Chapter 14: Fourteen (14)
“Late na nga ako ng 15 minutes tapos ito pa ang aabotan ko.” Panimulang sermon ng nagiisang Founder ng clan na si Uno habang palipat-lipat ang tingin sa mga officers na nasa harap niya, “Nono, Otso, hindi niyo ba talaga kayang controlin ang mga members ng wala ako? O napapagod na kayo sa mga posisyon niyo?”
“Wag mo talaga kaming mapagsalitaan ng ganyan, Uno.” Inis sa sagot ni Otso, “Fresh from airport pa nga ako, galing Manila. Dumeretso na ako dito dahil malalate ka.”
“Ginagampanan po namin ng maayos ang mga posisyon namin, Boss. Sadyang magagaspang lang talaga ang ugali ng mga newbie ngayon.” Pangangatwiran pa ni Nono.
“Bakit? Newbie ba yang nasa harap niyo?” Mababa pero naiinis na tugon ni Uno at sandaling nagkapalitan ng tingin sila Nono at Otso saka nagpatuloy ito, “Dalawang taon na si Primera sa clan habang 3 months na rin si Anonymous sa clan. Yan ba yung newbie niyo?”
Nanaig ang katahimikan sa buong kubo at muling nangibabaw ang tensyon. Walang gustong magsalita at halos lahat ng members ay nakayuko upang iwasan ang naiinis na tingin ni Uno.
Bumuntong hinga naman si Rhea habang nakayuko rin habang nang. gigilaiti parin si Marjorie habang nakakatitig kay Rhea. Para bang gusto nitong sunggaban muli.
“Team Leaders! Sais at Juviler! Wala man lang ba kayong aksyon na gagawin? Lumalaki na ang ulo ng mga alaga niyo!” Galit na pagpapatuloy ni Uno ng walang kumibong officer sa mataas na tono.
Nakatuon man ang ulo nila sa sahig, saglit namang nagpalitan ng tingin sila Sais at Juviler. Akmang magsasalita na sana si Sais ng biglang siniko siya ni Juviler. Kumonot ang noo ng dalaga at aksidenteng naiangat niya ang kanyang tingin kay Uno na kanina pa matulis na nakatingin sa kanilang dalawa.
Napakurap ang dalaga ng hindi sinasadya at muling yumuko.
“Boss Uno, pwedeng magsalita?” Sinubukang maging kalmado ni Sais ngunit nanaig ang kaba na kanyang nararamdaman, “Gusto sana naming tapusin ang problemang ito sa pamamagitan ng pagterminate ng isa sa kanila.”
Pagkatapos niyang bigkasin ang salitang terminate ay lahat ng tingin ay napunta sa kanya, lalong lalo na sila Almira at Jc na halatang hindi sangayon dahil sa nakakunot nitong noo.
Nakaramdam ang dalaga ng malamig na kamay na mahigpit na hinawakan ang braso niya kaya napalingon ito sa kanyang likuran at nakita niyang nakasimangot ang mukha ni Jc na tumingin sa kanya. Pagpapakita ng hindi pagsang-ayon ng binata.
“Wag kang mag-alala. Hindi mateterminate si Primera.” Bulong ni Sais sa binata na may nakakatiyak na ngiti at mapaglarong kindat.
“Ano, Lil_ron? Kelangan pa ba ng espesyal na utos mula sa akin?” Sarkastikong tugon ni Uno.
“Magteterminate nalang ba tayo ng walang maayos na paglilitis?” Naglakas loob na sumagot si Lil_ron na nakatingin kay Uno.
“Idaan naman kaya natin sa counseling para maging patas naman.” Dugtong pa ni Juviler na halatang nagdadalawang isip saka sumulyap kay Uno para makita ang magiging reaksyon nito.
“Lahat ng officers, labas.” Utos ni Uno, “Princebeybe, Primera, Four at Anonymous, labas.”
Isa-isang lumabas ang mga officers ng kubo kasunod ang pangalang nabanggit ni Uno. Ngunit nakaagaw ng atensyon nito ang walang reaksyon nila Almira at Jc na pinagmamasdan lang ang paglabas nila.
“Four.” Sita ni Uno.
“Para maging patas ang counseling, magpapaiwan ako. Baka sabihin pang may pinapaburan.” Defensive na paliwanag ni Four.
“Hindi bilang isang officer. Kundi sangkot sa problemang ito.” Katwiran naman ni Uno sa seryosong tono.
“Seryoso ka ba, Boss Uno?” Akmang pagpoprotesta naman ni Four.
“Pwedeng magcooperate ka nalang ng hindi nagrereklamo?” Tugon naman ni Uno.
Nakasimangot si Four ng saglit na tiningnan niya sa mata ang Founder saka inis na sumunod sa utos nito.
“Ano, Bibigurl? Special mention?” Sita ni Uno kay Almira.
“Sang-ayon ako sa sinabi ni Four----”
Nakayuko ang dalaga ng sabihin niya ito ngunit pinagtaasan siya ng boses ni Uno bago pa man niya matapos ang kanyang pahayag.
“Labas!”
“Bakit ba ang init ng ulo mo!?” Agad na iniangat ni Almira ang tingin niya kay Uno at pinantayan ang mataas nitong boses.
“Ang lamig ng panahon. Gusto kong magpainit.” Katwiran ng binata na may kasamang pilyong kindat.
“Eh di pumasok ka sa oven!” Pilosopong sagot naman ng dalaga saka tinalikuran siya at naglakad papalabas ng kubo.
“Anong klaseng sagot yan, Almira Antopina!?” Inis na sigaw ng binata habang nakasunod sa dalaga.
“Pambabara sa kakornihan mo, Lorenz Gabito!” Sagot naman ng dalaga habang patuloy lang sa paglalakad ng hindi nililingon ang binatang nakasunod sa kanya.
Nasa Garden ng park ang lahat ng officers kasama sila Rhea, Ceejay, Marjorie at Jc. Ito ang napili nilang lugar para sa counseling. Mula kaliwa hanggang kanan, magkakatabing umupo sa bench sila Marjorie, Ceejay, Rhea at Jc. Habang ang officers naman ay nakatayo sa kanilang harap.
“Sa GM area, alam ko ng may problema kayong apat. Lalong-lalo na kayo Primera at Anonymous.” Panimula ni Uno sa mahinahon na tono para kumalma ang dalawang may alitan, saka tumingin ito kay Rhea, “Ikaw ang unang nanginsulto sa GM, Prim. Ano ba talaga ang problema?”
Napalunok ang dalaga at pinagdikit nito ang kanyang mga kamay nang tumayo siya. Nagkasalubong ang tingin nila Uno at Rhea ngunit bago pa man makapagsimulang magpaliwanag ang dalaga ay sumingit si Nono.
“Paalala lang. Respeto tayo sa magsasalita. Walang sapawan para magkaintindihan.” Paalala ni Nono saka tumingin kay Rhea at nakangiting tumango, “Pwede ka ng magsalita.”
Kinakabahan niyang pinagdikit ang sariling kamay habang nagsimulang magsalita, “Alam naman siguro ng lahat na nililigawan ako ni Princebeybe..” Nagdadalawang-isip na natigilan ang dalaga. Nalilito kung itutuloy ba niya ang paksang nasimulan niya, “P-pero hindi alam ng clan na kami na pala.”
Pagkatapos ng kanyang pahayag ay napunta lahat ng tingin kay Rhea, lalong lalo na si Ceejay na nakangiting tumingin kay Rhea, si Almira naman ay gulat na nanlaki ang mga mata habang nagtatakang nagkasalubong ang kilay ni Jc.
“Assuming! Wala ka ngang featuring!” Pagpoprotesta ni Marjorie.
Nakakamatay na tingin ang tinuon ni Rhea sa kanya at nagkasalubong ang mainit nilang mga tingin. At bago pa man makapagpanginsulto si Rhea ay naging alerto naman si Lil_ron.
“Anonymous, hindi pa siya tapos.” Mahina ngunit mariin na pagkakasita ni Lil_ron.
Simangot lang ang tanging naiganti ni Marjorie at tuluyan ng tinikom ang bibig.
“Matagal ko na siyang pinagsasabihan na dumistansya kay Princebeybe. Pero sa sobrang kapal ng mukha niya, siya pa ang may ganang manakit.” Pagpapatuloy ni Rhea.
Kumunot ang noo ni Marjorie at ini-snob niya ang dalaga.
“Hindi mo ba talaga kayang layuan si Anonymous, Princebeybe?” Tanong ni Nono kay Princebeybe.
Agad namang nagkasalubong ang kilay ni Ceejay, “Wala naman akong dahilan para lumayo sa kaibigan ko.” Pangangatwiran pa nito.
“Ikaw rin naman, Anonymous. Dapat may limit na ang closeness niyo ni Princebeybe dahil may jowa na siya.” Puna pa ni Lil_ron.
Isang mataray na smirk ang lumutang sa mukha ni Marjorie saka hinarap ang tingin ng binata, “Yung closeness pala nila Primera at Four no limits?”
Ginalaw ng lahat ang tingin nila kay Jc na noo’y nakacrossed arms na nakayuko habang nakikinig sa kanila. Walang bakas ng reaksyon sa mukha ng binata maliban sa half smile nito kasabay ng pagtango.
“Sandali lang.” Muling pumagitna si Uno, “Alam naman natin na masyadong personal ang problema ninyong apat. Kung tutuusin, pwede niyo namang pagusapan ng maayos.” Palipat-lipat ng tingin si Uno habang nagsasalita upang mapag-aralan ang reaksyon ng apat, “Pero dahil apektado na ang clan, manghihimasok na kami kung inyong pahihintulotan.”
Halos magkakasabay lang na tumango ang apat habang nakatuon ang isip nila sa ibang bagay kahit nakatingin pa ito kay Uno. Nang inalis na ni Uno ang tingin niya kay Rhea ay umupo na ulit ang dalaga.
“Four,” Sambit ni Uno nang makatingin ito kay Jc, “Ano ba talaga status niyo ni Primera?”
Agad namang naiangat ni Jc ang kanyang tingin kay Uno at nagbitaw ng smirk, “Seryosong tanong ba yan, Boss? Nakakatawa pakinggan”
“Pwede bang sumagot ka nalang?” Tugon ulit ng Founder.
Isang maiksing tawa naman ang naging sagot ni Jc saka nagpatuloy, “Dalawang taon na kaming magkaibigan ni Primera ngayon mo pa gagawing issue?”
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong.” Naging seryoso ang tono ni Uno na naging dahilan para mawala ang smirk ni Jc sa mukha.
“Seryosong sagot? Wala akong gusto kay Primera at wala kaming relasyon period.” Mariing sagot ni Jc.
“Bakit kailangan niyo pang matulog sa iisang kwarto?” Agad na sumbat ni Ceejay kay Jc. Dinig sa tono nito ang pigil na inis.
“Kung matino kang lalaki, kakayanin ba ng konsensya mong pauwiin ang isang magandang dalaga ng hating-gabi?” Pangangatwiran pa ni Jc.
Muling nanumbalik ang mainit at matinding titigan ng dalawang binata. Poker pero kalmado ang tingin ni Jc habang nakasimangot ang mukha ni Ceejay.
“Uy, magandang dalaga.” Nakangising pangaasar ni Lil_ron kay Rhea.
Sarkastikong ngiti ang sinagot ni Rhea saka tumingin sa ibang dereksyon.
“Okay. Kailangan ng magdesisyon ng hukuman.” Pahayag naman ni Almira na nagpakalma sa mainit na titigan nila Jc at Ceejay.
Nagkumpulan naman agad ang mga officers sa harap ng apat na nakaupo. Nakatalikod sa kanila upang maiwasang mabasa nila ang kanilang pinaguusapan.
“Kahit naman ako. Kapag si Musaii natulog sa iisang kwarto kasama ang besfriend niyang lalaki. Hindi talaga ako komportable.” Paliwanag naman ni Nono sa mahinang boses. Tama lang na silang mga officers ang makakarinig.
“So wala kang tiwala kay Musaii?” Agad naman na sumbat ni Otso.
“Sa kanya meron, sa kasama niya wala.” Sagot ni Nono.
“Parang sinabi mo na rin na hindi mapagkakatiwalaan si Four.” Dugtong pa ni Otso.
“Grabe. Sa tagal ng pagkakaibigan nila Primera at Four, ngayon pa natin pagiisipan ng ganito?” Sumabat si Almira sa usapan.
“May boyfriend na siya di ba? Kaya may limitations na.” Dugtong pa ni Lil_ron.
“Ganun din dapat kina Princebeybe at Anonymous.” Sumali na rin si Sais sa uusapan.
“Malandi kasi si Anonymous kaya nagkakagulo ang mga magjowa sa clan.” Katwiran naman ni Otso.
“Ano sa tingin mo, Boss Uno?” Tanong ni Juviler sa founder nilang malalim ang iniisip.
“Nakapagdesisyon na ako.” Aniya Uno saka humarap sa apat na akosadong nakaupo.
Halos magkakasabay ring humarap ang officers sa apat. Kahit naiinip at naiinis na ang mga ito ay binaling na nila ang kanilang atensyon sa mga officers na nakaharap sa kanila.
“Posibleng isa sa inyo ang materminate.” Si Lil_ron ang nagsimula at tumingin ito kay Marjorie, “Anonymous, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ka ng kaaway sa clan at nasangkot sa gulo.”
Pinagtaasan lamang ni Marjorie ng kilay ang Terminator at tumingin na sa ibang dereksyon. Pagpapakita na hindi siya interesado sa mga sasabihin nito. Binalewala lang yun ng binata at lumingon kay Rhea.
“Primera, alam mong bawal ang trash talk sa GM area pero limang beses mo ginawa. Posible ka ring materminate.” Pagpapatuloy ni Lil_ron.
Isang kalahating-ngiti lang ang naging sagot ni Rhea saka tumango ito. Ngunit bago pa man makapagpatuloy si Lil_ron sa kanyang sasabihin, nagreklamo na naman si Jc.
“Seryoso? Iteterminate niyo siya ng dahil sa light offense?” Pagpoprotesta ni Jc.
“Nakapagdesisyon na ako.” Agad na sagot ni Uno bago pa man makasagot si Lil_ron.
“Sige. Kapag naterminate si Primera, quit na rin ako.” Pagbabanta pa ni Jc.
Lahat ng gulat nilang reaksyon ay nabaling kay Jc. Lalong-lalo na si Rhea na nanlaki ang mga mata at bahagyang nakanganga ang bibig.
“Hoy..” Sita pa ni Almira.
“Seryoso, Tol?” Dugtong rin ni Juviler.
“Oh sige. Magpafarewell party ka na dahil terminated ka na.” Agad na pahayag ni Uno at nagpalipat-lipat ng tingin sa apat.
Lahat sila nakatuon ang atensyon kay Uno. Nagaabang sa magiging dugtong ng kanyang pahayag na sadyang pinutol nito.
“Anonymous.” Dugtong ni Uno.
Nakabungisngis ng sobrang laki si Jc habang nakatingin ito kay Uno, “Akala ko magpapafarewell party na talaga ako.”
Tuwang-tuwa naman sila Juviler at Nono habang naglalakad ito papunta sa kinaroroonan ni Jc.
“Ano ka ba. Di namin kakayanin kapag nawala ang isang Four sa clan.” Biro pa ni Juviler habang nakapulupot ang braso nito sa leeg ni Jc.
“PERO!”
Biglang naglaho ang ngitiang nagaganap nang muling magsalita si Uno sa mataas na tono. Dahilan para muling ibalik nila ang kanilang atensyon sa kanilang Founder.
“May pero talaga, Boss?” Tanong ni Juviler habang magkasalubong ang kilay.
“Natural. May kondisyon.” Sagot naman ni Uno.
Dahan-dahang naglaho ang ngiti ni Jc nang magtama ang tingin nila ni Uno habang seryosong nakatingin naman si Uno sa kanya. Saglit na sumulyap ang Founder kay Rhea na noo’y nakatingin sa kanya at nagaabang sa sasabihin nito at binalik ulit ang tingin kay Jc.
“Oo na. Di mo na kailangang sabihin.” Tugon naman ni Jc.
“Ano yung kondisyon, Tol?” Pangungusisa pa ni Juviler.
Isang sinserong ngiti ang lumutang sa mukha ni Jc nang tumingin ito kay Rhea saka sumagot, “Para sa ikatatahimik ng relasyon nila Primera at Princebeybe, didistansya ako kay Primera.”
Nakakunot ang noo ni Rhea habang nakanguso nang lumingon ito kay Uno, “Boss Uno naman.”
“Yun ang kondisyon ko. Sana irespeto mo.” Pahayag naman ni Uno sa mahinahong tono.
“Ang unfair naman!” Reklamo pa ni Marjorie sa mataas at naiinis na tono, “Halos lahat kasi ng officers kaibigan ni Primera kaya nagkakampihan!”
“Pangalawang beses na nasangkot ka sa gulo, binigyan ka namin ng warning pero di ka nakinig kaya terminated ka na.” Paliwanag naman ng Founder sa mahinang tono.
“Pwede ka ng umalis, Anonymous.” Dugtong pa ni Lil_ron.
Nakasimangot si Marjorie nang magdabog itong tumayo at tumalikod sa kanila. Ngunit bago pa man ito makahakbang ay agad namang lumapit si Ceejay sa kanya.
“Marjorie,” Tinawag ni Ceejay ang dalaga, “Textmate pa rin naman tayo di ba?”
Umabot naman hanggang tenga ang ngiti ng dalaga, “Syempre naman.”
Ngumiti rin naman ang binata sa kanya, “Magiingat ka.”
“Ikaw rin.” Isang nakakaakit na ngiti ang binitawan ng dalaga sabay kindat saka tuluyan na itong tumalikod at naglakad na papalayo sa kanila.
“Tapos na ang counseling. Balik lahat sa kubo.” Utos naman ni Uno sa mataas na tono ng boses.
“May EB pa pala, Boss? Malapit ng mag-9.”Wika ni Nono.
“Natural. Dahil hindi tayo pwedeng magbonding ng hindi niyo kilala ang mga newbies.” Paliwanag naman nito.
Nauna nang maglakad ang kanilang Founder habang nakasunod sa likod nito sila Juviler, Nono at Jc, at sa likod naman ng tatlo nakasunod sila Sais, Otso, Lil_ron at Almira.
“Jc,” Mahinang tinawag ni Rhea ang binata.
Huminto naman sa paglalakad si Jc ng marinig niya ang boses ng dalaga, pati rin ang dalawang binatang kasabay nito.
“Kailan nga ba effective ang kondisyon? Walang nabanggit eh.” Sigaw ni Juviler sa Founder nilang nauna sa kanila.
Huminto naman si Uno sa paglalakad at lumingon sa kanilang dereksyon. Nakita niyang nakamasid sa kanya sila Rhea at Jc, nagaabang sa magiging reaksyon o sasabihin nito.
“Bukas.” Sagot naman ni Uno saka tinalikuran na sila.
“Sige, mauuna na kami.” Wika naman ni Juviler saka tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa leeg ni Jc saka tinalikuran sila.
“Kayong dalawa, balik agad sa kubo.” Bilin ni Nono saka sumunod na rin kay Juviler.
Nakangiti lang ang dalawa habang pinagmamasdan ang papalayong officers.
“Tungkol sa ginawa mo kanina,” Simula ni Rhea na tila nagdadalawang isip at lumingon naman si Jc sa kanya, “Dapat di mo na yun ginawa.”
“May tiwala ako kay Uno. Hindi yun magteterminate ng member kapag alam niyang matino.” Paliwanag naman ni Jc sa senserong tono na may kasamang ngiti.
Kanina ay nakatingin ang dalaga sa mukha ng binata, ngayon ay nakayuko ito nang magtama ang tingin nila saka pinagdikit niya ang kanyang mga kamay, “Yung kondisyon?”
“Kailangan kong tuparin. Baka materminate na talaga ako.” Paliwanag naman ni Jc at biglang naging seryoso ang boses nito.
“Pero kaibigan pa rin naman tayo di ba?” Pag-aalinlangang tanong ng dalaga.
“Oo naman.” Saka maingat na pinatong ng binata ang kamay nito sa ulo ng dalaga saka ginulo ang buhok nito, “Pwede ka naman pumunta ng party house kapag namiss mo ako.”
Iniangat ng dalaga ang tingin nito sa binata at nakita niya ang isang nagbibirong ngiti sa mukha nito at sinagot lamang ito ng matamlay na ngiti ng dalaga.
“Yung ngiti mo. Hilaw pa sa hilaw na mangga.” Puna ng binata saka inalis na nito ang kamay sa ulo ng dalaga.
“Naiinis parin kasi ako sa kanya.” Tugon ng dalaga at muling tumingin sa lupa.
“Sa isang pagtatalo, hindi mahalaga kung sino ang nauna o ang may sala. Ang importante, pareho niyong pinapahalagahan ang relasyon niyo. Kaakibat nun ang pagbaba ng pride.” Paliwanag ng binata.
Muling inangat ng dalaga ang kanyang tingin sa binata at ngumiti ito ng sinsero. Ganun din ang binata sa kanya.
“Wow. Lalim ng hugot.” Panghihimasok pa ng nagiisang officer na akala nila ay umalis na.
Lumingon naman ang dalawa sa kung saan galing ang boses at nakita nila ito na nakacrossed arms na may kasamang sarkastikong ngiti.
“Almira?”
“Crushmate?”
Halos sabay nilang bulalas.
“Akala ko bumalik ka na sa kubo?” Dugtong pa ni Jc.
“Akala mo lang yun.” Sagot naman nito.
“Eh di bumalik ka na.” Utos naman ng binata.
“Oo. Bumalik na nga tayo.” Sagot naman nito na pinagdiinan ang huling salita saka kinaladkad si Jc para maglakad.
“Teka nga. Naguusap pa kami.” Protesta pa ni Jc.
“Kakatapos lang ng counseling pinsan kong gwapo.” Paalala naman nito.
“Alam ko. Bukas pa effective ang kondisyon.” Katwiran pa ng binata ngunit mas hinigpitan ni Almira ang hawak nito sa kamay ng binata.
Walang choice ang binata kundi sumimangot habang naglalakad sila papalayo kay Rhea. Huminto na ito sa pagprotesta at sumunod nalang sa kanyang pinsan.
Nakangiti lang si Rhea habang pinagmamasdan ang papalayo nilang imahe.