Chapter 40: Thirty-Nine (39)

-Jc’s POV –

“Dalawang kwarto pala kinuha niyo?” Tanong ko kay Mj habang papasok kami sa kwarto nila Mj at Rhea.

“Oo eh. Nahihiya kasi akong sumali sa kwarto ng mga babaeng members.” Sagot naman ni Mj saka sinara ang pinto sa likod ko.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ay sinamahan ko si Mj sa kanilang kwarto. Wala naman akong masamang intensyon. Namimiss ko lang siya. At siguro ganun din siya dahil siya ang nag-imbita sa akin. At habang naglalakad ako papunta sa kama ay ginala ko ang aking paningin sa paligid habang siya ay kumuha ng towel na naka-hanger sa tabi ng pinto.

“Wala si Rhea?” Tanong ko nang makaupo ako sa kama.

Nagkibit-balikat siya, “Malamang andoon siya kabilang kwarto kasama ni Ceejay.”

Bigla akong na-weirduhan sa aking sarili ng mapangiti ako. Parang bigla yata akong natuwa at kalahati ng katawan ko ay tumatalon sa tuwa.

Nahagilap ng mata ko na nakabungisngis din si Mj, “Bakit ka nakangiti?”

Umagikhik na ako, “Wala naman.”

Tumawa naman siya saka tinakip niya sa kanyang bibig ang towel na hawak niya, “Ayoko sa ngiti mo.”

Natatawa naman ako ng aksidenteng napunta ang mata mo sa katawan niya. Bigla akong natigilan at unti-unting naglaho ang ngiti ko sa mukha.

Basa ang buong damit niya kasi binuhat ko siya kanina para maligo sa dagat. Dumikit ang basang damit niya sa kanyang katawan at kitang-kita ko ang ganda ng kurba ng katawan niya at kulay ng bra niya. Hindi ko ata to nakita kanina. Dahil siguro sa gabi na.

Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya. Ang hot niyang tignan sa kanyang wet appearance. Lalo na siguro kung nakahubad siya at two-piece lang ang suot. Nakakaturn-on at nakakatigas ng ano… Naramdaman ko nalang na biglang gumalaw ang buhay sa aking ibaba. Tang-ina! Iba na tumatakbo sa isip ko.

Maya-maya ay tumilapon sa mukha ko ang isang towel mula sa kung saan. Inalis ko yun sa aking mukha at bumungat sa aking harap ang hubad na katawan ni Mj. Nakapanty lang siya at bra. Bigla tuloy uminit ang katawan ko.

“Ano? Natulala ka sa sobrang ganda ko?” Pangaasar pa nito na nagpipigil ng ngiti habang naglalakad siya papalapit sa akin.

Agad ko namang nilihis ang tingin ko sa kanya, “Magshower ka na nga, Mary Jane.”

Naramdaman ko nalang ang kanyang braso sa leeg ko pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong lumingon sa kanya. Shit! Yung langit nasa harap ko na pero hindi pwede baka biglang dumating si Rhea.

“Aminin mo na kasing naaakit ka sa ganda ng katawan ko.” Patuloy niyang pangaasar.

Nagkasalubong ang aking kilay nang bahagyang ginalaw ko ang aking mata para tignan siya, “Sino bang maaakit sa katawan mo? Mukha ka ngang kalansay sa sobrang payat.”

Kumunot ang noo niyang tinanggal ang kanyang braso sa aking leeg, “Akala mo kung sinong gwapo.” Saka hinampas niya ulit sa aking mukha ang towel na tinapon niya sa akin kanina. Tinalikuran na niya ako at nagtungo na siya sa shower.

Bumuntong-hinga ako saka hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama. Grabe talaga ang dating ni Mj, ang lakas ng karisma niya. Siya pa rin yung Mary Jane na kinababaliwan ko noon.

Habang hinihintay ko siyang matapos magshower ay nahagilap ng mata ko ang isang guitara na nasa tabi ng kama. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko habang papalapit ako dito. Pamilyar sa akin ang guitara na ito. Malamang ilang taon na rin ang lumipas pero naalala ko pa yun. Kaparehong-kapareho nito ang guitara na binigay ko kay Crista noong birthday niya.

“Mj. Kaninong guitara itong nandito sa tabi ng kama?” Pasigaw kong tanong.

“Kay Rhea yan. Dinala niya dito para may pampalipas siya ng oras kapag nabored siya.” Sagot naman ni Mj.

Kay Rhea? Talaga? Iba talaga ang pakiramdam ko sa guitara na ito. Kinuha ko ito at sinubukang kaskasin ang strings. Sintunado naman. Mukhang alagang-alaga niya ito.

Binaliktad ko ito upang suriin ang likod. May gusto lang akong tignan para mapatunayan na mali ang kutob ko. Pero kinilabutan ako sa aking nakita sa ibabang parte nito.

‘djfour’

Hindi ako pwedeng magkamali, pinirmahan ko rin ng ganito ang guitara na binigay ko kay Crista.

Halos marinig ko na ang aking pusong tumitibok dahil sa lakas ng kabog nito. Ito ba yung guitara na binigay ko kay Crista? Pero bakit andito ito kay Rhea? Masyado na ba akong nag-ooverthink o may connection silang dalawa?

-Rhea’s POV –

Nagising ako sa mahimbing kong tulog ng biglang nagreklamo ang tiyan ko. Naku naman. Madaling araw pa naman.

Lumingon ako sa aking tabi at mukhang tulog na tulog si Ceejay kaya hindi ko na siya ginising. Maingat akong bumangon at naglakad papunta sa pinto. Lumabas ako at nagtungo sa cottage kung saan naka-cater ang mga pagkain. Malamang marami nang nakahiga ngayon sa lupa.

Inagaw ng isang kaskas ng guitara mula sa kung saan ang aking atensyon habang naglalakad ako papunta sa cottage. Mahina man ito sa aking pandinig pero sigurado naman akong kaskas yung ng guitara. May gising pa pala sa ganitong oras maliban sa akin.

Hinihila ng kaskas ng guitara ang aking tenga para hanapin kung nasaan ito. Imbes na kukuha ako ng pagkain ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na lumihis ng daan at papunta sa Rock Formation, medyo may kalayuan mula sa cottage namin. Palakas ng palakas ang tunog ng guitara habang papalapit ako dito.

At sa dulo ng Rock Formation, nakita kong may nakaupo doon. Base pa lang sa likod nito malamang kilala ko na kung sino ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at habang papalapit naman ako ay pinagpapawisan ang mga palad ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano bang meron at biglang naging kakaiba pakiramdam ko?

Papalapit ako sa kanya nang marining ko ang mahinang boses niyang kumakanta. Nag-eemote yata siya eh. Ang drama ba naman ng kanta niya. Parang iniwan eh kakabalik nga lang ni Mj sa buhay niya.

“Ito na ang ating huling sandali. Di na tayo magkakamali. Kasi wala ng bukas. Sulitin natin ito na ang wakas. Kailangan na yata nating umuwi.”

Hindi niya ata ako napansin kaya umupo ako sa tabi niya at sinabayan siyang kumanta.

“Hawakan mo ang aking kamay bago tayo maghiwalay. Lahat-lahat ibibigay. Lahat-lahat.” Napalingon siya sa akin ng marinig niya akong kumanta. At magkasabay na kaming kumanta.

“Paalam sa ating huling sayaw. May dulo pala ang langit. Kaya’t sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw.”

Huminto na siya sa pag-guitara saka ngumiti sa akin. Ako din naman ay ngumiti sa kanya. Ngunit tumayo ang mga balahibo ko sa batok ng makita ko ang guitarang hawak niya.

Juice colored. Guitara ko yan eh. Yung binigay niya sa akin noong birthday ko. Sabi ko kay Mj itago niya pagkatapos niyang gamitin.. Lagot na…

“G-Guitara ko ba yan?” Sige, lets play innocent kahit sasabog na puso ko sa sobrang kaba.

Hindi niya pwedeng malaman na ako si Crista o kahit sino man sa mga taong nasa paligid ko…

Nag-half smile siya, “Sorry ha, kay Mj na ako nagpaalam.” Huminto siya sa pagsasalita na parang inoobserbahan ang reaksyon ng mukha ko, “Hindi kasi ako nakatiis. Kapareho kasi siya ng guitara na binigay ko kay Crista noong birthday niya.”

Bullseye ako doon. Di ako nakailag. Hindi lang kasi yan basta na kapareho lang. Yan talaga yun eh.

Sinubukan kong ngumiti ng normal pero pakiramdam ko naging hilaw yung ngiti ko, “Okay lang. Basta ingatan mo lang. Makakabili ka talaga ng bago kapag nasira yan.”

Mahinang tumawa siya sa biro ko at ako rin na kinakabahan ay tumawa na rin. Kunyari walang kakaibang nangyayari. Pero masama talaga ang kutob ko eh.

“Ang aga mo atang nagising.” Wika niya na nakangiti pa rin.

“Ginising kasi ako ng gutom.” Sagot ko.

Nagkatitigan kami ng biglang yumanig ang batong inuupuan namin. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatitig ako sa dagat. Yung kamay ko nalalamig. Buti nalang huminto agad.

“Lumindol ba?” Pagtataka niya habang nakadungaw sa dagat.

Gusto ko rin naman alamin at tignan kung anong meron sa dagat kaso nga lang… Biglang yumanig ulit ang kinauupuan namin.

Parehong nanlaki ang mga mata namin at ang bibig ko naman ay parang mahuhulog sa lupa nang dumulas sa kanyang bisig ang aking guitara at nahulog ito sa dagat. Kasabay ng paghinto ng pagyanig ng kinauupuan namin.

“Jc! Yung guitara ko!!” Sigaw ko na halos magwala sa kinauupuan ko, “Ikaw nalang sana yung nahulog!”

Oo. Sana yung nagbigay nalang yung nahulog para lalanguyin ko. Joke lang!

Halos matawa siya ng lumingon sa akin, “Sorry na. Lalanguyin ko.”

Sunod kong ikinagulat ang kung anong itim na hangin na lumabas mula sa dagat. Naging bato ako sa aking kinauupuan at nanginginig ang aking tuhod nang bumalot ito sa buong katawan ni Jc at hinila papuntang dagat. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakanganga ang bibig ko at nakatulalang nakapako ang tingin sa dagat nang mabilis na kumalat ang kulay itim sa buong dagat. Nagmamadali akong tumayo at umatras habang pinagmamasdan ang buong paligid na nagiging kulay itim. Pati ang langit ay natatabunan ng itim na ulap.

Nakiramdam ako sa buong paligid ngunit hindi naman huminto ang panahon at oras. Kung ganon… delikado si Jc.

Isang putting liwanag ang pumalibot sa akin nang muli kong hinakbang ang aking paa at sa sunod kong hakbang ay lumabas ang aking pakpak kasabay ng paglitaw ng aking tunay na anyo. Bumuka ang aking pakpak kasabay ng aking pagtalon at lumusob ako sa dagat.

Nakita ko sa ilalim ang katawan ni Jc na nabalotan ng kulay itim. Marahan ko yung hinawakan at kusang naglaho ang itim na bumabalot sa kanya. Dumilat ang kanyang mga mata at nagtama ang tingin namin.

Biglang bumilis ang kabog ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin at bahagyang nakanganga ang kanyang bibig.

Para siyang nakakita ng multo. Sino ba namang hindi mapapatanga kung ang babaeng matagalan mo nang pinagdarasal na sana mabigyang ng pangalawang buhay ay biglang lumutang sa harap mo. Kahit ako nga na nakita niya sa ganitong anyo ay parang naging bato na rin.

Kasi naman nakalantad ang tunay kong anyo at nakita niya. Patawarin niyo ako Saint Gabrielle. Mukhang hanggang dito nalang siguro ang aking misyon. Nag-ingat naman ako pero mukhang naisahan ako ni Fallen.

Ayoko maging fallen, pero mukhang ito na ang aking katapusan.