Chapter 17: Sixteen (16)

Third Person’s POV –

Tumunog na ang bell para maging hudyat na tapos na ang isang oras na klase ni Rhea sa NSTP.

“See you tomorrow, everyone.” Pamamaalam ni Ma’am MC saka naglakad na ito papunta sa pinto at nauna na itong lumabas sa kanila.

“Kitakits sa English mamaya.” Wika ni Almira at mahinang tinapik ang balikat ni Rhea.

Tumango lang ito habang nagliligpit ng gamit niya ng hindi nililingon si Almira. Nauna ng lumabas ang kaibigan nito ng room habang naguunahan naman ang mga kaklase niyang lumabas.

Dahan-dahan ang bawat hakbang niya papunta sa pinto habang nalulunod siya sa kakaisip tungkol sa naganap kanina. Hindi niya lubos maisip na muntik na siyang maging Fallen dahil sa sobrang kompyansa sa sarili at nakaligtaan niya ang tunay na misyon niya sa lupa.

Dahil sa sobrang nalulunod ang isip niya sa ibang bagay ay wala siyang kamalay-malay na dinala na umano siya ng mga paa niya sa ComLab 3. Natigilan siya sa paglalakad ng pakiramdam niya ay nasa kung saan siya at ginala ang kanyang paningin sa paligid.

Bumalik sa alala niya ang nangyari noong screening para sa Dota tournament na muntik na niyang ikapahamak. Sinuri niya ang bawat paligid at bawat sulok ng apat na kwadradong lugar upang masigurong ligtas ito at walang ano mang senyales ng hindi magandang elemento.

Alam naman niyang ligtas ang lahat sa mga oras na yun ngunit hindi parin siya komportableng naglakad papunta sa unit niya. Nasa mga wirings ang mga mata niya habang pasulyap-sulyap rin sa mga units.

“Hai Dota Girl.”

Isang binata ang bumati sa kanya mula sa mga classmates niyang lalaking nagkukumpulan sa likod ng unit niya.

Lumingon naman ang dalaga ng may ngiti sa binatang bumati sa kanya, “Hello kuya Wolverine.”

“Kayo na ba ni Gonzaga?” Tanong nito na kasabay ng paglingon ng mga binatang kasama nito kay Rhea.

Biglang nasamid ang paa ng dalaga sa paa ng upuan ng akmang uupo na ito sa kanyang unit. Marahan siyang napaungol sa sakit at itinaas ang paa para ilagay ito sa gilid ng upuan at marahang imasahe.

“Hindi pa naman.” Maiksing sagot nito matapos masahiin ang paa ng dalaga saka binaba na nito ang kanyang paa at pinunasan ang upuan.

“Naku, Castino. Kung ako sayo magdalawang isip ka na.” Pakikisawsaw pa ng isang classmate ng dalaga na kasama sa mga nagkukumpulan.

“Bakit naman? Perfect match kaya sila ni Gonzaga.” Dugtong ng isa pa.

“May nakita kasi akong magandang chick na kausap ni Gonzaga kanina. At sexy pa.” Kwento pa nung unang nakisawsaw at halos magkasabay silang nagbungisngisan.

Nagkasalubong naman ang kilay ni Rhea habang nakikinig sa kanila. Iisang pangalan ang biglang pumasok sa isip ng dalaga na mas sumira pa sa araw niya.

Tinalikuran niya na ang mga ito at dabog na umupo saka bahagyang hinagis ang bag nito sa ilalim ng computer table.

“Sexy nga ba talaga?” Nakangising pangungusisa pa ng isang binata na kasama sa mga nagkukumpulan.

“Ay sobra. Maputi. Bote ang katawan at ang iksi ng short.” Kwento pa nung unang nakisawsaw sa mga kasama nito habang takam na takam.

Pinilit ng dalaga na dedmahin ang naririnig niya mula sa kanyang likod pero kalahati ng isip niya ang gustong pumatay ng linta dahil sa narinig niya. Nakasimangot siyang nakatitig sa keyboard habang kung anu-anong pwedeng posibilidad ang pumapasok sa utak niya.

“Baka kaibigan niya lang?” Tanong pa ng binatang tinawag ni Rhea na wolverine.

Humalakhak ng malakas ang binatang nagkwento, “Kaibigan ba yung nakayakap sa tagiliran?”

Pagkasabi niya ay nagsitawanan silang lahat. Dahilan upang mas mainis ang dalaga. Naka-cross arms siya habang tinitigan ng masama ang keyboard, na parang gusto niyang putulin ito sa maliliit na piraso. Para lang mabawasan ang kaunting kahina-hinalang nasa isip niya.

“Hoy! Ang aga-aga ang ingay niyo!”

Sita ng binatang kakapasok lang sa mga binatang nagtatawanan sa likod ni Rhea. Naglalakad ito papunta sa unit kung saan nakaupo ang dalaga.

Kilala ng dalaga ang boses ngunit hindi siya nag-abalang tignan ito.

“Gonzaga, sino ba yung seksing chick na kausap mo kanina?” Bungad ng isang binata nang makalapit ito sa kanila.

“Manok lang ang makikipagusap sa sisiw.” Biro pa ni Ceejay na nakabungisngis.

“Ayusin mo sagot mo.” Nakangusong pangungumbinsi pa ng binatang tinawag ni Rhea na wolverine.

“Bakit? May ibang hayop pa ba na pwedeng kumausap sa sisiw?” Halos matawang pilosopo naman ng binata.

“Sige, wag kang umamin.” Pangungutya pa ng isang binata.

“Sige na nga, inaamin ko na.” Panimulang katwiran ni Ceejay na nakangiti parin ang mukha.

Biglang natahimik ang mga binata at seryosong nagaabangan ng magiging dugtong ni Ceejay sa paksang kanyang pinutol. Bahagyang ginalaw naman ni Rhea ang mga mata nito upang tumingin sa nakangiting mukha ng binata. Ngunit hindi napansin ng binata na ito’y nakamasid sa kanya.

“Pwedeng kausapin ng pato ang sisiw ng manok dahil sisiw rin ang anak niya.” Halos matawang paliwanag ng binata.

Magkasabay na humagalpak sa tawa ang mga binata habang inis na inalis ni Rhea ang tingin niya sa binata. Nakangiti naman si Ceejay na nagtungo sa bakanteng unit sa tabi ng dalaga.

“Wala na bang mas ikokorny yang joke mo?” Pangungutya pa ng binatang tinawag ni Rhea na Wolverine.

“Tumawa rin naman kayo.” Sagot nito saka umupo na.

“Hai.” Nakabungisngis na bati ni Ceejay kay Rhea.

Nakatitig parin ang dalaga sa keyboard habang nakacrossed arms na parang hindi niya narinig ang binata na bumati sa kanya.

“Natanggap mo ba ang rosas na pinaabot ko?” Mahinahong tanong ng binata ng hindi sumagot ang dalaga.

“Oo naman.” Maisking sagot nito na halos pabulong.

Naglakbay ang tingin ng binata sa bag ng dalaga hanggang sa mga kamay nito ngunit wala itong makitang bakas na may hawak itong bulaklak.

Nagkasalubong ang kilay nitong nagtataka, “Parang wala ata akong nakikita?”

“Binigay ko sa basurahan.” Kontroladong inis na sagot ng dalaga.

“Grabe ka naman.” Aniya ng binata.

Humarap si Rhea sa kanya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin habang nakacrossed arms na halos malibing na ang kanyang mga daliri sa kanyang braso dahil sa pang-gigil sa kanya.

“Nanliligaw ka ba o nakikiramay sa burol?” Sarkastikong sumbat ng dalaga.

Kunot ang noo na nagtatakang nakatitig ang binata sa mata ng dalaga, “Rosas ang binigay ko. Pulang rosas. Hindi putting chrysanthemum.” Pagdidiin niya.

“Pagkain ang ibigay mo sa buhay dahil ang bulaklak para lang sa patay.” Inis na pagdidiin ng dalaga saka ini-snob ang binata at binaling ulit ang tingin sa keyboard na nasa harap nito.

“Buhay ka nga pero patay na patay naman ako sayo.” Nakangiting sagot ng binata na halos mapunit na ang kanyang bibig.

Hinarap ulit siya ng dalaga na may kasamang inis na tingin at nakataas ang isang kilay, “Wala na bang matinong lalabas sa bibig mo?”

“Nasa iyo na kasi lahat ng katinuan ko kaya ikaw lang ang bukambibig ng bibig na ito.” Nakabungisngis pang katwiran ng binata na halos sumingkit na ang mata nito.

Mas lalong naging mainit ang tingin ng dalaga sa kanya, “Tingin mo nakakatawa?”

Nag-smirk naman ang binata, “Kung ganyan kahirap pakisamahan ng ugali mo, sampaguita na talaga ang ibibigay ko sayo sa susunod.”

“Langya! Tingin mo sakin santo?” Mahina pero nanggigigil na pahayag ng dalaga.

“Hindi nga. Pero sinasamba naman kita.” Nakangisi ulit na sagot ng binata.

“Ha ha ha.” Fake at sarcastic na tawa ng dalaga saka tinalikuran siya at nakasimangot na tumingin sa ibang dereksyon.

“Bakit ba ang hirap bilhin ng ngiti mo?” Halos itaas ng binata ang boses nito.

“Kasi hindi ko binebenta.” Pagtataray ng dalaga ng hindi tumitingin sa kanya.

“Bahala ka.” Pagdadabog pa ng binata saka tinalikuran na rin ang dalaga at inis na humarap sa computer na nasa harap nito.

Parehong nakasimangot na nagtalikuran ang dalawa at nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Pareho silang ayaw magpansinan ngunit may bumubulong sa kalahati ng isip nila na basagin ang mainit na katahimikan.

Ilang minuto ng nakakabinging katahimikan……..

“Ceejay…” Mahinang sambit ni Rhea ng hindi parin tumitingin kay Ceejay.

Hindi kumibo ang binata. Nakasandal lang ang likod nito sa kanyang upuan at nakatingin sa computer.

“Wala ka bang pupuntahan mamaya?” Pinilit na gawing mahinahon ng dalaga ang kanyang boses.

“Meroon.” Tipid na sagot ng binata.

Nagdadalawang isip mang itanong ng dalaga ang ano mang nasa isip niya, bigla nalang itong lumabas sa bibig nito.

“S-Saan?” Mahinang pagaalinlangan ng dalaga.

“Sa buhay ng apat kong minamahal.” Agad namang sagot ng binata sa tono ng naiinis.

Nakasimangot na lumingon ang dalaga sa kanya na bahagyang nakanganga ang bibig, “Ang kapal ng mukha mong manligaw tapos may apat ka palang mahal.”

Bahagyang tumaas ang boses ng dalaga na nagpatingin sa mga classmates nitong nakarinig sa kanila.

Napipikon naman si Ceejay na lumingon sa kanya, “Oo. Ikaw, sayo, sarili mo at you.” Pagdidiin nito.

Imbis na mainis ay bumungisngis na ang dalaga at mahinang nasapak niya ang mukha niya. Umaagikik naman ang binata habang nakatingin sa kanya.

“Saan ba kasi ang punta mo?” Nakangising tanong ng binata.

Umagikik muna ang dalaga saka sumagot, “Sa sementeryo sana.”

“May kamag-anak ka bang namayapa?” Curiosity ng binata.

“Oo. Puso kong patay na patay sayo.” Mahina at nakangising katwiran naman ng dalaga.

Walang emosyong nilapit ng binata ang mukha nito sa dalaga at tinitigan sa mata, “Akala ko ba sumakabilang impyerno na yan?”

Mas nilapit pa ng dalaga ang mukha nito sa kanya habang nakasimangot na nakataas ang isang kilay, “Wag mo na talaga akong kakausapin. Dahil uupakan talaga kita.” Panggigigil pa nito sa pagitan ng mga gigil na ngipin.

Nakasmirk lang ang binata na parang natatawa sa reaksyon ng dalaga habang inis na inis naman na dalaga sa mukha ng binata.