.” Ginatongan pa talaga ng mokong na to sa gitna ng pervert niyang ngiti.

Sobrang lakas ng tawanan nila na parang maririnig ng buong barangay. Idagdag pa natin ang pangungutya nila na parang mabubutas na ang eardrums ko.

Nang walang salita ay tumayo ako habang tiningnan siya ng sobrang sama. Mukhang nabasa niya ata ang nasa isip ko kaya agad rin siyang tumayo na nakabungisngis. Akmang kukwelyuhan ko sana siya ng humakbang siya paatras at kinabig ang kamay ko at pwersahang nilagay sa likod ko kasabay na pinatalikod niya ako.

Sa bilis ng kilos niya ay huli na nang napagtanto ko na kinabig niya rin ang isa pang kamay ko at nilagay niya rin sa likod ko. Nilock niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay niya at pinulupot niya ang libreng kamay niya sa akin. Nakadikit na ang likod ko sa dibdib niya, sigurado ako dahil ramdam kong malakas din ang tibok ng puso niya.

Sinubukan kong magpumiglas pero meron pa talaga siyang natitirang pwersa sa kabila ng kanyang kondisyon. O ako lang talaga tong wala nang lakas kasi medyo nahihilo na rin ako.

“Kiss mo na ako sa pisngi ko i-kikiss kita sa lips.” Pilyong bulong nito.

Kilig na kilig silang lahat habang nakatingin sa amin. Yung iba pa nga ay parang kailangan na ng paramedics eh. Mukhang baliw na habang naghahampasan.

At ako? Jusko po. Kinilabotan ako sa tono ng boses niya. Nagsitayuan ang balahibo ko sa braso at hindi ko maikalma ang sarili kong natataranta.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata dahil hindi ko na kayang iharap ang mukha ko sa kahihiyan. Si Boss Ganda talaga pasimuno nito. Sinakyan pa ng lasing na ito.

Dahan-dahan namang tumayo ang balahibo ko sa leeg ng makaramdam ako ng mainit na hininga. Oh nga pala, pareho pala kaming 5’6 ni Jc kaya nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Maingat kung ginalaw ang ulo ko para lumingon sa kanya at nahagilap ng mata kong nakayuko ang ulo niya.

Maingat kong ginalaw ang kamay ko at mukhang lumuwag na ang pagkakagapos niya sa kamay ko na nasa likod. Tulog na ba siya?

“Tae! Gising pa kayo!?”

Kalahati ng members na nakarinig ay lumingon sa kung saan galing ang nagrereklamong boses.

Naidilat ko naman ang mata ko dahil sa curiousity.

Bumilis ang kabog ng puso ko ng makita ko ang imahe ng isang lalaking papalapit sa amin. Parang tatalon na mula sa rib cage ang puso ko. Bahagyang nanginig ang kamay ko at nanlamig. Napalunok nalang ako para maitago ang nararamdaman kong nerbyos.

Dahil hindi magawang humakbang ng mga paa ko ay binitawan ni Jc ang mga kamay kong ginapos niya sa likod ko saka tinulak palayo sa kanya.

Nilingon ko siya at nakayuko parin naman ang ulo niya. Sa tangin ko, kahit hindi siya lumingon ay kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na yun.

“Gising ka pa pala, Boss? Akala ko knock out ka na.” Nakangising pahayag ni Otso.

“Sa ingay niyo pa naman.” Usal naman ni Uno habang naglalakad sa kinaroroonan namin.

“Sinong gising pa dun?” Nakatingin pa rin siya kay Uno hanggang sa umupo ang binata sa tabi namin.

“Paakyat na sila.” Maiksing sagot nito saka humigop sa kanyang kape.

“Champion ngayon ang mga girls.” Papuri pa ni Jhunz habang naglalakad papunta sa kinaroonan ng iba.

“Bakit kayo lang? Hindi pwedeng wala kami.” Reklamo pa ni Juviler na nakasunod sa likod ni Jhunz.

Nakangiti namang nakasunod sila Akinka, Rhuji, Ceejay, at Nono.

Habang abala ang mga binatilyong humanap ng masisingitan sa mga dalagitang nakaupo in circular form, napakurap naman ako ng makita ko si Ceejay na dahan-dahang naglalakad at saka pa nakabalik ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Agad ko naman siyang sinalubong at niyakap. Niyakap din naman niya ako habang mahinang tinatapik ang likod ko.

“Napadami ata ang inom niyo?” Pagaalala ko.

Humiwalay siya sa yakap ko at pinagmasdan niya ang mukha ko. At sinuri ko rin naman ang mata niya kung nakita niya ba akong yakap ni Jc kanina.

“Okay lang ako.” Paniniguro niya na may kasamang nakakaakit na ngiti.

Isang maliit na ngiti ang naging sagot ko saka kinuha ang braso niya at nilagay ito sa aking balikat habang ang isang kamay ko naman ay nasa bewang niya, para suportahan siyang maglakad.

Umupo kaming dalawa sa tabi ni Almira kung saan ako nakaupo kanina at sinandal naman ni Ceejay ang ulo niya sa balikat ko, nang makaupo na kami.

“Tssk.” Dinig kong sumirit si Jc kaya sinilip ko siya sa gilid ng mata ko at nakita ko siyang naglakad papunta kay Boss Ganda, saka maingat na umupo sa tabi niya.

“Kailangan mong palitan ang dare mo.” Nakatuon ang atensyon niya sa amin , habang kinakausap niya si Boss Ganda.

Nilingon naman siya ni Boss Ganda na nakasimangot at mataray na nakataas ang isang kilay. Pahiwatig na hindi ito sang-ayon.

“Mateterminate ako.” Seryosong tugon nito sa kanya at lumingon para salubongin ang naiinis nitong mukha.

She just rolled her eyes in disagreement.

“Masyado naman kayong nagcecelebrate. Yung dare mo Ganda kay Primera.” Pahiwatig ni Otso sa mataas na boses.

Parang lobong pumutok na napalitan ng katahimikan ang lahat na kanina’y nagtatawanan. Umere ang tensyon na gitna ng katahimikan habang nahati ang tingin lahat. Yung iba nakatingin kay Boss Ganda, yung iba naman kay Jc at ang ilan ay nasa akin, lalong-lalo na si Almira at Jc. Nagaalala ang tingin ni crushmate habang walang emosyon namang nakatingin si Jc sa akin.

Kabadong nakatingin naman ako kay Boss Ganda kaya nagpalitan kami ng tingin. Mabilis naman na pinandilatan ni Jc si Boss Ganda. Nang maramdaman niya ang titig nito, sinulyapan niya ito ng may tipid na ngiti.

“Ay oo. Di ba i-kikiss mo si…” Mabilis na sumulyap si Boss Ganda kay Jc na masama parin ang tingin sa kanya, “S-Si Princebeybe.. Di ba, Prim?”

Matapos kong marinig iyon, nakahinga ako ng maluwag.

“Yowwn. Timing pala tayo.” Pangungutya pa ni Juviler.

Umagikhik ang ilan pero kadalasan ay nakangiti lang habang nakatingin sa amin ni Ceejay, lalo na si Jc na walang emosyon ang matang nakatingin. Maliban lang din kay Almira at Otso na parehong nakahalf-smile na mukhang dismayado.

Nakabungisngis na tumingin sakin si Ceejay na halatang kumikinang ang mata at ako naman ay kinagat ang ibabang lips ko para pigilan ang sarili kong bumungisngis. Kalahating pinikit ko ang aking mata at dahan-dahang nilapit ang mukha sa kanya. Nakasilip naman si Ceejay sa gilid ng mata niya.

Nang malapit ko nang mahalikan ang pisngi niya ay di inaasahang lumingon siya sa akin at walang pasabing nagtama ang labi namin.

Nanlamig ang buong katawan ko at mabilis na tinulak si Ceejay papalayo sa akin.

Tuwang-tuwa ang lahat na halatang kinikilig ngunit nanlaki naman ang mata ni Jc sa gulat habang ako naman ay bumilis ang aking paghinga at parang tatalon na mula sa rib cage ko ang puso ko.

“Nagtama ang lips nila.” Mahina at di makapaniwalang usal ni Jc.