Chapter 10: Nine (9)

- Third Person's POV -

2 weeks later...

"Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea.

"Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya.

"Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.

Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.

Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang ilan ay inis na nakikisiksikan sa masikip na karenderya kung saan siya. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa paligid niya ngunit patuloy parin niyang naririnig ang mahinang iyak.

Pinagmasdan niya ang mukha ng bawat taong malapit sa kanya ngunit wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nila na may naririnig sila.

Bago pa man isipin ni Rhea na sundan ang mahinang iyak na naririnig niya, sinubukan niya munang silipin si Ceejay sa loob at mukhang abala ito sa pamimili ng ulam. Hindi na siya nagabalang tawagin ito kaya lumabas muna ang dalaga ang hinanap kung saan galing ang naririnig niya.

Gulat na gulat siya ng makita niya ang dalawang taong kilala niya na naguusap sa likod ng karenderyang pinasokan niya. Naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at sinandal ang kanyang likod sa haliging malapit sa entrance ng karenderya.

Ayaw niya sanang makinig at pumasok nalang sa loob ngunit pinapatay siya ng kanyang curiosity, kaya nagpaiwan ito.

"Patawarin mo na ako, Jc. Nagmamakaawa ako sayo." Mangiyak-iyak na pagmamakaawa ng dalaga sa binatang kausap nito. Presko pa ang bakas ng luhang pumatak mula sa mga mata nito.

Namumula ang mga mata ng binata sa kakapigil niya ng kanyang mga luha na maaring tumulo ano mang oras. Napalunok ito upang itago ang nasasaktan nitong damdamin at maging buo ang boses nito. "Ilang beses na ba kitang pinatawad? Sinayang mo lang ang lahat ng chances na binigay ko sayo."

Patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata ng abotin niya ang kamay ng binata ay mahigpit itong hinawakan, "Sabihin mong mahal mo pa ako."

Panandaliang tinignan ng binata ang mga mata ng dalaga at yumuko ito upang hayaang tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Alam kong mahal mo ako. Nararamdaman ko." Pagpapatuloy ng dalaga habang nakayuko pa rin ang binata, "Patawarin mo ako. Magbabago na talaga ako. Promise."

Iniangat ng binata ang kanyang mukha at deretsong tumingin sa mga mata ng dalaga.

Nanginginig ang labi ng dalaga ng ito'y ngumiti sa binata ngunit napilitan lamang ngumiti ang binata sa kanya.

Nang dahil nagkatitigan ng ilang minuto ang dalawa at wala nang naririnig na boses si Rhea, maingat na sumilip ito mula sa haligi kung saan siya nakasandal at pinagmasdan ang galaw ng dalawa.

"Oo. Hanggang ngayon mahal pa rin kita, Jaycille. Nasasaktan ako sa pinaggagawa mo." Binuka ni Jc ang kanyang bibig ng malaki ngunit lumabas ang salita sa kanyang bibig na parang ito'y isang bulong.

Humakbang papalapit si Jaycille sa binata at malambot na hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Magsimula tayo ulit. Ikaw lang at ako." Mahinang sabi nito.

Tinitigan lang ni Jc sa mata ang dalaga habang ang dalaga nama'y umaasang mapapatawad siya muli ng binata.

Inipon muna ng dalaga ang natitirang lakas ng loob niya saka pinulopot ang kanyang kamay sa leeg ng binata, at mapusok itong hinalikan sa labi. Umaasang hahalikan rin siya pabalik ng binata.

Si Rhea naman na tahimik na nakamasid sa kanila ay nanlaki ang mga mata at napapanganga. Agad nitong inalis ang tingin sa dalawa.

"Totoo ba yung nakita ko?" Di makapaniwalang tanong ni Rhea sa kanyang sarili. Umiling siya ng ilang beses saka bumuntong hinga, " Rhea Castino, wag kang chismosa. Problema nila yun." Bulong ulit nito sa sarili.

Agad na inalis niya sa kanyang isipan ang kung ano mang kanyang nakita at pumasok na lamang sa loob ng karenderya.

Hinawakan ni Jc ang magkabilang balikat ni Jaycille saka tinulak ito papalayo sa kanya, "Wag mo na akong pahirapan, Jaycille. Wag mo na rin pahirapan ang sarili mo. Tanggapin mo nang tapos na tayo."

Humakbang paatras si Jaycille at tuluyan ng humagolgol sa pagiyak habang nakatakip sa kanyang mukha ang kanyang mga kamay.

Ayaw mang saktan ng binata ang damdamin ni Jaycille pero kelangan niyang tanggapin ang desisyon ng binata.

Lalapit sana si Jc para yakapin ang dalagang nasasaktan ng may narinig siyang tumawag sa kanya.

"JC!"

Lumingon naman ang binata sa kung saan galing ng boses at nakita niya ang kanyang pinsan na kumakaway sa kanya.

Muling tinignan ng binata si Jaycille sa huling pagkakataon at walang salita na iniwan ito at naglakad papunta sa kanyang pinsan.

"Wrong timing ba ako?" Nakatingin si Almira sa mata ni Jc na basa pa dahil sa luha nito at nagaalala ito sa tono ng kanyang pagtanong.

"Kumain nalang tayo." Mahinang sagot ng binata sa halos pabulong na habang nakatingin sa ibang dereksyon. Umiiwas sa tingin ng kanyang pinsan.

Nagkibit balikat lang ang dalaga at nauna nang pumasok ang binata sa karenderya saka sumunod si Almira.

Siksikan ang mga tao sa loob sa sobrang puno pero sumingit parin sila para umorder ng pagkain. Tahimik lang si Jc habang naglalagay ng ulam at kanin si Almira sa isang tray.

"Ikaw? Anong sayo?" Tanong ni Almira sa kasama nitong kanina pa walang kibo.

"Ikaw na ang bahala. Sa mesa na ako maghihintay." Sagot naman ng binata at humiwalay kay Almira bago pa man ito makasagot.

Inabotan ng ilang minuto si Jc para maghanap ng bakanteng lamesa sa sobrang dami ng kumakain. Nakahanap siya ng bakanteng mesa sa dulo at mukhang yun na lamang ang nagiisang bakante.

Nagtungo na ito sa mesa at umupo katabi ng isang babae.

Panandalian siyang napapatitig sa babae. Tila ba'y pamilyar ito sa kanya. Ngunit nang marealize niyang hindi napansin ng bababe ang kanyang pagupo ay agad niyang inalis ang kanyang tingin sa babae at binaling sa iba ang kanyang atensyon.

"Four."

Narinig niyang may tumawag sa kanya mula sa kanyang kinauupuan kaya ito'y lumingon at kinilala kung sino man ang tumawag sa kanya.

Tumama ang tingin niya sa isang binatang nasa harapan niya na kumakain at agad namang nagprocess ang isip niya para maalala kung sino ito.

"Sinong kasama mo?" Tinanong ulit siya nito.

Inabot ng ilang minuto bago pa man makilala ito ni Jc at maalala ang pangalan nito, "Princebeybe.." Muling lumingon siya sa babaeng katabi niya na noo'y nakatingin sa kanya. Saka pa niya nakilala ang babaeng kanina niya pa katabi, "Mali ata ang mesang naupuan ko."

Binawi na ng dalaga ang kanyang tingin kay Jc ng magtama ang kanilang nga mata at nagpatuloy na ito sa pagkain.

"Okay lang. Wala namang tao jan" Sagot naman ni Ceejay. Sumulyap ito kay Rhea na tahimik lang na kumakain, na para bang iniiwasan niya ang tingin ng dalawang binata, habang nakatingin parin si Jc sa kanya. "Sino bang kasama mo?" Inulit niya ang kanyang tanong.

Inalis na ni Jc ang kanyang tingin sa dalaga at tinuon ang atensyon kay Ceejay, "Si--"

"Ako."

Bago pa man matapos ni Jc ang kanyang sasabihin ay napalingon silang lahat sa likuran ni Rhea kung saan nanggaling ang boses. Pati si Rhea ay lumingon din.

Nakita nilang nakangiting nakatayo si Almira sa likuran ni Rhea at may dala itong tray ng pagkain.

Huminga ng malalim si Rhea saka binalik uli ang tingin sa kanyang pagkain at nagpatuloy sa pagkain.

"Akala mo si Lucy heartfillia?" Wika ni Jc habang nakatuon ang tingin kay Rhea at lumingon naman si Rhea sa kanya, "Break na kami."

Bahagyang ngumiti si Rhea at walang salitang nagpatuloy sa pagkain.

Umupo si Almira sa tabi ni Ceejay at tinulungan siya ni Jc na kunin ang mga pagkain mula sa tray at ilapag ang mga ito sa mesa.

"Hala! Ano pala tong nakikita ko?" Nanlaki ang mga mata ni Almira at bahagyang nakanganga ang bibig niya habang pasulyap-sulyap ang kanyang mga mata kay Rhea at Ceejay, "Ceejay, dinidate mo ba si Rhea?"

"Oo. Nililigawan ko kasi siya." Nakangiti naman si Ceejay ng sobrang laki.

Pagkarinig na pagkarinig ni Rhea sa sinabi ni Ceejay ay bigla siyang naubo at napatingin ang tatlo sa kanya. Naitakip niya agad ang kanyang kamay sa kanyang bibig at agad na inabot ang mangkok ng sabaw para inumin.

"Kailangan mo ba ng tubig? Ikukuha kita." Nakangising biro ni Jc.

"Di na kailangan. Okay na tong sabaw." Sagot ni Rhea matapos niyang inumin ang sabaw at kumalma.

Nanlaki pa rin ang mga mata ni Almira habang nakatingin kay Rhea, "Alam na ba ng ate mo, crushmate?"

Tumango naman si Rhea habang nakataon pa rin ang atensyon sa kanyang pagkain, "At sa kasamaang palad, pumayag naman siya."

Napalitan ng kinikilig na ngiti ang mukha ni Almira habang kay Ceejay naman siya nakatingin, na noo'y nakangiting nakikinig, "Uyy.. Boto pala si ate kay Ceejay."

Matapos nitong lunokin ang pagkaing nasa bibig niya, sumagot si Rhea, "Ewan ko nga kung anong klaseng lason ang pinainom niya para pumayag siya."

"At nagpaligaw ka naman?" Nakatingin si Jc sa mukha ni Rhea at nagaabang sa magiging reaksyon niya ng huminto ang dalaga sa pagkain at biglang lumingon sa kanya.

Nagtama ang tingin ng dalawa. Pilit na binabasa ni Jc ang iniisp ng dalaga habang kabado naman si Rhea at di alam kung ano ang isasagot.

Kalaonan ay binawi na ng dalaga ang tingin nito sa binata at tinuon na ulit ang atensyon sa kanyang pagkain. Habang nakatingin parin si Jc sa kanya.

"Princebeybe, baka pwede ko munang isama si Rhea sa party house mamayang gabi?" Pagpapatuloy ni Jc na nagpahinto ulit kay Rhea sa pagkain at tanging mata niya lang ang kanyang ginalaw para tignan ang magiging reaksyon ni Ceejay.

Lumingon naman si Jc kay Ceejay para tignan ang magiging reaksyon niya.

Ngumiti ito kay Jc saka tumingin kay Rhea, "Oo naman. Sa isang kondisyon. Hindi ka pwedeng uminom ng kahit anong inumin kahit lady's drink."

Agad namang inangat ni Rhea ang kanyang ulo at pinagtaasan niya si Ceejay ng isang kilay, "Pinagbabawalan mo ba ako?"

"Oo. Dahil magiging girlfriend na kita, ayokong umiinom ka." Paghihigpit naman ni Ceejay.

"Magiging pa lang." Inis naman na sagot ni Rhea na halos magtaas na siya ng boses, "At kahit tayo na, hindi mo ako pwedeng pagbawalan."

"Akala ko wala kang gusto sa kanya." Mahinang sabi ni Jc nang lumingon ulit ito kay Rhea.

Gulat na napalingon si Rhea kay Jc at bigla niyang naitakip ang kanyang kamay sa bibig nito ng maalala niya ang kanyang sinabi kay Jc sa hospital.

"Syempre, nadevelop. Nadedevelop nga yung picture, tao pa kaya." Dugtong pa ni Almira.

"Ang galing mo talagang manggatong, crushmate. Sobra." Pagtataray pa ni Rhea.

"Pumayag na yung boyfriend mo. Pumunta ka ng party house mamayang gabi." Tugon ni Jc na nakangiti kay Rhea.

Half smile na inalis ni Rhea ang kanyang tingin kay Jc at nagpatuloy na sa pagkain.

================================================================

- Jc's POV -

Eksakto alas-10 ng gabi natapos ang show. Nagpaalam kasi ako kay Boss Warren na tataposin ko ng maaga dahil maglalasing ako. Sa akin na rin iniwan ni Boss ang susi kasi kapag nalalasing ako sa guest room na kasi ako natutulog. Mahirap nang umuwi ng lasing baka mapagtripan ng tambay sa daan.

Unti-unti ng lumiliit ang tao sa loob dahil nagsiuwian na at yung iba naman ay dismayado.

Papalapit na ako sa mini bar kung saan nakaupo si Rhea ng biglang may humarang sa harap ko na grupo ng mga kababaihan.

"Idol, pwede pa picture?" Kinikilig na tanong ng isa.

"Sure."

Nasa gitna ako ng mga babae habang ang isa sa kanila ang humawak ng cellphone at kumuha ng litrato.

Di na bago sakin ang ganito. Napapadalas na kasi ang ganitong eksena pagkatapos ng show ko. Di ko naman kasi akalain na marami ang tatamaan sa kagwapohan ko.

Pagkatapos nilang magpapicture ay kinikilig silang nagpaalam at panay ang usapan habang papaalis.

Tikom ang bibig kong nakangiti habang papalapit ako kay Rhea. Nakangiti rin siyang nakatingin sa akin. Kung hindi lang talaga ako broken hearted, malamang tatamaan din ako sa sobrang ganda at attractive niyang ngumiti. Parang ngiti ng isang mapagmahal na diwata.

Diwata??

Si Crista yung diwata at si Rhea naman ay isang anghel na bumaba mula sa langit para maging sandalan ko.

Imagination ko nga naman.

Di pa nga ako nakakainom may amats na agad ako. Epekto lang to ng pagkasawi ko. Halos lahat ng magagandang babae ay naaattract ako.

"Ang gwapo mo talaga no..." Nakangiti niyang sabi ng nakatayo na ako sa kanyang harapan.

Complement ba yun??

"Kasalanan ko bang pinanganak akong kasing gwapo ni Daniel Padilla." Nakabungisngis kong biro.

Sasagot sana siya ng bigla siyang nabingi sa mga babaeng dumaan na tumitili at naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang tenga habang nakatingin sa mga tumili. Pati nga ako napalingon sa kanila.

"Goodbye, gwapo." Pagpapacute pa nung isa habang malanding kumakaway sakin.

Nakangiti akong tumango sa kanila at kumaway saka tuluyan na silang umalis habang tumili.

"Magstandby ka na ng ambulansya dito. Baka yung iba aatakihin sa puso." Nakatingin parin si Rhea sa mababaeng napadaan kanina habang papalayo na ito sa amin.

"Eh sa humanga sila sa gwapo." Nakangisi ko namang sagot at pumasok sa loob ng counter.

"Ano bang iinumin natin?" Tanong niya saka binalik ang tingin sa akin na naglalakad papunta sa Whisky Shelves.

"Irish Whisky." At kinuha ko mula sa shelf ang tinutukoy kong whisky at kumuha na rin ng dalawang shoting glass saka bumalik kung saan siya nakaupo.

"Pwedeng Riesling nalang?" Sabi niya habang nakatuon ang tingin sa Whisky na nilapag ko sa harap niya, "Ayoko kasi sa mga Whisky."

Pandalian akong napatitig sa Whisky habang nagiisip.

"Riesling?" Pagdadalawang isip ko, "Pwede rin pero wala ako sa mood para sa light drinks. Gusto ko ng hard."

Iniangat niya ang kanyang tingin at tumingin sa akin, "Hard. Pero Whisky ang kinuha."

Napasmirk ako ng di ko inaasahan at tinitigan si Rhea sa mata, "Sige. Anong hard ang gusto mong inumin?"

Naglalaro ang pilyang ngiti sa mukha niya ng sumagot siya, na parang hindi sigurado, "Brandy?"

Tinaas ko ang dalawang kilay ko, "Bourbon."

Biglang napakunot ang noo niya na may kasamang pout, "Gin."

Bigla ring lumawak ang ngiti ko sa mukha, "Vodka."

"Sherry. Manzanilla style." With cute puppy eyes.

"Wine?" Saglit akong napatawa, "Scotch. Final na yan." Saka kinuha ko yung Whisky na nasa harap niya at binalik sa shelf kung saan ko kinuha.

"Eh parang Bourbon lang din yan eh." Reklamo pa niya habang patungo ako sa shelf ng Scotch at kumuha ng isa.

"Wag kang magalala, sagot kita. Mahaba naman dosage ko." Katwiran ko habang naglalakad papunta sa kanya at nilapag ang Scotch sa harap niya, "Pwede ka naman magpass kung di mo na kaya."

"Sinabi mo yan." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi at binuksan ang Scotch. Una kong sinalinan ang shoting glass ko saka sinalinan ko ang sa kanya.

"May itatanong ka pa ba?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong nakapako ang tingin niya sa akin.

Tiningnan ko rin siya sa mata pagkatapos kong salinan ang shoting glass namin. Nakikita ko sa mata niya na may gusto siyang sabihin kahit kalmado ang mukha niya, pero mukhang nagdadalawang isip siya. Nararamdaman ko rin na naiilang siya sa akin. Hindi kasi siya masyadong nagsasalita.

Kilala kasi si Rhea bilang madaldal at makulit sa clan. Kaya marami siyang close pero ngayon, naninibago ako. Dahil siguro sa unang beses niya akong makasabay maginuman kaya hindi siya komportable.

Sinsero akong ngumiti sa kanya para maging komportable siya. Baka rin kasi nahihiya ang isang 'to.

Ngumiti rin siya sa akin na nakalabas ang mapuputi niyang ngipin at inalis niya ang kanyang tingin sa akin. Panandalian niyang tinitigan ang shoting glass niya at maya-maya ay huminga siya ng malalim saka ininom ang nasa baso niya.

Napakunot ang noo ko ng makita kong walang ni isang patak na natira sa baso niya. At walang ni isang reaksyon sa mukha niya.

Parang sana'y ata to sa hard drinks. Mapapasubo ako nito.

Tumingin ulit siya deretso sa mata ko, "Bakit ako?"

"Hu?" Tinaas ko ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Pwede namang si Boss Uno, Doss, Juviler, Jhunz, Abet o ibang members ng clan. Bakit ako sinama mo dito sa party house?" Paliwanag niya.

O nga naman. Bakit nga ba si Rhea? Sa dami-daming barkada ko sa clan, bakit siya? Mas matagal ako sa clan kesa sa kanya. Sila Boss Uno, Doss, Tres, Fifth, Sais, Seven, Otso, Almira at ako ang pinakaluma at 1st batch sa clan. Si Boss Uno ang Founder at ang ex niyang si Otso ang co-founder. Tapos 1 year later, pinasali ni Almira si Rhea.

Siguro... Para lang may kalandian ako kapag nasaling.. Syempre, joke lang naman.

Nagkatitigan kami ni Rhea habang naghihintay siya ng isasagot ko.

Wala talaga akong maisip na matinong isasagot. Puro kalokohan lang tumatakbo sa utak ko.

"Magandang tanong yan pero di ko alam ang sagot." Katwiran ko saka kinuha ang baso ko at uminom, "Bakit? Ayaw mo? Ihahatid na kita."

"Hindi naman sa ganun." Sagot niya sa seryosong tono saka binaling ang tingin sa baso niya, "Nagtataka lang kasi ako."

"Ako nga rin." Sagot ko naman saka seryosong tiningnan siya kahit nasa baso pa rin ang tingin niya, "Nagtataka rin kasi ako kung bakit ikaw pa. Ang dami ko namang barkada sa clan." Automatikong napatingin siya sa akin at ako naman ay umiwas sa tingin niya at tumingin sa baso ko, "Siguro.... Ikaw lang talaga ang unang pumasok sa isip ko."

Nakakatawa joke mo, Jc.

Naghalf-smile lang siya at ako naman ay sinalinan ulit ang shoting glass namin. Agad akong nagisip ng ibang topic bago pa maging awkward ang paligid.

"Napansin ko lang, Rhea. Ang dami mo atang alam sa drinks." Pangungusisa ko.

"May kaibigan kasi akong Dj dati na mahilig sa drinks. Nagaral pa nga siya ng bartender. Kaso huminto siya para magfocus sa pagiging Dj." Paliwanag niya.

Nagkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya na may pagtataka.

Ako ba ang tinutukoy niya? Mahilig kasi ako sa drinks kaya nagaral ako ng bartender. Kaso huminto ako kasi mas nagfocus ako sa pagiging Dj.

Impossible....

Maliban kay Almira, si Crista lang ang nakakaalam na nagaral ako ng bartender. Ni minsan hindi ko nabanggit yun kay Rhea. Baka dumaldal na naman si Almira.. O ibang tao lang ang tinutukoy niya?

"Pano mo naman nalaman na nagaral ako ng bartender?" Pagkumagat siya sa tanong ko.... Alam na.

Bahagyang nanlaki ang mata niya at naging tensyonado ang mukha niya. Kaliwa't kanan niyang ginala ang kanyang mga mata at pinipilit niyang maging kalmado.

Weird ng reaksyon niya

"K--- Ka--" Halos mautal siya sa pagsagot.

Lumunok muna siya saka sumagot, "Naging ex ko kasi si K-Ken Suarez." At napilitan siyang ngumiti.

Sabi ko na nga, ibang tao. Pero parang hindi convincing?

"Aa. Si Ken." Sagot ko, "Naging boyfriend mo pala siya?"

"Oo. Six months lang kami tapos naghiwalay." Tapos kinuha niya ulit ang baso niya at uminom.

"Huminto na siya sa pagiging Dj ngayon. Balita ko nasangkot siya sa isang mafia war." Pahayag ko.

Tumango lang siya at tumingin sa ibang dereksyon habang pinapakalma ang kanyang sarili. Inoobserbahan ko naman ang reaksyon ng mukha niya habang kinuha ko yung baso ko at uminom.

Nagsisinungaling ka ba, Rhea? Hindi kasi convincing ang paliwanag mo ayon sa reaksyon ng mukha mo. May parte ng isip ko na nagsasabi na may tintago ka.

Pinalipad ko nalang sa hangin ang ano mang nasa isip ko at sinalinan na ulit ang baso namin. Kung ano man yun, pinaglalaruan lang ako ng imagination ko.

"Jc, ganda ng kasama mo ah! Bagong girlfriend mo?"

Nakarinig ako ng nagbibirong boses mula sa aking likuran kaya bahagya aking lumingon.

"Uy, Dex. Hindi ka pa pala nakakauwi?" Wika ko ng makilala ko ang babaerong Dj na nasa likuran ko, "Respeto ka muna." Iniabot ko sa kanya ang baso ko.

Hindi pa pala nakakauwi ang babaerong to? Disturbo naman.

Kinuha niya ang iniabot kong shoting glass at deretsong ininom, "Scotch ba tong iniinom niyo? Nakakahiya naman sa maganda mong kasama."

"Sanay to sa hard drinks." Pabirong tugon ko.

"Kahit na. Bigyan mo ng lady drinks." Tugon nito saka nilagay ang baso sa harap ko, "Baka naman may plano kang gapangin ang kasama mo." Dugtong pa nito na may kasamang nakakaasar na ngiti.

"Wag ka ngang tarantado jan." Sita ko pa sa kanya na may kasamang masamang tingin.

"Mga babaeng ganyan kaganda siguradong kurbadong-kurbado ang katawan. Dapat di na pinapakawalan ang mga ganyang babae." Bulong ng lokong to habang minamasahe ang magkabilang balikat ko habang nakatingin kay Rhea, na noo'y nakasimangot na nakatingin sa ibang dereksyon.

"Gago ka ba talaga, Dex? Umuwi ka na nga lang kung wala kang matinong sasabihin." Inis na sagot ko sabay inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Tumawa siya ng sobrang lakas kasabay ng paghampas niya sa likod ng ulo ko. "Ikaw na bahala dito, Jc. Balitaan mo nalang ako kapag nakascore ka." Bungisngis nitong sabi at naglakad na papunta sa entrance.

Naiinis talaga ako sa kagagohan ng lalaking yun. Puro nalang kalokohan.

"Rhea, pasensya ka na kay Dexter ha." Habang nagsasalin ako sa baso ko at lumingon siya sa akin, halatang naiinis, "Sira lang talaga ang ulo ng lalaking yun."

"Okay lang nu." Nakangiting sagot nito, "May naisip akong gawin dahil Scotch ang iniinom natin."

"Ano?"

"Kumuha ka muna ng papel, ballpen at isang baso."

"Ano ba kasing gagawin natin?"

"Basta. Gawin mo na."