KABANATA 22

"Oh ano, masaya ba, ha?"

Napapikit ako nang mariin at umiwas ng tingin kay Mama. As expected, namisahan ako ng mader earth. Mabuti na lang at medyo maayos na ang paglalakad ko at medyo kaunti na lang din ang pamamaga ng paa ko. Hindi lang talaga napigilan ang bunganga ng baklang si Teyang sa pagsumbong. Laglagera talaga.

"Ma, ayos lang nga ako. Hihilom din ito," sabat ko sa mababang boses.

"Oo nga, eh. Kung nabalian ka ng buto kanina, sa tingin mo masasabi mo pa iyan? Sana ayos ka lang, Warren Yoriel."

Ayan, ginamitan ka na ng full name, Wayo. Manahimik ka na.

"Sorry na, Ma..."

"Ay naku! Umalis-alis ka na nga sa harap ko. Ang tigas ng kokote mo. Isang linggo kang hindi magpe-perform." Pinandilatan ako ni Mama ng mga mata, galit na galit talaga siya.

Tumango ako. "Opo, Ma. Sorry na."

Kasalanan mo talaga 'to, Juancho Maxence! Normalize blaming JM for everything, Wayo. Hmp!

Lumabas ako sa opisina ni Mama at ang dalawang bakla, parang mga tanga na nakikinig sa labas. Inirapan ko lang sila at nilagpasan. Mga palamunin. Walang kwenta. Tumawa pa ang mga ungas.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at in-open ang cellphone kong pinatay ko kanina dahil sa inis. Nagulat naman ako nang sunod-sunod ang pagpasok ng mga mensahe roon. Galing lahat kay JM! Aba, naalala pa pala ako ng ungas na ito? Kapal, ah.

Bebebetlog JM: Hey, Wayo? I'm really sorry about earlier. Sobrang nag-alala lang ako kay Mikee at naiwan na kita. Hindi naman siguro malala ang nangyari sa iyo? Did you have an injury or anything?

Bebetlog JM: Wayo?

Bebetlog JM: Hey, I'm really sorry.

Bebetlog JM: Are you mad?

Aba! Sinong hindi magagalit? Tang-ina nito. Putulin ko bayag mo, eh. Oh, may last text pa ang hukluban.

Bebetlog JM: Asikasuhin ko lang muna si Mikee. Pupuntahan kita mamaya, okay? I'm really sorry.

"Yawa mo, gago. Kahit huwag ka nang pumunta. Akala mo naman 50-50 iyong Mikee niya. Jusko, gasgas lang, eh."

Malalim akong umirap sabay hagis ng phone ko sa aking higaan. Malapit nang gumabi. Mabuti pa, maligo na lamang ako at magpabango dahil maglalaklak ako with afam mamaya. Maglalasing ako ng bongga. Total, wala naman akong work, magpadilig na lang din kaya ako after?

"Shutaena mo, JM. Akala mo, ah?"

Pagsapit ng dilim ay nakapaghanda na ako. Hindi muna ako nagsuot ng sapatos ngayon kagaya ng aking nakahiligan. Bagkus, nag-settle na lamang muna ako sa isang strappy sandals na matagal ko nang hindi nasusuot.

"Oh? Saan ka na naman gogora, baklita?" bungad kaagad ng best waiter ng Vizcara na si Tenten.

"Makikipag-inuman lang ako riyan sa labas kasama ni afam na nagligtas sa akin kaninang umaga," pagpapaliwanag ko. "Si Mama?"

"Ay naku! Mainit pa ulo no'n sa'yo. Pumuslit ka na ineng habang nasa opisina pa niya iyon. Kami na bahala na pagtakpan ka muna."

Ngumisi ako kay Tenten at nagpasalamat bago tumalima. Nagsuot ako ng jacket at nakapajama na ngayon dahil medyo mas malamig na sa normal ang gabi ngayon. Ber month na kasi. Mukhang kasama na naman ako ngayon sa samahan ng malalamig ang pasko. Pero keri lang naman magpainit ngayon kasama ni afam.

Humagikhik ako habang naglalakad.

"Wayo!"

Mas lumapad ang ngisi ko nang natanaw ko na si afam palapit sa akin. Saktong kalalabas ko lang ng Vizcara nang dumating siya. Pogi rin talaga 'to! Hula ko ay Russian. Matigas ang ingles. Abo na abo ang mga mata. Sobrang tangkad! For sure, daks.

"Hi," pa-cute ko sa kaniya.

"Sorry, have you been waiting?"

Umiling ako. "No, I just got out."

Ngumiti siya at sinabi na hintayin ako rito sa labas at bibili lang ng pantoma namin. Nang makabalik, may bitbit na siyang dalawang plastic ng beer. Shuta, tig-isang plastic pa yata kami. Puro red horse pa yata. Nagpresinta akong ako na ang dadala ng bucket ng ice dahil hirap na hirap na siya sa kaniyang mga dala.

Pumwesto kami sa may dalampasigan, hindi kalayuan sa mga nagpa-fire dance. The foreigner was a gentleman as what I observed kahit maikling oras pa lang kaming nagkakasama. He was kind of witty dahilan para walang awkwardness sa pagitan namin. Magaan kaagad ang loob ko sa kaniya. Wala akong maramdaman na masama sa kaniya hindi kagaya sa ibang costumer ng Vizcara na unang tingin pa lang, alam mo na kaagad na may balak.

"By the way, we haven't know our names yet," natatawa kong sabi sabay bukas ng isang can ng beer. Tig-isang plastic nga kami, mga mare.

"Oh, right! I already know yours though." Natawa siya. "I'm Vlad, by the way. Thank you for accepting my invitation, Wayo."

Napainom ako sa hawak ko dahil sa sinseridad niya. Nakalahati ko kaagad ang beer ko. Napapikit ako nang mariin nang madama ang pagdaan noon sa lalamunan ko.

"Nah, I'm the one who needs to thank you, Vlad. Thank you for helping me earlier," sinsero ko ring pagpapasalamat.

"You're welcome." Uminom din siya sa beer niya saka namin tinanaw ang maalong dagat. "You know, you're really a great performer. The first time I saw you, I was already facinated."

Bolero ang pota.

"Why thank you. I heard that a lot," pagmamayabang ko na kinatawa niya. "So what's your story?"

Tumikhim siya. "I'm a bisexual. I just discovered my orientation this year, actually. I haven't had a relationship with a guy yet, but I'm attracted..."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang bitinin niya ang kaniyang sinasabi habang mariin na nakatitig sa akin. I never knew I'm thirsty 'till I tasted you, huh? Hindi ako manhid. Matagal na rin naman akong hindi nakatikim, hindi naman siguro masama kung magpadilig ako ngayong gabi. Kailangan ko muna ng maraming alak.

Mas lumalim pa ang gabi at halos maubos na namin ni afam ang mga inumin namin. Shuta mga mare, tig-singkwentang lata yata kaming dalawa. Medyo tinatamaan na ako rito. Si afam, namumula na rin pero alam kong high tolerence siya. Steady pa mga mata niya samantalang ako pakurap-kurap na. Kanina nagtatawanan pa kami hanggang sa medyo nagdi-dirty talk na kami.

"I haven't had sex for a long time so..." Tinignan ko siya ng mapang-akit.

Vlad muttered a curse bago binaba ang hawak niyang beer. Inisang inom ko muna ang akin. Walanghiya akong lumapit sa kaniya at umupo sa kandungan niya. Kaagad siyang humawak sa aking magkabilang bewang. Amoy na amoy ko ang alak sa mga hininga namin. Mas lalo akong nalasing dahil doon.

Naramdaman ko na lang na naglalaplapan na kami ni Vlad. We're really making-out here in the open! But who cares! Ginagawa rin naman 'to ng iba.

"Fuck..." I moaned a curse nang pumasok siya sa damit ko at natagpuan ang aking dibdib. "V-Vlad..."

I heard him hummed, mukhang natutuwa sa pagbabaliw sa akin. I grinded on top of him. Nawawala na ako sa katinuan.

"Warren Yoriel Esmeralda!"

A dark, angry voice, shouted my full name hanggang sa may marahas na humaklit sa akin palayo kay afam. Hindi ko alam kung nag-ha-hallucinate lang ba ako, pero boses ni JM ang aking narinig. Lasing na yata talaga ako.

"Hey!" si Vlad.

"Don't touch him. He's off-limits."

May mainit na bisig na yumakap sa akin nang mahigpit. Linapit ko ang mukha ko sa kaniyang leeg at siya'y sininghot-singhot. Sobrang bango. A manly and musky scent welcomed me. Sinubukan kong masilayan ang may hawak sa akin kaso hindi na talaga ako steady. Umaalon na ang paningin ko.

"Bakit ang pogi mo?" iyon ang nasabi ko sa taong may hawak sa akin.

"Damn it, Wayo." Mukhang galit siya.

Lasing na talaga siguro ako at nag-ha-hallucinate. Para kasing si JM ang nakikita kong may hawak ngayon sa akin.

KABANATA 23

I must be really drunk. Pupungas-pungas na ang mga mata ko at sobra na akong hilo. Ramdam ko ang hirap ng taong umaalalay sa akin dahil pasuray-suray na rin ako. Nanatili akong nakatitig sa kamukha ni JM sa aking harap.

"Alam mo ba?" wala sa sarili kong ani sabay sinok. "Kamukha mo iyong kakilala ko na bwiset ngayon sa buhay ko."

Tumawa pa ako na parang wala sa sarili. Napapikit ako nang madama ko ang lamig ng gabi. Hindi ko alam kung saan na kami o kung ano na ang nangyari sa afam na kasama ko kanina, ngunit nasisiguro ko na malayo pa kami sa Vizcara. All I could hear were the waves and the smell of beer lacing with this man's perfume was making me weaker.

"Uh-huh?" narinig ko ang patuya niyang sagot kaya napamulat ulit ako ng mga mata.

"Oo! Bwiset siya!" Napapadyak pa ako ng mga paa. "Akala niya naman ang gwapo-gwapo niya!"

The man holding me chuckled kaya kinunotan ko siya ng noo. I hate how he really resembled JM. Mas dumaragdag iyon sa init ng ulo ko, at the same time, sa kabog ng dibdib ko. I wanted to think he really was JM even for the mean time.

"Pinagtatawanan mo ba akong gago ka?" Suminok ulit ako. "Pare-pareho lang kayong lahat."

"Wayo, c'mon. We're almost there. You need to sobber up."

Dahil sa inis, tinulak ko siya nang malakas. Muntik pa akong matumba noong mabitawan niya ako, ngunit hindi ako nagpatumpik-tumpik at kaagad na tumakbo. Nakataas ang dalawa kong kamay at nakapikit habang dinarama ang hangin. The sound of crashing waves was getting nearer. Nang makadama ako ng tubig sa mabuhangin ko nang mga paa, alam kong nakarating na ako sa aking patutunguhan.

"Mga putangina niyong lahat! Putangina rin ang buhay ko!" sigaw ko sa gilid ng dagat.

Nanlabo muli ang paningin ko at hindi na iyon dala ng kalasingan. Fresh tears streamed down my face. Ang bigat sa aking dibdib ay hindi ko na napigilan at tila gripo nang nag-uumapaw. I felt so horrible. Mula noon, hanggang ngayon. I felt so unwanted. Pakiramdam ko ay walang may gusto sa akin.

"Wayo!" The man who looked like JM once again came nearer at me.

"Mahirap ba akong mahalin?" umiiyak kong saad habang nakaharap pa rin sa dagat. "Iyong pamilya ko, iyong lalaking minahal ko, iyong... ngayon. Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin, pero bakit nila ako sinasaktan ng ganito?"

Napatingin ako sa mga palad ko at doon ay hinayaang tumulo ang aking mga luha. It was as cold as the waves that were touching my feet. Hindi ko alam kung kailan ang huling pagkakataon na naramdaman ko ito, pero pakiramdam ko ay kaya ko ulit ibuhos ang lahat ng hinanakit ko ngayon. And once again, this island was the witness... also, the man beside me.

"There's nothing wrong with you," the man beside me gently said. "And you're definitely not hard to like."

Natawa ako at sinubukan siyang tignan. Nabawasan na ang hilo ko at ang kaninang dagundong sa dibdib ko ay nahaluan na ng kaba. Pinaniniwala ko pa rin ang aking sarili na hallucination lang ang lahat ng ito... lalo na siya.

"Hindi mo sure. Pinanganak lang yata ako rito sa mundo para masaktan, eh."

Tinaas niya ang isa niyang kamay at napapikit ako nang humaplos ang hinlalaki niya sa aking pisngi. He wiped my tears away, gently. So gently that it made my heart ache for more.

"I like you," tila hirap niyang sambit. "I like you, Wayo."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. I got tongue-tied. Bahagya akong natawa sabay yuko.

"Pati iyong kamukha niya, sinungaling din."

I heard him sighed. Hinawakan niya ang kamay ko nang marahan. I lifted my head and the shining moon caught my stares.

"Let's get you home."

Tahimik at walang ingay akong sumunod sa kaniya. Nakayuko lang ako habang tinitignan ang mga paa kong mabuhangin. Mapait akong napangiti.

Like. Gusto. Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon kanina, mas lalo akong nasaktan. Para na rin niyang kinumpirma na hanggang doon lang ako. Gusto niya lang ako, pero hindi mahal. At kahit kailan, hindi na iyon mangyayari... dahil alam ko kung sino talaga ang kaniyang mahal.

Kinaumagahan ay nagising akong may kaunting sakit sa ulo. Tulala ako habang nakatingin sa labas ng maliit kong bintana. Hindi ko limot ang mga nangyari kagabi. Klaro iyon lahat pati ang sakit sa aking dibdib.

Nawala lang ako sa pag-iisip nang may marahang mga katok na pumukaw sa aking atensiyon. Tinignan ko ang pinto sa aking kwarto at nakita ang nakadungaw na ulo ni Teyang.

\

"Bakla, gising ka na?" wala sa sarili niyang tanong.

"Hindi, tulog po ako, girl. As you can see." Tumawa ako ngunit nagtaka ako dahil mukha siyang natatae na ewan. "Anong meron? May problema ba?"

Nag-aalala na umalis ako sa aking higaan. Nagsimula na rin akong mag-alala. Minsan ko lang kasi makita sina Teyang na ganito at kung ganoon, may hindi magandang nangyari.

"K-Kasi bakla, may bisita na dumating sa labas. Ikaw ang hanap," kabado niyang ani.

Agad na kumunot ang noo ko. Bisita? Kung si JM o sino man, tutuksuhin nila ako panigurado. But Teyang looked nervous and serious at the same time.

"Sino?"

"M-Mabuti pa, ikaw na ang lumabas at tumingin."

My lips went into a grim line. Kinakabahan na rin ako! Ano ba 'to? Kung prank talaga 'to dahil umuwi akong lasing kagabi, malilintikan talaga 'tong dalawang bakla sa akin.

Pagkababa ko, nagsimula na ring humarentado ang aking puso. Si Teyang tahimik lang na nakasunod sa akin. Nang makita ko na ang kabuoan ng bar sa baba, sina Tenten at Mama ang una kong nakita. Nakatago si Tenten sa likod ni Mama na noo'y mukhang hindi natutuwa at inis sa kung ano o sino na tinitignan.

"Ma?" tawag ko sa atensiyon niya.

Seryoso ang mga mata ni Mama nang tumama sa akin. Minuwestra niya ang kaniyang ulo sa tinitignan kanina. Dahan-dahan akong tumingin doon at nang makita ang sinasabi nilang bisita ko ay muntik na akong matumba. Kaagad akong hinawakan ni Teyang.

My body trembled and my rising anger slowly went up to my head. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na narito ako? Alam na rin kaya nila?

"Warren."

Tumayo ang tao na iyon at tila nangangapa rin habang tinitignan ako. Mabilis na ang aking paghinga noong makababa ako. Kaagad akong sumugod sa kaniya, pero naging mabilis sina Tenten at Teyang na pigilan ako.

"Bakit ka nandito! Bakit nagpakita ka pa sa akin!" sigaw ko.

Hindi nakakatulong ang masakit kong ulo sa aking galit. Makita pa lang siya. Ang mukha niyang hawig sa akin. Gusto kong masuka. Bumabalik ang sakit ng nakaraan na gustong-gusto ko nang pakawalan. Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa halong sakit at inis.

"Warren let's —"

"Umalis ka na! Kung kasama mo rin sila umalis na kayo! Hindi ko na kayo kailangan! Masaya na ako sa buhay ko ngayon!"

Halos lumabas ang mga litid ko sa aking sigaw. Halatang nainis din siya, pero sinusubukan pa rin akong lapitan. Kung hindi lang ako hawak nina Teyang, sa malamang ay nasugod ko na siya ng tuluyan. Tumingin ako sa labas ng Vizcara dahil baka kasama niya rin sila, pero mukhang siya lang.

Bakit? Bakit narito ngayon ang isa sa mga taong dahilan ng kamiserablehan ko? Ang dati ay tinatawag kong pamilya. Ang dati ay tinatawag kong Kuya.