Chapter 5: SHOPPING
Natalie’s POV
Buryong akong nakaharap sa monitor ng laptop ko. Binabasa ko kasi ang mga case na naassign sa akin. Nakaoff nga kami ng isang linggo, pag balik naman namin puro trabaho agad. Buti na lamang at hindi sabay-sabay ang schedule ng mga case na napunta sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog, senyales na may mensahe. Nakalimotan ko palang ioff ang data ng cellphone ko.
Abys:
Busy?
Inunat ko muna ang mga kamay ko bago nagtipa ng irereply ko sa message niya sa akin.
Me:
Reading the details about the case assigned to me. Skl.
Napahagikhik ako sa sarili kong message. Tinatanong niya lang naman kasi kung busy ako at hindi ang kung anong ginagawa ko. Inistraight to the point ko na kasi para hindi pa humaba ang usapan, sigurado ako itatanong niya rin kung ano nga ba ang ginagawa ko at naging busy ako. Advance magisip.
Abys:
Sorry for disturbing.
Me:
Nah, patapos na rin naman ako. Anong kaylangan mo?
Abys:
Yayain for lunch. Nagsasawa na ako sa luto rito sa bahay.
Me:
Fetch me na lang. Text me if you’re here already.
Hindi ko na hinantay ang message niya at pumasok sa banyo para maligo. Nasa mood akong magdress kaya nagdress ako. Simpleng dress lang naman na kayang magpainlove ng libo-libong lalaki. #Assuming. Light make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko. Hindi na nga ako marunong magluto, pati sa pagmamake-up wala rin akong alam. Hindi kaya lalaki talaga ako? Natawa na lang ako sa naiisip ko.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ang napakaganda kong ringtone. Ang sabi ko ay magtext na lang siya. Sabagay, maload naman ang isang to.
“Hindi ba’t ang sabi ko magtext ka na lang?”
[I did, hindi ka naman nagrereply.]
Tiningnan ko naman ang screen ng cellphone ko at nakita ko sa notifications ang sunod-sunod na message ni Abys.
“Nasa cr siguro ako no’n, sige na bababa na ako.”
Kinuha ko lang ang maliit kong shoulder bag at lumabas na nang condo ko. Nakita ko siyang nakasandal sa harap ng kotse niya at nakatingin sa akin.
“Baka matunaw ako niyan.” Pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa niya.
“Bakit kasi naging kapatid pa kita?” napailing na lang ako sa sinabe niya.
Oo nga pala, may gusto sa akin ang kapatid ko na si Abys, hahahaha! Hindi ko akalain na pati ang kapatid ko ay mahuhulog sa kagandahang taglay ko. Sa ibang restaurant kami kumain baka raw kasi magkasakit kami pag street foods na lang kakainin namin tuwing magkikita kami. Hindi ko mapigilang mamangha sa lugar kung nasaan kami ngayon. Kumikinang ang chandelier na nakasabit sa pinakagitnang kisame. First time kong makapasok sa yayamaning restaurant.
Inayos ko ang sarili ko bago pa akong mapagkamalang mangyan dahil sa akto ko. Nagkunware na lang akong sosyal dahil nakakahiya naman sa kasama kong akala mo siya ang may-ari nitong restaurant. Umupo kami sa isa sa mga table rito at doon ako nagkaroon ng tyempo para makausap siya, tungkol dito sa yayamaning restaurant na to.
“Uyy Abys, saang restaurant mo ako dinala?”
“It’s my own restaurant Natalie, don’t worry masasarap ang mga pagkain na hinahain dito.”
Abys own this restaurant? Waaah! Kaya pala parang kilala siya ng lahat nang nadaanan naming mga tao kanina. Napatingin ako kay Abys sa biglang pagtawa nito. Aba, baliw pala ang may-ari ng resto na ito.
“Anong nakakatawa?” I raised an eyebrow.
“Anong masama sa sinabe ko at naging ganyan ang naging reaksyon mo?”
“Wala, nagulat lang.”
Ilang segundo lang ang lumipas nagsidatingan na ang mga pagkain. Hindi naman iyon gano’n karami dahil kami lang namang dalawa ang kakain. Roasted chicken, chicken wings, barbecue, salmon at marami pang ibang masasarap na pagkain. Syempre, hindi mawawala ang kanin.
“Dahan-dahan lang.”
Hindi ko pinansin ang sinabe ni Abys at sunod-sunod na sumubo ng pagkain. Mukhang mabubusog ako ngayong araw na ito ah. Dinamihan ko na ang pagkain para mamayang gabi hindi na ako magluluto ulit. Naalala ko tuloy yung adobo na niluto ko para sa umagahan ko. Nagtira pa man din ako para may makain ako ngayong tanghali. Hala, bahala na yung adobo na maalat na may kunting tamis. Mas masarap pa itong kinakain ko ngayon kesa sa niluto ko.
“Kamusta nga pala ang mga cases na napunta sayo?” natigil ako sa pagkain nang magtanong si Abys.
“Maayos naman, hindi naman mahirap para sa akin.”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Abys nang sabihin ko iyon. Wala naman kasi talaga akong kinatatakotan. Madali sa akin ang lahat. Kaya nga napunta ako sa team ni Abys, ang team kasi nila ang mas magagaling sa lahat ng team at isa na ako sa team niya ngayon na pinapangarap ng lahat. Hindi ko nga alam kung kelan mapropromote si Abys para maging CEO.
Hindi pa naman kasu masyadong matanda si Jameson. Nasa mga 30s pa lang siya. Siguro matatagalan pa na maging CEO si Abys. Masaya ako kapag nangyare yun. Tsaka deserve niya namab yun kasi siya ang tunay na anak, hati na lang siguro kami sa mga shares. Kidding!
“Saan mo gusto pumunta?” wala naman akong alam na pasyalan dito sa lugar namin kasi tanging sa tapat ng condo lamang ako napunta, kung saan nakatayo dati ang convenience store na isa ako sa mga suki.
“Wala naman akong alam sa lugar na to, kahit saan na lang basta masaya.”
Inalalayan niya akong makapasok sa front seat bago pumunta sa driver seat. Hindi ko alam kung saan kaming lupalop ng Manila napunta. Hindi naman kasi ako masyado naggagala. Masyado kasing malaki ang Manila, traffic pa minsan. Mas mabuti ng makulong sa bahay kesa makulong sa traffic.
“We’re here!”
Kahit hindi ako naggagala alam ko pa rin kung anong tawag kung nasaan kami ngayon. Hindi naman ako bagong luwal lang para hindi malaman ang tawag sa napakalaking building na ito.
“Anong gagawin na’tin sa mall?” oo, nasa mall kami. Hindi ko nga rin alam kung ano ang trip nito sa buhay. “Wala akong balak magshopping, marami pa akong mga damit sa condo. Hindi ko pa nga lang nalalabhan.”
Hindi niya ako pinansin at dire-diretsong pumasok sa loob ng mall. Aba’y matindi.
“Ano ba kasing gagawin natin dito?” iritang tanong ko sa baliw na to. Hinarap niya ako at sumilay ang nakakalokong ngiti.
“Buy what you want. Buy new clothes, foods, and more.”
“Wala akong pe–“
“I’ll pay all, don’t be shy to buy in my mall.”