Chapter 13: Thirteen (13)

- Rhea’s POV –

“Crushmate!!” Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.

Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.

Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya.

“Hoy, crushmate!” Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.

Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.

Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.

At eksaktong nakapagplay ako ng isang kanta ay bumulaga sa harap ko si Almira Antopina na nakacrossed arms at mataray na tumingin sa akin.

Tinanggal ko ang isang earphones ko sa kaliwang tenga saka siya sinita, “Crushmate, hindi ako makadaan.”

“Kanina pa ako sumisigaw. Hindi mo ba ako naririnig?” Pagtataray nito.

Binandera ko sa harap niya ang isang earphone na tinanggal ko mula sa aking tenga, “Sorry po. Busy yung tenga ko.”

Nagsmirk lang siya tapos ginapos niya ang kanyang kamay sa braso ko saka hinila ako para maglakad, “Magkwento ka naman.”

Nagsimula na siyang makichismis..

“Tungkol saan ba?” Kunwari hindi ko alam.

“Tungkol kagabi sa Party House.” Pabulong na tonog excited niyang sabi.

Inabot ako ng ilang minuto bago pa man makaisip ng maayos na isasagot. Iniipon ko pa kasi ang mga piraso ng alaala na naaalala ko sa mga nangyari.

“Ano na?” Pangaapora pa niya.

Itong babaeng to. Hindi makapaghintay.

“Ayun.. Nagshot kami ng Scotch tapos nagkwentuhan ng kahit anong kalokohan. Tapos natulog kami sa guest room.” Kwento ko.

Patay. May sabit yata ang sinabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya na halos malaglag na habang nakanganga ang bibig niyang tumingin sa akin, “Natulog kayo sa iisang guest room?”

Wow. Grabe yung reaksyon niya. OA much.

“Ang OA mo naman. Natulog lang.” Kunot noo kong sagot.

“Tapos anong nangyari?” Biglang bumungisngis ang mukha niya na halos mapunit na.

Naku! Hindi ko gusto ang ngiti nito.

“Natulog kami.” Sagot ko.

Yun naman talaga ang nangyari.

“Ang bitin mo naman magkwento, crushmate.” Nakanguso nitong sagot habang magkasalubong ang kilay.

“Ano ba dapat kasi ang mangyayari?” naiirita kong sabi.

“Love making.” Kinikilig pa siya nang binulong niya sa akin, “expecting na yun kasi pareho kayong lasing.”

Pervert!

“Nakakalasing ba ang isang bote?” Irita kong sagot.

“Oo. Malakas kaya ang tama ng Scotch.” Paliwanag naman niya.

Tama nga naman. Malapit na nga akong masamid sa counter kahit 3 shots pa lang.

“At saka, sa sahig naman siya natulog tapos ako sa kama.” Dugtong ko na parang defensive pakinggan.

“Pinatulog mo siya sa sahig? Grabe ka naman, crushmate. Pwede mo naman siyang patulugin sa kama.” Bumungisngis ulit ang mukha niya na halos mapunit na, “Katabi mo.”

Nagkasalubong ang kilay kong nilingon siya at tinitigan ng sobrang sama, “Itigil mo yan.”

“Baka naman.. Hinintay ka lang niyang makatulog tapos tumabi na siya sayo.” Nakikiliti pa nitong sabi na may kasamang pervert smile.

😒

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Isang bagay na ginagawa ko kapag naiinis na talaga ako.

“Magbawas ka na ng librong binabasa sa wattpad. Polluted na yang utak mo.” Naiinis kong sabi.

Tumawa lang siya ng sobrang lakas. Halatang hindi siya kumbinsido.

Babaeng ito talaga.

Wala naman talagang nangyari sa amin ni Jc. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na bastos. Nakakakilig lang talaga yung natural na poker face niya. Yung kapag naging emotionless yung awra niya.

Dami kong kilig at tawa kagabi. At halos tumalon pa yung heart ko palabas ng ribcage ng akmang hahalikan niya ako. Kung di ako gumawa ng paraan para makalusot, malamang nagkiss na talaga kami.

Naku, Rhea. Baka nakakalimutan mong pareho kayong lasing. Wag kang mag-assume ng kung anu-ano. Impluwensya lang yun ng Scotch na ininom niyo.

Pero maliban lang sa umupo siya sa likuran ko at kumanta.

I love the feeling of hearing his musical voice.

Don pa lang ako nakatulog ng kumanta siya.

- Ceejay Gonzaga’s POV –

Kakatapos lang ng klase namin at nandito ako ngayon sa labas ng campus. Inaabangan ang paglabas ni Rhea. Nagusap kasi kaming sabay magsnack kasama si Almira. Naunang matapos ang klase ko dahil 2 subjects lang meron ako ngayon at hindi ko classmate sa dalawang yun si Rhea. Iilang minor subjects ko lang kasi siya classmate.

(🎼 Background song playing 🎼)

Maya-maya, nahagilap ng aking mga mata ang presensya ni Rhea na lumabas, kasama si Almira. Kasabay rin ng paglabas ng kumpol-kumpol na estudyante. Kahit medyo natatakpan sila sa sobrang dami ng estudyanteng kasabay nilang lumabas ay kitang-kita ko parin ang matamis na tawa at nakakaagaw pansin na ngiti ni Rhea. Habang si Almira naman ay halos magkasya na si Rhea sa bibig niya sa sobrang laki ng bibig niyang tumawa. Mukhang ang saya nilang nagkukwentuhan at nakatitig lang ako sa nakakabihag na mukha ni Rhea at enjoy sa magandang view na nasa harap ko.

(🎼 I have loved you only in my mind

But I know that there will come a time

You’ll feel this feeling I have inside

You’re a hopeless romantic is what they say

Falling in and out of love just like a play

Memorizing each line

I still don’t know what to say

What to say 🎼)

Matagal ko nang nililigawan si Rhea. At sa bawat araw na nililigawan ko siya ay mas lalo akong pursigidong makuha siya. Hindi ko maintindihan pero kapag nakatitig ako sa kanya ay pakiramdam ko ay walang ibang tao sa paligid ko at tila huminto sa pagikot ang mundo. Wala akong ibang nakikita kundi ang maamo niyang mukha na nagliliwanag habang pinagmamasdan ko. Sobrang nakakabighani ang ngiti niya parang hihinto ang ulan at ang cute niyang tignan kapag nakasimangot na parang manggigigil kang kurotin ang pisngi niya. Lubos na nga akong nahuhulog sa kanya. Sana mahulog ako deretso sa puso niya.

(🎼 Don’t know what to do

Whenever you are near

Don’t know what to say

My heart is floating in tears

When you pass by, I could fly

Every minute, every second of the day

I dream of you in the most special ways

You’re beside me all the time

All the time 🎼)

“Ceejay? May lagnat ka ba?” Isang kamay ang nakikita kong kumakaway sa harap ko na nakaharang sa maganda kong tanawin.

Pilit kong hinanap ang natatakpang tanawin ng kamay na nasa harap ko pero tila wala na ito sa lugar na aking tinitingnan. Panay ang angat ko sa aking ulo para hanapin ito sa nagkukumpulang estudyante pero di ko talaga makita.

“Sino bang hinahanap mo?” Dinig kong may boses malapit sa kinatatayuan ko pero hindi ko tinignan dahil abala ako sa paghahanap kung nasaan na siya.

“Si Rhea. Di ko makita.” Pabulong na sagot ko habang nasa nagkukumpulang estudyante ang tingin.

“Natural di mo talaga siya makikita jan kasi andito siya sa harap mo.” Binaliwa ko ang naririnig kong nagsasalita at patuloy pa rin sa paghahanap sa kanya.

Maya-maya may mahinang humila sa kamay ko at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Ramdam kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ng mapagtanto kong kaharap ng mukha ko ang mukha ni Rhea. Hindi man ito ganon kalapit pero sapat na para mapagmasdan ko ng malapitan ang maganda niyang imahe. Biglang naging bato ako sa kinatatayuan ko at biglang bumilis ang kabog ng puso ko.

Umatras siya ng konti mula sa mukha ko para tumabi kay Almira, “Pambihira. Saan ka ba kasi nakatingin?”

“Hoy, Bat ang pula ng mukha mo?” Dugtong pa ni Almira na nakanguso while examining my stunned face.

Bumuntong hinga si Rhea habang nakasimangot na nagcrossed arms, “Kung may lagnat ka dapat hindi ka na pumasok. Baka kung anong mangyari sayo habang nasa klase pa ako.”

“O baka naman, may nakita siyang dyosa kaya bigla siyang nilagnat.” Ginatongan pa ng pangaasar ni Almira na may kasamang ngiti na halos mapunit ang mukha niya.

Pandaliang tumingin si Rhea kay Almira. Tumango naman si Almira ng magtama ang tingin nila habang inis na tiningnan siya ni Rhea. At binaling niya ulit ang tingin niya sa akin.

Paningin ko tuloy ay kumikinang ang mukha ni Rhea sa sobrang concern ng reaksyon niya. Dahan-dahan kong kinukurap ang mata ko pero kumikinang talaga ang mukha niya. Gustohin ko mang magsalita pero ayaw gumana ng utak ko. Sinusubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang ni isang salita ang lumalabas. Mas nagugustuhan ko ang pakiramdam kong ganito kahit magmukha man akong tanga.

Nababaliw na ba ako? Kung siya ang dahilan ng kabaliwan ko, ayoko ng magtino.

(🎼 I have loved you and I always will

Call it crazy but I know someday you’ll feel

This feeling I have for you inside

I’m a hopeless romantic, I know I am

Memorized all the lines and here I am

Struggling for words

I still don’t know what to say

What to say 🎼)

“Gonzaga! Nakikinig ka ba!?” Inis na sabi ni Rhea na muntik na niya akong sigawan.

“Ang ganda mo talaga, Rhea.” Biglang lumabas sa bibig ko ang salitang nagpaikot-ikot sa isip ko.

Dinig kong humagalpak sa tawa si Almira habang nakasimangot na tinitigan ako ni Rhea.

“Di ba sabi ko? Nakakita siya ng dyosa.” Halos matawang dugtong pa ni Almira.

Pandaliang nilingon siya ni Rhea na nakataas ang isang kilay habang nakabungisngis lang siya na may kasamang finger peace sign.

Muling binalik ni Rhea ang tingin niya sa akin, “Maganda? Kanina pa ako nagaalala dito tapos nakuha mo pang mambola.” Inis nitong sabi.

Nakaramdam ako ng kakaiba ng tumindig ang balahibo ko sa naiinis na tono ni Rhea. Dun pa lang nakabalik sa katinuan ang isip ko na kung saan-saan lumilipad.

“M-may.. S-sinabi ba ako?” Nauutal kong sabi.

Nalulunod pa rin ako sa ganda niyang tignan.

“Pambihira ka naman, Ceejay. Umayos ka nga. Nagaalala ako sayo.” Sermon pa niya.

Nagaalala daw siya sa akin? Pwedeng kiligin? Kahit 5 minutes lang na magharlem shake 😆

(🎼 Don’t know what to do

Whenever you are near

Don’t know what to say

My heart is floating in tears

When you pass by, I could fly

Every minute, every second of the day

I dream of you in the most special ways

You’re beside me all the time 🎼)

“Hello, Ceejay!” Isang pamilyar at nagpapacute na boses ang narinig ko mula sa kung saan.

Nilingon ko ulit ang paligid at nakita ko si Marjorie Rojo (codename: Anonymous) na nasa likod ko. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi ng mapalingon ako sa kanya at yumakap sa bewang ko.

Nagkasalubong ang kilay ko sa ginawa niya at agad na lumingon kay Rhea. Sobrang sama ng tingin niya sa kanya na parang may pinaplano siyang masama.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa bewang ko pero mas hinigpitan niya ang kanyang yakap habang nakapuppy eyes na tumingin sa akin.

Patay. Sira ang paraiso kong nararamdaman.

“May naaamoy akong malansang linta at umuusok na jellyfish.” Parang pabulong na sabi ni Almira na sinadya niyang lakasan ang boses niya habang nakatakip ang isang kamay sa bibig niya at nakamasid sa mukha ni Rhea.

Nagkasalubong ang kilay ni Rhea na binaling ang atensyon sa ibang dereksyon habang nakacrossed arms.

Binuka ko ang aking bibig para palamigin ang namomoong tensyon na harap ko pero naunahan akong magsalita.

“Di ba ikaw si Bibigurl?” Casual na sabi ni Marjorie saka tinuro si Almira, “At ikaw naman si Primera, ang dota girl sa clan, right?” Turo naman niya kay Rhea.

“Wrong!” Pagsusungit pa ni Rhea habang nakataas ang isang kilay na tumingin kay Marjorie.

Nagbitaw ng bitter smile si Marjorie pero mukhang hindi siya natinag sa kasungitan ni Rhea.

“I’m Marjorie Rojo also known as Anonymous.” Pagpapakilala niya.

“Yung malandi sa clan.” Pabulong na sabi ni Rhea saka tumingin ulit sa ibang dereksyon.

“Excuse me?” Sinita siya ni Marjorie habang nakatuon ang inis na tingin nito kay Rhea.

Bago pa man makasagot si Rhea ay inunahan ko na ito.

“A-ang sabi niya, yung p-prinsesa sa clan.” Tensyonado kong pagkakasabi.

Kinakabahan ako…

Parang magnet kung makalingon si Rhea sa akin na may kasamang nakakamatay na tingin saka tumingin kay Marjorie, “Prinsesa ng kalandian.”

“May problema ka ba sa akin, Primera?” Nagpipigil ng galit si Marjorie.

Paningin ko, parang handa na si Rhea na saksakin si Marjorie sa sobrang nakakatakot ng tingin niya.

“Boyfriend ko lang naman yang nilalandi mo.” Halos lumakas ang boses ni Rhea at iilan sa mga estudyanteng malapit sa amin ay napalingon sa aming kinaroroonan.

Teka lang? Sinabi niya bang boyfriend niya ako? Bigla yatang pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko.

Pwedeng kiligin? Kahit nagiging insane na ang paligid?

Mataray na nagsmirk si Marjorie. Pagpapakita ng kanyang pagiging palaban, “Excuse me, Primera. Nililigawan ka pa lang ni Ceejay kaya don’t act as if you own him.”

“Yes, I owned him.” Pagdidiin na sagot ni Rhea, “Kaya kung ayaw mong isakay sa ambulansya, dumistansya ka.”

“Eh di sayo na. Isaksak mo sa baga mo.” Iritang tinanggal ni Marjorie ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at inis na tinulak ako kay Rhea.

Padabog itong umalis at nakasimangot na sinundan ito ng tingin ni Rhea.

“Wow. Kayo na pala? Nakalimutan niyo yatang i-inform ako.” Nakabungisngis pang sabi ni Almira habang palipat-lipat ang tingin niya mula sa akin to Rhea.

Wrong timing ang joke mo 😒

“Chee! Isa ka pa!” Pinagtaasan ni Rhea ng boses si Almira.

Nakacrossed arms si Rhea nang tumingin sa ibang dereksyon. Inis na inis ang mukha niya at mukhang ayaw niyang tumingin sa akin.

“Ngayon pinagbubuntungan mo na ako?” Dugtong pa ni Almira, “Ewan ko ba kasi jan sa future boyfriend mo kung bakit nagpapalandi pa kahit may nililigawan na.”

“Wag mo na nga gatungan, Almira.” Mahinang sita ko sa kanya habang nakatingin kay Rhea.

“Totoo naman ah!” Agad na sumbat ni Rhea kasabay ng nagliliyab na tingin niya sa akin, “Di ba sabi ko, iwasan mo si Anonymous.”

Nagtama ang tingin namin pero mas nakakatakot ang tingin niya sa akin, “Siya naman yung lumapit.”

“Nagustuhan mo naman kasi hindi mo man lang sinita o inalis ang kamay niya.” Medyo lumakas na ang boses niya na nagpapakitang hindi na niya kayang magpigil.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang nakataas ang dalawang kilay, “Wag ka ngang selosa, Rhea. Walang malisya yun.”

“Basta! Layuan mo si Anonymous kung gusto mong magkaroon ng ikaw at ako.” Naiinis na pagbabanta ni Rhea na pinagdiinan ang salitang Ikaw at Ako.

“Akala ko ba tayo na? Kakasabi mo lang kanina?” Naguguluhan kong tanong.

“Wow. Bilis mo rin ah. Speed bang sabon mo?” Lumabas na ang pagiging galit na sarcasm niya saka nagwalk out sa harap ko.

“Rhea naman…” Tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako nilingon at nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo sa amin.

Pasimple akong tumingin sa ibaba habang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga sa problemadong paraan.

“Naku. Hindi pa nga kaayo pero may lamat na. Pano pa kaya kung kayo na?” Tugon ni Almira sa tono ng nagaalala.

Iniangat ko ang akin tingin sa kanya, “Konting misunderstanding lang ito.”

“Kahit na. Wag mong balewalain. Kadalasan, ang mga maliliit na bagay ang may pinakamalaking epekto sa isang relasyon.” Paalala pa niya.

O nga naman…

Kailangan ko itong ayusin agad. Baka mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Nararamdaman ko pa naman na malapit na akong sagutin ni Rhea. Baka mamaya, magbago pa ang isip niya.

Ang selosa naman kasi niya. Siya lang naman ang napupusuan ko .