KABANATA 29
Tiningala ko ang malaki at mataas na hospital sa aking harap. Ilang beses kong tinignan ang address na hawak ko, nagdadalawang-isip kung nasa tamang lugar na ba ako. After getting back and forth, napagdesisyunan ko nang pumasok.
It was 3AM, kahit nakasuot na ako ng hooded jacket ay nanunuot pa rin ang lamig sa akin. Maybe because it was already that time of the year. Christmas' already around the corner.
Hindi na ako dumaan sa nurse station at baka kapag nagtanong ako ng room number ay marami pang follow-up question. Mabuti na lang ay nag-iwan ang magaling kong Kuya ng room number kung nasaan si Mommy.
To be honest, I'm nervous.
Hindi naman kasi nawawala overnight ang napagdaanan ko sa kanila sa aking nakaraan. My first days at Vizcara, halos gabi-gabi akong binabangungot. Dumaan pa ang halos isang taon para lang mawala iyon. Never did my brain forget even a single thing of my past. Nakaukit na iyon at habangbuhay ko nang dala.
"Shit, narito ka na, Wayo. Kaya mo 'yan," pagpapagaan ko ng aking loob.
Bumukas ang elevator sa aking harap tanda na nadala na ako noon sa tamang palapag. Pinasok ko sa magkabilang bulsa ng aking jacket ang nanginginig at nanlalamig ko nang mga kamay. Pinanatili ko ang hood sa aking ulo. Mahirap na, baka nandiyan ang mga kalaban, kailangan ko munang manigurado at magkubli.
"Room 308..." I mumbled the room number habang tinatahak ang pasilyo.
Kaya tama rin talaga ang plano kong pumunta rito kung saang oras na tulog ang mga tao. Isa pa, panigurado na wala na rito ang magaling kong ama. Mainipin sa pagbantay ang hayop na 'yun. Kung may narito man para maiwan kay Mommy, for sure, si Ate lang o si Kuya.
"Found it."
Tumayo ako nang tuwid sa harap ng pinto kung saan sa likod ko ay naroon ang aking ina. Ilang beses akong lumunok. Rinig na rinig ko ang dagundong ng aking puso. Hindi ako maaaring umatras. Bravely face your fears, Wayo. For your happiness.
Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay para buksan ang pinto. Nang mahawakan ko na ang malamig na siradura ay ilang beses pa akong huminga nang malalim bago iyon pinihit pabukas. When I successfully did, I was welcomed by the smell of medicine and my Mommy's familiar milky scent. Bahagya akong naluha. Her scent never changed after all these years. Her familiar scent that comforted me eversince I was just his little boy.
Nakita ko si Ate na natutulog sa isahang sofa roon. Tumaas ang isang kilay ko nang makita ang umbok sa tiyan niya. Wow, juntis ang bruha. May pumatol pa pala sa'yo, infairness.
"May pamangks na pala ako," bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna. Tumayo ako sa dulo ng higaan kung saan naroon si Mommy. Payapa siyang natutulog. She didn't change, pero ang kulubot sa mukha niya ay litaw na litaw na. Some strands of her hair were now gray. May kumurot sa puso ko seeing Mommy getting older and I wasn't there. But remembering her loving eyes turned cold for me, I once again felt that familiar betrayal.
"Hi, Mom," malamig kong saad nang makaupo na sa tabi ng higaan niya.
Hindi ko siya hinawakan, nanatili akong nakatitig. Akala ko nga kanina maiiyak ako kapag nakita ko na siya dahil sobrang kabado ako, but now, I felt calm.
"Why did you let me go, Mommy?" ang tanong na matagal ko nang kinikimkim para sa kaniya.
Sa totoo lang, marami akong nais sabihin at itanong sa kaniya dahil kahit anong iwas ko, si Mommy lang ang pinakaimportanteng pamilya sa akin. I was never close to Kuya and Ate. Dad was fine, but he was so strict to me kaya medyo malayo rin ang loob ko sa kaniya. Si Mommy lang. Si Mommy lang ang pakiramdam ko ay kakampi ko noon, pero hindi ko napaghandaan na maging siya, hindi rin pala matatanggap ang kung ano ako.
"Mommy!"
Nakita ko bigla ang umiiyak na ako habang ang mga tuhod ay duguan. Lagi, kapag nasasaktan ako o nadarapa, si Mommy kaagad ang tinatawag ko at hinahanap. Pakiramdam ko kasi kapag nasasaktan ako, si Mommy lang ang makapag-aalis no'n.
"Warren, anak! Oh my god! Bakit may mga sugat ka? Diyos ko, ang anak ko," alala niyang sambit sabay buhat sa akin. "Come here, Mommy will treat your wounds. Don't cry na, baby."
Mapait akong ngumiti sa alaalang iyon. Sinubukan kong itaas ang kamay ko para hawakan ang maputla niyang mukha, ngunit naibaba ko rin kaagad. Tumingala ako sabay huminga nang malalim.
"Mom, I'm still badly wounded. Hindi pa rin humihilom ang sugat dito, Mom," ani ko sabay turo sa aking dibdib. "And you know who caused it, Mom? Kayo. Ikaw. Pati na rin ikaw."
I bit my lower lip as I heard my voice shaking. Ang sugat sa dibdib na aking sinabi ay tila mas kumirot.
"Why? Why did you let that happen to me, Mom? Umasa ako na may kakampi ako noon sa'yo, but fuck..." Napayuko ako sabay kuyom ng aking mga kamao. "Tinalikuran mo rin ako."
I thought I was already strong enough after all of those years standing on my own. I treated my own wounds, pero hindi pa rin pala iyon tuluyang humihilom. Akala ko lang pala lahat ng iyon. Because the moment I was in front of my Mom like this again, I am nothing but really still a kid.
"I am called Wayo of Vizcara now, Mom." Sinubukan kong ngumiti habang sinasabi iyon. "Vizcara's the name of the place where I was accepted. I found my freedom there. I found people who loved me kahit na hindi ko sila kadugo o kaano-ano."
Binalik ko ang paningin sa Mommy ko na nahihimbing pa rin sa kaniyang pagtulog.
"I hope you'll be proud of what I've become. Naging malakas ako kahit wala kayo. Kahit wala ka."
Dumaan ang mukha ni JM sa isipan ko at nagdalawang-isip ako sa susunod kong sasabihin. Ilang beses na bumuka at sara ang bibig ko, sa huli ay nasabi ko rin.
"I also... fell in love there, Mom." Halos bumulong ako sa hangin. "He was gentle like the wind. Smelled like the ocean. At kapag tumitingin ako sa mga mata niya, maikukumpara ko iyon sa papalubog na araw. Calm and beautiful. I loved sunsets the most, that's why everytime he looked at me, I felt calm and at ease. Like I'm home in him."
Bumuga ako ng hangin bago nagdesisyong tumayo na. Hindi maaaring magtagal ako rito hanggang sa tuluyang tumaas ang sikat ng araw.
"I'll get going now, Mom. I'll visit you once you fell asleep again."
Nang nasa tapat na ako ng pinto para makaalis, natigilan ako sa akmang pagbukas ng siradura nang pakiramdam ko ay may mumunting tinig na tumatawag sa akin. Akala ko nag-ha-hallucinate lang ako. But then, the voice became clearer.
"Warren, anak..."
My eyes blurred hearing my Mom's gentle whisper. I was longing for that. Pero hindi ako humarap pabalik sa kaniya, bagkus nagpatuloy ako sa paglabas paalis doon baon ang sakit at tuwa na nadama ko sa aking puso.
I missed you, Mommy.