THIRTY-FOUR (34)
-Rhea’s POV –
Nang pumasok ako sa ComLab ay unang naka. agaw ng atensyon ko ang tingin ni Sir. Nakasimangot ito at nakaupo siya sa server. Marahan kung sinara ang pinto at maingat na naglakad papunta sa kanya para hindi madisturbo ang mga players.
“Late ka na naman, Castino.” Mahinang wika ni sir habang nakatingin sa server. “Kanina pa nagsimula ang screening.”
“Pasensya na po, sir. Tangali na po kasi ako nagising.” Paliwanag ko sa mahinang tono at tumingin na rin sa server.
“Ikaw na mag. host dito sa set 1. Ako na sa set 2.” Paliwanag ni sir saka tumayo na siya.
Hindi niya man lang hinintay ang magiging sagot ko at nagdederetso na siyang pumunta sa pinto at lumabas. At tanging nagawa ko lang ay pagmasdan siyang maglaho sa paningin ko.
Bumuntong hinga ako bago umupo sa server at tinuon ang tingin sa monitor. Mukhang kilala ko ata ang mga heroes na nasa battlefield. Ginalaw ko ang mouse upang pumunta ang arrow nito sa mapa na nasa upper left corner ng screen. Pinindot ko yung mid-lane at agad na nag. appear sa screen ang mid-lane.
Nasa mid-lane sila Rhasta at Crystal Maiden ng Sentinel kaharap nila mula sa Scourge si Viper. Pinindot ko yung up arrow at gumalaw ang screen pataas. Wala na ang isang tower ng Scourge sa mid. Paparating na rin si Abaddon mula sa Scourge. Ginalaw ko ulit ang mouse upang pumunta ang arrow nito sa down-lane ng mapa at pinindot ito.
Napunta ang screen sa down-lane ng mapa at nandoon sila Nevermore at Necrolyte ng Scourge kasama ang ilang crips. Sinusubukan nilang sirain ang tower ng Sentinel. Pinindot ko ang left arrow at gumalaw pa kaliwa ang screen. Paparating na si Mirana ng Sentinel.
Ginalaw ko ang mouse sa huling pagkakataon para mapunta ang arrow sa up-lane at pinindot yun. Bumungat sa screen sila Raijin at Zeus ng Sentinel na kaharap si Lucifer ng Scourge.
Teka lang, parang ang hina yata ng depensa ng Sentinel. Si Mirana lang ang kanilang agility hero. Tapos sa Scourge halos strength at agility ang mga heroes. Okay lang kaya sila?
Habang inoobserbahan ko ang kanilang laban, isang message ang lumutang sa lower left corner ng screen. Doon kasi lumabas ang mga messages ng mga players kung may gusto silang sabihin sa bawat isa. Blue ang kulay ng username kung taga. Sentinel ang username at red naman kung taga. Scourge.
Wolverine [Mirana]: Down-lane naman kayo.
DontAskMe [Lucifer]: up-lane need back up.
PrimeraGonzaga [Crystal Maiden]: Mid-lane guys. Down na ang kanilang mid-tower.
Si Ceejay? Si Crystal maiden ang piniling hero? Napasmirk ako habang pinindot ang up arrow sa keyboard upang pumunta sa mid-lane ang view ng screen.
Nilagay ko sa ilalim ng aking panga ang aking palad saka pinatong ang siko sa mesa, sa gilid ng keyboard. Eto talaga ang dahilan kung bakit ayokong nagiging host ng screen. Boring…
Lil_Renzo [Zeus]: Imba ni gonzaga.
Wolverine [Mirana]: Ganda kasi ng server.
Silversmoke [Raijin]: Sana all inspired.
Biglang nagkasalubong ang kilay ko pagkatapos mabasa ang kanilang daldalan sa screen. Hindi ba nila alam na connected sila sa server?
PrimeraGonzaga [Crystal Maiden]: Mahal ko yan at akin yan.
Muntik na akong mahulog sa upuan ng biglang madulas ang siko ko sa lamesa. Agad na nagsitingin ang mga lalaking sira-ulong mga players sa server. Pinadilatan ko silang lahat habang pinagtaasan ko ng kilay ang nagiisang PrimeraGonzaga na nasa usual unit niya. Langya talaga siya. Ginamit niya pa ang codename ko sa clan.
“Naku! Muntik nang mahulog ni Castino… Sa iba.” Pangaasar pa ni Renzo habang nakabungisngis at ang buong Sentinel team ay humagalpak sa tawa. Bakit pa kasi si sir kumuha ng isang team mula sa klase namin? Sakit lang sa ulo eh.
Habang ang Scourge team naman na nasa kabilang parte ng room ay nakabungisngis habang nakatingin sa kanila.
“Pwedeng magfocus sa game? Or forfeited kayo pagnainis ako?” Hindi ko napigilan ang inis na sumita sa kanila. Nakakairita kasi kapag grupo ni kuya Novrine ang mangasar, lalo na si Renzo.
“Yes ma’am.” Nakakalokong sagot nila na halos magkasabay.
Binalik na nilang lahat ang kanilang tingin sa monitor ngunit ang sarap asintahin ni Ceejay na umaagikhik pa rin itong nakatingin sa akin. I rolled my eyes at him at binalik na ulit ang tingin sa monitor.
Biglang nabingi ako sa sobrang lakas ng hiyawan ng Sentinel team na nagpayanig sa buong ComLab. Panay din ang pangaasar at pangungutya nila sa kanya habang pasulyap-sulyap sila sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti.
Pinandilatan ko lang sila saka binalik na ulit ang tingin sa monitor. Ngunit biglang dumilim ang paningin ko nang mabasa ko ang mga kadaldalan nila sa message area.
Wolverine [Mirana]: sana all may pag-ibig
Lil_Renzo [Zeus]: isa pa nga. Pampalinaw ng mata
PrimeraGonzaga [Crystal Maiden]: mahal ko nga pala yung server na nakasimangot
Server: Isa nalang Sentinel team, i-forfeit ko talaga kayo
Hindi na talaga ako nakatiis at pati sa message box ay sinita ko na talaga sila. Pati ba naman sa game, nagloloko pa rin? Seryoso kaya tong screening.
“Castino naman…” Tinawag ako ni Renzo sa tono na parang nagpapacute. Ginalaw ko ang aking mata at nakita ko siyang nakanguso.
“Napipikon na si dota girl.” Pangungutya pa ni Novrine habang nakabungisngis.
Pero imbis na magdilim ang paningin ko sa galit, biglang nilipad ng kakaibang hangin ang inis ko.
Dahil tanted glass ang dingding ng ComLab ay nakikita ko ang kalsada at ang kakaibang anino na papalaki ng papalaki. Papunta ito sa dereksyon namin. Napatayo ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata ng aking makita ang harap nito. Yung mga players na kanina ay nagtatawanan ay biglang natahimik at tulalang nakatingin sa akin habang unti-unting naglalaho ang kanilang ngiti.
Halos magkasabay silang lahat na lumingon sa kanilang likod at namutla ang lahat ng makita nila kung bakit ako naging bato sa aking kinatatayuan.
“TAKBO!” Sigaw ko na halos ikapaos na ng boses ko.
Eksaktong binasag ng dambuhalang truck ang glass wall ay nagsitakbuhan ang lahat ng players papunta sa pinto. Ako naman ay nagkalakas ng loob para salubongin ito sa pagnanais kong pigilan ito sa pagtakbo. Nagpatuloy lang ang takbo nito hanggang sa mapalapit ito sa akin. Akmang ilalapag ko na ang aking kamay sa harap nito ng makaramdam ako ng ng kakaibang awra sa paligid.
Wala naman akong ginagawa ngunit biglang huminto ang truck. May kung anong maliliit na itim ang lumutang mula dito at nagtipon ito sa harap. Napahakbang ako paatras habang tulalang pinagmamasdan ang hindi maipaliwanag na bagay na unti-unting nabubuo sa harap ko.
Tumayo lahat ng balahibo ko habang papalakas ng papalakas ang kabog ng puso ko na parang sasabog na. Nanlalamig ang buong katawan ko at nanlalaki naman ang aking mata habang unti-unting nakikilala ko ang imaheng nabuo mula sa itim na bagay.
Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang ikutin ng aking mga mata ang paligid. Isang makapal na boses na talagang kikilabotan ka kapag narinig mo.
Abala akong hanapin ang pinanggalingan ng ingay nang biglang may sumugod sa akin na itim na hangin. Pinuluputan nito ang aking leeg dahilan upang mahirapan ako sa paghinga. Pinilit ko itong alisin ngunit hindi ko ito mahawakan. Naramdaman ko na lamang na unti-unting lumalayo ang paa ko sa lupa at dahan-dahan akong hinihila papalapit sa imaheng itim. Wala na akong mahalanghap na hangin at pakiramdam ko ay nawawalan na rin ng buhay ang aking katawan. Nanghihina na ito at hindi ko na halos maramdaman.
Isang malaking kamay na kulay itim ang lumabas mula sa itim na imahe at deretso itong kinabig ang buong mukha ko papalapit sa kanya.
“Tumingin ka sa mata ko.” Nakakilabot ang boses niyang parang nageechoe ngunit pinikit ko lamang ang aking mata, “Pagmamay-ari ko ang kaluluwa mo.”
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Para bang hinihigop nito ang lahat ng buhay sa katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko at kahit binuka ko ang aking bibig upang sumigaw ay walang boses na lumalabas. Nakakaramdam na ako ng matinding panlalamig at hindi ko na rin maramdaman ang tibok ng aking puso. Kahit hangin ay hindi ko na rin maramdaman na dumadaloy sa akin.
Ngunit hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Ilang beses ng nasubukan ang aking paniniwala sa bingit ng katapusan. At ito ang magandang pagkakataon upang mapatunayan ito.
‘Panginoong makapangyarihan sa lahat. Ang lumikha ng langit at lupa, ako’y lubos na nagpapasalamat sa buhay na inyong pinagkaloob sa akin. Salamat sa lahat ng natanggap kong biyaya mula sa inyo-‘
Nagkusang bumigkas ng dasal ang aking isipan na naging dahilan ng pagtibay ng aking pag-asa. Nakakalanghap na rin ako ng hangin at kahit mahina man ay nararamdaman ko na ang pagtibok ng aking puso.
‘Patawarin niyo po ako sa aking pagkakasala at patawarin niyo rin po ang nilalalang na nasa aking harap sa kanyang pagkakasala sa inyo. Pinagdadarasal ko po na sana’y lagi niyo kaming gabayan at ilayo sa kapahamakan. Itong lahat ay aking pinagdarasal sa ngalan ng inyong bugtong anak, amen.’
Sunod ko na lamang na naramdaman ay lumuwag ang aking leeg at ang aking mukha. Deretsong bumagsak sa lupa ang aking buong katawan habang nakapikit ang aking mga mata.
Maya-maya ay naramdaman kong may umangat sa kalahati ng katawan ko. Nakaramdam ako ng mainit na sensation na pumapalibot sa akin. I squeeze my eyes as I lifelessly open it.
Isang braso ang nakapulupot sa katawan ko at nakasandal ako sa dibdib ng kung sino. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap kaya inangat ko ang aking ulo upang makilala kung sino ito.
Namamaga at basa ang mga mata niya. Pati pisngi niya ay basa rin at pinagpapawisan ang kanyang noo. Kahit nanginginig ang kanyang labi ay nagawa niya paring ngumiti. Isang ngiti na puno ng pasasalamat.
“Akala ko talaga mawawala ka na.” Halos maiyak niyang sabi sa mahinang tono.
Ngumiti rin ako sa kanya, na parang walang matinding nangyari, “Hangga’t mahal mo ako, Ceejay. Hinding-hindi ako mawawala.”
Hinigpitan niya ang kanyang yakap habang ako naman ay pinikit ang aking mata ay sinulit ang pagkakataong nakasandal sa dibdib niya at nakakulong sa kanyang bisig.
Buhay ang Panginoon at lage siyang nakabantay sa atin. Walang mas hihigit pa sa iyong pananampalataya sa kanya.
Ibinabalik ko ang lahat ng kapurihan at karangalan sa Dakilang Panginoon. Ngayon at magpakailanman.