Chapter 10

Adelaide's POV

Maingay. I can hear muffled voices. Hindi ko sila maintindihan hanggang sa unti-unti itong luminaw sa pandinig ko.

"I know her! I knew it was her! Grabe, what a small world!" literal na sumisigaw siya.

"Shh! Keep your voice down! Kita mong nagpapahinga ang tao, eh!" pasigaw na sagot ng isa.

"Eh ano 'yang ginagawa mo? Sumisigaw ka din!"

"Ang ingay mo kasi, kapag 'yan nagising matatagalan siya maka-recover. Kapag matagal siya maka-recover, matagal siyang pagtatakpan ni Archer. Pag nalaman ni Madam Cecil na may nangyaring masama sa babae, mananagot ka."

Ang ingay. Gusto ko silang patigilin. Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita pero namamalat ang lalamunan ko. Pakiramdam ko hindi sa akin ang katawang 'to, pakiramdam ko nawalan ako ng control sa sarili kong katawan.

"Aba, bakit ako?!"

"Kasi mananagot ka kay Archer kapag tinanggalan siya ng mana!"

"Anong ako lang ang manana–?!"

"Shut up, will you?!" Natigilan ang dalawa dahil sa malakas na sigaw ng pamilyar na boses. "Kung nandito lang kayo para manggulo, mas mabuti pang umalis na lang kayong dalawa."

That voice, I know who owns that voice. Pinilit kong igalaw ang katawan. Kailangan ko siyang makausap.

Naramdaman kong unang gumalaw ang aking daliri, na sinundan ng isa pa, hanggang maigalaw ko ang aking kamay. Pinilit kong iminulat ang mga matang nanibago sa liwanag ng silid. Hindi ko malinaw na makita ang kisame hanggang sa tuluyan nang mag-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Napansin ng isa sa mga lalaki na gising na ako.

"Oh, gising na siya!" Halos maduling ako nang ilapit niya ng sobra ang kaniyang mukha sa akin. "Kumusta ka? Ayos ka lang? Alam mo ba kung sino ka? Anong pangalan mo? Sa'n ka nakatira? Ilan 'to?" Itinaas niya ang kamay ngunit hindi ko makita kung ilang daliri dahil naduduling ako sa lapit ng mukha niya.

Ipinikit ko ang mga mata at ipinilig ang ulo para labanan ang hilo.

"Gago. Nasugatan katawan niya, hindi nabagok ang ulo! Tsk. Tabi ako magtatanong." Itinulak niya ang lalaki bago ako nilapitan. "Baka hindi mo na ako naaalala," panimula niya. "Pero nagkita na tayo dati. Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka."

Malakas siyang binatukan ng naunang lalaki. "Isa ka pa, eh."

"You two," ani ng malamig na boses. Napalingon sa likod ang dalawang lalaki. "Leave." Isang salita lang na kalmadong sinabi pero sapat na para maramdaman ng dalawa ang sakuna na maaaring mangyari kung sakaling hindi sila sumunod. Kahit ako ay kinilabutan sa paraan ng pagsalita niya.

Kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki, may isinigaw ang isang lalaki pero hindi ko na masyadong narinig dahil sa tili ng kasama niya. "Bye, Miss Green!"

Nang tuluyang sumara ang pinto ay saka ako nilapitan ni Archer. Nakahiga pa rin ako sa kama habang nakatayo siya sa katabi ko. "Buhay ka pa?" Mga salitang unang lumabas sa bibig niya.

"Hindi, patay na ako. Hologram na lang ang kausap mo," mahina at namamalat na boses kong sabi. Obvious na ang sagot tapos itatanong pa.

"Tsk. Mamamatay na ka nalang may sasabihin ka pa rin," galit niyang sambit. "Do you think you can walk?"

Inikot ko ang mga mata ko. "Gusto mo bang matuluyan ako? 'Yan talaga bungad mo sa'kin. Wala manlang kumusta kung anong pakiramdam ko."

"Ang dami mo nang sinsabi kaya for sure ayos ka na."

Itinukod ko ang dalawang braso para makaupo sana na kaagad ko ding pinagsisihan. Sumakit ang balikat ko dahil pilit kong paggalaw sa braso ko. Bigla akong napahiga pabalik sa kama habang hawak ang kaliwang balikat at iniinda ang sakit.

Ang taong akala ko'y tutulungan ako ay nanatiling hindi gumagalaw habang pinapanood akong magdusa.

"Tatayo ka lang diyan? Wala kang gagawin?" hindi makapaniwala kong sabi habang tinitiis ang sakit.

"I'm not a doctor," simple niyang sagot bago tinungo ang pinto at lumabas ng kwarto.

Wow. Ganda ng ugali para sa isang serial killer.

Hindi ako gumalaw para hindi na mas lalo pang lumala ang sakit. Pinikit ko ang mga mata habang unti-unting humuhupa ang kirot. Niligtas nga ako ng lalaking 'yon sa baboy ramo, papatayin niya naman ako sa sakit.

Nanatili ako sa ganoong posisyon habang iniisip kung paano ipapaliwanag sa mga kapatid ko ang nangyari– ay mali, kung paano pagtatakpan sa kanila ang nangyari. Hindi nila pwedeng malaman, ayaw kong isipin nilang nahihirapan ako o may may nangyaring masama sa'kin. Ayaw ko silang pagalalahanin. Ayaw kong mahati ang atensyon nila sa pag-aaral. Hindi na lang muna ako bibisita hangga't hindi pa ako tuluyang gumagaling.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko iminulat ang mga mata.

"Kumusta pakiramdam mo?" Napamulat ako nang may lalaking nagsalita. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha, hindi si Archer. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Asul ang kulay ng kaniyang mga mata, maputi ang balat, at blond ang buhok.

"Hindi ko masasabing maayos pero mas mabuti kaysa noong nasa kamay pa ako ni baboy ramo." Para akong namamaos dahil sa dry ng lalamunan ko.

Nagtataka niya akong tiningnan dahil sa sinabi ko.

"Anong baboy ra–?" naputol ang pagtatanong niya nang makitang tinangka ko ulit tumayo. "Huwag ka munang gumalaw!"

Maingat niya akong inalalayan pahiga sa kama.

"Malalim ang mga sugat na natamo mo. Mabuti na lang din at naagapan kaagad at hindi nahugot ang dagger bago ka tuluyang magamot, kung hindi ay grabeng komplikasyon ang aabutin mo. Ayaw pa naman ni Archer na dalhin–" sandali siyang napatigil. "Kapag may nangyaring masama sa'yo tiyak na malalagot ako kay Archer," turan niya habang sinusuri ang nagalaw kong sugat sa balikat.

Binuka ko ang bibig para magsalita pero halos pabulong na lang itong lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko ay ilang araw hindi nadaanan ng tubig ang lalamunan ko dahil sa panunuyo nito. "T-tubig."

"Ha?" Hindi niya narinig ang bulong ko.

"T-tubig," malakas kong sabi sa abot ng aking makakaya.

Mabilis ang kaniyang galaw na lumabas ng kwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. Maingat niya akong tinulungang makainom nang hindi masyadong nagagalaw ang kaliwa kong balikat.

"Heto cellphone mo." Inabot niya sa akin ang isang mamahaling cellphone, ibang-ibang sa cellphone kong luma na.

"Hindi akin 'yan," mahina kong usal.

"Sa'yo na 'to. Naka-save diyan ang number ko. Tawagan o i-text mo ako kapag may kakaiba kang naramdam o kung may emergency ka. I'll try my best to answer as soon as I can."

Pero bakit diyan pa? Pwede namang sa cellphone ko na lang. Iyan ang gusto kong sabihin pero sumasakit na ang lalamunan ko kaya't tanging tango na lang ang nagawa ko.

"Alright. For now magpahinga ka muna. Aalis muna ako pero babalik ako para linisin ang mga sugat mo. I doubt magagawa 'yon ni Achie," iling niya.

Tumango na lang ako. Nang makalabas ang lalaki ay napatitig na lang ako sa kisame. So natusok pala talaga ako ng dagger. Bumaon talaga sa laman ko ang kabaliwan ng baboy ramong nag-disguise na tao.

Tinulungan din ako ni Archer. Dapat ba akong magpasalamat sa kaniya? Siyempre oo! Niligtas niya kaya ang buhay ko. Alam ko madalas masama ang ugali ko, pero tumatanaw ako ng utang na loob.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako dinukot at pinahirapan ng ganoon. Pero isang bagay ang pumapasok sa utak ko, utang. Marahil ay isa siya sa pinagkaka-utangan ni nanay noong nabubuhay pa siya, at ngayong wala na si nanay ay ako na ang nakatakdang magbayad noon. Mayroon nang taong ahas, tapos may baboy ramo pa. Ano pa kayang mga klase ng hayop ang inutangan ni nanay? Buwaya? Tigre? Isda? Palaka? Jusko sumasakit ang ulo ko sa patong-patong na problema. Dagdag sa bayarin. Dagdag sa perang gagastusin.

Speaking of pera, nasaan na ang dalawang milyon na binigay ni Archer?! Nakuha kaya ni BR? O nabawi ni Archer? Naku, sayang naman kung hindi ko magagamit pambayad 'yung pera! At saka 'di ba gusto akong paalisin dito ni Archer? Ba't niya ako pinabalik kung pwede namang sa ospital niya na lang ako dalhin? Naawa ba siya? Mas mabuti na din 'yon kesa iisipin ko pa ang pambayad sa ospital. Nagkaroon pa ako ng personal doctor dito. Ay wait, doctor ba 'yong kanina? Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya o kung doctor ba siya.

Haist. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang ulo ng isang lalaki. Oh, nakabalik agad siya? Akala ko ba aalis muna siya? Baka may nakalimutan.

Lumawak ang ngiti ng lalaki bago tuluyang pumasok sa kwarto at naglakad papalapit sa akin.

"May nakalimutan ka ba?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.

"Wala naman," nakangiti niyang sabi. "Nandito lang ako para kumustahin ka."

Kumunot ang noo ko. 'Di ba kinumusta niya pa lang ako kanina? At saka bakit parang ang saya niya yata kaysa kaninang nandito siya?

"Tinanong mo na ako kanina tungkol diyan." Nakatitig lang ako sa asul niyang mga mata habang nagtataka kung bakit kakamustahin niya ulit ako.

"Huh," kahit siya ay parang nagtataka hanggang sa maliwanagan kung ano ang ibig kong sabihin. "AH! Si Veiro 'yon, hindi ako."

Nakakunot pa rin ang noo ko habang nakatitig sa asul niyang mga mata. Alam kong pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Labas ang ngipin siyang ngumiti at itinuro ang sarili. Wala pa rin akong ideya kung sino siya. Nalusaw ang mga ngiti niya nang makitang walang bahid ng pagkilala ang mga titig ko sa kaniya. "Sa gwapo kong 'to nagawa mo akong kalimutan? Grabe ka na, Miss Green."

Parang may biglang pumitik sa isip ko dahil sa tinawag niya sa akin. Isang tao lang ang naaalala kong tumawag sa akin ng ganiyan. "Ikaw si..." Siya 'yong lalaking aksidenteng natamaan ko ng bato sa batok at binantaan ako bago kami naghiwalay ng landas. "Ano nga ulit pangalan mo?" inosente kong tanong. Alam kong nagpakilala siya sa akin noon, pero hindi ko matandaan ang pangalan niya dahil pilit kong gustong kalimutan ang taong akala ko'y ipapatumba ako.

Bumagsak ang balikat niya. "Grabe pati pangalan ko hindi mo tanda. Nakaka-hurt ka ng feelings, Miss Green. Porke ba't green ang mga mata mo habang blue ang sa akin, gaganyanin mo na ako?" madrama niyang sabi. He held his chest dramatically with his left hand while his right hand wiped the imaginary tears in his eyes.

Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kaniya. Baliw.

"Ako 'to, si Veigo!" sabi niya na para bang dapat tanda ko ang pangalan niya. "Veigo Marsh. Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos kakalimutan mo lang. Hmp!" pagalit niyang wika. "'Yong lalaki kanina ay kakambal ko, si Veiro. Obviously identical twin kami kasi hindi ka malilito sa aming dalawa kung hindi kami magkamukha. Though I highly believe na mas lamang ang kaguwapuhan ko kaysa sa kaniya."

Magkamukha man sila ni Veiro– 'yong lalaki kanina– kapansin-pansin pa rin ang pagkakaiba nilang dalawa base sa paraan ng kanilang pananalita at kabuuang katangian na pinapakita. Masigla at parang laging nagbibiro kung magsalita si Veigo habang si Veiro naman ay kalmado, at seryosong magsalita.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaking kapareho ng bulto ng katawan ni Veigo. Moreno ang balat, soft ang feature ng mukha kaya't inosente siyang tingnan. Siya ang best example ng tall, dark, and handsome.

"Nandito ka pala? Hindi ba't sinabihan ka 'wag muna pumasok?" parang nanay na pinagalitan niya si Veigo habang nakakunot ang noo. Pero umaliwalas ang mukha niya nang bumaling sa akin. "Kumusta ka na? Ayos na ba pakiramdam mo?"

Tumango ako kahit pa sa kaloob-looban ko ay nagtataka kung sino siya. Kung makapagsalita kasi parang matalik kaming magkaibigan.

"Mabuti naman kung ganu'n, pagaling ka lang." Lumingon siya kay Veigo at sinamaan ito ng tingin. "At ikaw naman, lumabas ka na. Huwag mo nang guluhin si–" Napatigil siya dahil hindi niya alam ang pangalan ko. "Siya!" turo niya na lang sa akin.

"Kinamusta ko lang, eh! Close kaya kami niyan ni Miss Green. 'Di ba, Miss Green?" Lumingon siya sa akin.

Nanatiling blangko ang ekspresyon ko.

"Oh, 'di ba? Close kami!" sabi ni Veigo na para bang pinagmamayabang sa kasama.

"Really? Oh eh anong pangalan niya?" Humalukipkip ang lalaki.

Binalingan ako ni Veigo bago binalik ang tingin sa kasama. "Kaya nga close kami kasi nickname basis kami. Hindi ba, Miss Green?"

"Tsk, ang sabihin mo hindi mo lang alam."

Akmang sasagot si Veigo nang maunahan siyang magsalita ng lalaki.

"Hi Miss Pretty, I'm Clark Jay Cortez. You call me babe for short." Inilahad niya ang kamay sa akin na tiningnan ko lang. Nang mapagtantong wala akong balak tanggapin ang kamay niya ay binawi niya ito.

"Kita mong hindi makagalaw nang maayos tapos makikipagkamay ka pa," wika ni Veigo.

Hindi naman sa hindi ako makagalaw nang maayos, sadyang tinatamad lang akong itaas ang kamay para kamayan siya. At isa pa, masyado akong pagod para mag-entertain ng sino man.

"Anong lahi mo, Miss Pretty? Half ka ba?" curious na tanong ni Clark. "Green kasi mga mata mo, eh. Saka mukha kang may lahi."

Hindi ko na kailangan magsalita dahil si Veigo na ang sumagot sa kaniya para sa akin. "Oo half siya. Half tao, half makakapatay ng tao kung hindi mo siya lulubayan."

Halos mapa-ubo ako sa sinabi niya. Tanda niya pa pala ang sinabi ko sa kaniya?

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Archer. Napalingon ang dalawang lalaki sa kaniya.

"Wala ba kayong mga trabahong?" inis na bungad ni Archer.

"Meron, pero siyempre makiki-chismis muna kami. Lalo pa't alam namin ang mangyayari kapag... you know," bungisngis ni Veigo.

Tumawa naman si Clark. "We just wanna know what are YOU going to do."

Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila at wala akong pakialam. Gusto ko lang mapag-isa para makapagpahinga.

Bakas ang galit sa mukha ni Archer dahil sa pang-iinis ng mga lalaki. "Get the fvck out of my house!" Dumagundong sa buong kwarto ang sigaw niya.

Wala talagang consideration ang lalaking 'to, dito pa talaga sumigaw.

Tumatawa namang naglakad paalis ang dalawang lalaki. "Pikon ka talaga kahit kailan, Lolo Achie." Mas lalong lumakas ang tawa nilang dalawa dahil sa sinabi ni Veigo.

Hindi ko mapigilang mahawa sa tawa nila lalo na't nakikita ko kung paano manlisik ang mga mata ni Archer sa dalawa. Mabilis nga siyang mapikon kahit pa hindi naman siya gaanong inasar.

Nakaalis na ang dalawa pero bakas pa rin ang mga ugat sa leeg ni Archer. Napalingon siya sa akin nang marinig akong bumingisngis.

"What are you laughing at?"

Agad kong ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog. I heard him 'tsked' bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Kung hindi niya lang iniligtas ang buhay ko at hindi ako tumatanaw ng utang na loob, baka inasar ko na din siya. Asar talo.

Binuksan ko ulit ang mga mata ko nang masigurong ako na lang mag-isa dito. Paano na ang pambayad ko sa taong ahas? Pag gumaling na ba ako bibigyan ulit ako ni Archer ng dalawang milyon kapalit ng pag-alis ko dito? Pwede ko kayang padagdagan? Mas kailangan ko ng malaking pera lalo pa't mayroon namang dumagdag sa listahan ng mga kailangan kong bayaran.

Magkano kaya ang utang ni nanay kay baboy ramo? Gusto kong malaman para ihanda ang sarili, pero mas malaki ang parte sa akin na ayaw kong malaman dahil ayokong iharap ang sarili sa katotohanan na may malaking halaga na naman akong po-problemahin kung saan ko hahagilapin.

Haist. 'Nay, ba't mo naman kasi ako iniwanan ng ganito kalaking problema? Bakit ka ba kasi nawala nang hindi man lang nababayaran ang mga utang mo? O baka naman kaya mas gusto mong mamatay dahil ayaw mong harapin ang mga utang na kahit ikaw alam mong hindi mo kayang bayaran?