CHAPTER 8

Warning: This chapter depicts killings and violence that readers might find upsetting and disturbing. Read at your own risk.

ARCHER'S POV

I retrieved my phone from my pocket and dialed a number. Just one ring and the person answered.

"Humanda na kayo," I said, full of authority. They're not my men. But I pay them whenever I need some cleaning that isn't worth it for me to do personally.

["Yes, boss."] Binaba ko kaagad ang tawag pagkatapos marinig ang sagot niya.

Tanaw ko mula rito sa pintuan ang papalayong bulto ng babae na may apat na bag na dala.

That woman, it's funny that she thought I'll easily let her get away with the money. She's so gullible. I thought I would have a hard time persuading her to leave, but turns out it was so easy.

Now, all I have to do is wait.

Nabali ang tingin ko sa babae nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa. I checked who's the caller and immediately answered it when I saw it was.

"What do you want?" bungad ko dito. The person on the other line chuckled.

["'What do you want' agad? Hindi pwedeng nangangamusta lang?"]

I 'tsked' ."Wala sa vocabulary mo ang mangumusta."

["Di mo sure"] pabiro niyang sabi. ["I honestly called para kumustahin ka... about the business. OUR business to be exact."]

Just as I thought. Wala namang ibang laman ang utak niya kundi pera. "I told you I'm still working on it, Clyde."

["Then work faster."] His playful voice immediately changed into a serious tone.

"It's not that easy, you know the odds of our 'business', Clyde." Gusto niyang ako ang gumawa ng lahat pero puro naman reklamo.

"You've been working on it for a week, I thought you said three days would be enough?" He's impatient, I know. But even I never thought it would be this hard.

"You don't know how it is to have a deal with the devil. I need to come up with a plan and not make reckless actions that I know we'll both regret. So now, just zip your fucking mouth, sit your ass in your million dollar couch, and wait like a fucking princess for a knight to save the day and do the job for you like you always do." I heard him protest but already ended the call.

Nagbayad lang naman siya, wala siyang ginagawa kundi magreklamo kung hindi umayon sa gusto ang mga nangyayari. Tsk. Edi sana siya na lang ang gumawa.

Inis kong ibinalik ang phone sa bulsa bago naglakad papuntang mini bar para uminom. Kinuha ko ang isang bote ng Macallan's Lalique Cire Perdue Scotch at isinalin sa baso. A smirk escaped my lips thinking that the woman will be gone in the next few hours.

Whether she accepted my offer or not, she'll be dead anyway.

I was in the middle of drinking when my phone rang again. I grunted as I retrieved my phone from my pocket and answered the call without looking who's calling. Ano na naman ba ang kailangan ni Clyde?

"I told you I'll take care of it! Just give fucking time–!"

["Watch your words, mister."]

I stopped when I heared the answer from the other line. I need to double check the name registered on my phone to make sure it was really my Lola who's calling.

Hindi ako nagmumura sa harapan niya kasi masyado siyang sensitive. And knowing she heard me curse makes me feel bad and slightly nervous.

"L-la," I stuttered.

["Oh bakit? May sasabihin ka pa? Mumurahin mo ulit ako?"] Napapikit ako dahil ramdam ko ang galit niya.

"It's not what you think. It wasn't meant for you. I thought ang business partner ko ulit ang tumawag," I defensively said.

["Ke business partner, o jowa, o empleyado, hindi mo dapat pinagsasalitaan ng masama ang sinuman. Mas mababa man ang posisyon sa sa'yo hindi ibig sabihin nu'n na pwede mo na sila maliitin at murahin dahil lang mas mataas ka. 'Wag kang feeling entitled, apo."]

"Yes, La," tanging nasabi ko lang. Ayaw ko nang mas humaba ang diskosyon. "Nga pala, why did you call?" Pag-iiba ko ng topic.

["Oh, oo nga pala, nandiyan ba si Adelaide? Hindi ko siya ma-contact, eh."]

Kumunot ang noo ko. "Adelaide? I know no one named Adelaide."

["Nakatira sa bahay mo pero hindi mo kilala?!"] Inilayo ko ang phone sa tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi niya. ["Si Adelaide, ang personal maid mo!"]

I cringed at the last three words. Yeah, right, ang babaeng 'yon. Adelaide pala ang pangalan niya. Too bad I didn't know her name in different circumstances, and not now that she's probably fighting for her life. But I guess it's better than knowing it by reading her name on her tombstone.

"What do you need from her?" I chose not to answer her question.

["Kailangan ko lang siyang makausap tungkol sa mga bagay-bagay. Pakisabi na lang na papunta na ako diyan."]

Should I just tell her the truth? Of course not. She'll be upset, and she'll hate me knowing that she's probably close with that woman.

"She's not here," I simply said like I didn't order people to kill her.

["Talaga? Asan daw siya?"]

"I don't know, but she's not here."

Katahimikan. 'Yan ang bumalot pagkatapos kong magsalita. Did I convince her? I checked the phone to see if she's still in line. At oo, hindi pa ended ang tawag.

"La?"

["What did you do?"] she calmly yet dangerously asked as if she knew I DID something bad.

My brows creased as if she was in front of me.

"Nothing! I didn't do anything."

["Uhuh?"] Halatang hindi siya naniniwala sa akin. ["Listen, hindi na ako tutuloy diyan mamaya. But I'll definitely be there tomorrow. I'll expect Adelaide to be 'back' by then. Kapag hindi ko siya makita bukas, tatanggalan kita ng karapatan sa sarili mong kumpaniya."]

"You can't do that."

["Oh yes, I can. You wouldn't want me mad, apo. Alam mong masama ako magalit."]

I know. I'm fully aware of what she's capable of. I know how dark she can be. What kind of monster she turns into whenever she's furious. The main reason why I am scared of her. Kung masama ako, mas malala siya. And seeing her mad is the last thing I want to witness.

Namalayan ko na lang na binaba na ni Lola ang tawag nang mag-ring ito ulit. This time, si Clyde na ang tumatawag.

I declined the call, grabbed the Macallan's Lalique Cire Perdue Scotch and drank straight from the bottle.

Fuck it! Kahit na pilitin ko mang 'wag isipin, alam kong kaya ni Lola na bawiin sa akin ang lahat maging ang apelyido ko. Though I'm confused, bakit ganoon na lang ang trato niya sa babae? Close ba sila? Kamag-anak niya ba? Balak ampunin?

Puta hindi ko alam bakit may pakialam siya sa babae. Maliban sa mga berde niyang mata, wala nang ibang maganda sa kaniya.

I reluctantly dialed Sarj's number. Naka ilang ring na pero wala pa ding sumasagot. Ilang beses akong tumawag pero ring lang nang ring.

Tsk. Fuck it!

I hastily walked out the house and get inside my car. I quickly stepped on the pedal to get to Sarj's lair. Mabuti na lang at may censor ang gate kaya't kusa itong bumukas nang dumaan ako sa gate, at kusa din itong sasara pagkatapos ng limang minuto. Pero tanging sa mga kotse ko lang ito bubukas, kapag hindi registered o ibang kotse ang papasok, hindi siya bubukas unless mano-manong binuksan ang gate.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan hanggang makarating ako sa isang luma at abandonadong warehouse sa isang liblib na lugar. Nasa gitna ito ng mga matatayog na puno kaya't hindi kaagad makikita o mapupuntahan maliban kung alam mo ang daan patungo rito.

I stepped out of my car the moment it stopped then marched inside. Sarj's men were shocked to see me in their hideout but didn't say anything for they know how dangerous I can be if they try to block my way. Kaagad kong tinungo ang kwarto kung saan dinadala ni Sarj ang mga pinapatay niya.

Mabilis akong naglakad, kailangan kong maabutang buhay ang babae.

Padarag kong binuksan ang pinto na naging sanhi ng malakas na tunog. Napatingin sa akin ang lahat maliban kay Sarj na nakapiring at may hawak na dagger na handa nang ihagis sa harapan niya. Doon ko lang napansin ang isang malaking roleta kung nasaan parang nakapako ang isang babae.

Madilim ang kwarto at tanging isang bumbilyang malapit nang mapundi ang nagsisilbing liwanag ng kwarto. Nakakasulasok din ang amoy nito, halatang maraming katawan ang iniwan dito para mamatay, maraming dugo ang dumaloy, at maraming karahasan na nangyari.

Tinakbo ko ang kinaroroonan ni Sarj at hinawakan ang kaniyang braso bago pa man niya ito tuluyang ihagis.

"What the fuck–?!" Inis niyang inalis ang piring pero kaagad ding natigil nang makasalubong ang matalim kong titig. "Anong ginagawa mo dito?" May halong inis sa boses niya.

"Kukunin ko ang babae," mariin kong sabi.

"Hindi pwede, nasa kostodiya ko na siya ngayon at wala ka nang magagawa para pigilan ako sa gusto kong gawin sa kaniya." Nakikipagtagisan siya ng titig sa akin. Mas matangkad ako kay Sarj pero mas malaki siya sa akin.

Binitawan ko ang mabigat niyang braso at inayos ang polong suot. "Baka nakakalimutan mong bayad kita? Binayaran kita para gawin ang gusto ako kaya't ako pa rin ang amo mo at sa akin ka susunod."

Malakas siyang tumawa. "Baka nakakalimutan mo ding binayaran mo ako para patayin ang babaeng 'yan? At ipapa-alala ko lang sa'yo na wala akong kinikilalang mas mataas kaysa sa'kin."

My jaw tensed. Nauubos na ang pasensya ko sa baboy na 'to. I clenched my fist. "Kukunin ko ang babae sa ayaw at sa gusto mo." Tumalikod ako sa kaniya para puntahan ang babaeng ngayo'y nakabaliktad na sa roleta habang nakapikit ang mga mata. Ngunit hinawakan ni Sarj ang balikat ko para pigilan. Mabilis akong humarap sa kaniya at pinatamaan siya ng suntok. Napaatras si Sarj habang hawak ang nagdurugong ilong.

Huli ang reaksyon ng mga tauhan niya sa ginawa ko.

Sinugod ako ng isa nang ma-realize ang nangyari.

"AHH!" Malakas niyang sigaw habang inambahan ako ng suntok. Madali kong nahuli ang kamao niya kasabay ng pagsipa ko sa kaniyang tiyan. Tinapon ko siya sa isa pa niyang kasamahan na nangahas akong sugurin.

May bumunot ng baril at akmang ipapaputok sa akin pero mas mabilis kong natapon ang dagger na nakuha ko sa isang briefcase. Tumama ang dagger sa kamay niya kaya't nabitawan niya ang baril. I ran to his direction and kicked his face before retrieving the gun.

Some dared to fight me, but most of them are cowards and chose not to join the fight. Alam nila kung sino ako, ang totoong ako, and fighting me means death.

I didn't hesitate to pull the trigger when someone tried to throw the dagger on my direction. Natamaan siya sa gitna ng kaniyang noo. Napatigil at napaatras ang iba nang makitang hindi ako magdadalawang-isip na patayin silang lahat.

Lumapit ako kay Sarj na ngayo'y bakas na ang takot sa mukha nang itutok ko sa kaniyang sentido ang baril na hawak. "Alam mo kung ano ang mangyayari kapag hindi sinusunod ang utos ko. Kamatayan." I was ready to pull the trigger and kill him when he held my hand with his shaking hands.

"'W-w-wag, pakiusap 'wag. O-oo, gawin mo na lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong papatayin!"

I didn't answer, I didn't move. I remained watching him as I was amused by his reactions. I slowly lowered the gun that made him sigh with relief.

"Ngayon lang 'to, sa susunod na susubukan mo akong kontrahin, ipapalapa kita sa mga leon."

Sunod-sunod siyang tumango. "O-Oo."

Tinalikuran ko na siya at pinuntahan ang babaeng nakabaliktad at naliligo na sa sariling dugo. Inikot ko ang roleta para maiayos ang kaniyang posisyon bago siya kinalagan. May inabot sa akin ang isang tauhan ni Sarj, mga susi. Ngayon ko lang napansin na nakakandado ang bawat strap.

Dahan-dahang bumukas ang talukap ng kaniyang mga mata nang matanggal ko na ang strap sa kanan niyang palapulsohan. My brown eyes met her teary green eyes. I can sense fear in her eyes so I unlocked the straps on her other hand causing her to fall on my chest. Wala na siyang lakas para suportahan ang sarili.

Maingat ko siyang binuhat nang tuluyan ko na siyang makalagan. She looked at me dreamily and uttered the words in a whisper. "Thank you."

Don't thank me. If it weren't for my fear of losing everything, you would've been dead by now.

I carefully laid her on the floor and for a moment I just stared at her fragile looking body and don't know what to do. May nakabaon na dagger sa kaniyang hita at braso, ganoon din sa kaniyang balikat. Nagdurugo ang kaniyang tagiliran at namumutla na siya dahil sa unti-unting pagkawala ng dugo.

I only know how to kill and hurt people physically, and not cure them. I made a final decision of calling someone who could help me.

"Where are you?" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

["Obviously in the hospital, idiot."]

"Be at my house in ten minutes, I need your skill, asshole."

["I can't, I'm on duty."]

"Just ask anyone to fill in your place just for a few moments." Hindi ko inaalis ang titig sa babae, mas lalo na siyang namumutla.

["Why not YOU go here in the hospital like it should be?"]

"I can't, Lola will find out about it and if that happens it will be over for me."

I heard him 'tsked'. ["That's what you got for being a stubborn apo, Lola's boy."] He's obviously teasing me.

"Be at my house in ten minutes or you won't be able to see another sunrise again." I ended the call without waiting for his reply.

I know pulling the dagger from her flesh will just make it worse, so I carefully carried her to my car and placed her in the back seat before driving to my house. Pagdating ko sa mansyon ay saktong naghihintay sa may gate si Veiro.

Kusang bumukas ang gate nang ma-scan ang kotse ko at agad na sumunod so Veiro papasok. Mabilis siyang lumabas nang sasakyan para alamin ang emergency.

"What happened? Were you shot? Are you dying to let me drive here and leave my patients?" bakas ang inis sa boses niya.

"Not me." Binuksan ko ang pinto sa backseat at tinuro sa kaniya ang babae. "Her."

Napako siya sa kinatatayuan bago nakapagsalita. "Holy motherfucking shit! What did you do?!" He looked at me accusingly.

"I didn't do that, jerk! I'm trying to help her but I ain't a doctor and don't know what to do that's why I called you."

"Fuck!" he cursed. "Help me carry her."

I grabbed her hand and pulled her towards me so I could carry her.

"Gently!" Veiro shouted at my ears after seeing what I did. He pushed me aside so he could carry the woman. I saw how gentle his embrace was as her blood dripped down to his arms.

"Or that should do it."

Veiro knew every corner of my house so he invited himself in and laid the woman on the dining table as it is the nearest at the entrance.

"What the fuck, man? I eat at this very same table!" hindi makapaniwala kong sabi. "Just fix her upstairs."

Sinamaan niya ako ng tingin bago tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang medical kit na siya rin ang naglagay nang minsang magawi siya dito. "First, mas matatagalan at mahihirapan kaming pareho– hindi ka kasama," turo niya sa'kin, "kung dadalhin ko pa siya sa taas." Mabilis siyang naglakad papalapit sa babae. "Second, hindi ko kasalan kung bakit walang bedroom sa first floor kaya magdusa ka. Third, hindi siya bagay para 'i-fix', the right word should be 'treat'. Now, shoo, I'd like to work alone," itinaboy niya ako.

Lumabas ako ng dining room at dumiretso sa sala. Pasalampak akong naupo sa couch habang iniisip kung paano ipapaliwanag Kay Lola ang nangyari sa babae. The wound won't heal overnight so obviously mahahalata niya na may masamang nangyari sa babae.

Hinilamos ko ang palad sa mukha. Paano kung itago ko na lang? Nah, that's impossible. What if I told her she's sick? Lola will insist on seeing her. What if just kill her? Lola will kill me too. Argh! Nakikitira na nga lang ang babaeng 'yon magdadala pa ng problema.