Chapter 3: RED TULIPS
Natalie's POV
“No cases for your team now, one week vacation for your team as a reward.”
Sa tuwa ng handler namin ay binigyan niya kami ng isang linggong pahinga. Mabuti na iyon para makapagpahinga naman kami ng mga ka-team ko. Halos hindi na nga kami nakakatulog para lang sa trabaho namin. Pumunta ako sa office ko para kunin ang aking bag na iniwan ko muna sandali ro'n.
I drive my car to my condo. I take a shower. Pagkatapos maligo ay nagtungo ako sa sala para manood ng netflix. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang manood na lang. Habang hindi pa nagsisimula ang palabas ay nagpakulo muna ako ng tubig para sa kakainin kong cup noodles. Yung cup noodles nandito pa pero yung tindahan na binilhan ko, pulbos na.
Hindi ko alam kung ibebenta na lang ba ang lupa o itatayong muli ang convenience store na iyon. Sayang nga lang pag binenta na ang lupa sa iba. Byabyahe na naman ako ng malayo para lang makabili ng paborito kong cup noodles. Nanood lang ako nang nanonood hanggang sa limang cup noodles na ang nakain ko. Hindi kaya ako magkasakit nito?
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa side table. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala itong tumutunog. Ano naman ang kaylangan nito at napatawag?
"Oh?"
[Dinner?]
"Tapos na ako kumain."
[Nang cup noodles?]
Napabuntong hininga na lang ako. Alam na alam niya talaga kung ano ang mga kinakain ko. Hindi kaya nagkatawang cup noodles siya? Imposible naman yun. Pinatay ko na rin ang tawag ng mapagsundoan namin na susundoin niya ako para sabay kaming magdinner. Simpleng t-shirt at pants lang ang suot ko. Alangan namang mag gown ako? E, dinner lang naman ang pupuntahan ko.
Nang mabasa ko ang message niya na nasa car park na siya, dali-dali akong sumakay sa elevator at pinuntahan siya. Simple rin ang suot niya pero nananaig pa rin ang kagwapohan niya. Hindi ko siya gusto kasi kapatid ko siya. Swerte ang babaeng mapapakasalan niya pag nagkataon.
"Abys, let's go?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Inalalayan niya akong makasakay sa front seat bago siya tumungo sa driver seat. Napakagentleman naman, baka mafall ako nyan.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"Kahit saan basta mabubusog ako." natawa na lamang siya sa sagot ko.
Hindi naman kasi ako mapili sa lugar ng kakainan, basta mabubusog ako ayos na. Hindi naman gano'n kahaba ang byahe kaya hindi ako masyadong nainip. Pinark niya lang ang kanyang sasakyan at inalalayan ako lumabas sa sasakyan.
"Street food Restaurant?" basa ko sa pangalan nitong resto.
"I heard that you like street foods so, I brought you here!" napatingin ako kay Abys dahil sa sinabi niyang iyon. Saan niya naman kaya nakuha ang impormasyon na yun?
"This way Ma'am and Sir." Inassist kami ng isang waiter sa isang table malayo sa ibang costumer.
"Nagpa-reserve ka na agad?" tanong ko kay Abys pagkatapos niyang kausapin iyong waiter na nag-assist sa amin kanina.
"Oum, para kain agad pag karating natin!" nakangiti nitong sabi sa akin.
"Anong in-order mo?"
Hindi na nasagot ni Abys ang tanong ko dahil nagsidatingan na ang mga waiter dala-dala ang mga in-order ni Abys. Isaw, kwek-kwek, calamares, at iba pa na mga street foods na paborito ko ang nakahain. Hindi ko mapigilang maglaway sa mga nakikita ko.
"Opps, wag mo namang ubosin sa isip mo yan." natawa na lang ako sa sinabe ni Abys. Feeling ko tuloy nagdadate kami, sibling date.
"Abys, paano kayo nakarating agad do'n sa auction?" wala naman akong ibang matopic kaya iyon na lamang ang tinanong ko sa kanya.
"Akala ko ba ay mabilis kang makasense na may sumusunod sa iyo? Mula sa condo mo ay nakasunod na kami sa iyo. Back-up lang na baka may mangyaring masama sa'yo. Nag-iisa ka pa namang babae sa grupo." sagot niya na nakatingin pa rin sa pagkain at sunod-sunod na sinubo. Takaw!
"Buti at nakilala ko kayo agad ni Isaiah, kung hindi nabaril ko na kayo nang mga oras na yun." pagbibiro ko sa kanya.
"Bakit ka ba kasi tago nang tago sa poste? Mukha ka tuloy naduduwag na matsing."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabe niya. Sa ganda kong to? Mahahantulad lang ako ng kapated ko sa matsing? Aba'y hindi iyon makatwiran.
"Sinong matsing?" inis na sabi ko rito na lalo niya pang kinatawa.
Hindi ko na lamang siya pinansin at inenjoy ang pagkain ng mga paborito ko. Ilang buwan na siguro mula ng makakain ako ng mga ito. Nagsasawa na rin kasi ako sa cup noodles kaya pumayag ako na sumama sa kanya mag-dinner. Napag-isipan ko rin na magaral magluto habang nasa bakasyon pa ako sa trabaho.
Kaylangan ko na ring matutong magluto. Baka mamatay ako ng maaga dahil sa araw-araw na noodles na kinakain ko. Mababawasan ang mga magagandang lahi sa mundo.
"By the way, I just want to ask if you don't know how to cook?" natigilan ako sa tanong ni Abys. Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Iyon naman ang katotohanan. "Good, I'll teach you!"
"How to douggie?"
Naibuga ni Abys ang tubig na iniinom niya nang sabihin ko iyon. Napatawa na lamang ako dahil sa naging reaksyon niya. Sinusubukan ko lang naman magbitaw muli ng joke at mukhang umepekto sa kanya.
"Kung ano-ano na lang pumapasok dyan sa utak mo Natalie, kung joke yan hindi nakakatawa."
Napanguso ako dahil sa sinabeng iyon ni Abys. Akala ko ay umepekto na sa kanya ang pagiging joker ko. Minsan na nga lang ako sapian nang pagiging joker ko hindi pa tumalab sa kanya.
"But, you make me smile!"
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na sa akin. Nakakahawa ang ngiti ng kuya ko. Alam niya kaya na magkapatid kami? Ano kaya ang pakiramdam na may kuya ka na proprotekhan ka kahit anong mangyare? Mafefeel ko ba yun kay Abys?
"I forgot something on my car, wait for me!" tumango na lamang ako bilang pag-sang-ayon.
Inubos ko lang ang laman ng plato ko at kumuha muli ng panibago habang hinihintay ko si Abys na bumalik. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik na rin siya. Kapansin-pansin ang kanyang hawak. Kanino naman kaya niya iyon ibibigay?
Tumigil siya sa harapan ko at nakangiting iniabot sa akin ang kanyang hawak. Para sa akin?
"Fresh red tulips, for my beautiful sister."