KABANATA 28
Mabilis akong nagising nang tumigil ang bus sa istasiyon na patutunguhan. Pupungas-pungas at napapunas pa ako ng laway bago tumingin sa paligid. Yakap ko ang aking traveling bag, para akong tuta na nawawala sa siyudad. Noon lang unti-unting nag-sink-in sa akin na bumalik ulit ako sa lugar na naging trauma ng aking nakaraan.
Nagsimulang magbabaan ang mga pasahero habang ako ay tila nanigas sa aking kinauupuan. Kahit ang lumingon sa labas ng bintana ay nagpapakaba sa akin. Seeing those buildings, pavements, the familiar noise of the city made me very anxious. Namamawis ako, nangangatal. Maraming pumapasok sa isip ko. Walang tunog ng alon, maalat na hangin, pinong buhangin, at Vizcara na nagpapakalma sa akin.
"Sir, hindi po ba kayo bababa?" tanong ng kundoktor ng bus.
Nanginginig ang mga labi na ngumiti ako sa kaniya.
"Bababa na po. P-Pasensiya na po, Kuya. Medyo nahilo kasi ako sa byahe."
"Ay, ayos lang po ba kayo? Wala po ba kayong kasama?" nag-aalala niyang tanong at lumapit sa akin.
Bahagya akong nakahinga sa kabaitan ng kundoktor sa akin. Nakahugot ako ng lakas ng loob sa nag-aalala niyang mga mata na nakatuon sa akin.
"Salamat, kuya. Medyo maayos na rin naman po ako. Pasensiya na po sa abala."
Sumunod pa sa likod ko ang kundoktor, tila inaalalayan ako sa ganoong paraan. Kuya was so kind. Guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa kaniya, although my knees were a bit wobbly. Nang makababa na ay mabilis akong nagpasalamat sa kaniya at binigyan siya ng tip. Malapad ang ngiti na nagpasalamat naman siya pabalik sa akin.
Libre lang ang maging mabait, lalo na sa mga taong kagaya ni Kuya na ginagawa ng mabuti ang trabaho niya.
Yakap nang mahigpit ang aking traveling bag, mabilis akong nag-abang ng taxi na masasakiyan. Good thing, wala pang limang minuto ay may tumigil na sa harap ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok na sa taxi.
"Saan po kayo, Sir?"
"Sa may center plaza, Kuya," sagot ko.
Eventhough years of being away from the city, memoryado pa naman ng utak ko ang mga lugar dito sa kinalakihan ko. I knew some good apartments na maaari kong tirhan sa center plaza. Dala ko ang lahat ng savings ko kaya wala pa akong problema sa pera. Still, kailangan kong magtrabaho later-on para mabuhay sa pananatili rito at para na rin sa bagay na pinunta ko rito.
Pagdating ko sa paroroonan ay swerteng nakahanap kaagad ako ng magandang apartment. The landlord was kind and hospitable kaya mas kumalma ako. She reminded me a bit of Mama Jessie. Na-miss ko tuloy kaagad sila.
"Tiis-ganda muna, baks," bulong ko sa sarili habang nililibot ng paningin ang bago kong silid.
Hindi kalakihan iyon, pero hindi rin kaliitan. Sakto lang sa pang-isahang tao na titira. Kumpleto ang mga gamit at may sariling banyo, maging kusina na mas kinasaya ko. Pagkapasok sa iisang kwarto roon ay kaagad akong nahiga sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko at muling nabigo nang wala pa ring mensahe si JM. Binuksan ko na lamang ang kina Mama, Tenten, at Teyang.
"Ma, naandito na po ako. Nakakita po kaagad ako ng apartment," bati ko kay Mama nang tawagan siya.
"Mabuti naman. Hetong sina Tenten at Teyang, galit na galit sa'yo," natatawa niyang sambit at bahagya niya yatang nilayo ang cellphone niya sa kaniya.
"Hoy, bakla ka! Akala mo ang ganda-ganda mo para layasan kami!" si Teyang, pero halatang umiiyak.
"Oo nga, pokpok ka! Mabuti at nabawasan palamunin dito! Impakta ka, huwag ka nang bumalik!" si Tenten na umiiyak din.
"Pasensiya na kayong dalawa." Tumawa ako at kinurap-kurap ang mga mata. "Pero babalik ako mga bakla! Hindi ko hahayaan na solohin niyo mga fafa riyan, mga ambisyosa!"
Ilang minuto pa kaming nag-okrayan at nag-iyakan bago ko ulit nakausap si Mama. Sinabi ko sa kaniya ang plano ko pagkarating dito. Gamit ang address na inabot niya sa akin mula sa magaling kong Kuya kung saan naka-confine ang ina ko ay dadalawin ko siya. Para sa kapanatagan at kapayapaan ng puso ko kung sakali mang bumigay na siya. Ayaw kong may pagsisihan sa huli.
Sinabi ko rin kay Mama Jessie na maghahanap ako ng pansamantalang trabaho rito. Para sa ikabubuhay ko habang narito ako at para mag-ambag na rin sa hospital. Kilala ko ang pamilya ko. Hindi nakukuntento ang mga iyon sa tulong lang, laging may kapalit. Mama Jessie told me he would support me all the way and that's what all I needed right now.
"Bye, Ma," paalam ko bago matapos ang tawag.
"Sige, mag-iingat ka palagi riyan. Hawag ka na mag-isip ng iba pang bagay. Focus ka muna sa pamilya mo." Napangiti ako dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Opo, Ma. Salamat. Ingat din sila riyan sa inyo."
Narinig ko ang halakhak niya kaya natawa rin ako.
"Gaga kang bruha ka. Mas mag-iingat naman sila riyan sa'yo. Baka akitin mo magiging boss mo, ah?"
"Let's see, Ma."
Tawa lang ang maririnig sa aming dalawa nang matapos ang tawag na iyon. After talking to them, I felt lonely once again. Pero hindi ako pumunta sa lugar na kinamuhian ko para ma-depress lang. I had a lot of things to do and settle.
Natulala ako saglit sa kisame ng kwarto ko bago napagpasiyahan na pakainin ang kyuryosidad ko. I went to my browser at naghanap ng update sa scandal nina JM at Mikee. Nagulat ako na halos wala nang lumabas na article patungkol sa kanila.
"Wow, hanep talaga kapag mayaman. Isang labas lang ng pera tapos kaagad ang paglilinis ng dumi," kumento ko. "Well, baka naglalabing-labing na ang dalawa ngayon sa isla. Good for them, huh?"
Mapait akong ngumiti bago bumangon mula sa pagkahihiga. Hinalungkat ko sa bag ko ang address ng hospital kung saan ang aking ina ngayon. I wouldn't go there while the sun's still up. Mamaya nang madaling araw. Magpapakita na lang ako sa kanilang lahat kapag iaabot ko na ang ambag ko, in that way, isang bagsakan na lang ang lahat. Ayaw kong araw-araw, magplastikan lang kami roon. Baka magsigawan lang kami at hindi magandang tignan iyon sa hospital.
"After this, sarili ko naman."
All for my happy ending.