THIRTY-EIGHT (38)
-Mary Jane’s POV –
Naglalakad ako papunta sa pangalawang cottage kung saan naka. held ang disco. Gabi na at simula na ng overnight or walang tulugan sa mga nagiinoman. First time kong mapasama sa ganito, lalo na si Rhea pa ang kasama ko. Pero sa totoo lang gusto kong umatras eh. Hindi naman sa na-out of place ako. Actually, ang saya ko nga. Kulang nalang mahahati ang bibig ko sa kakatawa. Dahil kasi kay Jc. Wala kasi kaming closure nang maghiwalay kami. Pero mukhang okay naman siguro kasi nagkita kami last time at nagusap pa nga kami.
(Background song playing)
(Maja Salvador- Dahan-dahan)
Akala ko ba disco, bakit ang melo ng kanta? Kanta pa ni Maja. Nakakaloka..
At hanggang sana all nalang ako sa mga mag-jowa or M. U. na ang sweet na nagsasayaw sa gitna. Sobrang lapit ng mga mukha nila na para bang sila lang ang nagiisang tao sa mundo. Pag-ibig nga naman. Kailangan ko ata ng Tequila.
Nagtungo ako sa mini bar kung saan kokonti lang ang andon. Umupo ako sa counter at tinawag yung bartender na busy sa pagaayos ng drinks sa lalagyan.
“Excuse me.” Tawag ko.
“Yes ma’am. What can I get you?” Lumingon ito sa akin at kumindat siya na may kasamang pilyong ngiti.
Naitaas ko ang aking dalawang kilay habang nagpipigil ng ngiti. Akala ko ba siya ang magiging dj ngayon?
“Can I get the bartender?” I replied with a playful smile.
Umagikhik siya, “Tao ako, Mj. Hindi naiinom.”
“Sinabi ko bang iinom kita?” Sagot ko naman na may pilyang ngiti sa mukha.
Nakabungisngis lang siya habang tinititigan ako. Parang pilit niyang binabasa ang nasa isip ko. Ang gwapo talaga si Jc kahit hindi siya kaputi-an at patay na patay ako sa tangos ng ilong niya at lalim ng kanyang dimples. Kahit ordinaryong ngiti lang, lumabas na dimples niya.
“Mamaya. Pagkatapos ng disco.” Sagot niya sa mahina pero nakakaakit na tono, “For the meantime, can I get you something to drink?”
Ngumiti ako sa kanya saka sumagot, “Sex on the beach.”
“Nice choice.” Sabi niya pagkatapos ngumiti at tinalikuran ako.
Si Jc talaga kahit kailan. Game na game talaga sa kahit anong kalokohan. Hindi ka talaga mababagot kapag siya ang kasama mo. Depende nalang sayo kung seseryosohin mo ang kalokuhan niya. Yan yung nangyari sa akin. Seneryoso ko ang mga kalokohan niya kaya ayun, na-in love ako sa kanya.
(Background song playing)
(Maja Salvador ft. Abra- Halika na)
Napatingin ako sa mga nagsasayawan sa gitna ng mapansin kong nagbago ang kanilang music. Bigla ko tuloy naalala ang mga panahon na nagsisimula pa si Jc bilang Dj. Pag nakita niya ako sa crowd, bababa talaga siya para samahan akong sumayaw sa gitna. Tapos yung mga tingin niya sa akin na halos matunaw na ako..
Pero memories nalang ang lahat ng yun, hindi na maibabalik.
Narinig kong may nilagay sa tabi ko kaya bahagya kong ginalaw ang aking mata. Nasa tabi ko na ang cocktail na inorder ko at bonus na rin ang gwapong bartender sa tabi ko.
(Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga kung sa’n tayo pupunta–)
“Gusto mo bang sumayaw?” Tanong niya.
Nilingon ko siya at sa di inaasahan ay nagtama ang mga ilong namin. Hindi ko inakala na ganito siya kalapit sa akin. At sa sobrang lapit ng mukha namin ay nagkadikit na ang dulo ng ilong namin. Naaamoy ko na rin ang napakabango niyang pabango.
Biglang naginit ang katawan ko at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Ang bilis ng kabog ng puso dahil sa sobrang seryoso ng tingin niya sa akin.
“Kamusta ang buhay mo na wala ako?” Sobrang lalim ng boses niya pero nakakaturned on. Hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya.
Nagpigil ako ng ngiti, “Eto, iniisip kung ilan naging replacement mo sa akin.”
Nagsmirk siya at lumabas dimples niya. Kaya ako naman na nakatitig sa kanya ay nakaramdam ng kuryente sa katawan kaya napabungisngis na rin.
(Background song continues)
(Mga labing kay tamis
At mga ngiting nakakamiss
Oh bakit ba ako magtitiis
T’wing kasama’y masaya
Kapag lumalayo naluluha
Oh bakit ba ako mahihiya–)
Ganda ng music. Tamang-tama sa moment namin. Parang gusto ko tuloy ma-attach sa kanya… ulit.
Hinayaan kong mangibabaw ang gumagaan kong damdamin kasabay ng pagtangay ng musika sa akin upang sumabay sa pagkanta.
”Aaminin ko. Ang nilalaman ng damdamin. Sasabihin mo. Ito’y nadarama-nadarama mo rin.” Nakangiti kong kanta habang siya naman ay nakasmirk na nakatingin sa labi ko, “Halina, halina, halikana. Humalik–“
“Humalik ka na. Mula gabi hanggang umaga.” Sumabay siya sa pagkanta habang mas lalo siyang lumalapit sa akin. May panlaban naman ang boses niya kapag kumanta siya pero iba ang effect sa akin eh. Hindi ko maintindihan.
Nakatingin ang mga mata niya sa labi ko habang nararamdaman ko ang kamay niya sa aking bewang. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang nakatingin sa labi niyang papalapit sa akin. Juice colored. Meron pa bang spark?
Walang akong ibang nakikita kundi siya lang at wala akong ibang naririnig kundi ang music na tumutugma sa moment namin.
“Handa ka na bang bumalik sa buhay ko?” Sobrang lalim ng boses niya at nakakaakit sa pandinig.
“Ihanda mo ang iyong buhay dahil babalik na ako.” Sagot ko na wala sa pagiisip. Nadadala ako sa sarap na nararamdaman ko.
(Music continues)
(Aaminin ko
Ang nilalaman ng damdamin.
Sasabihin mo.
Ito’y nadarama-nadarama mo rin–)
Kasabay ng kanta ay dinikit ni Jc ang kanyang noo sa aking noo. Habang ang mga kamay niya naman ay nasa bewang ko. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa kanyang leeg.
Naku naman. Saan kaya pupunta itong titigan namin? Kahit kinakabahan ako, naeexcite din naman. Tignan natin kung saan kami dadalhin ng mga mapupusok naming damdamin.
(Music continues)
(Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga kung saan tayo pupunta–)
Sagad hanggang langit ang gulat ko ng makaramdam ako ng malamig na dumapo sa aking buong katawan. Nanginginig akong dumistansya kay Jc habang nanlalaki ang aking mga mata at halos malaglag ang panga ko sa lupa.
Si Jc naman ay natatawa habang pinupunasan ang kanyang magkabilang braso.
“Lintik!” Bulalas pa nito habang masamang nakatitig sa mga members na nakapalibot sa amin.
Tatlo kasi sa kanila ang may hawak ng timba at malamang sila nagbuhos sa amin. Pero imbis na madismaya ako, naku.. tumawa ako sa pinatunguhan ng titigan namin. At sa reaksyon ba naman ni Jc. May plano talaga siya kanina kaso sinira ng mga members.
“Doon kayo sa taas! Discohan to dito!” Biro pa ng lalaki na may hawak ng isang timba.
Bumungisngis naman si Jc sa kanya, “Hindi ka ba pinili ni Janica o Almira kaya natripan mo na naman ako?”
Habang tawang-tawa akong pinagmamasdan si Jc na nakikipagkulitan sa mga members ay bigla akong natigilan ng mahagilap ng mata ako ang damit niya.
Hala. Kailan pa nagkaroon ng abs si Jc? Kitang-kita lalo na’t manipis at basa ang damit niya. Dumikit pa ang damit niya sa kanyang katawan. Naku naman… Nagiging polluted na utak ko. May sumasaping itim na awra na hindi ko pwedeng isipin.
Gustuhin ko mang alisin ang paningin ko ay hindi ko magawa. Ni hindi ko nga magawang ipikit ang aking mga mata. Naninigas buong katawan ko.
Dahil sobrang polluted na ng pagiisip ko ay hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na pala siya. Nakangiti ng nakakaloko. Napalunok ako at kasabay ng pagtakip ng kamay ko sa aking bibig. Pero yung mata ko parang naka-mighty band sa abs niya.
“Night swimming tayo?” Niyaya niya ako at sa tono ng pagkakasabi niya ay kinilabutan ako.
Pagkatapos niyang magsalita ay agad niyang hinubad ang basa niyang damit.
Sa harap ko pa talaga? Umiinit na ang mukha ko at pakiramdam ko ay umaapoy ang aking katawan. Halos malaglag na talaga ang mata ko at napanganga rin ako. Pero dahil nakatakip ang kamay ko sa bibig niya, hindi niya makikita..
Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tilian ng mga babae at asaran ng mga lalaki. Grabe yung tili ng mga babae oh. Mga babaeng mahilig sa pandesal.
Dahil loading ang utak ko, hindi ako nakaprotesta ng bigla niya akong kargahin. Yung tipong nasa balikat niya ang katawan ko at nakakulong sa bisig niya ang mga binti ko.
Panay ang tili ko na halos maubusan na ako ng boses ng dumeretso siya sa dagat. Habang panay naman ang pangaasar ng mga members na nakatingin sa amin.
“JC! HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!” Tili ko habang yung puso ko ay halos lalabas na ng rib cage ko.
-Rhea’s POV –
Bigla akong nanginig sa aking kinauupuan ng makaramdam ako ng kung anong malamig na dumapo sa balat ko. Sobrang lamig na parang natunaw na yelo. Agad akong napalingon sa pinanggalingan nito at nakita ko sila Mj at Jc na naghaharutan sa dagat, hindi kalayuan sa aming inuupuan ni Ceejay.
Baka may chance pa atang magkabalikan ang dalawang ito..
“Ang bilis namang naging close nila Mj at Jc.” Bulong ni Ceejay. Hindi ko napansin na nakatingin rin pala siya sa kanila.
“Meron kasi silang past. Baka nga magkabalikan pa sila.” Katwiran ko naman.
Ngumiti naman siya, “Buti nalang pala at sinama natin si Mj.”
Lumingon ako sa kanya, “Plano ko naman talaga isama si Mj. Alam ko kasing may feelings pa siya kay Jc.”
Umabot ng ilang minuto bago siya nakasagot. Nakatitig kasi siya sa akin habang nakasmirk. Mukhang may kung anong pinaplano sa utak nito.
“Hindi ka ba giniginaw dito sa labas?” Mahina ang pagkakatanong niya pero nakakaturn on.
Nakaramdaman ako ng kung anong kuryente kaya napangiti ako, “Pumasok na kaya tayo.”
Napakagat siya ng labi niya na may kasamang pilyong ngiti saka magkasabay na kaming tumayo.
Mukhang sa kwarto muna ako ni Ceejay matutulog ngayon. Para mas may time yung dalawa at tuluyan na silang magkabalikan. Bukod sa dalawang kwarto na kinuha ng clan para sa boys and girls, kumuha din kami ng dalawang separate na kwarto. For exclusive purposes only.
Pagkapasok ko ng kwarto ni Ceejay ay agad niyang sinara ang pinto at nilock. Naglakad ako deretso sa kama ng bigla niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ko. Damang-dama ko ang bawat hininga niya sa leeg ko at ako naman ang naging bato sa aking kinatatayuan.
“Mamaya ka na matulog.” Mahina ang boses niya pero ang sarap sa pakiramdam, “Magfifling pa nga tayo.”
Damang-dama kong uminit ang katawan ko at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha.
Pero ang sarap lang sa pakiramdam na laging nasa aking tabi si Ceejay. Ang gaan ng pakiramdam ko at sobrang relaxing. Kampante ako kapag nasa aking tabi siya.
Hinayaan kong pumikit ang aking mata habang sinasamsam ang bawat init ng kanyang yakap sa akin.