KABANATA 30

Kung sinuswerte ka nga naman.

Nakahanap kaagad ako ng trabaho. Umaga kinabukasan nang magtungo ako sa isang maliit na restaurant katabi ng apartment building na tinutuluyan ko. Nakita ko ang nakapaskil doon na hiring sila ng janitor. Dahil undergrad ako, panigurado na mahihirapan ako sa paghahanap ng trabaho kaya blessing in disguise talaga nang doon ako magtungo para sa agahan.

Alam niyo ba kung ano pa ang swerte? Ang pogi ng manager mga bakla. Huwag na kayo riyan, akin na 'to.

"Wow, so nagtrabaho ka sa Vizcara as performer? I know that bar at Montalban," nakangiting saad ni bebe Manager sa akin, pinapakita ang mapuputi niyang mga ngipin.

Oh, pak! Isang ngiti mo pa, malapit na kitang mapapak. Keme akong ngumiti at nilagay pa ang imaginary hairlalo sa aking tenga. Akala mo Mikee ikaw lang maganda? Ha! Hindi pakabog ang Bea Alonzo sa Julia Baretto, no!

"Eeeehhhh, ikaw Sir, ah? Paano mo alam ang lugar na iyon?" malantod kong saad at may papalo pa sa braso niya.

Shala, mamasel si fafa. Itadakimasu!

Tumawa siya at sinapak din ako pabalik sa braso. Gago, muntik na akong mahulog sa upuan ko. Sadista naman pala 'tong fafa ko. Bet!

"Pumupunta kami sa Montalban minsan ng mga barkada ko at nadadaanan namin iyong Vizcara. We happened to know what's the bar all about," ekspleka niya. "Don't worry, we don't discriminate third genders here. May iba akong empleyado rito na tomboy at bakla kaya wala kang dapat ikabahala."

Ay, salamat naman. Akala ko mararanasan ko iyong aalipustahin ng mga katrabaho tapos si bebe Manager ang magiging knight ko. Hindi bale na, kaya ko naman siyang landiin kahit hindi ako inaalipusta. Hindi niya alam na bukod sa pole dancer, artista rin ako minsan.

"Thank you, Sir," pa-cute kong sabi sabay pilantik ng mga mata sa kaniya.

Tumawa naman siya ulit. Bongga, masiyahin ang bebe ko. Huwag kang mag-aalala, papaligayahin pa kita ng husto. Bumigay ka lang sa akin. Oh, pak!

"Anyways, you may start here tomorrow. You're schedule would be 6AM-5PM. Day off ng lahat every linggo dahil sarado ang restaurant noon." Ngumiti ulit siya sa akin bago ako tinitigan ng seryoso. "Are you ready for the job, Warren?"

Hindi Wayo ang dinala ko rito dahil pang-Vizcara lang iyon. Kahit gaano pa kapogi itong si bebe Manager ko, loyal pa rin ako kina Mama Jessie, aba.

"Ready na ready, Sir!"

Sana ikaw rin, ready na. Ehe.

Pagkalabas ko ng opisina ni bebe Manager ay kaagad akong sinalubong ng mga empleyado roon. Tama nga si bebe Manager mababait ang mga empleyado niya at mayroon ding mga ka-federation kagaya ko.

"Welcome rito, Warren," bati nila sa akin isa-isa.

"Salamat! Start ko na raw tomorrow."

"Papables Manager natin, ano?" eksena ng isang bakla kagaya ko, pak na pak pa ang awra.

"Ay, oo nga. Muntik ko nang gawing panghimagas doon kanina sa loob," biro ko.

Tumawa naman sila.

"Wit ka chance riyan, mare. Straight ruler iyan!"

"Aba'y balikuin natin!"

Ganoon lang kadali na nagkapalagayan kami ng loob. Kagaya rin ito sa madaling pagtanggap sa akin nina Tenten at Teyang sa Vizcara. Swerte siguro ako sa trabaho at mga katrabaho. Sana all, ano?

"Tara at iikutin muna kita rito para mapamilyaran mo kaagad ang lugar," presinta ng isang babae roon.

"Ay, baka makaabala na ako niyan, te?"

"Ano ka ba! Break ko naman kaya keri lang."

Dahil mabait na rin siya sa pag-offer, gumora na ako. Hindi naman kalakihan ang restaurant, pero infairness talaga, magara ang designs. Hindi halata na hindi naman kabonggahan ang lugar. Tsaka noong makita ko ang menu, yumminess naman ang mga pagkain. Sayang hindi ko natikman at iyon naman ang pinunta ko rito. Mas na-focus kasi ako sa nakita kong hiring.

"Sila ang mga waiter natin at sa likod naroon si chief," pagpapakilala sa akin ng magiging kasamahan ko.

Ay, bongga! More chance of winning pala rito. Kung hindi kay bebe Manager, sa mga bebe waiter na lang, oh. Sayang, tanders na si chief, pero keri lang. Pwede rin gawing Daddy. Siyempre, biro lang.

"Kaloka, siz. Araw-araw yata gaganda ang araw ko rito," kinikilig kong saad sa babaeng kasama ko.

"Ganiyan din ang linya ng mga kasamahan nating bruhilda rito. Naku, kayo talaga. Kaya kayo nasasaktan minsan, eh. Hindi ko nilalahat, ah? Pero hindi ba masakit na i-take advantage lang kayo ng mga lalaki dahil lang gustong-gusto niyo sila?" Nakikisimpatya siyang tumingin sa akin. "No offense meant, pero ilang beses ko na kasi nasaksihan ang mga kaibigan kong bakla na umiyak sa ganiyan."

Natahimik ako sa sinabi niya. Yes, what she said was somewhat true. Sa mga kagaya naming mga nasa third gender, suntok sa hangin lang talaga ang mga happy ending at fairytail-like lovestory. Ilang balde pa ang iluluha namin bago namin matagpuan ang the one, minsan nga, ang iba ay sumusuko na lang kalaunan. Hindi na naghahanap ng pangmatagalan. Kaya hindi ko rin masisisi ang iba na nagiging desperado na. Ibibigay ang lahat ng mayroon sila kapalit ng kaunting pagmamahal.

That thought itself was already heartbreaking. Ang nais lang naman namin ay ang matanggap.

"Well... anong magagawa namin? Kahit ganito kami umaasa rin kami ng lovelife, ano." Pilit akong tumawa. "Time out na nga! Mamaya hindi na ako magpatuloy rito dahil sa'yo, sige ka."

Pinalo niya ako sa aking braso. Inggrata 'to, makapalo akala niya bet na bet ko. Kung fafa lang sana papalo sa akin. Char.

"Masyado kang seryoso! Pero sige, kapag may problema ka sa lovelife o may gumugulo sa iyo, magsabi ka lang, ah? Kung nais mo lang naman, willing to lend an ear."

Napangiti naman ako. Parang may Mama Jessie the second na kaagad ako rito, ah. Kapag sinabi ko ito kay Mama, for sure magseselos iyon. Ayaw pa naman noong may umaagaw sa mga junakis niya.

"Dito naman ang usually paboritong pwesto ng mga costumer. May TV kasi tayo rito."

"Sosyal! May pa-TV."

Nasa last spot na kami noon. Ayos na sana, eh. Kung hindi lang umangat ang paningin ko sa TV. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng reply niya sa akin, but looked like he didn't want to be associated with me anymore. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para matulungan siya, ngayon ako lang ang naiwan na nasasaktan.

"Well, will you look at that," bulong ko sa hangin. "Mukhang no need mo nang umasa, Wayo. Hindi na iyan magpaparamdam sa iyo. Baka nga ikaw rin ang sinisisi niyan sa scandal nila."

Flash report, JM was seen with Mikee going in a luxurious restaurant. Nakaangkla pa si Mikee kay JM. Both looked fine and happy. Habang ako narito, nasasaktan at naghihintay ng kakarampot na mensahe mula sa kamiya.

Sometimes, destiny's really harsh when you're inlove.

KABANATA 31

Pinunasan ko ang aking pawis sa pagtatapos ng trabaho ko para sa araw kong iyon. First day ko ngayon at sinasabi ko sa inyo, hindi madali ang pagiging janitor. Kaya kahit pagrespeto o pag-iwas sa mga sahig na nililinisan pa nila, iyon manlang sana gawin natin para sa kanila. So far today, wala namang aberya sa aking unang araw.

"Nice job, te! Ano? Musta first day?" ani Maribel, ang merlat na Mama Jessie 2. 0 rito sa akin.

Janitor din siya, kaso sa kabilang wing siya today, ako naman, dito sa kabila.

"Heto, Haggardo Verzusa. Pero keri pa naman para sa future namin ni bebe Manager," biro ko na kinahalakhak niya.

Tinabi namin ang mga pinaggamit naming cart sa paglilinis. Salamat, natapos na rin for today. Maka-beauty rest after bago lumarga ulit sa hospital.

"Good job today, team!" ani ng mahinhin naming team leader nang nasa locker room na kami.

Tumaas ang kilay ko. Bali-balita ko na ex-girlfriend raw siya ng bebe Manager ko. Okray, ah! Okay, maganda siya. Pero tabingi suso niya, jusko.

Echos, laitera lang talaga ako.

"Salamat, Miss!" sabay-sabay naming sagot sa kaniya.

"Oh siya, kainin niyo na meriyenda niyo riyan tapos pwede na kayo mag-out," aniya bago nagpaalam sa amin.

Kumuha na lang ako ng meriyenda at nagpaalam kaagad. Dinahilan ko na lang na may lakad ako kahit pa atat lang ako na makapagpahinga kaagad. Jusmiyo, 3AM ako lalarga sa hospital mamaya. Pagkauwi gora na kaagad ako sa paghanda sa trabaho kaya need ko kaagad ng bonggang tulog.

"Hm?"

Nagtaka ako nang may kahina-hinalang nilalang na lumabas mula sa apartment building na tinutuluyan ko. Tila may hinahanap. Hindi ko na pinansin at naglakad na lamang. Saktong pagpasok ko, kaagad akong hinila ng landlady namin na kinagulat ko. Eksaheradang tanders 'to! Grabe naman makahila!

"Hoy, Warren, ikaw ba walang tinakbuhan o walang atraso sa kahit sino?" pabulong na tanong ng landlady habang patingin-tingin sa labas, tila may binabantayan.

Kumunot ang noo ko. "Waley naman po."

Sino naman? Wala akong crminal records at wala akong utang kahit hindi ako mayaman, ano. Sa ganda kong 'to.

"Siguraduhin mo lang, ah? Aba'y may naghahanap sa iyo rito kanina! Mukhang kahina-hinala kaya pinagtakpan kita. Sabi ko wala akong tenant na Warren Yoriel ang pangalan."

Ay, flash report! Ako ang hinahanap noong lalaki kanina? Anong meron?

"S-Sige, salamat po."

Pagkapasok ko sa aking silid ay mabilis kong tinakpan ng kurtina ang aking bintana. I felt anxious. Sino iyon? Bakit ako pinapahanap? Imposible namang sina Mama dahil updated sila sa akin. Sina Kuya kaya? Pero may numero sila sa akin na kinuha niya kay Mama. Tatawag iyon if may nais sabihin na hindi pa rin naman niya ginagawa. Hindi kaya... si Richard? Pero para saan naman? Siya nga may atraso sa akin!

"Ang sakit sa bangs!" inis kong singhal sabay sabunot sa sarili.

Well for now, let's calm down, Wayo. Mag-beauty rest ka muna para makapag-isip ka ng mabuti.

Pagsapit ng 3AM, halos balutin ko ang sarili ko. Naka-hooded jacket at may face mask pa. Mahirap na, baka nandiyan lang sa paligid ang naghahanap sa akin. Tila agila at hindi natutulog. Char.

Pero seryoso, mabuti na ang nag-iingat.

"Pinoproblema ko pa ang pag-iipon para sa ambag ko rito sa hospital, ngayon may problema na naman ako. Pucha, heartbroken pa ako niyan," parang bata kong sumbong sa harap ng ina kong tulog.

Ang juntis kong Ate na naman ang bantay niya. Kunsabagay, kung mapaanak siya bigla, nasa hospital na siya. Mas better.

"Ang hirap sumaya..."

Bumuntonghininga ako. Pumapanget na ako sa mga problema na ito.

"Anak..."

Napamulat ako ng mga mata at takot na napatingin sa paligid. Hala, may boses akong narinig. Nanginginig tapos parang humihingi ng tulong. Oh my god, sabi pa naman ng iba marami ring ligaw na kaluluwa sa mga hospital.

"S-Sino 'yan?"

"A-Anak..."

Napayakap ako sa aking sarili dahil tila biglang lumamig. Umikot ang paningin ko sa buong silid ng kwarto ni Mommy. Hanggang sa bumaba ang paningin ko sa kaniya. Sinalubong ako ng mulat niyang mga mata. Diretso siyang nakatitig sa akin. May kaunting mga luha na namuo sa gilid ng kaniyang mga mata. May sumilip ding ngiti sa maputla niyang mga labi.

"Ikaw pala ang salarin mother earth," biro ko.

"W-Warren, anak..."

"Hm?"

Tipid akong ngumiti at inayos ang kumot sa katawan niya. Ramdam ko ang unti-unting pag-ipon ng bigat sa dibdib ko.

"S-Sorry." Sinubukan niyang abutin ang mukha ko. "P-Patawarin mo sana si Mommy, anak..."

Tumikhim ako at kinurap ang mga mata ko dahil sa biglang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Hinaplos ko ang buhok niya at nakita ko ang unti-unti ay muling pagbalik niya sa pagkahihimbing. May tumulo pang luha sa pisngi niya na kaagad kong pinunasan.

"Magpagaling ka muna."

Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig nang sa paglabas ko ng silid na iyon ay kaagad akong naiyak. Pakiramdam ko ay marahan at mariin na hinihiwa ang aking puso. Her sorry echoed in my mind, tila sirang plaka na ayaw paawat. Ayon naman ang gusto kong marinig mula pa noon sa kaniya, sa kanila, but funny how it hurts me more than I expected.

"Tangina, ang daya..." umiiyak kong saad.

Bakit ako na nangangailangan ng sorry nila ang siya pa ring nasasaktan? Akala ko mawawala na itong sakit sa dibdib ko kapag narinig ko na ang mga salitang iyon, pero mali ako. Hearing and seeing my mother saying that to me pierced my heart.

"Oh, bakla? Ano nangyari sa'yo? Mukha kang na-gang-bang nang malupit," ani Maribel kinabukasan sa trabaho.

Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ko ng sariling cart. Paano ba naman, kulang sa tulog tapos buong magdamag pang umiyak, sino pa magiging ayos kinabukasan? Ang drama ko nga kanina pagkauwi. Umiyak pa ako habang naliligo, nagtatabo lang naman ako. Oh, 'di ba?

"Alam mo, Maribelat, pasalamat ka na lang at mas maganda ka sa akin today. Akala mo hindi ako babawi bukas, ah?" pag-alaska ko sa kaniya.

"Sige lang, te. Ikaw lang naman naniniwala na maganda ka kaya keri lang."

Pabiro ko siyang inambaan ng spray na hawak ko. Tatawa-tawang umalis ang inggrata. Lakas maka-okray.

Tumulak na rin ako at pakendeng-kendeng pa sa paglalakad. Wala pa si bebe Manager dahil flexible naman schedule niya kaya sa mga waiter muna ako aawra. Iyon lang, nang mapatingin ako sa isang pwesto ng restaurant, mabilis akong napapreno sa paglalakad at napaupo para magtago sa cart ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.

"Lord, alam kong wala ako sa huwisyo ngayon, pero hindi naman po ako gutom," wala sa sarili kong sambit.

Sumilip ako mula sa gilid ng aking cart at tinignan ang direksyon na nakita ko kanina. Naroon siya, nakaupo. May mainit na kape sa gilid niya habang seryoso siyang nagtitipa sa kaniyang laptop. Kinabahan ako, naisip kung alam niya kayang narito ako? Nakita niya kaya ako kanina? Kanina pa ba siya riyan?

Napakaimposible na napadaan lang siya sa maliit na restaurant na ito at sakto pa kung nasaan ako! Kaya bakit?

Bakit narito si Juancho Maxence Verde Grande ngayon?