CHAPTER 7
Warning: This chapter contains violence that readers might find disturbing and upsetting. Read at your own risk.
Kung papipiliin ako kung paniniwalaan ba ang sinabi ni madam o mas dinggin ang pangangailangan ko, siyempre mas pipiliin ko ang huli. Hindi mababayaran ang mga utang ni nanay kung mas maniniwala ako sa mga sabi-sabi.
Maganda ang offer ni madam pero kailangan ko ang pera sa loob ng tatlumpung araw, at ito na 'yon. Hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal, o maghanap ng dagdag na trabaho, o mangutang para lang makabayad ng isa't kalahating milyon sa taong ahas na 'yon.
Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kung sakaling hindi ako sumunod sa usapan, at ayoko nang malaman.
Tumayo ako at hinarap si Archer. Hindi ko na inda ang sakit sa kanang paa. "Deal."
This time, ang ngisi naman ni Archer ang lumawak.
"Well, that was easy. I thought I need to convince you enough to accept my offer." Nilagay niya ang dalawang kamay sa likuran habang nakatingin sa akin.
"I told you, kailangan ko ng pera. Siyempre tatanggapin ko talaga ang alok mo."
Tumango siya bago humakbang ng isang beses papasok. "I'll drop the amount on your account. Or should I just give you a cheque."
"Hindi," taas-noo kong sabi. "Gusto kong cash mong ibigay sa akin. Buo ang dalawang milyon." Paano kung talbog pala ang cheke? O kung nagsisinungaling lang siya na ilalagay sa account ko kuno tapos papatayin na pala ako bago ko pa man ma-check kung totoong nasa account ko na ang pera.
Kung papatayin niya man ako, mas mabuting wala akong maiiwan na suliranin sa mga kapatid ko. Kung magandang pamumuhay naman ang magiging kapalit ng pagpanaw ko, buong puso kong tatanggapin ang kamatayan.
"Alright, I'll have a money ready. Pack your things, gusto kong wala ka na sa bahay pagkabigay ko ng pera. Clear?"
"Crystal clear."
HINDI KO NAMAN masyadong ginalaw ang maleta ko kaya't hindi ako natagalan sa pag-e-empake. Inayos ko din ang kuwarto bago binaba ang mga gamit ko. Habang pababa sa hagdan, tanaw ko si Archer na seryosong nakatingin sa akin habang hinihintay akong tuluyang makababa.
Nilagay ko ang mga gamit ko sa tabi ng pinto para hindi na ako mahirapang dalhin 'to palabas mamaya.
Bumalik ako sa sala kung nasaan si Archer prenteng naka-upo habang nakatingin sa akin. Nakasandal siya sa sofa at nakapatong ang braso dito habang nilalaro ang mga labi. Nasa may paanan niya ang dalawang itim na duffel bag na sa tingin ko'y naglalaman ng pera.
Hindi ako umupo, sa halip ay tumayo ako sa harapan niya. Nakatingala siya sa akin habang hindi inaalis ang daliri sa mga labi.
Deja vu. Ba't parang nangyari na 'to? Pero noon ako ang nakaupo at nakatingala sa kaniya habang siya ang nakatayo at kinulong ako sa mga braso niya. Wait, what?!
Ipinilig ko ang ulo para maalis ang isip sa hindi dapat.
Limang hakbang ang layo ako sa kaniya habang napapagitnaan kami ng maliit na mesa.
"Handa na akong umalis." Ako ang unang nagsalita dahil mukhang wala siyang balak mag-initiate.
Tahimik niyang kinuha ang dalawang duffel bag at ipinatong ito sa mesa. Tinuro niya gamit ang kamay ang mga bag na parang sinasabing tingnan ko ito.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan galing, o sino nagdala nito dito. I mean ng pera, parang nakahanda na kasi siya bago ko pa man tanggapin ang alok niya.
Binalingan ko muna siya bago nanginginig na inabot ang zipper ng isa sa mga duffel bag. Dahan-dahan ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang makakapal na bundle ng tig-i-isang libo.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nanginginig na kinuha ang isang bundle para damhin. Gamit ang hinlalaki, pinasadahan ko ang bawat isang libo na hawak. Nilapit ko ito sa mukha para amuyin.
Ahh, halatang bago, mabango eh.
Dati green ang favorite color ko, ngayon blue na.
Binuksan ko din ang isa pang duffel bag at mas lalong nagningning ang mga mata ko sa mga perang nakita. At sinong nagsabing money can't buy happiness? Wala pa nga akong nabibili pero ang puso ko nagtatatalon na sa tuwa.
"That's exactly two million pesos in cash." Umangat ang tingin ko nang magsalita siya.
Lumawak ang ngiti ko. "Mabuti naman at sumunod ka sa usapan."
"Of course, for the sake of being alone," ngisi niya.
Sinarado ko na ang dalawang bag at sinukbit sa balikat. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang mga gamit ko palabas nang ako lang. Pero kakayanin ko 'to alang-alang sa pera.
"Sige, una na ako," masigla kong sabi siyempre. Sino ba naman ang hindi sisigla kung may dala kang dalawang milyon sa magkabila mong balikat?
Ngumisi lang siya at tumango. Ni hindi natinag sa pagkaka-upo. Ang klase ng ngisi na parang may binabalak na masama. O baka naman masaya lang talaga siya kasi mawawala na ako sa bahay niya.
Imagine three days pa lang ako sa mga Valle pero may dalawang milyon na kaagad. Hindi man lang ako napagod. Wala naman akong ginawa kundi asikasuhin ang sarili.
"By the way." Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita ang lalaki. "Don't tell my grandma about this. Or better yet don't talk to her at all. Ako nang bahala magpaliwanag."
So para akong nag-awol ganu'n?
"Don't worry, hindi 'to makakasama sa record mo."
"Dapat lang. Ikaw kaya nakaisip nito." Nginisihan ko muna siya bago naglakad paalis.
Mabuti na lang talaga at isang maleta at isang backpack lang ang dala kong mga damit kaya't kaya ko pang dalhin ang dalawang duffel bag sa magkabilang balikat.
Sumisipol ako habang naglalakad sa topiary garden ni Archer. Masaya akong lumabas ng gate ng mansiyon at tiningnan kung may taxi ba na pwedeng sakyan. Nang makitang walang kahit isang sasakyan sa kalsada ay napagpasyahan kong lakarin na lang palabas ng village.
Hindi naman siguro ako hoholdapin. Hindi naman siguro halatang pera ang laman ng dalawang duffel bag sa balikat ko. Malaki ang mga duffel bag kaya't mas mukhang mga damit at iba pang gamit ang laman nito at hindi pera.
Bago tuluyang lumabas ng village ay nginitian ko pa si kuyang guard. Pero hindi pa man ako nakaka-ilang hakbang palayo sa village ay may humintong itim na van sa harapan ko at sapilitan akong pinapasok sa loob.
Tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko dahilan para maka-amoy ako ng kakaibang amoy. Ilang segundo lang ay nawalan na ako ng malay.
NAGISING AKO SA nakakasulasok na amoy. Nang mahimasmasan ay saka ko napagtantong nakatali ako sa upuan. Sinubukan kong sumigaw pero may nakaharang sa bibig ko. Binusalan ako, punyemas.
Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakatali sa akin. Napansin ng isang lalaki ang ginawa ko at tinawag ang atensyon ng mga kasamahan.
"Oh, gising na ang prinsesa!" Nabaling ang atensyon na akin ng lahat.
Base sa mga naglalakihang kahong gawa sa kahoy, barrel, at mga nakatambak na kahoy at steel bar na nakita ko, masasabi kong nasa isang warehouse ako. Sa kanan kung saan naglalaro ng baraha ang tatlong lalaki ay may isang sumigaw. "Tawagin niyo na si Sarj!"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumilis ang paghinga ko habang pumapatak ang pawis sa noo ko. Mga tauhan ba 'to ng taong ahas? Alam na ba niya na may pera na ako? Pero wala pa namang isang buwan! Teka lang, paano kung kunin niya ang lahat ng iyon?
Nasa itsura pa naman niya ang masilaw sa pera at kunin kahit ang hindi kaniya.
Nagpumiglas ako at pilit inaalis ang sarili sa pagkakatali pero mas lalo lang akong nasasaktan, pero kahit ganu'n pa man ay hindi ako tumigil.
Natigil lang ako nang makarinig ng mga yabag. Mabagal na paglalakad na animo'y mabigat ang taong pinanggagalingan ng tunog.
Natahimik ang lahat at walang gumawa ng ingay habang hinihintay ang pagdating ng sinasabing lider.
Madilim ang warehouse kaya hindi ko maaninag kung saan nagmumula ang mga yabag. Halos marinig ko na rin patak ng tubig sa sirang hose dahil sa sobrang tahimik.
Isa. Dalawa. Tatlo. Pagkatapos ng tatlong hakbang ay tumigil ang mga yabag. Mula sa kinaroroonan ko ay naaaninag ko ang bulto ng isang tao.
Matangkad, mataba, malaki.
Isang metro ang layo niya sa akin. Ilang sandali lang ay umangat muli ang kaniyang paa at humakbang ng dalawang beses dahilan para makita ko ang kabuoan niya.
Balbas-sarado, malaki ang tiyan, may nakasabit na gintong kwintas sa mataba at maitim niyang leeg at gintong pulseras sa malaman niyang palapulsohan. Seryoso at madilim ang kaniyang mga titig na para bang dadaganan niya ang sinumang haharang sa daraanan niya.
Malakas siyang huminga habang nakadirekta sa akin ang mga titig niya. Kahit ang ibang mga kalalakihang nandito ay ramdam ang otoridad sa presensya niya.
Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at nakatayong naka-abang sa susunod niyang gagawin.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumisi siya. Pero imbes na ipakita ang takot ay sinalubong ko ang titig niya.
Mamamatay man akong walang kalaban-laban, pero hindi nila akong makikitang umiyak.
Binuka niya ang bibig at nagsalita. "Alam mo ba..." Malakas at bilog ang boses niya, dagundong sa buong warehouse. Nakita kong bahagyang napaigtad ang lalaki sa malayong kanan ko dahil sa biglaang pagsalita ng malaking tao sa harap ko. "... na pera ang bumubuhay sa tao... pero pera rin ang kadalasang nagdadala sa kanila sa kamatayan."
Hindi ako nagsalita. Nanatili kaming parehong pinapatay ang isa't isa sa tingin. Hanggang basagin ko ang nakakabinging katahimikan.
"Ikaw. Kahit hindi mo sabihin alam ko kung bakit ka nandito. Pera. Handa kang gumawa ng krimen alang-alang sa pera. Handa kang pumatay para kumita ng malaki, maaaring mas malaki pa kaysa kung magta-trabaho ka nang marangal."
"Tama. Kaya nga mamamatay ka dahil sa pera. Perang ibabayad sa akin kapag nagawa ko nang maayos ang trabaho ko."
"At proud ka pa?" Hindi makapaniwala kong sabi. "Hindi trabaho ang pagpatay ng tao!"
"Na kaya mo ring gawin kung malaking pera ang kapalit."
Sandali akong natigilan pero agad ding nakabawi. "Hindi ako katulad mo na buhay pa lang sinusunog na ang kaluluwa sa impiyerno," I said under my gritted teeth.
I heard his men gasp. Siguro hindi sila sanay na mayroong nangahas na sumagot sa baboy ramong 'to. Maitim siya at mataba kaya hindi bagay sa kaniya ang "baboy" lang.
Naglakad siya papalapit sa akin hanggang nasa mismong tapat ko na siya. Nagulat ako nang marahas niyang abutin ang panga ko. Pakiramdam ko mababali ang panga ko sa higpit ng pagkakahawak niya.
Blangko ang kaniyang mukha pero makikita ang dilim sa kaniyang mga mata. "Isasama kita sa impiyerno. Pero mas mauuna ka nga lang sa akin," he smirked.
Hindi niya binitawan ang panga ko. Halos maluha na ako sa sakit pero hindi ako nagpakita ng kahinaan. Sinalubong ko ng buong tapang ang kaniyang mga mata.
"Walang lugar ang tapang ng isang daga sa pugad ng mga leon." Tumawa ang mga kalalakihan. Akala mo naman kung sinong matatapang.
Padarag niyang binitawan ang panga ko dahilan para mabaling ang ulo ko pakaliwa.
Sarkastiko akong tumawa bago sinalubong ang mga tingin niya. "Leon? Don't think highly of yourself. Mas mukha kang baboy ramo kaysa leon."
Isang malaki at matabang palad ang dumapo sa pisngi ko. I internally cursed because of the pain it inflicted.
Marahas niyang hinila ang buhok ko para iharap sa kaniya. "Plano ko pa sanang pahabain ang buhay mo pero masyado mo akong ginagalit."
Lumingon siya pakaliwa at tinawag ang isang lalaki. "Asyong!" Napaigtad sa gulat ang lalaki nang tawagin ang pangalan niya na para bang siya ang paparusahan.
"Yes, boss?" Alerto nitong sabi.
"Dalhin mo ang roleta."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki nagngangalang Asyong. "P-po?" Bakas ang takot sa boses niya. Matalim siyang tinitigan ng baboy ramo kaya't kaagad din siyang tumango. "S-sige po." Patakbo siyang umalis.
Bumaling ulit sa akin si BR– abbreviation ng baboy ramo– na hila-hila pa din ang buhok ko.
Inilapit niya ang mukha sa akin bago nangigigil at natutuwang nagsalita. "Ngayon natin masusubok ang tapang mo, babae." Nagpigil ako ng hininga at pilit na iniwas ang mukha sa kaniya dahil nakakasulasok ang baho ng hininga niya.
Hindi ba uso sa kaniya ang mag toothbrush? Pareho lang sila n'ung taong ahas, walang personal hygiene.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tunog ng tinutulak na cart na parang sira at kinakalawang na ang gulong. Masakit sa tenga ang matinis na tunog na mas lalong lumakas dahil sa estruktura ng warehouse. Walang kahit isang bintana o siwang na pwedeng daanan ng sinag ng araw, maliban na lang kung gabi na pala. Enclosed ang warehouse kaya't malakas mong maririnig ang tunog kahit pa mahina lang ang pagsalita, o paggalaw sa mga bagay.
Kusang umangat ang mga kamay ko para sana takpan ang tainga pero pinigilan ako ng taling nakagapos sa akin. Wala akong choice kundi tiisin ang tunog, napapikit ako habang tahimik na nagdadasal na matapos na ito.
Tumigil ang matinis na tunog kaya't binuksan ko na ang mga mata ko. Binitiwan na ni baboy ramo ang buhok ko at humarap sa kababalik lang na lalaki. Nakaharang ang matabang bulto ni baboy ramo kaya't hindi ko makita kung ano ang laman ng dalang cart ng lalaki. Pero kita ko ang magkahalong takot at awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Mala-demonyong tumawa ang baboy ramo na mas lalong nagpabahala kay Asyong. Hindi ako bobo para hindi maintindihang ikamamatay ko kung ano man ang dala niya. Pero hindi sapat ang awa sa mga mata niya para hindi ko siya kasuklaman. Kasamahan pa rin niya sila, sumusunod sa utos kahit alam niyang masama, gumagawa ng mali para sa pera. Magkakapareho silang lahat.
Sinenyasan ni baboy ramo si Asyong na agad niyang naintindihan saka lumapit sa akin. Siya lang ba ang tauhan niya at hindi niya inuutusan ang iba? Ano sila, display?
Sinumulan niya akong kalagan habang nakatayo sa harapan ko dahilan para maharangan niya ang paningin ko sa baboy ramo.
Malaki ang pangangatawan niya, hindi dahil mataba kundi dahil mukha siyang nagi-gym. Siguro ay nasa mid-20s pa lang 'to, ang bata niya tingnan kaysa sa ibang nandirito.
Yumuko siya nang kaunti habang tinatanggal ang taling nakagapos sa akin bago pasimpleng nagsalita. "Hindi ka na dapat nagsalita. Hindi mo na dapat ginalit si Sarj."
Hindi ako nakasagot dahil tuluyan nang natanggal ang gapos at lumayo na siya sa akin. Pinagtulungan nila ako ng isa pang lalaki na makatayo at kiladkad papalapit kay baboy ramo.
Ngayon mas kita ko na ang dinala ng lalaki kanina. Buong akala ko ay cart na may lamang pang-torture, pero hindi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalong matatakot.
Roleta. Malaking roleta ang nasa harapan ko na ngayon. Mas malaki pa sa akin. Ang mas makaagaw ng atensyon ko ay ang apat na leather straps na may maliit na kandado. Ang dalawa ay nasa kaliwa't kanan sa itaas, samantalang ang dalawa pa ay nasa kaliwa't kanan sa ibaba.
Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa pumapasok na ideya sa isip ko. Sinubukan kong makawala pero huli na para magpumiglas. Pinagtulungan ako ng dalawang lalaking igapos sa roleta.
"'Wag! 'Wag, pakiusap!" Pagmamakaawa ko habang sapilitan nilang itali ang mga paa at kamay ko sa leather straps. "'Wag! Ano ba! Pakawalan ninyo ako dito!" Patuloy ako sa pagsigaw at pagpumiglas pero hindi ko maalis ang mga kamay at paa ko dahil kinandado na nila ito.
Nakabuka ang mga paa ko gayun din ang mga kamay ko na nakataas.
Tumawa nang malakas ang baboy ramo. "Oh, 'di ko akalain na marunong ka pala magmakaawa."
"Pakawalan mo ako dito!" Matapang kong sabi habang kinukubli ang takot.
"Sisingilin lang sana kita, kaso pinahamak ka ng matalas mong dila. Dapat lang sa'yo 'yan!"
Pilit kong hinihila ang dalawang kamay pero mas lalo lang akong nasasaktan.
Isa sa mga lalaking may dalang briefcase ang tumayo katabi ni baboy ramo. Hinarap niya ito sa kaniya at binuksan. Hindi ko kita ang loob nito pero alam kong hindi ko magugustuhan ang nilalaman ng briefcase.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kaluluwa ko nang makita ang isang bagay na kinuha ni baboy ramo mula sa briefcase. Dagger. Isang dagger na sinusuri niya ang talim ang nagpatunaw ang natitira kong tapang sa katawan.
Hindi ako makasalita, hindi ako makagalaw. Mas lalong natunaw ang tapang ko sa katawan nang piringan ni baboy ramo ang mga mata niya bago inutusan ang isa mga tauhan na paikutin ang roleta.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na inikot kasabay ng roleta. Pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko at susuka kapag binuka ko ang bibig. Napapikit ako dahil sa hilo at sa takot na makita kung saan dadapo ang dagger na sunod-sunod na itinatapon ni baboy ramo sa direksyon ko.
Nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang pisngi, kanang balikat, kanang hita, at tagiliran. Unti-unting bumagal ang ikot ng roleta hanggang tuluyan itong tumigil sa pinakaalanganin na posisyon. Nasa baba ng roleta ang ulo ko, habang nasa taas ang mga paa. Dahil sa baliktad kong posisyon, ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking tagiliran hanggang gilid ng aking dibdib.
Pakiramdam ko ay babagsak ako ngunit ang mahigpit na pagkakagapos sa akin ang siyang nagpapanatili sa aking hindi mahulog.
Hindi ko binuksan ang mga mata ko. Ayaw kong makita ang mga susunod niyang gagawin sa akin.
Kasabay ng pagbigat ng pakiramdam ko ay siyang pagtulo ng aking mga luha. Akala ko magagawa kong hindi umiyak. Nagkamali ako. Siguro nga ito na ang katapusan, at wala na akong magagawa.
Napaigtad ako nang makarinig ng putok ng baril. Binuksan ko ang mga mata na mas nakadagdag ng pagkahilo ko dahil baliktad ko silang nakikita. Bago ko pinikit ulit ang mga mata ay nakita ko ang komosyon.
Kung ngayon man ako mamamatay, paano na sina Amber at Andler? Maaaring mapilitan silang huminto sa pag-aaral para magtrabaho kasi kung hindi, wala silang kakainin. Pero nandoon naman si Nanay Selia na alam kong tutulungan sila, kaso kinakabahan ako ngayon pa lang sa maaaring gawin ni Sandy kay Amber. Mabuti sana kung palagi siyang nasusubaybayan ni Andler, paano pala kung hindi?
Mapapariwara sila. Hindi makakapag-aral. Plus malulubog sila sa mga utang ni nanay na paniguradong sila ang sisingilin.
Jusko 'wag naman sana akong mamatay ngayon. Marami pa akong dapat gawin. Pwedeng tsaka na lang kapag tapos ko na bayaran ang mga utang ni nanay? Kapag secured na future ng mga kapatid ko pwede na ako mamatay, basta 'wag muna ngayon.
Sandali akong nawala sa reyalidad habang iniisip ang mga posibleng mangyari sa mga kapatid ko kung sakaling mawala kaagad ako sa mundo. Nabigla na lang ako nang umikot pataas ang roleta at umayos ulit ang posisyon ko. Hindi ko alam kung maayos ba talaga 'to, pero at least hindi na ako nakabaliktad.
Siguro papaikutin ulit ako.
Nanatili akong nakapikit habang inaantay ang susunod na tapon ng dagger, pero walang dumating. Sa halip ay naramdaman kong may nagtatanggal ng leather straps sa palapulsohan ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata na unang sinalubong ng kulay tsokolateng mga mata ng isang lalaki. Ang pinakahuling lalaking inaasahan kong makikita ko dito. Napabagsak ako sa dibdib niya nang tuluyang maalis ang gapos sa aking mga braso. Bumaba siya nang bahagya para abutin ang nakagapos sa magkabilang paa ko na madali niya lang naalis.
Nanghina ang mga tuhod ko na para bang taon ang lumipas bago naglapat ang mga paa kong muli sa lupa. Hindi umalis ang titig ko sa mga mata niya.
Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung anong intensyon niya. But somehow, I feel safe. Pakiramdam ko ligtas na ako ngayong nandito na siya. Pakiramdam ko wala na akong dapat ipag-alala pa.
Kusang pumikit ang aking mga mata bago mahinang inusal ang mga salita, "Thank you..."
... Archer.