Chapter 4: SIBLINGS

Natalie's POV

"Paano mo nalaman na paborito ko ang red tulips?"

Nandito kami ngayon sa isang park. Naka-upo kami sa isang bench at sabay na pinapanood ang kalangitan. Napapikit na lamang ako ng biglang umihip ang napakalamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa feeling ng ganito, sana hindi na ito matapos.

"I'm searching for my other siblings because I want them to meet. Hindi ko alam na ang sumunod pala sa akin ay kasama ko lang sa trabaho."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin agad na alam mo na?"

"Kung kelan may gusto na ako sayo tsaka ko naman nalaman na kapatid kita." napatingin ako kay Abys. May gusto siya sa akin? "Buti na lamang at hindi pa gano'n kalala yung nararamdaman ko sa'yo. No'ng una, kapatid ang turing sa atin ng ibang mga empleyado sa kompanya. Kesyo parehas daw tayo kumilos at makipaglaban. Parehas din daw tayo mag-isip. Hindi nga ako makapaniwala na ang babaeng gusto ko ay kapatid ko pala."

"Joke ba yan Abys? Ikaw mag kakagusto sa akin?" pinagtawanan ko na lamang siya para kahit papaano ay mawala ang tensyon sa pinaguusapan namin.

"Seryoso ako Natalie, wag mo akong pagtawanan." natigil ako sa pagtawa ng suwayin niya ako. "Ngayon na kilala ko na ang isa sa mga kapatid ko, ipaparamdam ko sa'yo ang pagiging kuya ko."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa sinabe niya. No'ng una ay galit ako sa kanya dahil siya na lang lagi ang nakakasama at nakakabonding ng matagal ni papa. I never call him kuya, Abys lang ay ayos na ako. Pero lahat ng galit ko ay kusa ng nawala dahil sa mga sinabe niyang iyon.

"May ideya ka ba kung nasaan ang iba pa nating mga kapatid?" sabik na rin ako na makita sila para sabay-sabay namin pamamahalaan ang kompanya.

"Yeah, the third one is a writer and the fourth one is an agent also." Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabe niya.

"Nasaan sila? Gusto ko silang makita at maka-usap."

“Hindi pa ito ang tamang panahon para makausap at makita natin sila. Busy din sila sa kanilang mga trabaho. Wag muna natin silang abalahin.”

HINATID ako ni Abys sa lobby ng condo kung saan ako tumitira ngayon. Niyaya ko pa nga siyang umakyat pero uuwi na raw siya dahil hinahanap na siya ng kanyang mudrakels. Naligo lang ako at hinarap ang monitor ng computer ko. It’s already 10 o’clock in the evening. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagtimpla ako ng kape habang binabasa ang article na sinend pala ni Isaiah kanina pa.

Tungkol ito sa convenience store na nasunog no’ng nakaraan. Hindi ko pa rin maalala ang lahat sa panginip ko. I take a long deep breath bago kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Isaiah.

“What is the purpose of sending this article to me?”

[Wala, gusto ko lang ipakita sa’yo.]

“Ok.” I hung up the call.

Kahit minsan talaga walang kwenta kausap tong si Isaiah, parang may sariling mundo. May nakabili na raw ng lupa na iyon. Hindi ko rin maiwasang malungkot. Byabyahe pa ako ng malayo para bumili ng makakain. Mabuti sana kung convenience store rin ang itatayo d’yan pero hindi, isang salon. Ano namang gagawin ko sa salon aber? Ni pagsuklay nga kinatatamad ko pa, pero infairness maganda pa rin ang hibla ng buhok ko, kahit kulang sa alaga.

Nagbukas ako ng aking facebook para ichat si Abys. Nakalimutan ko kasi ang pangalan no’ng sinasabe niyang iba pa naming kapatid. Mukhang swineswerte ako kasi online siya. Sino naman kaya ang kachat nito?

Me:

Hey Abys! Send me the names.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nakareply agad siya.

Abys:

Names of what?

Minsan talaga may pagkaslow tong si Abys. Minsan every day.

Me:

Duh, amnesia dude? Our siblings.

Abys:

Ok.

Nakailang ikot na ako sa kama pero wala akong natanggap na message galing kay Abys. Aba’y pinagloloko ako nito ah? Kinuha ko ulit ang cellphone ko at inis na nagtipa ng mensahe.

Me:

The hell? Nasaan na?

Abys:

Hindi pala nasent sorry :) Brooklyn and Gianna.

Me:

May facebook account sila?

Abys:

Only Brooklyn.

Hindi ko na siya nireplyan pa at agad na sinearch ang pangalang Brooklyn. Sabi ni Abys writer daw si Brooklyn kaya mabilis ko itong nakita sa facebook. Matangkad, maputi, mukhang masungit. Yan ang unang tingin ko sa kanya, paano pa kaya pag sa personal na. Mahilig siyang magsulat ng mga action stories. A writer in Vermillion Publishing House, isa sa sikat na mga publishing house.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa kanya ng mga fans/supporters niya. Kusa na lang tumulo ang butil ng luha sa mata ko na hindi ko malaman ang dahilan. Siguro naiingit lang ako kasi no one show that they love me. Through these words na nababasa ko, alam kong maraming nagmamahal sa kaniya. Magisa na lang ako sa buhay, wala na akong makakapitan. Nandyan nga si Abys. Gusto ko maranasan na buo ako.

NAGISING na lang ako dahil sa biglang pagtunog ng alarm clock ko na nakalimutan ko palang patayin kagabi. Nagunatunat muna ako bago tuloyang pumasok sa banyo para maligo. Simpleng damit at shorts lang ang suot ko dahil wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang kwarto, banyo, kusina at sala ko. Nanood ako ng cooking tutorial sa YouTube para maiba naman ang pagkain na kakainin ko ngayon. Buti na lamang at may stock ako rito sa aking mahiwagang ref.

Adobo ang napili kong ulam na lulutoin ko ngayon. Matagal na kasi ng hindi ako nakakatikim nito, simula nang namatay si mama. Hindi man lang niya naipamana sa akin ang recipe ng adobo niya. Ginaya ko lang ang ginagawa nung nagtuturo sa video at nasusundan ko naman iyon. Hindi naman pala mahirap magluto ng adobo. Kumuha ako ng kutsara para tikman ang niluto kong adobo.

“Ang alat pwee.”

Buti na lamang at hindi gano’n karami ang niluto ko, masasayang lang. Unang try pa lang naman ito kaya makakaya ko rin sa susunod. Malay niyo mas masarap pa to sa jowa niyo. Ay wala pala kayong jowa. Sorry pasmasdo. Nilagyan ko na lang ng kaunting asukal ang niluto ko hanggang sa ayos na sa akin ang lasa. Hinain ko iyon sa lamesa at nagsimula nang kumain magisa.

Oo mag-isa. Nakakalungkot pala kumain pag mag-isa ka lang. Napabuntong hininga na lamang ako at inubos na ang pagkain na niluto ko. Hindi ko naman inubos lahat. Nagtira ako para sa pananghalian. Sumilip ako sa bintana at hindi man lang ako nainform na umuulan pala. Isinara ko na lang muli ang kurtina. Naagaw ng paningin ko ang red tulips na ibinigay sa akin ni Abys kagabi.

Nakangiting kinuha ko iyon at inilagay sa isang vase. Ipwinesto ko iyon sa coffee table sa aking sala at masayang pinagmasdan.

“I love seeing my favorite red tulips in my sala.”