Hidden Agenda of Natalie

Hidden Agenda of Natalie

By: DemographicPen

4.6K
views
8
Chapters
Ongoing
Status

Hidden Agenda of Natalie is an ongoing fantasy novel by DemographicPen with 8 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added January 12, 2023.

Synopsis

Everyone knows that there is a hidden agenda, I have too, but mine is unbelievable. I can see tragic scenes in my dreams that I wish na sana hindi magkatotoo, na sana isa lang iyong normal na panaginip pero hindi. Nangyayare lahat. It’s maybe my calling. To vision someone’s death. I’m Natalie Calleai, and that's my hidden agenda

Read the first chapter

Chapter 1: DREAM

Natalie's POV

"Are you sure that you want to hold this mission?"

I rolled my eyes when I heard that question again. Hindi niya ba alam na para siyang isang sirang plaka kakaulit ng tanong niya? Anong akala niya sa akin, hindi ko kayang humawak ng kaso na mapanganib? I am Natalie, walang makakatalo sa akin.

"Isaiah, can you please leave me alone?" iritang sambit ko sa kanya. Nagsalubong naman ang kaniyang kilay dahil sa aking sinabi. "I do whatever I want to do, hindi mo hawak ang buhay ko."

"Ok."

Napahilot na lang ako sa aking sentido dahil sa nangyare. Tinanggap ko kasi ang alok sa akin ng Calleai Agent Corporation. It's a dangerous case. At wala akong pakealam kung maari akong mamatay dahil sa kasong iyon, ang gusto ko lang naman ay mapansin ako ni Jameson Calleai na siyang ama ko.

Palagi na lang kasing si Abys ang bukang bibig niya. Paano naman kaming anak niya sa ibang babae. I heard that hindi lang ang nanay ko ang naanakan niya. There are two girls that he fucks after my mom. Si Abys kasi ang anak niya sa tunay niyang asawa. Ayaw niyang ipagamit sa akin ang apelyido niya dahil makakasira raw iyon sa kompanya. Edi sana hindi siya nambabae.

I get the folder where the detail of the case is attached. It's an auction of drugs and guns, tomorrow night. Gagawin iyon sa gitna ng dagat sakay ng isang barko. Hindi naman mukhang mapanganib.

"Are you ready for your case?" I smirked when I heard his voice.

"Abys, you're here!" I fake a smile. "Yes, I'm ready for my case."

"Sounds good, the auction will hold tom–"

"I read the details already!" I cut him off. He smiles.

"Goodluck to your case, Natalie!"

I pack my things then leave my office. I drive my car to my condo where I live now. Wala naman akong kasama rito, ako lang mag-isa. My mom died because of heart attack. I tried to approach Jameson to tell him that my mom needed to have surgery, but he never let me talk to him. He's a jerk.

I take a shower then face the monitor of my laptop. Puro files lang naman ng kaso ang laman nitong laptop, no more important to see. Narinig ko ang pagkalam ng tyan ko kaya naisipan kong lumabas para bumili ng pagkain. I'm not the type of a girl who knows how to cook, sounds weird right?

I can't cook, tanging noodles lang ang kaya kong lutoin. I'm here in a convenience store kung saan ang mga staff ay parang may takot sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at sinimulan ng pagpilian ang flavor ng kakainin kong cup noodles ngayong araw. Pagabi na rin naman kaya dinamihan ko na ang binili kong spicy flavor na cup noodles. I like spicy!

Binayaran ko iyon sa cashier na nangangatal pa ang kamay. What's wrong with them? Sa tuwing bibili ako rito ay nagiging ganyan sila.

"What's wrong?"

Umiling ang babaeng cashier sa akin at nanginginig na iniabot sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang lahat ng pinamili ko. Binayaran ko iyon at lumabas na ng convenience store. Baka atakihin pa ang isang yon at ako pa ang gawing suspect. Pinagmasdan ko ang kinatatayuan ng store na ito. May kung anong bigla na lang sumiklab sa gilid no'n hanggang sa ang convenience store ay naging abo.

Napabalikwas ako mula sa aking kama dahil sa panaginip na iyon. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nananaginip na naman ako ng mga gano'ng senaryo. Napatingin ako sa aking telepono sa biglang pagtunog no'n.

You may also like

Fantasy

Sign in to join the discussion