Thirty-Five (35)

-Rhea’s POV –

Pagkatapos akong suriin ng nurse ay lumabas na rin ito. Nakaupo sa dulo ng kama si Ceejay ng biglang nagtatakbong dumating si Mj at agad akong niyakap. Nakasunod sa likod niya si ate Cyrel at Almira.

“Sobra akong nag. alala sayo.” Wika ni Mj sa gitna ng aming yakapan. I heard her sniff and she continued, “Salamat sa Diyos at maayos ang kalagayan mo.”

Tumugon ako sa yakap niya kasabay ng mahinang pagtapik ko sa kanyang likod.

“Wag ka nang mag-alala , ang importante ligtas ako.” Mahinang tugon ko.

Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap at saglit na tumingin kay Ceejay. Mukhang sinusuri niya ito at tumingin ulit siya sa akin.

“Okay lang ba yang kasama mo?” Pagaalala niya.

Lumingon ako kay Ceejay, kasabay ng paglingon niya rin sa akin kaya nagtama ang tingin namin.

Ngayong natitigan ko siya ay puno ng gasgas ang braso niya at may kontinfmg sugat din ang mukha niya. Paningin ko, hindi naman ganoon kalalim ang mga sugat niya.

Ngumiti siya sa akin na nagpapahayag na siya ay ayos lang, “Okay lang ako. Hindi naman malalim sugat ko.”

“Ano ba naman kasi pumasok sa isip mo at humarang ka pa sa harap ng truck?” Nakatayo si Ate Cyrel sa gilid ni Mj. Nakacrossed arms at nakasimangot pang nakatingin sa akin.

Nagkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya, “Inabotan ako. Hindi ako humarang.”

Hindi naman siguro nakakabawas ng pakpak ang magsinungaling paminsan-minsan. Ayoko lang kasing mag-alala ang ate ko sa akin.

Sumimangot na rin ang mukha ni Mj habang nakanguso, “Wag na nga kayong magtalo.” Tapos niyakap niya ulit ako, “Atleast buhay si Rhea.”

Ramdam ko ang matulis na tingin ni ate sa akin mula ulo hanggang paa. Lalo na sa mga sugat ko sa braso, “Wala bang masakit sayo?” Mataray pakinggan ang boses niya pero ganyan talaga siya kapag nag-aalala.

Bigla tuloy akong napaisip, “Yung likod ko lang. Masakit kapag nahahawakan.”

“Wag ka muna pumasok bukas.” Pahayag niya saka hinaplos ang likod ko, “Tutal parang hindi talaga matutuloy ang dota tournament.”

Halos malaglag sa sahig ang panga ko, “Bakit?”

“Tinatanong pa ba yan?” Hininto ni ate ang paghaplos sa likod ko at pinagtasan ako ng isang kilay, “Pagkakaalala ko, dalawang beses nang may aksidenteng nangyari tuwing screening kaya hindi na nila itutuloy this year.”

Bumuntong hinga ako habang nakatingin sa kumot, “Yan pa naman inaabangan ko tuwing taon.” Bulong ko.

“Maiwan na muna kita. Maguusap pa kami ng School Director niyo.” Pagpapaalam ni ate kasabay ng pagkalabit niya kay Mj, “Sumabay ka na rin, Mj. May klase ka pa.”

Malungkot na ngumiti si Mj sa akin saka kumaway bago niya ako tinalikuran at magkasabay na sila ni ate na lumabas ng clinic.

Nang tuluyan na silang mawala ay umupo rin si Almira sa dulo ng kama, katabi ni Ceejay.

“Totoo crushmate? Hindi na matutuloy ang dota tournament?” Pangungusisa ko kay Almira.

Tumango lamang siya habang nakatingin sa sahig, “Yun ang narinig kong sinabi ni Sir Ace kay Sir Jeff.”

Napabuga ako ng hangin bago hinayaang bumagsak ang buong katawan ko sa kama. Automatikong napalingon sila Ceejay at Almira sa akin na halatang nakasimangot.

“Pwede ka naman magdota sa bahay niyo kahit anong oras. May PC ka naman.” Nagsimulang magsermon si Almira habang nakacrossed arms.

Bumuntong hinga ako, “Hindi mo kasi maintindihan dahil puro ebook lang ang laman ng isip mo.”

“Mas nag-aalala ka pang hindi matutuloy ang tournament kesa sa hindi matuloy ang future mo?” Dinig kong bahagyang tumaas ang boses ni Ceejay kaya bigla akong napaupo. Ngayon ko lang kaya siya narinig na nagtaas ng boses, lalo na sa akin.

“Hindi mo kasi naiintin-“ Sinubukan kong magprotesta ngunit nahinto ako ng bigla siyang sumabat.

“Naiintindihan kita! Dota player din ako!” Ngayon pinagtataasan niya talaga ako ng boses na tila pinapagalitan, “Pero hindi ko isusugal ang buhay ko para lang mapatunayan na magaling ako!”

Bahagyang nanlaki ang aking mata kasabay ng paghiwalay ng mga labi ko. Umurong ang dila ko at ako’y napatanga habang nakatingin sa kanya. Pati rin si Almira ay napatulalang nakatingin sa kanya.

Nagtama ang tingin namin at sa sobrang sama ng tingin niya sa akin ay parang kikilabotan ako.

Mayamaya ay kumurap siya saka niyugyug ang kanyang ulo bago tumayo. Sinundan ng aking tingin ang kanyang galaw hanggang sa makalapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko at dinikit ang pisngi niya sa pisngi ko.

“Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Concern lang talaga ako sayo.” Ang lalim ng boses niya at ang sarap sa tenga pakinggan, kaya nagkusa akong ngumiti.

“Di mo kailangan mag-sorry.” Sita ni Almira na nakasimangot, “Kailangan niya yun para tumino pag-iisip niya.”

Halos magkasabay kaming umagikhik ni Ceejay habang nakatingin sa mukha niya. Nakacrossed arms siya habang nakasimangot na nakatingin sa amin.

“Malamang pagkatapos nito, ilang linggo na naman tayong walang pasok.” Wika ni Ceejay habang nakangiti pa rin.

“At dahil nabanggit na rin.” Pinutol ni Almira ang kanyang sinabi habang nakabungisngis siya at taas-baba ang kanyang dalawang kilay, “Pumunta kayo sa Grand EB ngayong darating na sabado.”

“Final na ba na maliligo sa Samal?” Tanong ko.

“Oo at matutulog tayo doon ng isang gabi.” Excited pang dugtong niya.

“Siguradong hindi ako papayagan ni ate.” Dismayado ang tono ng boses ko, “Lalo pa’t kakagaling ko lang sa aksidente.”

“Papayag yun. Lalo na kapag andon si Ceejay magpapaalam sayo.” Nanguso pang payahag niya.

Mahinang tumawa naman ang gwapo kong boyfriend, “Subukan lang natin. Baka gumana ang karisma ko.”

-Jc’s POV –

Nasa harap ako ngayon ng school ni Almira matapos niyang maikwento sa akin ang nangyaring sumalpok ang isang truck sa school nila. Basag talaga ang buong glass wall at nasa loob pa ang truck. Kanina ko pa tinatawagan ang babaeng yun dahil gusto kung kamustahin si Rhea. Problema nga lang, hindi siya sumasagot. Kung pwede lang talagang pumasok ang mga outsiders, kanina pa talaga ako sumugod sa loob.

Kung tutuusin, nagdadalawang isip din naman akong pumunta dito. Pagkatapos naman kasi ng nangyari sa bahay nila Janica, hindi na kami nagkausap ni Rhea kahit sa text. Hindi ko nga magawang i-text siya, harapin pa kaya sa personal. Pero nag-aalala talaga ako. Kanina pa ako lakad ng lakad sa bahay at hindi ako mapakali kaya kinapalan ko nalang ang mukha ko at pumunta dito.

Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa gate habang ang isang kamay ko na hawak ang aking cellphone ay nasa aking tenga. Wala sa aking inaasahan ang nakita kong lumabas ng gate.

Bigla akong naging bato sa aking kinatatayuan nang magtama ang tingin namin. Dahan-dahan kong naibaba ang kamay kong nasa tenga habang sinusuri ang mukha niya. Kahit ilang taon din ang lumipas na hindi ko siya nakita ay hindi ko pa rin malilimutan ang maamo niyang mukha. Pareho kaming natigilan at nagkatitigan ng ilang minuto.

Ngumiti siya sa akin. Ang ngiti niyang bumihag sa akin dati, “Milktea?”

Nagsmirk ako, “Or Margarita?”

Marahan siyang tumawa, “Hindi na ako umiinom, Jc.”

“Talaga? Kahit tubig?” Nakangisi pa rin ako.

Mahina siyang tumatawa habang naglalakad papalapit sa akin, “Kamusta ka na?”

“Gwapo pa rin.” Biro ko.

Nagpigil siyang tumawa, “Kalokohan.”

Mahina akong umagikhik, “Akala ko ba sa Holy Cross ka nag-aaral?”

“Napadaan lang ako matapos kong mabalitaan ang nangyari dito. Kasali kasi sa nasugatan ang kapatid ko.” Paliwanag niya.

Kapatid niya?

Bigla akong nagtaka, “May kapatid ka pala?”

Tumaas ang dalawang kilay niya na parang nagdadalawang isip siyang sumagot, “Half-sister.”

Baka si Rhea tinutukoy niya? Nabanggit naman kasi ni Rhea na half-sister niya si Mj.

“Mabuti naman at pinapasok ka ng guard.” Tugon ko habang napasulyap sa guard na nakabantay sa gate, “Bawal daw kasing pumasok ang mga outsiders.”

“Family member kasi.” Nakangiti niyang sagot, “Ikaw, bakit ka naman napunta dito?”

Napatitig ako sa mata niya habang nagiisip kung sasabihin ko bang si Rhea ang pinunta ko dito.

“Hinihintay kasi kita.” Nakangisi kong sagot.

Bahagya siyang tumawa, “Nakakatawa ka pa rin.”

Umagikhik lang ako habang siya naman ay nagpipigil tumawa. Sa lahat ng ex ko, si Mj lang ang nakausap ko makalipas ang ilang taon. Maayos kasi ang naging break up namin at no hard feelings na rin.

“May show ka ba mamaya?” Nangiti pa rin siya ngunit iniwasan niyang tumitig sa mata ko.

“Lage naman.” Maiksing sagot ko.

Diniin niya ang kanyang labi saka sumulyap sa mata ko, “Pwede ba akong pumunta? Gusto ko kasing mag-unwind.”

“Syempre naman.”

Ginalaw niya ang kanyang mata at nagtama ang tingin namin. Nagkatitigan kami at parehong nakangiti. Biglang nagflashback sa aking isip ang magagandang alala namin ni Mj. Nakakamiss din kasi ang titigan siya ng ganito pero huli na ang lahat, binitiwan niya ako kaya pinalaya ko siya.

“Mauna na ako, Jc. May klase pa kasi ako.” Pinutol niya ang maganda naming titigan saka kumaway sa akin bago ako tinalikuran.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya naglalakad papalayo. Mukhang masaya naman siya sa buhay niya ngayon kaya masaya na rin ako para sa kanya.

“Hindi siya nakatiis at pumunta talaga dito.” Isang sarkastikong boses ang narinig ko mula sa aking likod. Hindi ko na kailangan pang magtaka dahil sa tagal kong nakasama siya sa bahay nila tito at tita dati, kilalang-kilala ko na boses niya.

Nilingon ko ito at natagpuan kong nakatayo sila Almira, Cyrel at Rhea sa likod ko.

“Kanina pa kita tinatawagan.” Pahayag ko kay Almira.

“Naka-silent mode po yung cellphone ko during class hours kaya hindi ko talaga masasagot.” Mataray pa nitong paliwanag.

“Saan ba lakad natin, Jc?” Casual na tanong ni Cyrel.

Tumingin ako kay Cyrel at nahagilap ng mata ko si Rhea. Bahagya siyang nakatalikod at nakatingin sa baba. Parang iniiwasan niya ang tingin ko.

“Hi, Cyrel. Kakamustahin ko sana si Rhea.” Mahinahon kong sagot.

Ngumiti naman siya sa akin, “Okay naman si Rhea. Hindi naman malala ang mga sugat niya.” Paliwanag naman niya saka magkasabay kaming lumingon sa kanya.

Nakayuko lang si Rhea at pilit na umiiwas sa tingin namin. Parang nagtatampo pa rin siya pagkatapos ng nangyari.

Naglakbay ang tingin ko sa mga gasgas at sugat sa kanyang braso. Ang dami niyang gasgas pero mukhang hindi naman malalim. Pero nag-alala pa rin ako sa kanya.

Binalik na ulit ni Cyrel ang tingin niya sa akin, “Sumabay ka na sa amin maglunch, Jc.”

Gusto ko talagang magsabi ng Oo pero nang muli akong mapasulyap kay Rhea, mukhang ayaw niya pa akong kausapin.

“Sa susunod nalang, Cyrel.” Pagtanggi ko sa mahinahon na tono, “Mag-iingat kayo.”

“Ikaw nagsabi.” Kalmadong ngumiti si Cyrel sa akin saka kumaway bago ako tinalikuran. Sumunod naman si Almira sa likod niya.

Nasa likod naman ni Almira si Rhea. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin at pandalian kaming nagkatitigan. Ngingiti sana ako sa kanya nang binawi na niya ang kanyang tingin.

Nagtatampo ka pa rin ba? Sorry na. Please ngitian mo na ako.