Chapter 7: FIRST CASE

Natalie’s POV

Kanina pa ako paikot-ikot sa swivel chair ko. Nakabalik na kasi ako sa kompanya. Wala akong magawa kundi ang panoodin at pakinggan muli ang boses at galaw ng suspek. Natawagan ko na rin yung mga pulis na kasama ko sa kaso na ito. Wala pa rin daw silang alam sa location ng suspek. Paano na this? Kinuha ko ang cellphone at bag ko para umalis na sa lugar na ito at masimulan na ang una kong kaso.

“Saan ka pupunta?”

Napatingin ko kay Isaiah dahil sa biglang pagsulpot nito sa likuran ko. Hinarap ko siya at nginitian.

“Pupunta lang ako sa headquarters sa police station kukuha lang ako ng info about sa case ko, bakit?”

“Sama ako,” he said pero hindi ako pumayag.

“Hindi na, kaso ko to at ang kaso mo ang asikasohin mo. Sige na aalis na ako.”

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at iniwan siyang mag-isa. I get on in my car and drive until I arrive in the police station. Pinakita ko ang ID ko bilang agent at pumunta sa room kung saan nandoon ang mga kasama ko para sa case. Limang tao lamang ang naroon. Tatlong lalaki at dalawang babae. Tumayo sila at sumaludo sa akin, gano’n din ang ginawa ko.

“Kamusta ang paghahanap ng location ng suspek?” tanong ko sa kanila.

“May nakakita raw po sa suspek na pumupunta sa isang lumang condo.”

“Napuntahan niyo na ba ang lugr na yun?”

“Hindi pa po, hinihintay po kasi namin kayo.” sabi sa akin no’ng isang babae.

“Sino leader ng team iyo?”

Tumayo naman yung isang lalaki at yumuko sa akin.

“Ako po si Jonathan, ito naman po si Cale, Jane, Lake at Sam.”

Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa mga pangalan nila. Kinuha ko ang folder kung saan nakalagay ang unang location kung saan posibleng nakatira ang suspek. Luma na nga ang condo na iyon pero maganda pa rin ang quality ng lugar.

“Tara, hindi tayo pwedeng magsayang ng oras.”

Tumayo ako at gano’n din ang ginawa nila. Sumakay ako sa kotse ko at sila naman ay sa sarili nilang service. I drove my car until we reach our destination. Mataas at maayos parin ang pagkakatayo ng condo na ito. Lumabas ako ng kotse ko at nakita ko silang pinapark pa lang ang kanilang sasakyan. Lumapit ako sa kanila at ibinigay ang folder na kanina ko pa pala dala.

“Tama ba ang napuntahan natin?” tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan ang condo. Tumango sila bilang sagot.

Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ang lucky charm ko roon. Kinakain ko ito tuwing kinakabahan ako sa mga kaso ko. Kaso hindi naman ako kinakabahan kaya ibibigay ko na lang sa kanila. Kumuha ako ng limang sachet t bumalik muli sa pwesto nila.

Kita ang pagtataka sa mga mukha nila ng ibigay ko sa kanila ang limang sachet ng gummy worms. Ngumiti ako sa kanila at nilagay sa mga palad nila ang limang sachet ng gummy worms.

“Kainin niyo yan para hindi kayo kabahan, effective yan promise.” Nakangiti kong sabi sa kanila at sumubo rin ng gummy worms.

Inubos lang namin ang gummy worms at nagsimula ng pumasok sa lobby. Pinakita namin ang mga ID namin para papasokin nila kami ng may permiso.

“May nakabook ba sa room 25?” tanong ko sa babaeng staff nitong condo.

“Yes po ma’am, bakit po?”

“Wag mong ipapainform sa nakabook doon na narito kami.”

Tumango lang ito at sumakay na kami sa elevator papunta sa floor kung nasaan ang room nitong nasabing suspek. Pagkabukas ng elevator ay ako ang nangunang lumabas. Hinanap ko ang room ng suspek at tumigil sa harap ng pintoan. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko na ngayon ay naa likuran ko na. May kani-kanila ng hawak na baril. Bakit ko nga ba iniwan ang baril ko sa kotse? Nevermind, maalam naman akong makipaglaban ng walang armas.

Tatlong beses akong kumatok sa pintoan at dahan-dahan iyong bumukas at niluwal ang lalaking walang damit pang-itaas. Mukhang nagising siya dahil sa pagkatok ko. Mabilis na kumilos ang mga kasama ko at agad na pinosasan ang lalaki. Halata sa mukha nito ang pagkagulat at pagtataka dahil sa biglang pag-aresto namin sa kanya.

“A-Anong ibig sabihin nito? Wala po akong nagawang masama.”

Pagrereklamo nito habang pilit siyang sinasakay sa service ng mga kasamahan ko. Sumakay ako sa kotse ko at sinundan sila na ngayon ay pabalik na sa prisento. Nagpupumiglas pa rin ito hanggang ngayon. Nandito kami sa kwarto kung saan kami nagusap-usap kanina bago sumugod sa tiinitirhan niya. Pina-upo namin siya at pinkatitigan ko siya ng mabuti.

“Ano bang kaylangan niyo sa akin? Ilang beses ko ng sinabi na wala pa akong nananakawan sa mga store na sinasabe niyo.”

Kitang-kita sa mga mata niya na nagsasabi siya nang totoo. Pero, bakit siya ang nakatira sa room na yun?

“Kaylan ka pa tumira sa condo na tinitirhan mo ngayon?” seryosong tanong ko sa kanya.

“No’ng isang linggo pa lang, bago lang ako sa lugar na ito at hindi pa ako nakakapunta sa mga store na sinasabe niyo.”

Hindi niya kaboses. Hindi rin nagtama ang tayo ng katawan niya. Mataba siya at hindi gano’n ang katawan ng suspek.

“Tumayo ka.” Utos ko sa kanya na agad niya namang sinunod. “Subukan mong maglakad mula rito hanggang sa may pinto.”

Kahit naguguluhan ay sinunod niya ang inutos ko. Pinagmasdan ko kung paano siya maglakad. Hindi rin nagtugma. Pinabalik ko ito sa kaninang kinauupoan niya. Isang bagay na lang ang kaylangan kong kumpirmahin. Ang tattoo sa may bandang leeg nito ang tattoo na nagsisimbolo ng kamatayan.

“Patingin ng leeg mo.”

Lumapit ako sa kanya at sinuri ang leeg niya. Wala. Nabigo ako. Hindi siya ang suspek. Napahilot na lang ako sa sintido dahil hindi ako nagtagumpay ngayon.

“Ano naniniwala na ba kayo na hindi ako ang suspek na sinasabe niyo?”

“Anong pangalan mo?”

“Echo Mendiola.”