KABANATA 32

Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakaraming katanungan ang pumapasok sa utak ko. Kagaya ng ano ang ginagawa niya rito? Alam niya kaya na narito ako? Ano na ang nangyari sa kanila ni Mikee? Ayaw ko maging assuming, ngunit pakiramdam ko hindi talaga coincidence na narito siya. Pakiramdam ko narito talaga siya dahil sa akin.

Was he going to sue me? Grabehan naman!

"Ma! Narito si JM sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon!" halos pabulong ko na pagbabalita ko kay Mama Jessie habang nakaupo sa isang cubicle na naroon.

I heard Mama's low gasp.

"Nahanap ka kaagad niya riyan?" gulat niyang untag.

Natigilan ako. Nahanap kaagad?

"Hinahanap niya talaga ako, Ma? So totoo nga ang hinala ko?"

"Warren, makinig ka," aniya dahilan para maging atentibo ako. "Noong kinaumagahan pag-alis mo, bumalik din kaagad sa isla iyang si Verde Grande. Pumunta siya rito sa Vizcara at hinahanap ka sa amin. Wala siyang sinabi kung bakit, pero noong sinabi namin na umalis ka, sobrang gulat siya. He looked betrayed and pained."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Hinanap niya ako? He looked betrayed and pained? Shuta, bigla yatang sumakit ang ulo ko. Naguguluhan na ako!

"Hindi niya kasama si Mikee, Ma? I saw the news! Magkasama sila at... tingin ko talaga gusto niya lang akong komprontahin."

Mukhang napaisip din si Mama sa kabilang linya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit hindi na rin mapakali ang aking puso.

"Hindi niya kasama iyong Mikee, Warren. Pero tama ka. Ang mabuti ay mag-ingat ka na lamang. Kung komprontahin ka nga niya, sabihin mo na lang ang totoo. No need to hide dahil wala ka namang kasalanan."

Tama si Mama. Wala akong kasalanan kaya bakit para akong criminal na nagtatago rito? Kung kokomprontahin man nga niya ako, I'll give him my side. Bahala na siya kung maniniwala siya sa akin o hindi. Ang importante ay malaman niya ang side ko.

"Sige, Ma. Salamat po. Pasensiya na ulit sa abala, ah?"

"Ano ka ba!" Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Ang akin lang ay mag-iingat ka riyan palagi."

Saktong paglabas ko roon sa cubicle at pagbalik ko sa labas ay wala na si JM sa kanina ay pwesto niya. Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid kung may senyales pa ba niya, ngunit wala na talaga. I was weirded out. Napailing ako at lumapit sa pwesto niya para linisin ang lamesa roon.

"Warren, tara na at mag-lunch! Masarap daw ulam ngayon sa karinderya!" tawag sa akin ni Maribel nang tanghalian na.

Dali-dali kong tinabi ang cart ko at inayos ang aking sarili. Alas-dose na pala. Kay bilis ng oras.

"Wait lang, merlat! Nariyan na!"

"Bilis! Kupad naman!"

Napairap ako nang makalabas at lumapit sa kaniya. Babawian ko talaga 'tong Maribelat na 'to one of these days.

May maliit kasing karinderya sa may tapat ng pinagtatrabahuhan namin at doon kami palaging kumakain. Bukod sa mura, sulit naman dahil masarap ang luto nila. Minsan lang talaga na-mi-miss ko ang luto ng baklang Teyang. Pero siyempre, wit ko sasabihin iyon sa kaniya dahil lalaki lang ulo no'n.

"Ay, teh! Nakita mo iyong isang costumer kanina? Iyong pogi sa wing mo? Naku!" parang kiti-kiti na saad ni Maribel sa harap ko.

"Gaga, umayos ka nga. Ang landi mo."

"Wow, ah? Coming from you?" aniya na kinatawa ko. "Pero heto nga! Narinig ko kanina sa mga marites nating kasamahan na Verde Grande pala iyon! Iyong pamilya na may-ari ng mga mall!"

Hindi ko pinahalata na nagulat ako na si JM pala tinutukoy niya.

"Oh?" maang-maangan ko. "Mas gwapo naman si bebe Manager doon."

Siyempre, mas pogi JM.

\

"Ay, eksaherada!" Malakas niya akong pinalo sa braso ko kaya inis ko siyang tinignan. "Tropa raw sila no'n ng Manager natin, bakla! Tama nga sabi nila na friends with the same feather, flocks together!"

"Ano?" gulat kong untag sa narinig.

Tropa sina bebe Manager at JM? Kung ganoon, baka naroon lang siya kanina dahil kay bebe Manager? Shet, puputok yata mga ugat ko sa ulo. Hindi ko kinakaya mga information na ito! Need ko ng blow job to blow my mind away.

Char.

Hanggang sa pagbalik sa restaurant ay nasa isip ko pa rin iyong mga nalaman ko. Nang makita ko pa nga si bebe Manager, gusto ko sana makichika kung true ba ang balita. Kaso nang nginitian niya ako ng bongga, ayun, natulala lang ang bakla.

"Hirap naman mag-assume."

Tulak ang cart ay bumalik ako sa panghapon kong trabaho. Tapos na ako kanina sa sahig kaya pagpupunas naman ng mga salaming bintana ang duty namin ngayon. Uunahin ko sa labas para mamaya before out na sa loob. Iyong kaunti na lang ang mga sagabal na nilalang. Charot.

"Ay, shuta!"

Muntik na akong mauntog sa salaming pinto palabas nang sa paglingon ko sa pwesto ni JM kaninang umaga ay naroon na naman siya! Nagtitipa na naman siya sa laptop niya at may umuusok na kape sa lamesa. Ang iba lang, ang suot niya ngayon. Kaninang umaga medyo formal. Ngayon simpleng polo-shirt at pants na lang. May pa-specs pa sa mga mata. Taray. College student 'yan?

Inayos ko na lamang ang sumbero ko sa ulo at mainit sa labas. Halos takpan ko ang mukha ko dahil madadaanan ko ng punas sa may banda niya. Mahirap na at baka bigla siyang lumingon, akin na siya. Charot ulit.

Nakita ko sa kabilang wing si Maribel na nagpupunas din ng glass window. Tinuturo niya si JM at tumaas-baba pa ang mga kilay. Inggratang 'to, bet pa yata makipagpalit ng pwesto sa akin. Kahit naman ayaw ko pang makita ako ni JM, ayaw ko namang landiin niya 'to, no. Ano ba ginagawa no'ng si Mikee at hinahayaan niyang palaboy 'tong jowa niya? Baka mademonyo ako at gapangin ko na lang 'to bigla, iyak siya.

Kabado-bente ako no'ng malapit na ako sa banda ni JM. Kumekendeng-kendeng pa ako niyan, ah. Pilit ko na lang na yinuko pa ang sumbrero ko. Jusko ang init!

"Ano ba ang tinitipa-tipa niya riyan? Mamaya kunyari lang pala pero nanunuod pala siya porn, ah," kausap ko sa aking sarili habang nagnanakaw ng tingin sa ginagawa niya.

Hindi ko napansin na sa pilit kong pagsilip sa laptop niya ay natigilan na pala ako sa ginagawa ko. Natatakpan ko na rin pala ang liwanag sa kaniya. Nakita kong natigil sa pagtipa ang mga daliri niya kaya napabalik din ako sa huwisyo. Nang mapatingin ako sa kaniya, sinalubong ako ng pares ng mga matang noon pa man ay nagpapahina na sa mga tuhod ko. Nagpapabilis din ng tibok ng puso ko.

Mine and JM's gaze finally met again.