KABANATA 24

Naghahalo ang itim at pula sa aking paningin. Gusto kong magwala, gusto kong umiyak. Alam kong ayaw ni Mama Jessie ng gulo, ngunit sa punto na ito, hinahayaan niya lang ako rito. Dahil bukod sa kahit sino man na narito, siya ang may alam ng mga sugat ko.

"Gusto lang kitang makausap ng mahinahon, Warren. May importante lang akong sasabihin," si Kuya sa mahinahon na paraan.

Suminghal ako ng tawa. Patuya ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Para siyang napakalaking clown ngayon sa paningin ko.

"Mahinahon?" Kumawala ako sa pagkakahawak nina Teyang sa akin. "Ano ba iyang importanteng sasabihin mo na nilunok mo pa talaga ang pride mo para harapin ang taong sinuka niyo?"

Nakita kong tumalim ang paningin niya. Ha! Mabuti sana kung may nakikita akong amor sa mga mata niya habang nakatingin ss akin, kaso wala. Wala pa rin. Ang mga titig niya sa akin ay kagaya pa rin sa mga titig noong huli ko siyang nakita.

"Nasa hospital si Mama. She's sick and critical." Natigilan ako sa sinabi niya. "Hinahanap ka niya. Gusto ka niyang makita ulit, Warren."

Tila akong nabingi. Matagal ko siyang tinitigan hinahanap kong nagbibiro siya, ngunit wala. Seryoso siya. Sa isang iglap ay naalala ko ang aking ina. Ang mahal kong ina. Higit sa lahat, sa aming magkakapatid, ako ang pinakamalapit sa kaniya. Ngunit nabasag ang puso ko noong mga oras na sinasabihan ako nina Papa ng masasakit na salita ay umiwas lang siya ng tingin. Nagbulag-bulagan. She made me feel betrayed.

Pinunas ko ang mga luha na kumawala sa aking mga mata.

"Ano ngayon?" Singhap sa paligid ang aking narinig nang sabihin ko iyon. "Makita ako? Para ano? Humingi ng tawad? Patawarin siya at hinayaan niya kayong paliguan ako ng mga lait? Palayasin at kalimutang pamilya? Gano'n ba, ha?"

Hindi makapaniwala si Kuya na tumingin sa akin. Naramdaman ko ang hagod ng kamay ni Tenten sa aking likod habang sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Mama Jessie na lumapit sa aking tabi.

"Paano mo nasasabi ang mga iyan, Warren? Si Mama iyon! Anak ka niya!"

"At ina ko siya, oo! Kapatid niyo ako! Pamilya! Kadugo! Pero ano? Ha?" Lumapit ako sa kaniya at pilit na tinapatan ang nanlikisik niyang mga mata. "Sinuka niyo ako, Kuya. Tinakwil na para bang hindi niyo ako kadugo. Nakalimutan mo na ba? Kinalimutan niyo nang parte ako ng pamilya! Kaya bakit kung makapagsalita ka ngayon at tawagin ako sa pangalan ko ay limot mo na ang lahat ng iyon?"

Tumaas-baba ang dibdib ko sa aking paghinga nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos. I felt horrible. Waves of memories kung saan may mga mapanghusgang mga tingin ang nakatuon sa akin ay bumalik. Everything was still vivid in my mind. Richard's mocking eyes. My family's hurtful words. Ang pagtalikod ko sa kanila at paglayas sa bahay na aking kinalakihan, lahat iyon.

Masisisi ba nila ako kung ganito na kakitid ang utak ko ngayon? I believe that my pain was valid. I am valid. Hangga't hindi ko pa napapalaya ang sakit at puot dito sa puso ko, hinding-hindi ako babalik sa kanila.

"You..." Kuya was stunned. "Kahit manlang huwag mo munang pairalin iyang pansarili mong nararamdaman para kay Mama, hindi mo magawa? Mula noon, hanggang ngayon, wala ka pa ring kwenta, Warren."

Napasinghap ako. I was about to burst once again nang may mga bisig na mahigpit na yumakap sa akin. I heard a loud slap at nakita ko ang likod ni Mama Jessie, siya na ang nakaharap kay Kuya. The familiar scent of the one hugging me made me at ease. Umiyak ako sa dibdib niya.

"Kung pagsasalitaan mo lang din ng masama ang alaga ko kahit kapamilya ka pa niya o malalim ang rason mo bakit ka narito, hinding-hindi ko siya papayagang pagbigyan ka. Umalis ka na. Si Warren pa rin ang magdedesisyon kung babalik siya o hindi," si Mama Jessie.

Nanatili akong nakasubsob sa dibdib ni JM habang tahimik na tumatangis. I heard footsteps going out of Vizcara at natanto kong umalis na si Kuya. Naramdaman ko ang marahang hagod ni JM sa aking buhok kaya mas nakadama ako ng comfort.

"Wayo..." he called my name and his gentle voice easily warmed my heart.

Ayaw ko ang nasaksihan niya. Ayaw ko na nakikita niya akong miserable. Ayaw kong narinig niya ang mga sinabi ni Kuya kanina. But I am thankful he came. He came for me.

"Naku! Maaawa na sana ako ro'n sa lalaking 'yun dahil Kuya pala nitong ni Wayo at nakakabahala ang binalita, kaso kung ganoon lang din kabaho ang bunganga niya huwag na lang!" dinig kong pagbunganga ni Teyang.

"Manahimik ka nga! Hindi ka nakatutulong," si Tenten.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni JM. Mugtong-mugto na panigurado ang mga mata ko. Tiningala ko siya at nginitian. He looked so worried. Noon ko lang siya nakita na ganoon kaalala sa akin. I was a bit... happy.

"Sorry..." Tumawa ako at pinalis ang mga luha ko. "Sorry, nakita mo pa iyon. Nakakahiya."

"It's fine," he hoarsely said. "You don't have to be sorry."

Tinulungan niya akong palisin ang mga luha ko. Tahimik nang nakatingin sina Mama sa amin sa hindi kalayuan. Napawi lang ang ngiti ko nang sa likod ni JM, sa pinto ng Vizcara ay nakita kong nakatayo si Mikee. Nakatanaw siya sa amin, may nakita akong sakit sa kaniyang mga mata. Dahil doon, naitulak ko si JM.

"A-Ah... siguro umalis ka na lang muna, JM?" nag-aalinlangan kong ani. "K-Kasama mo pala si Mikee?"

Mukhang natigilan din siya sa pagtulak ko. Bahagya niyang nilingon ang bukana ng Vizcara bago ulit ako tinignan.

"Yes, bibisitahin ka sana namin, but..."

I bit my lower lip. Time out muna. Masaya akong narito si JM, ngunit kung nandiyan din pala si Mikee, mas sasama lang ang pakiramdam ko. Umagang-umaga, kagigising ko lang, jusko. I couldn't handle two pains at the same time.

"Napagod ako. Opening na ng mall mo bukas, hindi ba? Pupunta ako. Roon na lang ulit tayo magkita." Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

Nakita kong may pag-alinlangan pa kay JM. Muli niyang sinulyapan si Mikee bago malalim na bumuntonghininga. Tumango siya sabay ngiti.

"Alright. Magpahinga ka muna. I'll see you tomorrow, okay?"

"Okay."

He brushed my cheek for a second bago siya tumalikod at giniya na si Mikee para umalis. Tipid na ngumiti si Mikee sa akin bago sumama kay JM. Nang hindi ko na sila matanaw, nanghihina akong napaupo sa isang silya namin doon. Tinakpan ko ng aking dalawang palad ang aking mukha.

I felt so cold eventhough the island was scorching hot that day.