Chapter 12: Twelve (12)

Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?

Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.

Jc: 🎼 Natapos na ang lahat

Nandito pa rin ako

Hetong nakatulala sa mundo

Sa mundo

🎼 Di mo maiisip

Di mo makikita

Mga pangarap ko para sayo

Para sayo

🎼 Hoh Oh Oh Hoh

Hindi ko maisip kung wala ka

Hoh Oh Oh Hoh

Sa buhay ko

🎼 Nariyan ka pa ba?

Di ka na matanaw

Kung merong madaraanang pasulong

Pasulong

🎼 Hoh Oh Oh Hoh

Hindi ko maisip kung wala ka

Hoh Oh Oh Hoh

Sa buhay ko 🎼

Effective ang malambot na pagtapik niya sa likod ko habang kumakanta dahil hindi na ako makapagsalita at hindi ko na nagawang taposin ang kanta. Kahit ibuka ko pa ang bibig ko ay walang lumalabas na salita. Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa balikat.

Makalipas ang ilang minuto ay akmang hihiwalay na siya sa pagkakayakap ng pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Ayaw kasing tumigil sa pagluha ng mga mata ko at ayokong makita niya.

Kaya talagang palabasin ng inumin ang kahit anong emosyon na nakatago sa puso mo kapag tinamaan ka na.

“Hindi naman nakakabawas sa paglalaki ang umiyak.” Mahinang pagkakasabi niya habang marahan na tinatapik ang likod ko.

Nagpumilit pa rin akong magsmirk kahit nanginginig ang labi ko, “Sinong umiiyak?”

“Patingin nga ng mukha mo.” Sagot nito.

Bago pa man siya makadistansya para tignan ang mukha ko ay hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi naman siya nagreact. Patuloy niya lang tinatapik ang likod ko ng dahan-dahan.

Jc: 🎼 Ngayo’y aking inuunawang pilit

Mga pagkukulang kong iyong ginigiit

Sana’y malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking iniintindi

🎼 Nakatanim pa sa’king alaala

Pangako mong mananatili ka

Kaya paglisan mo’y naiwan ang pusong ito na ngayo’y bitin na bitin

🎼 Di mo na mababawi

Iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba’t ikaw narin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas

Bakit nga ba ako iyong pinaasa?

🎼 Na sa’kin guni-guni lang Malamig mong tinig

Kasabay ng hangin na dumarampi

Na para bang ika’y nariyan sa aking paligid

Tahimik na nagmamasid

🎼 Di mo na mababawi

Iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba’t ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas

Bakit nga ba ako iyong pinaasa?

Huminto na ako sa pagkanta pero luha ko hindi parin huminto sa pag-agos. Hinayaan kong malunod ako sa emosyon at luha ko sa pagkakataong ito. Para matapos na tong sakit na nararamdaman ko.

Rhea: 🎼 Wag mong isipin yun

Hindi ka nun mahal

Wag yang katangahan mo ang pinapairal

Alam mo nang niloloko ka niya

Pero nagbubulagbulagan ka

Di mo ba napapansin nakekengkoy ka na

Kengkoy?? Mukha na ba talaga akong kengkoy? Kanta nga naman ng Siakol, the best na pang move on.

Nagkusang ngumiti ang labi ko kahit nanginginig ito sa kakatulo ng luha ko. Pinunasan ko muna ang luha ko saka dahan-dahang tinulak siya habang hawak ko ang magkabilang balikat niya. Upang mapagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang kumakanta.

Rhea: 🎼 Wag manghinayang don

May mas babagay pa

Igala-igala mo lang ang iyong mga mata

At kung sa pag-ihip nitong hangin

Dama mo na ikaw ay napuwing

Problema mo’t iyong suliranin aking aalisin

🎼 Tumingin ka sa iba at iyong makikita

Di ka iiwan di na magiisa

Tumingin ka kung saan kikislap ang iyong mga mata

At gugulong ka sa kakatawa

Hahaha

Masaya di ka na mangangamba

Di ka na magmumukhang tanga

At kung manhid ka kasi mahal mo pa siya

Naku umayos ka

Marami pang iba 🎼

“O nga naman. Hindi lang siya ang nagiisang babae sa mundo.” Nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para makapagsalita matapos kung malunod sa luha.

“Yan dapat tatandaan mo. Maraming nagmamahal sayo.” Paliwanag niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

“Tulad mo?” Agad ko namang dugtong.

“Syempre. Kaibigan kaya kita.” Casual nitong sagot na hindi nawawala ang ngiti sa mukha.

LEGENDARY!

Ang sarap na sana sa pakiramdam, dinugtungan pa niya ng masakit na salita.

Kinuha ko nalang yung baso ko saka uminom habang nakatuon ang atensyon sa baso ng mga tanong. Dalawa nalang ang naiwan. Tig-iisa kami.

“Dalawa nalang pala ang naiwan.” Wika ko.

Lumingon naman siya sa baso ng mga tanong, kinuha yung baso at inabot sa akin, “Kunin mo yung isa tapos sabay nating basahin ng malakas.”

Kinuha ko naman yung isa tapos kinuha na rin niya yung natitira at binalik ang baso sa kinalalagyan nito.

Rhea: Sino Crush mo sa clan?

Jc: Kanino ka inlove ngayon?

(🎼Background song playing🎼)

Magkasabay naming binasa ang tanong at kalaonan ay nagkatitigan kami, habang siya naman ay bahagyang napanganga na nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. Ako naman ay biglang namental block at tulalang nakatingin sa kanya.

(🎼Kung pwede lang wag mo na tong iwasan

At wag mo ring ituring na biro

Marahil ito’y di mo inaasahan

Pero sana’y wag ipinid ang pinto

Itikom ang bibig

Mata’y ibaling sakin

Pakinggan mo ang sasabihin ko🎼)

Sasagotin ko ba yung tanong? O huhubarin ko ang checkered polo ko? Wala namang magiging problema kung huhubarin ko, lage naman akong may inner na white t-shirt. Walang ni isang salita o kung ano man ang pumapasok sa isip ko. Tuluyan na talagang naghang ang utak ko at di magawang magfunction ng brain cells ko.

Bakit nga ba ako nagiging blangko kapag tinititigan ako ng ganito ni Rhea? Kaibigan ko lang naman tong magandang nilalang na nasa harapan ko.

Kaibigan nga lang ba o Ka-ibigan??

(🎼 Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba pagsisigawa

Na di mo na pagkakailang tayo

Kayrami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo 🎼)

Magkasabay naming nilagay sa sa tabi ng baso namin ang kapirasong papel at magkasabay din naming hinubad ang checkered polo ko at maong blazer niya at nilagay din sa tabi ng baso namin, na hindi pinuputol ang eye contact naming dalawa.

Bigla ulit akong naging bato sa kinauupuan ko at tumindig ang balahibo ko sa batok.

Aksidenteng napunta sa makinis niyang kutis ang mga mata ko at doon napako ang tingin ko ng ilang minuto. Nakasleeveless dress pala siya kaya nakamaong blazer siya. Pero mas lantad ang ganda niya kung hindi niya suot ang blazer.

Parang tinutulak ako ng Scotch para lumapit sa kanya at hawakan ang makinis niyang kutis, pero relax lang Jc. Kontrolado ko pa naman sarili ko.

(🎼 Ang diwa ko’y tigib sa kaiisip

Sa sarili laging may kinikimkim

Patuloy lamang bang mananaginip

At mananatili lang na nakapiki

Ako’y mayrong batid

Ito’y iyong pag amin

Hindi na natin maiiwasan to 🎼)

“Bakit di mo sinagot yung tanong?” Tanong niya makaraan ang ilang minuto pero mukhang nagaalangan siyang magtanong.

“D-Di mo nga rin sinagot yung sayo.” Muntik na akong mautal at binaling ko ulit ang atensyon ko sa mata niya.

Namumula na ang mukha niya at may konting pawis sa gilid ng noo niya. Mukhang lasing na siguro siya pero sinusubukan niya paring maging normal.

“Sagotin mo yung sayo, tapos sasagotin ko yung akin.” Paliwang niya na parang napipilitang siyang bigkasin ang salitang binitiwan niya.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at humakbang papalapit sa kanya, ng hindi pinuputol ang titigan. May gap pa rin naman sa pagitan naming dalawa.

“Lady’s first.” Mahina at seryoso kong tugon.

Lumunok muna siya at huminga ng malalim saka binaling ang tingin sa sahig, “Ikaw ang crush ko sa clan.”

Aaminin kong may epekto sa akin ang sinabi niya pero sa dami ng nainom ko, mukhang ayaw tanggapin ng isip ko ang sinabi niya. Wala naman talaga seryoso sa mga pinagsasabi namin kasi pareho kaming nakainom.

Nakatingin parin ako sa kanya ng walang ngiti o isang sagot. Lumipas ang ilang segundo na pinagmamasdan ko kung gaano siya kaganda at kalaonan ay binalik niya ulit ang tingin niya sa akin na nagtataka.

“In love ako ngayon…. Siguro sayo..” Pagdadalawang isip ko.

(🎼 Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba pagsisigawa

Di mo na pagkakailang tayo

Kayrami nang pinagdaanan

Ano paba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo 🎼)

Nagaalangan akong sumagot kasi hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Malamang impluwensya lang to ng Scotch. Nahihilo na kasi ako at malabo na ang paningin ko na parang dumadalawa.

Pero pano ba yan? Lumabas na mismo sa bibig ng kalasingan ko. Napasubo na ako at anjan na tayo. Babawiin ko pa ba?

Tinitigan ko siya ng sobrang seryoso sa mata habang pulang pula ng mukha niya at mukhang nagpipigil ng isang ngiti. Humakbang ulit ako papalapit sa kanya para alisin ang gap namin sa isa’t isa. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para abotin ang konting buhok malapit sa pisngi niya. Ginamit ko ang daliri ko para isabit ito sa tenga niya.

Nanginginig ang kamay ko pare at pinagpapawisan. Shit! Sobrang lakas ng kabog ng puso ko parang sasabog dibdib ko.

Binaba ko ang kamay ko sa batok niya at doon ko nakita sa mukha niya na may epekto ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya at bahagyang nilayo niya ang mukha niya sa akin. Pero mahina ko namang hinila ang batok niya para lumapit ang mukha niya sa akin. Muling nagkadikit ang dulo ng ilong namin at nararamdam ko ang mainit at tensyonado niyang paghinga sa mukha ko.

“Kalma ka lang. Tayo lang ang nandito.” Mas nakakatakot pa sa inaasahan ko ang tono ng pagkakasabi ko dahil nanindig ang balahibo ko sa braso.

Pati ako kinikilabotan ako sa sarili ko.

Ramdam kong bumilis ang paghinga niya at pinagpapawisan siya ng malamig.

Tang ina lang! Gagawin ko ba talaga to? Kahit kabado ako pinapalakas ng Scotch ang loob ko para ituloy ang tumatakbo sa isip ko.

Bahala na si Batman!

Kung sasagot siya, babaha ng luha sa buong clan pero kung umayaw siya, lasing lang talaga ako.

(🎼 Itikom ang bibig

Mata’y ibaling sakin

Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba pagsisigawan

Na di mo na pagkakailang tayo

Kayrami nang pinagdaanan

Ano paba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo 🎼)

Dahan-dahang nilalapit ko ang labi ko sa labi niya. Pero bago pa man magdampi ang labi namin, bigla niya akong tinulak ng malakas at tumama ang likod ko sa upuan.

Lintik! Ang sakit ng likod ko!

“Kapag g-ginawa mo yan. M-mamamatay na talaga ako.” Nauutal pa nitong sabi.

Napasmirk ako habang minamasahe ko ang likod ko, “O nga pala. Hihimatayin ka nga pala sa sobrang sarap kong humalik.”

May parte ng utak ko na bumubulong ng panghihinayang dahil di natuloy 😁

Nakasimangot ang mukha niya na halatang nagkukunwaring galit, “Ang yabang mo. Akala mo kung sinong good kisser.”

Napahagalpak ako sa tawa sa tumalikod, “Ihatid mo muna ako sa guest room. Kelangan ko ng matulog.”

“Hu?”

Mukhang absentminded siya kaya nilingon ko ulit siya. Sobrang pula ng mukha. Siguro dulot ng nainom namin at halatang nagloloading ang histura niya.

“Ihatid mo muna ako sa guest room. Lasing na ako.” Casual kong inulit ang sinabi ko.

Napakurap siya ng isang beses saka tumingin sa ibang dereksyon, iniiwasan ang tingin ko, “K-kelangan ko ng u-umuwi. Mapapagalitan na talaga ako ni ate.”

Ngumiti ako sa naging reaksyon niya, “Pinagpaalam na kita kay Cyrel. Bukas ng umaga na kita ihahatid.”

“Talaga?” Nanlaki ang mata niyang lumingon sa akin, “Galit ba siya?”

“Relax. Pumayag naman siya kahit medyo nasigawan niya ako.” Kalmadong sagot ko.

Lumunok siya at binaling ang tingin sa sahig.

“S-Saan naman ako matutulog?” Kabado niyang tanong na parang nagdadalawang isip siyang magtanong.

“Sa guest room kasama ko.” Sagot ko na may kasamang pilyong ngiti.

Muli siyang tumingin sa akin na nanlalaki ang mata habang konting nakanganga ang bibig, “A-ano? D-dito nalang ako matutulog sa l-labas.”

Saglit akong humalakhak at lumapit sa kanya. Maingat kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya para maglakad.

“Sa sahig naman ako matutulog. At wag kang magalala, walang mangyayari sa atin.” Pinagdiinan ko ang huli kong sinabi para maniwala naman siya kahit lasing ako.

Hindi na siya komuntra at naglakad na kami papunta sa guest room. Ramdam kong tinitigan niya ako ng matagal at kalaona’y tumingin siya sa magkahawak naming kamay. Tahimik lang siya at halatang nakikiramdam.

Hawak ko parin ang kamay niya ng makarating kami sa guest room. Binuksan ko yung pinto at magkasabay kami pumasok saka sinara ko yung pinto.

“Jan ka sa kama, sa sahig ako.” Tugon ko at binitawan ang kamay niya at pumunta sa kabinet na nasa corner ng kwarto para kumuha ng matutulogan.

Naiwan siyang nakatayo malapit sa pinto at nakatingin sa akin habang abala ako sa pagaayos ng matutulugan ko.

“Matulog ka na.” Tugon ko sa kanya ng matapos ko ng ayusin ang higaan ko.

Humiga na ako bago pa man siya makasagot.

Dinig ko ang bawat hakbang niya papalapit sa kama at umupo ito sa dulo. Ramdam ko ang mga mata niya sa akin na parang ini-examine niya kung natutulog na ba ako. Pero pinalampas ko na yun dahil antok na antok na ako. At kailangan ko ng matulog.

Kalaonan, umakyat na siya sa kama at mukhang nahiga na rin.

Dumaan ang ilang minuto ng katahimikan at dahan-dahan kong binuka ang aking mata. Maingat akong bumangon at lumingon sa kanya.

Natutulog siyang nakaharap sa pinto at abot hanggang leeg ang kumot niya.

Dahan-dahan akong tumayo at maingat na umupo sa kama, malapit sa ulo niya. Hinawi ko ang konting-buhok na nakatakip sa mukha niya upang mapagmasdan ko siya ng maayos.

Ang weird ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Yung feeling na parang katabi ko lang si Crista. Ang gaan ng pakiramdam ko. Yung pakiramdam ko kapag kasama ko si Crista ay nararamdaman ko sa kanya.

Yung pakiramdaman ko na lasing na ako at kung anu-ano nalang pumapasok sa isip ko na nagiging dahilan ng weird kong nararamdaman. Lakas ng tama ko kay Scotch.

Habang natutulog siya ay may biglang pumasok sa isip ko. Okay naman siguro kung gagawin ko tutal tulog naman siya at hindi niya rin naman maririnig.

Pero sana marinig naman niya.

Jc: 🎼 Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa

Kung ang gabi ay lumalamig

Taglay ko ang yakap mo

Ang init ng iyong pagmamahal

Ay walang kasing-alab

🎼 At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko

Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman

Hinarap ko ang kahirapan, minahal ko ang buhay

Ang langit ay abot-kamay lamang

Kung ako’y nasa piling mo