Chapter 3-Tagapagligtas
Russ’ POV
"Ano'ng nangyayari rito?" agad kong tanong pagkalapit sa mga ito. Mabilis at gulat na napunta sa’kin ang buong pansin ng may hawak na kutsilyo. Napaatras naman ang mga kasama nito. Bakas sa mukha ng mga ito ang takot.
"Wag kang makialam dito, kuya kung ayaw mong madamay," wika ng may hawak ng kutsilyo. Natantiya ko na ito ang lider. Halata ko agad nagtatapang-tapangan lang ito. Rinig na rinig ko naman ang paghugot ng malalim na hininga ng babae dahilan kung bakit napalingon ako rito.
And for a while I forgot na merong kawatang nagtatapang-tapangan sa harap ko. She is really beautiful in her simplest way. Long hair that curls at the end and small smile at her heart-shaped lips.
Iniisip kong immune na ako sa magagandang babae. Palagi naman kasi akong napapaligiran ng mga ito. Inaalay pa nga ang mga ang katawan sa akin. But this one is really different. She has the most unforgettable face I’ve seen. Granted, hindi iyon ang pinakamagandang mukhang namasdan ko but there's really something about her. A combination of courage and innocence.
Umunat ito sa pagkakatayo. I suddenly have an idea what she's thinking at the moment. May dumating na tagapagligtas. Katunayan ang pagrelax ng katawan nito. Hindi ko alam kung bakit ngunit ikinasiya ko kung iniisip nitong ako ang tagapagligtas nito. Gusto kong isipin nito iyon. It makes me feel like a hero. Her hero.
Hindi ko masiguro kung kilala ba talaga ito ng mga batang iyon. Ngunit malalaman ko. Humakbang ako palapit sa mga kabataan sabay hubad sa helmet na tumatabing sa aking mukha.
Agad namilog ang mata ng tatlong kabataan.
"Yor," nahihintakutang sabay-sabay na turan ng mga ito bago nagsitakbo. Kung gayon ay kilala ako ng mga iyon. Sinundan ng mga mata ko ang mga bagay na bumagsak sa lupa. Cellphone at pera. Nangunot ang noo ko. Kung gayon pala ay hinoholdap ng mga kabataang iyon ang babaeng ito. Marahas akong napabuga ng hangin.
Mabilis namang dinampot ng babae ang mga bumagsak. Bakas sa mukha nito ang saya sa pagkakabalik ng mga iyon. May bahagyang ngiti pa ito sa labi nang bumaling sa’kin. Malamang ay magpapasalamat ito. Ngunit sa pagtataka ko ay tila ito namamatandang napatitig lamang sa’kin.
She stared right into my eyes. She had the most magnetic dark brown eyes I’ve ever seen. Kaya nga tila na-magnet din nito ang aking ang mga mata. Hindi ko mabawi ang titig rito. Pakiramdam ko ay saglit na huminto ang mundo sa pag-ikot nito. She is petite though. She doesn't even reach my shoulders.
Kunsabagay ay halos six feet ang height ko. Ngayon naman ay bahagya pang naka-awang ang sa tingin ko ay naturally pink lips nito sa pagkakatingala sa’kin.
I didn't know what came over me but I found myself wondering how it would feel if I kissed those lips. They looked so soft. Lihim kong ipinilig ang aking ulo. What the fu...
I watched as her eyes travelled down my body. What was she doing? Ngayon ko lang naranasang ma-head-to-foot ng isang babae. Well, okay. Maybe maraming babae ang gumagawa sa’kin noon. Pero ngayon lang ako labis na naapektuhan. Pakiramdam ko ay nadikit sa mainit na bagay ang aking buong katawan. Para akong biglang nilagnat. What the hell's the matter with me?
Parang gusto ko tuloy magpa-impress dito. Sa inis sa sarili ay nangunot ang noo ko. Bigla kong naalala ang ginawang pagsugod ng babae upang makalapit sa mga kabataang iyon. Inakala kong anak nito ang isa sa mga iyon at tinatawag lamang nito. Iyong bigla na lang kumaripas ng takbo. Iyon pala ay hindi.
Kung gayon ay isang kamangmangan ang ginawa nitong pagbaba roon. Paano kung wala ako roon? Paano kung hindi ako nakatakas sa mga bodyguard ko? Paano kung may ginawang masama rito ang mga kabataang iyon? Kahit mga kabataan lamang ang mga iyon ay kayang-kaya itong saktan ng mga iyon. Sino ang tutulong dito kung nagkaganoon?
"If it isn't stupidity, I don't know what is,' ang namutawi sa aking bibig. Bagay na ikinabigla ko. Hindi ganoon ang nais kong sabihin rito.
"A.. anong ibig mong sabihin?' tanong nitong agad napalitan ng guhit sa noo ang kanina'y bahagyang ngiti sa mga labi. Hindi ko ito masisisi. I had been a bit harsh when I said that.
"Iyong ginawa mong paglapit sa kanila, hindi ba't katangahan iyon? Eh, kung may ginawa ngang masama sa'yon ang mga kabataang iyon?' I can’t take it back anymore. Might as well stick to it.
"Eh, hindi kaya mas katangahan iyong kanina pa nila nakita iyong buong pangyayari ay hinintay muna nilang maholdap ang isang tao bago tulungan?" Naniningkit ang mga mata nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko but I was fascinated by her.
"I didn't know what was happening here. I was over there. Akala ko naman ay anak mo ang isa sa mga ‘yon," saad ko rito.
"Mukha ba 'kong may anak na?" buong damdaming wika nito sabay irap sa’kin.
Kamuntik na akong mapangiti. Maigi na lamang at napigil ko ang aking sarili. My fault. Syempre ay walang-wala naman talaga sa itsura nito ang may anak na. Kasalanan ko ba eh, ang layo ko dito kanina. Then she moved to return her phone and money inside her bag, her lips pouting. I caught myself staring at it. I think she does it (the pouting) when she is annoyed.
Pasimple ko ring pinasadahan ang katawan nito. And I would be blind and a liar if I say that she's not sexy though she’s just wearing maong pants and a printed dark blue off-shoulder. She has curves in all the right places. And her shoulders are creamy white.
"Well, saka ko lang nasiguro na something wasn't right noong naglabas ng kutsilyo ang batang ‘yon."pagtatanggol ko naman sa aking sarili.
"At marami nang nangyari pagkaraan noon. Yung ibang nais tumulong ay nakalapit na sana sa tagpong iyon. Paano kung nasaksak na pala ako?"
"Kaya nga unti –unti at tahimik akong lumapit eh. Baka malarma iyong bata at sa halip na makatulong ako ay magdulot pa iyon ng hindi magandang pangyayari."
Isang matalim na irap ulit ang natanggap ko mula rito. Tss. Buti na lang hindi nakakamatay ang irap.
"Excuse me lang no! hindi katangahan 'yong ginawa kong pagtulong doon sa batang maliit! Kung hindi ko ginawa iyon malamang bugbog sarado 'yon sa tatlong halang ang kaluluwang 'yon."
Saka pa lamang naging malinaw sa’kin na iniligtas pala nito ang batang kumaripas na ng takbo kanina. Mayamaya pa ay mabilis na itong lumakad palayo.
"Salamat na lang sa ginawa mong pagtulong sa tangang katulad ko," sabi pa nito bago tuluyang umakyat sa itaas ng tulay. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakadama ako ng pangongonsyensya sa ginawa kong pagsasabi ritong stupididity iyong ginawa nito.
Tila namang may sariling isip ang aking mga paa. Kumilos ang mga iyon upang sundan sana ang babae ngunit pinigilan iyon ng isip ko. Mas maigi siguro na wag na lang. Sa estado kasi ng isip at damdamin ngayon ng babae, sa malamang hindi pakinggan ang anumang paliwanag ko. Baka mas magalit pa nga ito nang husto.
Ngunit ewan ba at hindi naging maayos ang aking pakiramdam sa nangyari. Sinusurot ako ng aking konsyensya, Kung bakit ba naman kasi iyon pa ang nasabi-sabi ko rito. Kung minsan talaga may topak din ang utak ko eh. Sa kabilang banda, masisisi niya ba ako? Nag-alala lang naman ako rito. Paano nga kung hindi ako napadaan dito at may ginawa ngang masama sa kanya ang mga kabataang iyon?
Matapos humugot ng malalim na hininga ay naglakad na rin ako pabalik sa tulay. Agad ko na rin ibinalik sa ulo ang helmet. Baka may makakilala pa sa’kin. Though I doubt it. Medyo madilim na ang paligid at wala nang tao sa bandang iyon ng tulay. Nagmadali na akong umakyat. Bakasakaling maabutan ko pa ang babae.
Sa palagay ko ay kailangan kong mag-apologize dito. Ngunit pagdating sa kalsada ay hindi ko na ito matanaw. Ang bilis naman nitong maglakad. Wala na agad. Hindi ko malaman kung bakit may bahagi sa’king sistema ang biglang nanlumo. Napapailing na lang akong sumakay sa aking motorsiklo. Ilang saglit pa ay muli ko na itong pinaharurot.
***
Thea’s POV
"Ano ka ba namang bata ka! Kanina pa 'ko rito. Saan ka ba naman nagsuot? Text ako nang text sa'yo. Di ka naman nagre-reply," salubong ang mga kilay ni Tiya Margarita. Usapan kasi namin na doon ako bababa sa paradahan ng mga traysikel patungo sa kanila. Susunduin niya ako doon. Kaso nga nagkamali ako ng baba.
Pumara agad ako bago pa makarating sa tulay. Dapat pala ay pagkaraan pa ng tulay. Kaya nga ayon tuloy kinailangan kong bagtasin ang tulay ng Santo Cristo. Hindi ko na kasi matandaan eh. Bata pa ako ng unang mapunta rito. Akala ko ay iyon nang unang paradahan ng traysikel na nakita ko kanina. Hindi pa pala.
"Sorry naman po, Tiya Marga. Nagkamali ako ng baba eh. Akala ko bago pa tumawid eh.” Medyo nakasimangot na sagot ko. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko iyong nangyari kanina. Naiinis pa rin ako doon sa lalaki. Iniligtas nga ako pero ginawa naman akong tanga.
"Eh ba’t hindi ka nga nagre-reply sa text ko. Nag-aalala na ‘ko dito. Akala ko kung napano ka na. Kundangan kasi ayaw pang magpasundo sa kanila eh. "
Inis pa rin ang tono nito pero mabuti naman at nawala na ang peleges sa mukha. Suhestiyon kasi nitong sunduin na lang ako. Sa isang maliit na bayan sa bandang Nueva Ecija ang sa amin. Mga tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula sa Santo Cristo.
Hindi naman ako pumayag na sunduin nito. Malayo din iyon eh. Saka ako na nga lang ang mang-aabala. Kaya nagkasundo na lang kami na sa paradahan ng traysikel ako sunduin. Kaso naantala nga ako dahil sa nangyari kanina.
"Kasi nga po Tiya nawalan ako ng load. Hindi ko na-check kaninang bago ako umalis sa'min na mag-e-expire na pala iyong unli ko. Ayun hindi na ako maka-reply sa'yo. Tapos wala naman akong makita kaninang tindahan na pwedeng palodan," pagdadahilan ko.
Syempre hindi ko na binanggit iyong nangyari kanina. Baka lalong magkapeleges ang mukha ng tiya ko sa pag-aalala. Saka tiyak na pagagalitan ako nito. Baka hindi lamang iyong lalaking iyon ang tumawag sa sa’kin ng tanga. Malamang pati tiya ko iyon din ang itawag sa’kin.
*****