THIRTY-SIX (36)
-Rhea’s POV –
From left to right, nakaupo sa mahabang couch sila Jc, Almira at Ceejay. Parehong nakayuko habang si Ate Cyrel naman ay nakatayong nakatingin sa kanilang tatlo at nakapamewang pa. Sa likod naman ni ate, nakaupo kaming dalawa ni Mj. Parehong bored na nakatingin sa kanila.
“Sabihin mo na.” Bulong ni Ceejay kay Almira kasabay ng pagsiko niya sa tagiliran niya.
“Ikaw na. Mas close kayo.” Bulong naman ni Almira sa kanya.
“Si Four na. Tutal naipaalam na niya dati si Rhea eh.” Sagot naman ni Ceejay habang tinuturo ng kanyang nguso ni Four.
Napalunok muna si Almira habang dahan-dahan siyang lumingon kay Jc habang nakayuko. Umaarteng natural ang kanyang paglingon ngunit halata talagang kinakabahn siya sa kanyang galaw.
“Pinsan…” Mahinang tawag niya kay Jc at bahagya naman itong lumingon sa kanya, “Ikaw na ang magsabi.”
Kumunot ang noo niya, “Bakit ako?” Nagpipigil siya ng inis.
“Naipaalam mo na kasi si Rhea dati.” Sagot naman ni Almira.
Suminghal siya bago inalis ang kanyang tingin sa kanyang pinsan. Tinakpan ko ang aking bibig ng aking kamay ng umagikhik ako. Napagtripan ka ba ng pinsan mo?
Nakakatawa kasi tignan ang mga hitsura nila. Lalo na si Jc. Ewan ko kung paano siya niligawan ni Almira para mapasama dito. Ni hindi pa nga kami naguusap o nagtetext matapos ng nangyari sa bahay ni Janica. Nahihiya akong mag. pm eh. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit nabugbog siya ni Ceejay.
Jc cleared his throat as he looked at ate at binaling naman ni ate ang kanyang tingin sa kanya, “GrandEB kasi namin ngayon at sa Samal ang celebration. Ipagpapaalam sana namin kung pwede bang sumama ni Rhea?”
Muntik na akong matawa sa reaksyon ni Jc nang tinitigan siya ni ate. Hindi mo maiintindihan kung natatawa ba siya o kinakabahan. Kami ni Mj na nanonood ay halatang nagpipigil na matawa sa kanilang tatlo.
“Parang ikaw lang yata ang nagpaalam.” Pilosopong sagot ni ate habang palipat-lipat ang tingin niya sa kanila.
Napalunok nalang si Jc saka tumingin sa sahig makalipas ang ilang minutong titigan nila ni ate. He breath out habang hinihimas ang kanyang dibdib.
Kinakabahan siya?
“Alam niyo ba na kakagaling lang ni Rhea sa aksidente?” Pagpapatuloy ni ate.
Napansin kong huminga ng malalim si Ceejay at ginalaw niya ng konti ang kanyang mata para tignan si ate, “Wag po kayong mag-aalala ate, babantayan ko po ang kapatid niyo.” Huminto siya saka huminga ulit ng malalim, “Wala pong mangyayari sa kanya habang andito po ako.”
Nag-crossed arms si ate at nakatuon ang tingin kay Ceejay, “Ilang araw ba kayo doon?”
Dito na ako kinabahan. Siguradong hindi papayag si ate.
Nahagilap ng mata ko ang patagong pagsisikuhan ng tatlo. Halatang nagtutulakan. Nakakatakot ba talaga si ate?
“Ikaw Almira, wala ka bang sasabihin?” Kinakausap niya si Almira.
Biglang napanganga si Crushmate habang nakatingin kay ate pero hindi siya makatingin ng maayos sa kanya, “Aaah.. mag-oovernight kami ngayong gabi tapos kinabukasan,…” Bigla siyang nahinto at pandalian tumingin kay ate, “Uuwi na rin kami.”
“At ihahatid namin siya dito pag-uwi.” Agad na dugtong ni Ceejay pagkatapos magsalita ni Almira. At magkasabay pa silang ngumiti na halatang kabado.
“Sa isang kondisyon…” Wika ni ate at sabay silang tatlong napatingin sa kanya, “Kailangan sumama ni Mj.” Pagkatapos ay lumingon siya sa amin ni Mj.
Parehong nakangiti sila Almira at Ceejay habang si Jc naman ay walang emosyong nakatitig kay Mj. Lumingon si Mj sa kanya at nagtama ang kanilang tingin ngunit umiwas na ng tingin si Jc at tumingin sa ibang dereksyon.
Meron pang string attachment?
Nagkibit-balikat si Almira habang nakangiti, “Walang problema sakin.” At nakabungisngis itong lumingon kay Jc, “Ikaw?”
“Okay lang.” Mahina ang sagot ni Jc na parang hindi na halos marinig.
Umagikhik naman ang bruhang ito habang panay ang mahinang pagsiko niya sa kanya. Sobrang sama naman ng tingin niya kay Almira pero hindi pa rin ito tumigil sa pagsiko sa kanyan. Mukhang magiging masaya ang overnight stay namin mamaya.
Sa wakas ay ngumiti na si ate nang muli siyang lumingon sa kanila, “Pumapayag na ako basta kasama si Mj.”
“Okay lang yun. Mas marami mas masaya.” Agad naman na dugtong ng babaeng ito na halatang nangaasar.
Umabot naman hanggang tenga ang ngiti ni Ceejay. Titig na titig siya sa akin na parang gusto niyang lumapit. Tuwang-tuwa naman si Almira. Pero ang ngiti ng babaeng ito talaga, sigurado akong may hidden meaning.
Lumingon ulit sa amin si ate, “Ano pang hinihintay ninyong dalawa? Magbihis na kayo.”
Halos tumalon si Mj nang tumayo siya habang nakangiti. Ako naman, syempre muntik nang mapunit ang aking mukha sa sobrang laki ng ngiti.
Nagtatakbo kaming pumunta ni Mj sa kwarto. Actually, sa aking kwarto na natutulog si Mj dahilan upang mas maging close kami.
Nakahanda na kami ng damit na dadalhin at isusuot dahil alam ko namang papayag si ate. Pumapayag naman kasi siyang maglakwatsa ako paminsan-minsan. Magpaalam lang ng maayos sa kanya. Pero kinabahan pa rin ako sa eksenang yun. Pwede kasing magbago ang isip ni ate.
Double time kaming nagbihis ni Mj. Malamang naghihintay ang sundo namin sa sala at malamang nahihirapan na silang huminga dahil sa kaba.
Sobrang ganda talaga ng Samal Island. Lahat ng beach ay white sand at kulay blue talaga ang dagat. Feel na feel ko ang bawat hampas ng hangin sa akin balat.
Nakakapit sa braso ko si Mj habang naglalakad kami papunta sa cottage ng clan. Nasa harap namin sila Almira, Ceejay at Jc. Halatang excited si Almira, lalong lalo na si Ceejay pero mukhang hindi komportable si Jc.
Dahil ba kasama si Mj? O baka dahil rin sa akin? Hanggang ngayon kasi hindi pa kami naguusap.
Pagdating namin sa cottage ay sobrang dami nila. At sa sobrang dami namin ay mukhang dalawang cottage ang kinuha nila.
“Four!” Narinig kong sigaw ni Juviler. Wow. Hindi talaga nawala ang dakilang sira-ulo ng clan.
Ngiting-ngiti si Jc hanggang sa makalapit si Juviler sa kanya. May dala itong maliit na shoting glass, “Akala ko hindi ka pupunta.” Sabay inabot ang shoting glass sa kanya.
Kinuha naman ito ni Jc mula sa kamay niya, “Kailangan kong mag-unwind.” Pagkatapos ay dineretso niya ang laman nito sa kanyang bibig.
Ang aga pa nga, nagtatagay na sila. Bakal yata ang atay ng mga taong ito. Pero sa kabilang cottage naman ay parang may ginagawa sila. Enjoy na enjoy kasi sila at ang lakas pa ng mga halakhak. Sigurado akong hindi mabobored dito si Mj. Puro sira-ulo kasi mga tao dito.
Pero biglang nagkasalubong ang aking kilay ng mapansin kong dahan-dahang humihina ang galaw nilang lahat. Kahit ang kanilang boses ay unti-unting humihina. Hanggang sa hindi ko na talaga sila marinig at naging bato silang lahat. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng panlalamig ng aking mga kamay.
Isang itim na hangin ang unti-unting lumulutang mula sa kung saan. Unti-unti nitong pinupuluputan ang bawat isang andon hanggang sa tuluyang maging itim ang buong katawan nila. Pati ang paligid ay dahan-dahan na ring nagiging itim. Ang lupang kinatatayuan ko at nagiging itim na rin hanggang sa wala nang ibang mahagilap ang aking mga mata kundi itim na lamang.
Bigla kong naalala si Mj kaya agad akong lumingon sa aking tabi.
Kinilabutan ako nang makita kong wala siya sa aking tabi. Bumilis ang kabog ng puso ko at pakiramdam ko ay humihigpit ang aking dibdib. Hindi ako makahinga. Kahit katawan ko ay hindi ko magawang maigalaw.
Nagpupumilit akong gumalaw ng makarinig ako ng alingawngaw ng hangin sa aking tenga, kasabay ng malakas na hangin na halos ilipad na ako.
Nagawa ko pang mailingon ang aking ulo ng bahagya at nasaksihan ko ang isang napakalaking alon na mas malaki pa sa buong isla.
Nagwawala na ang isip ko nang hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay literal na naging bato ako at kahit bibig ko ay hindi ko magawang igalaw. Nahagilap din ng aking mga mata ang dahan-dahang pag-akyat ng itim na hangin sa mga paa ko. Nagsisigaw ako at kahit gaano man kalakas ang isigaw ko ay hindi ko marinig ang sariling boses ko.
Habang papalapit ng papalapit ang paghampas ng alon sa akin ay huminto sa tibok ang puso ko, hindi na rin ako humihinga at nanlalamig ang aking katawan. Nakatulala lang ako nakatingin dito hanggang sa humampas ito sa akin at ramdam kong tumama ito sa aking mukha.
“AAH!” Sa wakas ay narinig ko na ang aking boses na sumigaw at panay ang punas ko sa aking mukha.
Umalingawngaw sa aking tenga ang malakas na halakhakan mula sa kung saan. Halakhak? Talaga? Natutuwa pa sila nangyayari sa akin.
Dinilat ko ang aking mata at halos maging kamatis na ako sa aking nasaksihan. Kahit gusto ko ng kainin ako ng lupa ay tila naguguluhan naman ang utak ko habang nilingon silang lahat at sinusuri. Bakit nakakagalaw na silang lahat? Nasaan na yung itim na hangin na bumalot sa kanilang lahat? At yung malaking alon?
Halos lahat ng members, pinapalibutan ako at iilan sa kanila ay may hawak na water gun.
“Grabe sigaw ni Rhea.” Tawa pa ni Akinka na halatang nangaasar.
Sinimangotan ko siya, “Hindi nakakatawa.”
Pero humagalpak pa rin siya sa tawa at ang ilang members na nakapalibot sa akin ay humagalpak din sa tawa habang hawak ang kanilang mga tiyan.
Grabe, parang ako ata ang nagtripan nila. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi na ako muling nagsalita at bago pa ako umalis sa kanilang harap, tinignan ko muna ang dagat ng maayos at normal naman ang alon nito. Dumeretso nalang ako sa pagkaing nakahanda sa unang cottage para kumain. Baka kulang lang ito sa kain. Kanina pa kasi nagrereklamo ang tyan ko.
Pero grabe naman, parang nakakita na naman ako ng hindi maganda. Kahit ba naman hanggang sa pagrelax ko, guguluhin ng fallen?