Chapter 9: Eight (8)
Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila’y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.
May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..
Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga putting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa putting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hanggang sa tuluyan nang tumiklop ang pakpak niya ng makalapit na siya sa akin.
Automatikong napaluhod ang isa kong paa at yumuko sa kanyang pagdating.
“Batid ko ang nasa isip mo kaya ako’y naparito.” Maamong wika niya.
“Pahintulutan sana ako ng aking kamahalan na gamotin ang sakit ni Cesha Laporre.” Paghingi ko ng kanyang pagsang-ayon sa pinakakagalang-galang kong paraan.
“Pinahihintulutan ko ang dalisay na ninanais ng aking anghel. Sa isang kondisyon,” Bigla kong naingat ang ulo ko upang mapakinggan ng mabuti ang kondisyon na sasabihin niya at nagtama ang aming mga mata, “Tatlong beses ka lang maaaring gumamot ng mortal at wag na wag mo na ulit gagamitin ang salamin ng panahon at oras.”
Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang kondisyon ay muling bumuka ang kanyang pakpak at tinakpan ang buong katawan niya habang unti-unting naglalaho sa putting liwanag. Ako naman ay napapatitig sa kanyang paglaho at nang masiguro ko namang tuluyan na siyang naglaho ay tumayo na ako at umupo sa upuan habang hinihintay ang paglaho ng putting liwanag na bumabalot sa buong lugar.
Nang tuluyan ng maglaho ang liwanag ay napahiga ako sa upuan at napabuntong-hinga ng napakalalim na tila isang lantang halaman.
Akala ko talaga sesermonan ako ni Saint Gabrielle.. Buti nalang pinalampas niya.
“Okay ka lang, Rhea?”
Bigla akong napabangon at umupo saka lumingon kay Jc. Oh nga pala, bumalik na pala sa normal ang lahat.
“Medyo nahihilo kasi ako.” Pagsisinungaling ko sabay hawak sa noo ko habang totoong nagaalala ang mga tingin niya sa akin.
Tumayo naman siya habang nakatingin parin sa madrama kong mukha, “Bumalik muna tayo sa ICU. Parang di ka pa ata kumakain.”
Di na ako nagsalita. Tumayo na rin ako at sabay na kaming naglakad pabalik sa ICU.
Pano ko naman kaya magagamot si Cesha ng hindi niya nalalaman? Kung idaan ko kaya kay Jc? Magkapatid naman sila ei. Konektado ang puso nila sa isa’t isa.
Nasa harap kami ng elevator ng bigla kong hinila ang kamay niya, “Maghagdan nalang tayo. Masyado na akong gutom para hintayin ang elevator.”
Bahagyang bumuka ang bibig niya para sumagot pero mukhang itinikom niya ulit ito at at sumunod na lang sa akin. Chance ko na ‘to para gamutin si Cesha.
Umaakyat kami sa hagdan papuntang ICU habang hawak ko ang kamay ni Jc. At habang on process kong ginagamot si Cesha ay kanina ko pa talaga napapansin mula sa gilid ng aking nga mata na kanina pa nakatitig si Jc sa akin ng sobrang seryoso. Para bang sinusubukan niyang pumasok sa isip ko at alamin kung bakit biglang hinawakan ko ang kamay niya. Malamang nagtataka siya kasi hindi pa kami ganun kaclose.
Pwede ba, John Carlo, wag mo nga ako tignan ng ganyan. Nadidistract ako ei. Nawawala ako sa concentration. Mas kinikilig ako kapag seryoso mukha mo.
Pagdating namin sa ICU, saka ko pa binitawan ang kamay niya. Tapos na rin kasi ang healing process ko, eksakto lang na makarating kami sa ICU, pero nakatingin parin siya sa akin. Which is nagiging awkward na sa pakiramdam ko.
Nilingon ko siya habang nakataas ang dalawang kilay na tila nagtatanong sa kanya kung may kung ano ba sa mukha ko habang nagpipigil ng isang matinding ngiti sa mukha.
Akmang magsasalita na sana siya ng bumukas ang pinto ng ICU at lumabas ang Doctora mula sa loob. Magkasabay kaming lumingon at nakangiti itong nakatingin kay Jc.
“Magandang balita.” Nagsimulang magsalita ang Doctora habang masaya itong nakangiti, “Normal na ang vitals at platelet count niya. Pwedeng-pwede na siyang idischarge bukas.”
Kitang-kita sa mga mata at mukha ni Jc ang abot langit na kaligayahan dahil sa magandang balita na natanggap niya. Sobrang saya niya.
“Talaga, Doc?” Excited pa nitong tanong.
Nakangiting tumango si Doctora, “Sabi ko sayo, tutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni Doctora.
“Narinig mo yun.” Tuwang-tuwa na sabi niya na kulang nalang ay tumalon siya, “Magaling na si Cesha at pwede na siyang idischarge bukas.”
“Magandang balita yan.” Hindi ko narin napigilan ang sarili ko at lumabas na sa mukha ko ang matinding kilig na kanina ko pa pinipigilan.
Bukod kasi sa masaya akong nagamot ko si Cesha, may kung anong kuryente kasing kumukurot sa labi ko na parang di ko mapigilang ngumiti kapag nakangiti si Jc lalo na kapag masaya siya. Para rin akong tatalon sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
“Salamat talaga, Rhea. Isa ka talagang anghel.” Nakabungisngis niyang pagpapasalamat na halatang mapupunit na ang kanyang bibig habang kumikinang ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Nakatingin naman ako sa masaya at nakakainlove niyang mukha ng walang ibang ginawa kundi kiligin at walang pigil na ngumiti na parang gusto ko nang magharlem shake sa sobrang tindi ng kuryenteng nararamdaman ko. Pakiramdam ko tuloy huminto ulit ang panahon at oras sa nakakamatay niyang ngiti habang naging hugis puso naman ang mga mata ko sa sobrang attractive niyang tignan. Lalo na’t tinawag niya pa akong anghel.. Which is…. True.
“Eheem.. Nasa hospital po kayo.” Narinig kong nagsalita si Almira para sirain ang napakagandang moment namin ni Jc.
Nakabungisngis kami pareho ni Jc ng magkasabay kaming lumingon sa kanya. At bago pa man ako makapagsalita, inunahan na ako ni Jc.
“Ano bang sinasabi mo?” Nakangiting sabi ni Jc sa kanya.
“Pinapaalala ko lang naman. Baka kasi sa sobrang ganda ng ngitian niyo ay makalimutan niyo kung nasan kayo at bigla nalang kayong maghalikan.” Pabirong sagot ng babaeng to na may kasamang nakakalokong ngiti sa mukha.
Natawa naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. Pwede rin nu, pero hindi pwede. Umayos ka nga, Rhea.
“Wattpad pa more, crushmate.” Bulalas ko.
“Totoo naman ah,” Agad naman na sagot niya saka binaling ang tingin kay Jc at tinuro siya, “Atsaka ikaw, san ba napunta yung kasungitan mo kanina? Tinangay ng magandang hangin?”
Nakangisi naman na abot hanggang tenga ang lalaking to habang nakatingin sa akin, “Tinangay ng magandang binibini.”
Ramdam na ramdam kong kumalat sa buong katawan ko ang di ko maintindihang kuryente habang umaakyat sa pisngi ko ang lahat ng dugo ko. Kaya naitakip ko nalang sa bibig ko ang aking kamay at nang di niya makita ang ngiti kong kinikilig.
“Ikaw ha, nakakatawa joke mo.” Ang tanging lumabas sa bibig ko na hindi nagiisip.
“Teka lang ha, bago pa man mauwi sa aminan ang eksenang to.” Muling nambara ng moment si Almira kaya napalingon ulit kami sa kanya. Hahampasin ko na talaga ang babaeng to. “Hinahanap ka pala ng ate mo, crushmate. Tinawagan niya ako kanina.”
“Anong sabi mo?” Parang lubong pumutok na naglaho ang ngiti ko sa mukha. Lagot ako.
“Andito ka. Magsisinungaling ba ako sa ate mo? Papatayin ako nun.” Katwiran naman niya.
“Hindi ka pala nagpaalam?” Tanong ni Jc na mukhang nagaalala sa reaksyon ng mukha ko.
Umiling naman ako saka lumingon sa kanya, “Wala pa kasi siya sa bahay ng umalis ako.”
“Umuwi ka muna. Baka nagaalala na yun sayo.” Tugon naman niya na naging dahilan ng pagkadismaya ko. Ayaw ko pa kasing umuwi.
“Bilisan mo na. Baka umusok na ilong nun.” Pangangapora pa ni Almira. Parang gusto ata ng babaeng to na umalis ako ei.
Tinitigan ko muna ng sobrang sama sa mata si Almira ng ilang segundo habang nakacrossed arm siya with teasing smile saka muling tumingin kay Jc, “Uuwi muna ako. Itext mo ako kapag nakalabas na ng hospital si Cesha.”
Nakangiting tumango siya saka tinapik ang ulo ko, “Syempre.”
Pagkatapos ng ilang segundong titigan ay tumalikod na ako at iniwan sila. Parang ayaw pa ngang matanggal ng mata ko sa nakangiting mukha ni Jc.
Naglalakad ako papunta sa elevator ng bigla kong maalala si ate. Lagot talaga ako nito. Hindi pa naman ako nakapagpaalam. Sana hindi niya ako sermonan paguwi ko. Ang ganda pa naman ng mood ko.
- Jc’s POV –
Pumasok na kami ni Almira sa ICU ng makita kong tuluyan ng umalis ai Rhea. Nakita kong gising na si Cesha at nakaupo ito sa kanyang kama. Wala nang nakakabit na tubo sa kanya at maaliwalas ang mukha niya. Mukhang mabuti na nga ang pakiramdam niya.
Tumatalon sa tuwa ang puso ko nang makita ko muli ang ngiti niya sa mukha. Napatakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Kuya, nagugutom na ako.” Bulong ni Cesha habang yakap ko siya.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang lunch box na dala ni Rhea na nakalagay sa bedside table at iniabot sa kanya, “Kumain ka na tapos bukas pwede na tayong umuwi ng bahay.”
Nakangiti ang munti kong kapatid habang binubuksan ang lunch box. Tuwang-tuwa siya ng bumulaga sa kanya ang ginataang tilapia. Nagtungo naman ako sa sofa chair na tinulugan ko kanina at umupo habang pinagmamasdan ang kapatid kong nageenjoy sa pagkain.
Gumaan bigla ang pakiramdam ko ng makita kong ngumingiti na si Cesha at muling naging masigla. Siya nalang ang nagiisa kong pamilya kaya sobrang mahal ko talaga siya. Talagang may awa ang Diyos dahil dininig niya ang dasal ko.
‘Ikaw yung gusto ko! Wag mo nga akong itulak kay Princebeybe!’
Biglang nagechoe sa isip ko ang sinabi ni Rhea nung nasa ground floor kami. At di ko man lang namalayan na unti-unti na pala akong napapangiti.
Ako? Gusto niya? Kalokohan…
Sinabi niya lang yun para gumaan ang pakiramdam ko dahil alam niyang may pinagdadaanan ako.
“Uuyyy.. Ang ganda ng ngiti niya.” Pangaasar pa ni Almira ng mahuli niya akong nakangiti.
Isa pa talaga itong babaeng to. Ang galing manggatong.
“Hu?” Naguguluhan ako ‘kunwari’.
“Sa sobrang ganda ng ngiti mo, pati bagyo matatakot na magland fall sa pilipinas.” Nagpatuloy siya sa pangaasar niya.
Kumot naman ang noo ko sabay tingin sa kanya, “Wag mo nga lagyan ng malisya. Natutuwa lang ako dahil magaling na si Cesha. Kamuntik ko nang mamatay dahil sa namgyari sa kanya.” Pangangatwiran ko na para bang naging deffensive ako.
“Talaga ba?” Halatang hindi siya naniniwala sa kasinungalingan ko, “Baka naman iniisip mo si Rhea?”
Akmang sasagot na sana ako ng biglang sumabat sa usapan ng matanda si Cesha.
“Ate Almira, sino si Rhea?” Inosenteng tanong ng kapatid ko.
At kay Almira pa talaga siya nagtanong. Kalokohan lang isasagot niya.
“Bagong iniibig ng kuya mo.” Pangaasar pang sagot ng babaeng to.
Sinasabi ko na nga ba. Naunahan niya pa akong sumagot.
“Hoy, Almira Antopina! Wag mo nga kwentuhan ng kung anu-anong kalokohan si Cesha.” Sita ko sa kanya na halos tumaas na ang boses ko.
Nakasimangot namang tumingin sakin si Cesha, “Hindi mo na mahal si ate Crista? Magtatampo talaga siya sayo.”
Napabuntong hinga na lamang ako at tumayo saka lumapit sa kanya, “Kumain ka nalang. Si ate Almira muna ang magbabantay sayo. Aayusin ko lang ang discharging bill natin para makauwi na tayo.” Habang mahinang hinahaplos ang buhok niya na sana naman ay naibaling ko sa pagkain niya ang tanong niya kanina.
Nakayukong tumango naman siya at nagpatuloy sa pagkain na hindi na muling nagtanong ng kung ano pa man.
“At ikaw naman,” Sabi ko habang naglalakad papunta sa pinsan kong sira-ulo, “Bantayan mo muna si Cesha. Aasikasohin ko lang ang discharging bill niya.”
“Ah…. Akala ko si Rhea ang aasikasohin mo.” Pangaasar niya pa na may kasamang pilyang ngiti.
Sarap batukan ng babaeng to. Kung di ko lang talaga pinsan….
“Tumigil ka na.” Babala ko sakanya sa kalmado kong tono saka tinalikuran siya at naglakad papunta sa pinto.
“In denial ka pa rin kahit na-fall ka na sa kanya.” Sagot niya bago pa man ako tuluyang makalabas ng pinto, “Ganyan ka rin dati kay Crista.”
Bigla akong natigilan at panandaliang napako sa harap ng pinto ng marinig ko ang pangalan ni Crista.
Bumuntong hinga nalang ako at pinakalma ang sarili saka tuluyan ng lumabas ng ICU bago pa man mahalata ni Almira na affected pa rin ako kapag naririnig ko ang pangalan niya.
In love na ba talaga ako kay Rhea? Parang di pa naman ata… Di pa??? Baliw…
Parang nahawa na ata ako sa kalokohan ni Almira.
Ang weird kaya ng babaeng yun. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko kapag kumakanta siya. Parehong-pareho ng nararamdam ko kay Crista kapag kausap ko siya. Parang hinehele ako ng isang anghel.
Umiling ako ng ilang beses habang nakapikit ang aking mata upang alisin ang kung ano mang kabaliwan na nasa isip ko.
Tsskk.. Ano ka ba naman, Jc.. Ayusin mo nga yang pagiisip mo. Wag puro kahibangan ang pumapasok sa isip mo.
Basta isa lang ang sigurado ako ngayon…
Kaibigan ko si Rhea Castino
At
Matagal ko nang mahal si Crista Segovia.
- Rhea’s POV –
“At san ka naman galing?” Agad kong narinig ang boses ni mayora estie ni ate ko pala pagkapasok ko ng bahay.
Napalingon ako sa living room kung saan nanggaling ang boses at naroon si ate Cyrel nakaupo sa sofa kaharap si Ceejay. Mukhang naguusap sila.
Si Ceejay?? Ano na naman ang ginagawa ng mokong na to dito???
“Galing ako sa hospital. Kasama ko si Almira.” Napilitan akong magsabi ng totoo dahil umamin si Almira sa kanya.
Nagkaroon ako ng pagkakataon para tignan si Ceejay at patayin siya sa tingin. Habang siya naman ay nakangiti lang na dinededma ang nakakamatay kong tingin sa kanya. Naku! Kung pwede lang na tadtarin kita jan…
“Ba’t ganyan ka makatingin sakin? Hindi na ba kita pwedeng bisitahin?” Aabot na ata sa tenga ang ngiti ng lalaking to.
“Wala akong sakit kaya makakaalis ka na.” Pagsusungit ko.
Hahakbang na sana ako papunta sa kwarto ko ng sitahin ako ni ate. Bawal na magwalk out kapag nagfliptop na siya.
“Rhea Castino! Ayusin mo yang ugali mo. Maayos siyang pumunta dito kaya kausapin mo ng maayos.” Sermon pa ni ate.
Hindi man nakasimangot ang mukha niya pero halata sa tono ng pananalita niya na naiinis siya. Nakakatakot si ate kapag nakapoker face siya. Kaya no choice na ako kundi lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni ate. Kahit gustong-gusto ko ng pumunta sa kwarto ko at maglaro ng dota. Tatadtarin lang ako ng sermon niya kapag nagpatuloy ako sa pagwalk out.
“Ano ba kasi ang kelangan mo?” Naiinis kong tanong.
“Teka, ikukuha ko muna kayo ng maiinom.” Sabi ni ate bago pa nakasagot si Ceejay at tumayo na siya at nagtungo sa kusina.
Huminga ng malalim si Ceejay ng makatalikod na si ate saka nagsimulang magsalita, “Okay lang ba sayong ligawan kita?”
Bahagyang napanganga ang bibig ko at nanlaki naman ang mga mata ko.
Ceejay Gonzaga, okay lang ba? Kakakilala lang natin, manliligaw ka na agad?? Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin o kung paano ako magrereact. Wala sa plano ei.
“Hindi ko alam kung nangaasar ka lang nun pero seryoso akong ligawan ka. Okay lang ba sayo?” Pagpapatuloy niya ng hindi ako sumagot.
Napabuntong-hinga ako at napakurap ng ilang beses saka napasandal sa sofa habang nakatingin sa ibang dereksyon. Nagiisip ng matinong isasagot. Hindi na ba gumagana ang utak ko? Kanina pa kasi nagloloading.
“Alam kong masungit ka, mataray at sarcastic. Pero unang beses pa lang na nakilala kita, sigurado na akong ikaw talaga ang gusto ko.” Dugtong pa ni Ceejay.
Ikaw na lalaki ka. Wag ko na nga dugtongan. Di ko na nga alam kung ano ang isasagot ko sa mga pambobola mo. Nakakahilo nang magisip.
Tinitigan ko nalang siya sa mata at pilit na binabasa kung sinsero siya sa mga pinagsasabi niya. Baka mamaya, pinagtitripan lang ako nito.
Pero wala akong nakikitang kung anong kakaiba sa mata niya. Seryoso siya sa mga sinabi niya at wala akong nakikitang bakas ng kahit kunting kasinungalingan. Sinserong sinsero ang mga mata niya at halatang umaasa siyang ‘oo’ ang magiging sagot ko. At mukhang kelangan niya rin ng seryosong sagot mula sa akin.
Napalunok muna ako para ayusin ang sagot na nasa isip ko, “Alam mo kasi Ceejay..” Natigilan ako ng biglang bumulaga sa amin si ate at naglagay ng isang petchel ng juice at dalawang baso sa maliit na mesang napapagitnaan namin.
Inobserbahan ko ang galaw ni ate kung narinig niya ba ang sinabi ni Ceejay. Ngumiti lamang siya sa amin at walang salita na umalis. Mukha wala ata siyang narinig.
Unless kung alam na niya ang dahilan ng pagpunta ng mokong na ito dito.
“Alam mo kasi Ceejay.” Sinimulan ko ulit nang sigurado na akong wala na si ate sa paligid, “Hindi pa kasi ako pwedeng magboyfriend. Magagalit ang ate ko.”
“Alam na ng ate mo. Sa kanya ako unang nagpaalam.” Seryoso ang tono ng kanyang pananalita kahit sobrang laki ng ngiti niya sa mukha. Ako na tuloy tong nahihiya sa kanya.
At nagpaalam na daw siya kay ate? Kaya pala ganun lang ang reaksyon ni ate kanina. Mukhang alam niya na ata ang tungkol dito.
“Talaga? At pumayag naman siya?” Pagtataka ko.
“Oo.” Naglaho ang ngiti nito sa mukha at napalitan ng seryosong tingin, “Seryoso ako sayo, Rhea. Promise. Hinding-hindi kita sasaktan.”
Kusang ngumiti naman ang mga labi ko. Hindi dahil kinikilig ako, kundi sa sinseridad niya.
“Sa isang kondisyon.” Naging seryoso ang tono ng pagkakasabi ko na naging dahil ng pagiging attentive niya, “Layoan mo si Anonymous.”
Biglang lumawak ang ngiti niya sa mukha na halos magpakita na ang lahat ng ngipin niya, “Ibigsabihin pumapayag ka nang ligawan kita?”
“Oo. Basta—”
“Yes!” Di ko man lang nagawang taposin ang sasabihin ko ng agad siyang tumayo at sumagot ng sobrang lakas na nagechoe sa buong bahay.
Nakataas ang dalawa kong kilay habang pinagmamasdan siyang nakangiti.
“Wag kang magalala, Rhea. Araw-araw kong ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal.” Tuwang-tuwa na sabi niya.
Nakangiti akong tumayo at lumapit sa kanya para yakapin siya. Ganitong-ganito rin siya nung naging kami dati. Bigla ko tuloy namiss kong paano niya ako ituring na dakilang reyna. At Ramdam kong tunay niya akong mahal sa higpit ng yakap niya sa akin.
“Salamat sa tiwala, Rhea. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo sa akin.” Bulong niya sa gitna ng aming yakapan.
Hindi ko na nagawang sumagot. Mas niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Speechless ba naman ako sa sobrang bilis ng nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na alam kung saan patutungo ang lahat ng ito. Halos lahat kasi nagbago. Blind na ako sa nangyayari at nakikisabay nalang ako sa agos.
“I love you, Rhea.” Bulong niya ulit na naging dahilan ng panlalamig ng buong katawan ko.
Imbes na kiligin ako sa sinabi niya, kinilabotan pa ata ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan.
I love you too, Ceejay??
Kabaliwan..
Confused na nga tong utak ko, dadagdagan ko pa ng panibagong kahibangan..
May natitira pa bang katinuan na mangyayari sa buhay ko??