Where The Tides Reside is a completed billionaire novel by Yuna Hime with 40 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added June 1, 2022.
Synopsis
Read the first chapter
Chapter 1: SIMULA
"Kahihiyan."
"Disgusting."
"Walang kwenta."
"Makasalanan."
"Layas."
Ilan lang iyon sa mga salitang narinig ko mismo sa bibig ng aking pamilya. Oo. Nang aking pamilya. Ang aking kadugo. Ang aking kalahi. Masakit? Oo. Masakit na masakit.
Matatanggap ko pa sana kung mula sa iba o sa mga taong makikitid ang utak at hindi naman ako kilala nagmula ang mga salitang iyon, kaso hindi, eh. It would hurt less if it was only the society, but no. Sobrang sakit na pati pamilya mo ay itatakwil ka at pandidirihan dahil lamang isa kang bakla.
But I am brave. At least, that's what I putted in my mind.
Bilang anak ng isang Mayor sa aming siyudad, kinailangan kong itago ang tunay kong kasarian, ang tunay na ako. I am a closeted gay. Tinuruan at pinalaki kami na hindi dapat magdala ng kahihiyan sa aming pamilya. So I accepted it, I accepted my fate.
Pero pilit iyong kumakawala.
Bilang bunso sa magkakapatid, sinasabi nila na easy lang daw ang buhay ko, no pressure. Pero roon sila nagkakamali. I'm so pressured. Lalo na at grabe ang mga narating nina Ate at Kuya, so expected rin nila na ganoon din ako.
Si Ate, Doctor na. Si Kuya, Lawyer na. Dad wanted me to be a Police Officer, kung kaya kumuha ako ng Criminology. But heck, first year pa lamang ako nahirapan na ako. Bakit? Ikaw ba naman na bakla, palibutan ng mga yummy na papable, 'di ba?
Doon pumasok ang kahihiyan. I ruined our family, nagdala ako ng kahihiyan sa imahe ni Dad, nadungisan ko ang marangal naming apleyido. I was caught kissing with a guy sa aming paaralan and news flew like a flash. Sobrang kalat sa buong syudad na ang anak ni Mayor ay isang bakla na walang kasing dumi.
Marumi? Parang pakipaghahalikan lamang, marumi na? Kung ganoon, lahat pala ng mag-asawa, marumi? Mas marumi ang mga bunganga nila na walang ibang alam kung hindi husgahan ako, ang pagkatao ko. Anak ba nila ako? Magulang ko ba sila?
But I was wrong.
Even my own family judged me. Marumi na rin pala ang tingin nila sa akin pagkatapos ng eskandalo na iyon. Doon ko na-realize, wala pala talaga sa pagiging magkadugo o hindi ang panghuhusga. Nasa maruming utak na pala talaga iyan ng isang tao. Kung ikaw na tao may malawak na pag-iisip, then you knew how to understand people.
Hindi ko malilimutan ang malakas na sampal ni Dad noon sa akin. Ang paghingi ko ng tulong kay Mom gamit ang isang tingin, pero buong puso siyang tumalikod sa akin. Ang irap ni Ate. Ang disappointment sa mukha ni Kuya. Ha! At matatawag ko pa ba silang pamilya pagkatapos noon?
No. Never again.
"Okay," matapang kong sabi. "Kung iyan ang desisyon at gusto niyo, lalayas ako. At asahan niyo, wala nang bakla na mamamahiya sa apelyido ninyo."
Ni hindi ako umiyak n'on. Mag-isa at tahimik akong nag-impake. Matapang ko silang tinignan isa-isa bago ko sila tinalikuran. Dire-diretso, walang lingon. Wala rin naman na akong intensiyon na bumalik kahit pa humingi sila ng despensa at pabalikin ako.
Pero ano pa nga ba at ma-pride ako? Nasa dugo na siguro namin iyon.
Noong nakalayo na ako, noong mag-isa na lamang ako, roon ako nakaramdam ng pagod. Kahit nakahinga na ako nang maluwag sa natamong kalayaan, nandoon talaga ang sakit at bigat sa aking dibdib. Noong wala nang nakakikita sa akin, doon lang ako umiyak. Hagulhol ko lamang ang maririnig sa tahimik na gabi.
I am brave, because I knew how to cry. Who said crying could make you weak?
Hindi ko alam kung saan ako tutungo ng gabing iyon. Kanino ako tatakbo? May takbuhan ba ako?
Chapter list
40 chapters4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
More by Yuna Hime
View allYou may also like
BillionaireSign in to join the discussion








