Chapter 2: AUCTION
Natalie's POV
I'm slaying in my black gown right now. I'm wearing my boots that Abys gift to me in my eighteenth birthday. Black mixing with gold mask I wear, to cover my face. I'm drinking wine while watching my target. Nagsisiyahan ang ibang mga guest, hindi man lang nila alam na may mangyayareng hindi maganda ngayong gabi sa barko na sinasakyan nila ngayon. Kawawang mga nilalang.
Umawang ang labi ko ng maramdaman ang mainit na palad sa bandang hita ko. Buti na lamang at malayo iyon sa kinalalagyan ng gun pocket ko. I faced him and he became shocked na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Mukha ba akong bida sa horror movie para katakutan ng lahat?
"You want to live or die?"
Napailing siya sa kawalan at umalis sa kaninang kinauupoan niya. Mahinang bulong lang iyon pero nakakatakot na ang dating sa kanila, pano pa kaya kung magwala ako, baka tumalon sila sa dagat dahil sa takot. What a wonderful imagination Natalie.
It's a ordinary party for others guest but their group want to ruin this party. What a jerk! Saan kaya gaganapin ang auction? Sa second-floor o sa car park? I shrugged my shoulder as an answer to my own question. Sige lang Natalie, nagmumukha ka ng tanga.
It's already 9:55 pm, five minutes before the time of auction. Nagsimula ng umalis paisa-isa ang grupo nila. Alerto akong tumayo at sinundan ang isa sa kanila. Panay ang tago ko sa mga poste na madadaanan ko dahil panay ang lingon niya sa kanyang likoran. Nakaramdam siguro siya na may sumusunod sa kanya. Si kamatayan.
Nanatili akong nakatago sa likod ng poste, may iba pa pala siyang kasama na hinihintay. Pinauna ko muna silang lahat at ng makasigurado na wala ng susunod ay nagsimula na ulit akong maglakad.
Madilim ang pasilyo kaya mas lalo akong ginanahan na maglakad. Feeling ko kasi ay malaya akong makakagalaw pag nasa madilim akong lugar. Mas alerto ako pag madilim. Lights off is the best for me.
“Sigurado ba kayong walang nakasunod sa atin?”
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng yabag at boses na naguusap sa kabilang pasilyo nitong nilalakaran ko. Akala ko ba ay sa pasilyong ito dumaan ang mga sinundan ko? Pumunta ako sa pasilyo kung saan nagmula ang mga tinig na narinig ko. Kahit madilim ay kitang-kita ko pa rin ang pigura ng dalawa dahil sa liwanag galing sa crowd kung nasaan ako kanina. Hindi sila pamilyar sa akin pero ramdam ko na may gagawin din sila sa lugar na ito.
Hindi ko na lamang sila pinansin at sinimulan na ulit ang paglalakad. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Anong nangyayare? Agad kong hinugot ang aking baril na nakalagay sa gun pocket malapit sa may hita ko. Marahan lang akong naglalakad habang nagmamatyag. Sunod-sunod pa rin ang tunog ng baril, hindi lang kaya auction ang nangyare rito? Wala naman iyon sa details na binasa ko.
Nagtago ako sa poste ng maaninag ko ang grupo ng kalalakihan na nakikipagbarilan. Sila ba ang nagsimula ng gulo? Patago ko silang pinagmasdan isa-isa. Lima sila, masyadong madilim para makilala ko sila ng lubusan. Ngunit isa sa limang lalaki na iyon ang nakilala ko sa tindig at paghawak nila ng baril. Akala ko ba ay sa akin lamang ang kaso na ito? Bakit nandito rin sila.
“Anong ginagawa niyo rito?” seryoso kong tanong sa kanila at nakisali na rin sa pagtugis ng mga kalaban.
“We didn’t inform you that someone planted a bomb here to kill you!” napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa sinabe niya.
Ang tanga naman nung nagtanim ng bomba rito. Dapat sa kotse ko na lang para ako lang ang mamamatay hindi lahat ng tao rito. Baril lang ako ng baril hanggang sa naubosan ako ng bala. Agad kong hinugot ang isa pang baril sa kabila ko pang hita at binaril ang huling target.
“Always ready ha!” he smirk.
“Ako pa? I always ready!” mayabang na sabi ko sa kanya.
Sinenyasan kami ni Abys na sa kabilang pasilyo naman kami pupunta. Balak ba nilang daanan ang lahat ng pasilyo bago kami tumakas?
“It’s not what you think Natalie, dito ang daan papunta sa yate na sasakyan natin pabalik ng kompanya.” I rolled my eyes kahit hindi niya iyon nakikita. He can read my mind na sa akin niya lang naman nagagawa.
“Nasaan na si Isaiah? Kasama lang natin siya kanina ah?” nagugulohang tanong ko. Si Abys, Gio, Aiden at ako na lamang kasi ang nasa pasilyo na ito.
“He’s the one who assigned to refuse the bomb.” Walang emosyon na sagot sa akin ni Gio. Tumango na lamang ako bilang sagot.
Sumunod ako kay Abys nang sumakay ako sa yate, gano’n din ang ginawa ni Gio at Aiden. Ngayon ko lamang kasi nakasama sa laban itong si Gio at Aiden kaya hindi masyadong pamilyar sa akin ang kanilang tindig at mga mukha. Minsan ko na naman silang nakita at nakausap sa kompanya pero hindi naman gano’n katagal. Ugali lamang nila ang natandaan ko.
Si Gio ay maseryosong tao. Halos hindi nga iyan ngumingiti, ilang beses na akong nagbitaw ng joke sa kanya pero tanging ‘joke ba yun?’ ang narinig ko sa kanya. Simula no’n hindi na ako nagbitaw ng joke kanino man. Si Aiden naman, kalog na tao yan. Siya ang tumawa sa joke ko nang hindi man lang tumawa si Gio. Dumating pa sa punto na tumawag si Gio sa mental hospital dahil daw nababaliw na kami, hindi kasi kami matapos-tapos sa pagtawa no’n.
Napailing na lang ako ng maalala ang mga panahon na masaya pa kami kahit gano’n lang kabilis iyon. Doon ko lang kasi naranas muli ang maging masaya, ngumiti at lalong-lalo na ang tumawa ng malakas.
“Ayos ka lang Natalie?” napatingin ako sa gawi ni Aiden ng marinig ko ang nagaalalang tono ng kanyang boses.
“Ayos lang ako, may naalala lang!” pilit akomng ngumiti sa kanya at iyon din ang kanyang ginawa.
“Nasaan ka na?”
[Hindi ko marefuse ang bomba!]
“Dalhin mo tapos ihagis mo sa dagat, understood?”
Si Isaiah siguro iyong kausap niya. Ilang minuto lang ang lumipas natanaw namin si Isaiah na tumatakbo dala-dala ang isang delikadong bagay. Bomba! Seriously!? Sinunod niya yung sinabe ni Abys? He throws it on the sea at habol ang hiningang ngumiti sa amin.
“The case is now closed.”