Chapter 8: SUICIDE
Natalie’s POV
Hindi ko mapagtanto kung bakit narito ako sa rooftop ng isang building. Napatingin ako sa pinto nitong rooftop at nakita ko roon ang isang babaeng umiiyak at hinihila ng isang lalaki. Masyadong madilim para makita ko ang mukha nila. Tinali ng lalaki ang kamay at paa nito para magawa niya ang kaniyang binabalak. Rinig na rinig ko ang malalakas na sigaw ng babae na humihingi ng tulong. Gusto ko siyang tulongan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Napaiyak na lamang ako habang pinapanood ang babae na hinahalay ng kung sino man. Patawad. Wala akong magawa.
Natapos ang pangyayareng iyon at iniwan ng lalaki ang babaeng hinalay niya. Lalapitan ko sana ang babae pero namalayan ko na lang na nakatali rin ako sa upoan. Paano iyon nangyare? Wala ng tali sa kamay at paa ang babae kaya kinaya na niyang tumayo. Tatawagin ko sana siya kaso may nakaharang sa bibig ko. Namataan ko na lamang siya na nakatayo sa bakod nitong building. Pilit ong tinatanggal ang nakatali sa kamay at paa ko para tulongan siya ngunit, huli na ako. Hindi ko siya napigilan.
NAGISING ako dahil sa masamang panaginip na iyon. It’s happen again. I get my phone to see what time is it already. 4 o’clock in the morning. I enter my bathroom to take a shower. I cook a corn beef with a fried rice. Mapapasarap ng kain ko nito kaya dinamihan ko na ang niluto ko. Nagluto na rin ako ng kakainin ko para sa tanghalian. Magbabaon na lang siguro ako. Fried liempo lang ang niluto, nagluto na ako ng marami dahil bibigyan ko yung limang kasama ko sa kaso.
Pinack ko iyon sa mga tupperware at nilagay sa isang eco bag. Kumain muna ako ng umagahan bago nilisan ang condo ko. While driving my car someone’s texted me. Nagpark muna ako bago binasa ang message. It’s Abys. He wants to talk with me.
Me:
I’m busy with my case, maybe next time if I have a free time
Nang masend ko na ang message ko ay tinahak ko na ang daan papunta sa police station. Kinuha ko ang eco bag kung saan nakalagay ang mga pagkain na hinanda ko. Magtatanghalian na kasi ng umalis ako sa condo. Syempre, naglinis muna ako ng bahay bago umalis. When I reach the room, I knocked three times then someone’s open it for me. It’s Jonathan.
Tinulongan niya ako sa bitbit kong eco bag at inilapag sa table. Tiningnan ko sila na busy sa pagbabasa ng folder. Ang seryoso naman nila. Hindi man lang nila ako tinitingnan ng diretso sa mata. Umupo ako sa swivel chair na nakatalaga sa akin. Nasa gitna iyon sa may bandang dulo.
“Kumain na ba kayo ng lunch?” pagbasag ko sa katahimikan. Natigil sila sa kani-kanilang ginagawa dahil sa biglang pagtatanong ko.
“Hindi pa po. Minsan lang po kami kumain ng lunch.” Sagot ni Jonathan sa tanong ko.
Kinuha ko ang eco bag kung saan nakalagay ang pagkain na niluto ko para sa kanila. Inilapag ko yun lahat sa table na ipiagtaka nila.
“Kain muna kayo, pinagluto ko kayo.” Nanatiling nakatitig lang sila sa akin. “Hindi naman ako nangangain ng tao. Mabait ako, seryoso lang talaga ako tignan.”
Napatawa sila sa sinabi ko at nakitawa na rin ako sa kanila. Kinuha rin nila ang mga tupperware at nagsimula ng kumain. Samantalang ako ay busy sa binabasa kong detail about sa bagong location na nakuha about sa suspek. Sa may port ito, ano namang gagawin niya sa may bandang dagat? Napatingin kaming lahat sa pinto nitong opisina ng biglang may pumasok na isa ring pulis.
“May babaeng tumalon sa building malapit dito sa station. Puntahan niyo raw muna sabi ni Chief.”
Ang panaginip ko. Shit! Kaylangan kong mapuntahan ang building na iyon. Lalabas na sana ako sa opisina ng pigilan ako ni Cale.
“Kami na lang po ang pupunta-“
“Bilisan niyo riyan, kaylangan nating makarating agad doon.” I cut her off.
Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin. Sumakay ako sa kotse ko at pinuntahan ang building na malapit lang naman dito sa station. Kitang-kita ko ang mga taong nakikiesyoso sa nangyare. Lalo na ang mga pulis at ambulansya na nahaharangan na ang daan dahil nga sa nangyare. Pinark ko ang sasakyan ko sa tabi at lumapit sa ibang pulis na naroon. Ipinakita ko ang ID ko at itinuro ang mga kasamahan kong pulis na palapit na rin sa pwesto ko.
“Anong nangyare sa babae?” tinanong ko pa rin iyon kahit na nakita ko na sa panaginip ko ang nangyare.
“Tumalon ang babae mula sa roof top nitong building. Hindi pa namin alam ang buong pangyayare kung bakit tumalon ang babae. Ipapa-autopsy pa namin ang kanyang katawan kung ginahasa ba siya, isa lamang iyon sa mga dahilan.”
“Dito rin ba nakatira sa building na ito ang babae?”
“Room 56, fourth floor.”
Humingi ako ng permission sa pulis na magiimbestiga ako sa loob ng room ng biktima. Baka makakita ako ng kahit anong bagay na makakapagturo sa lalaking gumawa no’n sa biktima. Ang pangyayari sa panaginip ko. Hindi na ako nag pasama dahil gusto kong makapagconcentrate. Hindi kasi ako makagalaw ng ayos kapag may mga kasama ako, hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin.
Nang makarating ako sa kwarto ng biktima ay pinagmasdan ko muna ang bawat anggulo ng kwarto. Halatang may nangyari muna rito bago siya dalhin ng suspek sa roof top para doon halayin. Hinalungkat ko ang brief case na dala ko na ipinahiram sa akin ng mga pulis. May inispray ako sa buong kwarto at pinatay ang ilaw. Maya-maya rin ay nagsilitawan na ang mga finger print na halos mapuno na ang buong kwarto dahil sa dami no’n.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ng walang flash ang mga finger prints. Binuksan ko muli ang ilaw ng matapos kong kumuha ng litrato. Napatingin ako sa coffee table kung saan may isang bagay na maaaring tumukoy sa suspek. Sigurado akong isa tong dart player. Kinuha ko ang gloves sa brief case at dinampot ang boning knife na nakalagay sa coffee table.
Nilibot ko na ang buong kwarto at tanging boning knife lamang ang nakita ko. Wala na akong ibang ginalaw pa sa mga gamit doon at umalis na ng kwarto. Napansin ko ang isang lalaking nakajacket na itim na dumaan pagkalabas ko ng kwarto. Hindi ko na lamang iyon pinansin at sumakay na ng elevator. Lumapit agad ako sa mga pulis at ipinakita ang bagay na nakuha ko roon.
“Kunin niyo ang mga location ng mga bar na may dartboard games malapit sa lugar na to.”
Agad namang kumilos ang ibang mga pulis nang iutos ko iyon. Lumapit ako sa mga kasamahan ko na busy sa pagkuha ng litrato sa babaeng nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sarili niyang dugo. Sayang ang batang to. Napakaganda ng kutis at ang ganda pa, hindi na ako tatanggi kung bakit siya ang nagustohan ng suspek na biktimahin.
Lumapit ako kay Sam para kunin ang background details ng biktima. Ibinigay niya sa akin ang isang folder kung saan nakalagay ang buong detalye ng pagkatao ng biktima. Halos kaedaran ko lang siya. Isa siyang model at halata naman iyon sa katawan niya. Sayang ang career niya dahil sa nangyare. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya dahil madalas ko siyang nakikita sa mga magazines at mga platforms na pakalat-kalat sa kalye.
Tinigil ko ang pagbabasa sa folder ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin nung una pero makulit ang caller na ito. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko at agad sinagot.
[Why did you ignoring my ca-]
“Ang oa naman Abys, isang tawag mo lang ang hindi ko nasagot. Ano ba ang kaylangan mo? Busy ako. I gave you 5 minutes to state what you want.”
[Nothing.]
Napairap na lang ako sa hangin ng siya na ang kusang pumutol ng tawag. Binalik ko na lamang sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko at tinapos ang pagbabasa sa laman nitong folder na hawak ko. Pagkagabihan ay bumalik na muli kami sa station ng makuha na ang katawan ng biktima. Babalitaan na lang daw nila kami sa magiging result ng autopsy ng biktima.
Dito na muna ako sa station magpapalipas ng gabi dahil kukulangin ako sa panahon kapag hindi ko malutas ang unang kaso ko sa loob ng isang buwan. Time is too fast para magchill chill lang ako. Nakakakita lang ako ng mga tragic scene pero hindi ko nakikita ang mga suspek. I have powers to dream a tragic scene but, I don’t have a powers to know who are the suspects that are involve in a crime.
Pinapanood ko ang cctv clip na kuha sa mga store kung saan nagnanakaw itong suspek. Iba ito sa clip na naibigay sa akin no’ng panahon na nakavacation pa ako. Umalis si Jonathan at Jane dahil inutosan ko silang bumili ng kakainin namin para sa dinner. Isusuggest ko sana na sa resto na lang kami kumain at ako naman ang magbabayad. Kaso sayang ang oras namin kung magreresto pa kami. Malayo pa naman iyon dito sa station.
Nagbigay na lamang ako ng budget para sa kakainin namin. Hindi naman mamahaling pagkain ang binili nilang dalawa. Binili raw nila ang mga pagkain sa may kalenderya malapit lamang dito sa station. Suki na raw kasi sila roon at masasarap naman ang mga hinahaing pagkain doon. Pagkarating nila ay tinigil agad namin ang aming ginagawa at nagsimula ng kumain ng hapunan.
“Hindi ba kayo nagsisisi na nagpulis kayo?” out of nowhere ay naitanong ko iyon sa kanila. Meron kasing ibang mga pulis na nagsisisi dahil sa mga kinakaharap nila.
“No’ng una kaming buong team, gusto na talaga naming magresign pag natapos itong kaso namin kasama ka.” Napatingin ako kay Jane ng magsalita ito. “Sabi sa amin ni Chief na isang magaling na agent ang makakatrabaho namin at hindi nga siya nagkakamali. No’ng unang makita ka namin ang akala namin isa kang istriktang babae at hindi madaling lapitan, pero nagkamali kami.”
“Naalala ko no’ng binigyan mo kami ng mga gummy worms, sabi niyo pampawala ng kaba. Lumuwag yung pakiramdam namin dahil nagkamali pala kami sa first empression namin sayo. Oo, mukha ka ngang istrikta pero napakaganda ng iyong kalooban.”
“Wag niyo akong binobola ha.” Nagtawanan naman sila sa sinabi kong yon. “Bakit naman balak niyong magresign pag natapos tong kaso ko?”
“Hindi na po namin itutuloy yun, gusto po naming maging katulad niyo. Hindi po namin kayo nakikitaan ng kung anong takot, kagaya na lang po ng kanina. Sa amin po pinaubaya yung kaso at labas na po kayo roon ngunit, sumama pa rin kayo sa amin. Kayo rin ang nakakita ng ibedensya para madaling matukoy ang suspek sa nangyare.” Cale said, ang pinakabata sa aming lahat.
Nagkwentohan at nagpurihan lang kami hanggang sa matapos na kaming kumain. Nagpahinga lang kami saglit at bumalik na muli sa pagtratrabaho. Nareceive na rin namin ang autopsy ng biktima at ang mga location ng mga bar na may dartboard games. Lumabas sa autopsy ng biktima na ginahasa ito, gaya ng pangyayare sa panaginip ko.
“Paano yan miss Natalie? Dalawang case ang naitalaga sa amin. Hindi kaya humanap kayo ng panibagong team na tutulong sa inyo?”
Umawang ang labi ko dahil sa sinabeng iyon ni Jonathan. Umiling ako sa kaniya bilang sagot. Umayos ako ng upo at tiningnan sila.
“Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Yung isang grupo syempre sasama sa akin, yung isa naman doon pa sa isang kaso na hahawakan ng grupo niyo. Per, tutulong pa rin ako sa kabilang grupo. Gets niyo?” tumango naman sila bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko.
“Bilib talaga kami sayo miss Natalie.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Lake.
“Natalie na lang, masyadong pormal pag may miss.”
KINABUKASAN umuwi muna ako sa condo para maligo at magpalit. Alas singko pa lang ng umaga. Sinabi ko na rin sa kanila na sabay na kaming kumain ng agahan sa kalenderya kung saan sil madalas kumain. Naglinis muna ako ng bahay bago nilisan iyon. Sinigurado ko na nakandado ang lahat ng pwedeng daanan ng magnanakaw. May alarm din na nakakonekta sa cellphone ko at lalong-lalo na sa CAC na makakapagtukoy kung sino mang may lakas ng loob na pumasok sa loob ng condo ko.
Pagkarating ko sa station ay nakita ko na ang mga kasamahan ko na naghihintay sa akin sa labas. Pinark ko lang ang sasakyan ko at lumapit na sa kanila. Nilakad na lang namin ang sinabing kalenderya dahil hindi naman iyon masyadong malayo. Si Lake na ang umorder at kami naman ay naghintay lang sa table. Pansin ko na mas marami ang mga customer na mga pulis kesa sa mga ordinaryong tao. Mukhang suking-suki nga rito ang mga pulis.
Nang maubos namin ang pagkain ay pinuntahan na namin ang unang bar na mayroong dartboard games. Si Jane at Lake ang kasama ko samantalang ang natirang tatlo ay naa station inaasikaso ang kaso tungkol sa magnanakaw. Ito kasing dalawa ang inihiwalay ko dahil sila ang mas nakakatanda sa tatlong naiwan. Kotse ko lang ang ginamit namin para hindi maalarma ang mga tao sa loob ng bar.
Pinark ko ang sasakyan ko at sabay kaming lumabas. Binasa ko ang pangalan nitong bar na parang pamilyar sa akin.
“Darts Warrior Bar.”
UMUWI ako sa condo pagkatapos ng nangyareng iyon sa police station. Pimauwe na rin namin ang maling suspek na nahuli namin. Hindi nga siya talaga ang suspek na hinahanap namin. Lahat ng hinahanap namin ay wala sa kanya. Pinahanap ko na rin ng information tungkol sa lalaking nahuli namin kanina. Sinadya niya talagang may makakita sa kanya na doon pumasok para maling location ang maibigay sa mga pulis.
Hindi rin naman magkasabwat ang dalawa dahil dalawang buwan na ang nakalipas bago may bagong lumipat sa room na yun at si Echo iyon. Ang sakit naman sa ulo nitong suspek na ito. Napakahirap hanapin. Hihiga na sana ako sa kama para magpahinga ng biglang tumunog ang cellphone ko.
“Anong ibabalita mo?”
[May bagong info about sa location ng suspek.]
“I’ll be there tomorrow.”