KABANATA 25

Tahimik at walang gana kong tinatanaw ang papalubog na araw mula sa bintana ng aking kwarto. Sumabog ang kulay kahel na liwanag sa dulo ng isla kung saan ang araw ay unti-unti nang bumaba. Naisip ko kung saan kaya ang dulo ng dagat? Kapag ba narating mo iyon, mas masisilayan mo nang mabuti ang araw? It must be good and peaceful there. Walang problema, walang sakit.

Matapos ang mga nangyari kaninang umaga ay buong araw akong nagkulong dito sa aking kwarto. Hinayaan din naman ako nina Mama at mabuti na lang, grounded pa ako sa trabaho. Medyo humihilom na rin ang maga sa paa ko.

"Warren..."

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa likod ko at kahit hindi ko na lingunin, alam kong si Mama iyon. Mama Jessie's been checking me every now and then. Dinadalhan din niya ako kanina ng mga makakain.

Naupo siya sa higaan katabi ko at tinignan din ang aking tinatanaw. Mama Jessie sighed sabay haplos sa aking buhok.

"Maaari ko bang malaman kung ano na ang iniisip mo, Warren? You know you could lean on me," aniya sa marahan na tinig.

Malalim akong bumuntonghininga. Marami, Ma. Magulo at nag-uunahan sila sa utak ko. Ang buhay ko, ang pamilya ko, ang estado ng puso ko. Hindi ko na alam saan ako mag-uumpisang mag-isip.

"Nagkamali ba ako, Ma?" ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Natigil si Mama sa paghaplos sa buhok ko. Mas lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa ulo ko. Dinala niya iyon sa balikat niya at sabay na naming tinanaw ang dagat. The sound of people laughing from afar and the sound of crashing waves were our only melody.

"Sa mga nangyari kanina? O sa mga nangyari sa nakaraan mo?"

I pursed my lips dahil naramdaman kong manginig iyon.

"Sa... lahat, Ma. Hinahanap ko kung saan ako nagkamali para masaktan ako ng ganito ngayon."

"Warren..." Sinilip niya ako. "Sila ang mali dahil sinaktan ka nila. Wala kang mali. Hindi kailanman mali ang maging totoo sa kung ano ka o kung ano talaga ang gusto mo. Hindi nila tanggap iyon kaya mas pinili nilang saktan ka."

Mabilis kong pinunasan ang mga luha na kumawala sa aking mga mata. Alam kong ramdam ni Mama na umiiyak ako, ngunit pinangako ko noon na ayaw ko nang maging mahina sa harap niya. Mama Jessie was my savior. Wala ako rito ngayon sa tahanang ito kung hindi dahil sa kaniya.

"Gusto kong puntahan ang ina ko, Ma. Gusto ko ring makita ang kalagayan niya, pero masyadong masakit. Naiisip ko pa lang ang mukha niya, nila, nasasaktan na ako. Paano pa kapag kaharap ko na?" nanginginig kong sambit.

"To forgive is to forget, but you could take your time. Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa. Hindi masama na proteksiyunan ang sarili mo sa sakit lalo na kung sukdulan na ang naibigay na sakit sa iyo," ani Mama.

Suddenly, JM's face earlier crossed my mind. Kasama niya si Mikee. Naalala kong wala pa akong napagsabihan o napaglabasan ng damdamin kong ito. Kung hindi ko ilalabas lahat, baka tuluyan na akong mabaliw. I felt like right now was the right moment with Mama Jessie.

"Ma..." mahina kong tawag sa kaniya.

"Hm?"

"I'm inlove."

Naramdaman kong natigilan siya pati ang kamay niyang humahagod sa buhok ko. When I liked Richard before, wala akong pinagsabihan dahil sa takot. Kahit sa ina kong malapit ako. Sinarili ko kahit hindi ko alam ang gagawin. Kahit hindi ko alam kung tama ba o mali ang papasukin ko. Ang maging bukas ng ganito sa ibang tao ay bago sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting takot. Pero alam ko, I could trust Mama Jessie with this.

"Kay Mr. Verde Grande ba?" mahinahon niyang tanong kaya tumango ako.

"Natatakot ako, Ma. May mahal siyang iba, hindi niya masusuklian itong damdamin ko."

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Mama. Lumayo siya sa akin para matitigan ako nang maayos sa mga mata. I bit my lower lip, feeling nervous and at the same time, shy.

"Hindi na ako nagulat, Wayo. Noong sabihin mo na hindi ka mahuhulog sa kagaya niya, hindi ako naniwala. You got a wild personality and Mr. Verde Grande looked like someone who could tame someone like you. Ngayon saan ka dinala niyang deal na pinasok mo?" Natahimik ako. "Sinabihan kita noong una ngunit hindi naman ako ganoon kasama para sabihin na kalimutan mo na lang iyang nararamdaman mo. Just be brave enough to face it dahil nandiyan na. Just know that I am always here, Warren Yoriel. Para na kitang anak alam mo 'yan."

Hindi ko napigilan ang paghagulhol sabay yakap nang mahigpit kay Mama Jessie. Thank god may natira pa akong kagaya niya sa buhay ko. Maging sina Tenten at Teyang. Dahil kung wala sila? Baka matagal na akong tinakasan ng bait.

That night, I slept with Mama Jessie beside me.

"Oh bakla, pak na pak ang awra, ah? Parang ikaw pa may pa-opening," pang-aalaska ni Teyang sa akin umagang-umaga.

Inirapan ko lang siya at pinakyuhan.

"Natural, para mas magmukha akong first lady ni JM mamaya kaysa ro'n sa Mikee," biro ko na kinatawa nila.

Ngayon ang opening ng mall ni JM. Excited ako siyempre, para ngang hindi ko iniyakan 'yun kagabi. Gumanda pa ang gising ko nang batiin niya ako ng magandang umaga kanina sa text. Ngayon nga ay naghahanda na ako para sa pag-alis.

Lunch time ang opening para after cutting ng ribbon ay gora na sa chibugan. Sabihan ko nga si JM mamaya na librehin ako ng mga benta sa mall niya ngayong opening. Aba, pambayad manlang niya sa akin kahit hindi na suklian ang feelings ko. Abusado na siya kung hindi ako pagbigyan.

"Alis na ako mga bakla!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas.

Mula rito ay rinig na rinig ko ang malakas na sound system ng mall niya. Parang Lalisa pa nga ni Lisa Manoban ang tugtog. Aba, blink pa yata si JM, ah. Stream niyo rin mga baks.

T-i-next ko si JM na on the way na ako. Hinanda ko ang sarili para umawra. Huwag tayo pakabog kay Mikee, Wayo.

"Ay taray, dami nang tao!" mangha kong sambit nang makarating na sa tapat ng mall.

Marami nang tao na nakasuot ng mga magagarang kasuotan. May nakita rin akong mga pang-suggar baby at papa de asukal. Ay, havey! Baka rito ko na mahanap pamalit ko kay JM. Makalapit nga.

"Oh my god, look at this headline!"

"What? Timing talaga sa opening?"

"I can't believe this!"

Natigilan ako sa pag-sight sa mga chupopo sa paligid nang marinig ko ang kaunting kumosiyon sa may gilid. Dahil mga chismakers din pala ang mga yayamanin na ito, kumalat agad ang sesmes. May tinitignan sila sa mga cellphone nila tapos pinapakita pa sa iba at pinagkakaguluhan. Ang kaninang masayang tawanan ay naging bulungan na. Para silang mga bubuyog! Ano bang meron!

"You!"

Halos matumba ako at halos umikot ang ulo ko dahil sa isang malakas na sampal na dumapo sa aking mukha. Nanlaki ang mga mata ko at kasabay ng singhapan sa paligid ay ang gulat na pagbaling ko sa aking harap. I saw Mikee. He was a mess. Sabog ang mukha sa pag-iyak at galit na galit na nakatingin sa akin.

Napahawak ako sa pisngi kong humapdi. Wala si JM sa tabi niya. Anong meron?

"What —"

"Kasalanan mo 'to! How dare you show up here pagkatapos mong sirain si Maxence!"

Ano raw? Ako? Sinira si JM? Anong ginawa ko at bakit ako sinampal ng inggratang 'to?