Chapter 2: Excuse Me!
Thea’s POV
Medyo mahaba ang itim na itim na buhok nito. Ang may kahabaan na bangs ay bahagyang nakatakip sa isang mata. And his eyes are so dark and intense sa pagkakatingin sa’kin. Ang matangos na ilong nito ay naghuhumiyaw ng dugong banyaga. Mukhang may dugong Espanyol ang ninuno ng aking tagapagligtas.
And his lips are just the most beautiful lips in a man. Medyo nakataas ang mga kilay nito habang nakatitig sa’kin. He was wearing black jacket and maong pants na may butas pa sa tuhod. He was so ruggedly handsome.
Talagang pasasalamatan ko ito sa ginawang pagliligtas sa’kin ngunit naunahan ako nitong magsalita.
"If it isn't stupidity, I don't know what is," anito sa tinig na pagkasexy-sexy ngunit may kalakip na inis.
Ano'ng sinabi nito? Katangahan daw ba iyong ginawa ko? Kung gayon ay kanina pa nito nakita ang buong pangyayari? Kung gayon ay bakit ngayon lang siya lumapit sa’kin upang tumulong?
Ang matinding tuwa ko kanina ay napalitan ng inis dito. Hindi na natuloy ang pagkatami-tamis na ngiti na nais ko sanang ibigay rito bilang pasasalamat. Ang naibigay ko tuloy ngunot na noo at mga titig na kung may kapangyarihan lang eh nangisay na ito.
***
"A.. anong ibig mong sabihin?"
Naiinis talaga ako dahil imbes na tanungin ako kung ayos lang ba ako ay sinabi pang katangahan ang ginawa ko. Hindi ba't 'are you okay?' ang unang tinatanong ng mga nagligtas doon sa kanilang iniligtas?
"Iyong ginawa mong paglapit sa kanila, hindi ba't katangahan iyon? Eh kung may ginawa ngang masama sa'yo ang mga kabataang ‘yon?"
"Eh, hindi kaya mas katangahan ‘yong kanina pa nila nakita ang buong pangyayari ay hinintay muna nilang maholdap ang isang tao bago tulungan?" naniningkit pa rin ang mga matang sagot ko rito. Iyong takot ko kanina ay napalitan ng matinding inis. Wala man lang ka-gentle-gentlemanly attitude sa buto ang lalaking ito.
"I didn't know what was really happening here. I was over there. Akala ko naman ay anak mo ang isa sa mga ‘yon," anitong medyo nakataas ang isang kilay.
"Mukha ba 'kong may anak na?" tanong ko sabay pukol ng matalim na irap.
Tumikwas naman ang isang sulok ng labi nito.
For sure di-maipinta ang mukha ko. Sa dinami-dami ng pwedeng ipagkamali sa’kin iyong may anak pa talaga. Sa inis ay nanghahaba ang ngusong ibinalik ko na lang ang nabawing pera ko sa bag. Pati na ang phone ko na saglit ko munang ininspeksyon kung may nasira o nabasag. Salamat naman at walang nangyari dito.
"Well, saka ko lang nasiguro na something wasn't right noong naglabas ng kutsilyo ang batang ‘yon."
"At marami nang nangyari pagkaraan noon. Iyon sigurong iba na nais talagang tumulong ay nakalapit na sana sa tagpong ‘yon. Paano kung nasaksak na pala ako?"
"Kaya nga unti –unti at tahimik akong lumapit eh. Baka maalarma ‘yong bata at sa halip na makatulong ako ay magdulot pa ‘yon ng hindi magandang pangyayari."
Nanghahaba ang ngusong inirapan ko ulit ito. May katwiran din ang guwapong hudyo. Ngunit hindi ko pa rin matanggap na sinabi nitong katangahan iyong ginawa kong pagtulong doon sa batang maliit.
"Excuse me lang no! Hindi katangahan 'yong ginawa ko."
Pagkasabi niyon ay dali-dali kong tinalikuran ito.
"Salamat na lang sa ginawa mong pagtulong sa tangang katulad ko," masama ang loob na saad ko bago tuluyang makalayo rito.
Hinding-hinding ko matatanggap na katangahan iyong ginawa ko. Sira pala ang ulo ng lalaking iyon eh. Tinulungan nga ako pero ininsulto naman ng todo. Hrrrmp!
***
Russ’ POV
Earlier that late afternoon…
Pasimpleng sumilip muna ako sa labas ng opisina at saka dahan-dahang muling isinara ang pinto nito. Pagkatapos ay kinuha ko ang itim na jacket mula sa cabinet sa likuran ng aking office table. Matapos maisuot ay iyon namang itim na gloves ang aking isinunod. Pagkaraan ay ang helmet. Mabuti na lang at natangay ko pala ang helmet sa loob ng opisina.
Kung naka-helmet ako paglabas ay paniguradong hindi ako gaanong mapapansin ng mga empleyado. Lalo na iyong dalawang bodyguard ko na kaninang pagsilip ko ay nakaupo ang isa doon sa may reception area. Iyong isa ay hindi ko matanaw pero malamang nagkakape lamang doon sa pantry.
Balak kong takasan ang dalawang guwardiya ko. Mag-iikot ako sa kabayanan ng Santo Cristo nang walang nakabuntot na bodyguard. Gusto kong muling maranasang maging normal. Much as I like being the center of attraction, may mga pagkakataong nais kong maging isang simpleng mamamayan lamang.
Mas gusto ko ngang walang nakakakilala sa’kin. Sa ganoong paraan ay malaya akong nakapagmamasid sa paligid. Higit kong nakikita ang tunay na kalagayan ng aking bayang pinagsisilbihan.
Ako si Jensen Russel del Valle, twenty-three years old at unang termino ko bilang alkalde ng Santo Cristo. Ito ay isang maliit at simpleng bayan ngunit maunlad lalo na pagdating sa likas na yaman. Ito ay matatagpuan sa bandang hilaga ng Luzon. Nagmula ako sa pamilya ng mga pulitiko. Magbuhat pa sa aking great grandfather na dati nang alkalde rito.
Pangarap ng aking Lolo na tulad niya'y maging alkalde rin ang aking ama ngunit mas pinili ni Dad na maging full-time businessman. Kaya naman ako ang napaglambingan ni Lolo Ando na dating Mayor Hernando del Valle. Labag man sa aking kalooban ay wala akong nagawa kundi sumunod. Matanda na kasi si Lolo Ando at maysakit pa. Sobrang close ako dito sapagkat sa kanya ako lumaki.
Ito na nga ang umaktong ama ko simula ng magkaroon ng bagong pamilya ang aking ama. Wala akong nagawa nang hilingin nito na tumakbo ako bilang mayor ng bayan kapalit nito. Natapos na kasi ang termino nito kaya kahit nais pa nitong magsilbi ay hindi na maaari. Hindi na ito magtatagal kaya mas minabuti kong pagbigyan na muna ang hiling nito.
Isa lang ang hindi ko sinang-ayunan sa mga nais nito. Ang pagbibigay nito sa’kin ng dalawang bodyguard na kung makabantay ay daig pa ang Presidential Security Group.
Nang matiyak ko na maayos na ang aking disguise ay pasimple na akong lumabas ng opisina. Normal lang akong naglakad sa lobby ng munisipyo. Napangiti ako nang wala man lang nag-angat ng mukha sa mga empleyado. Abala na ang lahat sa pagliligpit ng mga kagamitan upang makapag-out na.
Kunsabagay ay sino ba naman ang mag-aakala na ako ito. Eh, naka-pormal attire ako kaninang umaga. Itim na slacks at light blue button up polo iyon. Tapos ngayon ay kumpleto ang get-up kong pang-motorsiklo. Tulad ng sa kababata kong si Jared na madalas pumunta sa opisina ko na ganoon ang get-up kaya malamang inisip ng mga empleyado na ako si Jared.
Agad kong pinakawalan ang kanina pa pinipigil na paghinga nang makarating sa isang sulok ng parking lot na laan para sa’kin. Sa likod ng building kung saan regular kong iniiwan ang aking ducati. Naging maliksi na ang aking mga kilos pagdating doon.
Hindi maaaring maabutan ako ng mga papalabas na mga empleyado. Mahirap na. Hinablot ko ang takip niyon at saka pinaandar. Saglit lang na pinainit ang makina at saka ko pinaharurot palabas ng bakuran ng munisipyo.
Habang tumatakbo ang motorsiklo ay hindi ko napigilan ang pagsilay ng pilyong ngiti sa aking mga labi. I congratulated myself for the job well done.
It really feels good to be free and to have no cares in the world once in a while. Tapos natakasan ko sa wakas ang dalawang pagkahihigpit na bodyguard.
Ah, yes! Freedom, I miss you, bulong ko sa sarili. Ang makapasyal sa aking bayan nang walang nakakakilala at malayang nakikita at nakapag-o-obserba sa mga tao at buong kapaligiran ay bagay na labis kong kinasasabikan simula nang maupo sa tungkulin.
It's like being invisible. Being a public servant is also like being a celebrity where privacy is a very rare commodity.
Nasa kalagitnan na ako ng may kahabaang tulay ng Santo Cristo nang mapansin ko ang babaeng iyon na mabilis na bumababa sa may ilalim ng tulay. Napigil pa nga ang hininga ko nang matipalok ito. Buti na lang at hindi tuluyang nabuwal. Tiyak na gugulong siya doong parang bola kung sakaling natuluyan siyang bumagsak sapagkat pababa ang bahaging iyon. Meron itong sinasabi doon sa apat kabataang naroon na tila mga naglalaro doon.
Ilang saglit ding napako ang titig ko sa babae. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakuha nito ang buong atensiyon ko. May something sa babae. Hindi bago sa’kin ang palagi nang napapalibutan ng naggagandahang babae. Ibang klase lang ang ganda nito.
Iyong tipong habang tinititigan mo ay lalong nagiging kaakit-akit sa iyong paningin. Mahaba ang wavy hair nitong kasalukyang iwinawagayway ng mahinang hanging galing sa ilog.
Hindi ko naman matumbok kung paano naging iba. Basta lang hindi maiwan ng aking mga mata. Pinabagal ko ang takbo ng motorsiklo. Marahil ay anak nito ang isa roon sa mga bata. Tila tinatawag nito ang isa roon. Napabuntunghininga ako. Kaybata namang ina ng isang iyon.
Napahugot ulit ako ng malalim na hininga. Hindi ko malaman kung bakit parang nalungkot ako. Tss! Agad kong iwinaksi ang damdaming iyon.
Kulang na kulang talaga sa guidance ang mga kabataan ngayon. Tulad ng ibang mga bayan, isa iyon sa problema dito. Droga, early pregnancy at marami pang iba. Isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit namamasyal ako ng naka-disguise. Malaya akong nakakapunta sa mga kasuluk-sulukang bahagi ng bayan ng walang pumapansin.
Gusto kong ako mismo ang makahuli sa mga iyon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kapulisan ng aming bayan ngunit sa dami ng issue na kinasangkutan nila na may kinalaman sa droga, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim.
Nanlaki ang mga mata ko nang mamasdan ang hawak ng pinakamalaki doon sa mga kabataan. Tama ba ang nakikita ko? Isang maliit na kutsilyo nga ba iyon? At itinutututok nito iyon doon sa babae? What the fu...!!!
Agad akong naghanap ng paparadahan sa motorsiklo. Nang maiparada iyon ay unti-unti akong lumapit sa sa mga ito.
*****