THIRTY-THREE (33)

-Third Person’s POV –

Madilim ang lahat sa paningin ni Ceejay. At tanging ilaw lamang ng kandilang nasa harap nito ang nagbibigay liwanag sa kanyang mukha. Nanghihina na ang buong katawan nito at halos pumikit na ang kanyang mga mata. Hindi niya man lang magalaw ang kanyang katawan dahil literal itong naging matigas. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas mula dito. Kahit ang kanyang paghinga ay bihira na lamang niyang maramdaman at ang pagtibok ng puso niya ay bihira na rin.

Tumigil ang panahon at oras ng lumantag ang tunay niyang kataohan. Nakabuka ang kanyang pakpak at kulay ginto ang kanyang buhok na paalon-alon sa himpapawig, habang binabaybay niya ang kalangitan pabalik sa posibleng lugar kung saan niya huling nakita ang binata. Sa sobrang bilis ng kanyang lipad ay halos mahati ang langit. Pinangungunahan man ng matinding kaba at takot, hindi pa rin siya nag-atumbiling magbakasakali.

Nanlamig ang buong katawan niya nang makarating siya sa kakahuyan. Naglanding siya sa masukal na parte kung saan siya nakakaramdam ng itim na presensya. Kahit mataas ang araw, madilim sa parteng iyon dahil sa makapal at maitim na hamog na bumabalot dito. Ni hindi niya man lang matanaw ng maayos ang mga kahoy na nasa kanyang palibot.

Walang kasiguraduhang sumugod siya sa liblib na parte nito. Halos marinig na ni Rhea ang kanyang puso sa sobrang lakas ng kabog nito. Nakakaramdam man siya ng malamig na hangin na dumampi sa kanyang katawan, hindi pa rin siya nagpatinag at patuloy ang kanyang lakad. Napalunok na lamang siya ng maging itim na lahat ng kanyang paligid. Naging madilim na ang lahat. Nilakasan pa rin niya ang kanyang loob, kahit pinagpapawisan na ng malamig ang kanyang mga palad.

Kalaonan ay nakakita siya ng hugis bilog na sinag. Bumungisngis siya kahit hindi magawang matuwa ng kanyang damdamin at nagmamadaling tumakbo papunta dito. Unti-unting lumalaki ang sinag habang siya ay papalapit.

Laking gulat naman niya nang siya ay makarating dito.

Isang kandila ang nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran. May bungo sa tabi ng kandila at isang katawan ng lalaki na hugis bato, ang nasa harap ng kandila at bungo.

Nanlaki ang mga mata niya at nanginginig ang kanyang labi at nanghihina ang kanyang tuhod habang humahakbang siya papalapit sa hugis katawang tao na bato. Nagkusang bumagsak ang kanyang tuhod sa tabi nito. Tulala ang dalaga ng tinitigan niya ang imaheng nasa kanyang harap. Nakanganga ang kanyang bibig habang nanginginig ang kanyang kamay ng marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

She gasped, as if she would run out of air, when her bare palms touches the thick stone. She bite her lower lip as she sniffed when she felt tears roll down from her eyes. She caresses her thumb against the cheek of the human stone.

“Am I too late? Or too stupid to be fooled?” She mouthed. Pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

She clenched her teeth as tears continue to fall. She gently closed her eyes and moved her face closer to it until her noses touches the tip of its nose. Ginapos niya ang kanyang mga braso sa katawan nito. She burst out in tears as she buried her face on its shoulder at diniin ang kanyang dibdib sa dibdib nito.

Her memories with him instantly flashed in her mind. Lahat ng masasaya, nakakatawa at mapanakit na alaala ay nagisa-isang pumasok sa kanyang isip. Mas lalo siyang nalunod sa sarili niyang luha at hinigpitan ang kanyang yakap. Pakiramdam niya ay sumisikip ang kanyang dibdib at parang sinasakal ang kanyang leeg.

Hindi pinansin ng dalaga ang kandilang unti-unting nauubos. Alam niyang malapit nang humantong sa dulo ang ilaw nito dahil sa liwanag sa kanyang paligid na unti-unting naghihina. Nakapikit lamang ang kanyang mata habang kagat niya ang ibabang parte ng kanyang labi. Patuloy ang agos ng luha mula sa kanyang mata hanggang sa tuluyan nang nangibabaw ang dilim sa buong paligid. Humagulgol siya sa pagiyak habang mahigpit na niyayakap ang katawang bato na nasa harap nito. Bawat patak ng luha niya ay kumikinang at dumeretso ito sa balikat ng bato.

Nakapikit ang mata ng dalaga habang patuloy ang agos ng kanyang luha. At dahil nalulunod siya sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso, nag-iwan ng marka sa bato ang luha niyang pumatak dito. Nagmistulang maliliit na ilaw ang kanyang luha na pumatak sa kung saang parte ng bato. Unti-unting nagliwanag ang maliliit na marka ng kanyang luha na naging dahilan para maidilat niya ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang dumistansya mula sa bato at ginalaw niya ang kanyang mga mata sa buong parte nito. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagparte ng kanyang bibig ng makita niyang may kung anong lumabas mula sa markang naiwan ng kanyang luha.

Isang tuwid na liwanag ang lumabas mula dito na unti-unting nagbibigay liwanag sa paligid. Kasabay nito ang maliliit na kumikinang sa paligid. Parang lubong pumutok din na naglaho ang pagpakpak ng dalaga at napalitan ito ng putting balahibo na nagkalat sa paligid. Dahan-dahan ring naglaho ang kulay ginto niyang buhok at napalitan ng ordinaryong kulay ng kanyang buhok.

Hindi niya man alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid ngunit ramdam niyang kumakalma na ang tibok ng puso niya. Nagaalinlangan man ang dalaga, pinilit pa rin niyang hawakan ang mukha ng bato. Marahan niya itong hinaplos at sa oras na dumampi ang kanyang palad dito ay natunaw ang parteng nahawakan ng kanyang palad. Nanlisik ang kanyang mga mata at halos malaglag na ang kanyang panga ng lumitaw ang kutis ng binatang kanyang binalikan. She sighed in huge relief and charge in to hug him tighter.

Sa oras na dumikit ang buong katawan niya sa bato ay tuluyan nang nalusaw ang batong bumabalot sa katawan ng binata. Lumitaw ang kanyang kutis, kulay ng buhok niya at kanyang mukha. Unti-unti ring nagkakaroon ng maliliit na butas ang kadilimang bumabalot sa kung saan sila. Pinikit lamang ng dalaga ang kanyang mga mata habang patuloy niyang pinaparamdam sa katawan ng binata ang tuwa at pagmamahal na kanyang nararamdaman. Hinayaan niya rin itong magkalat sa buong palagid upang tuluyang matalo ng liwanag ang dilim.

Kalaonan ay umulan ng putting balahibo at natunaw ang dilim na bumabalot sa kanila. Lumitaw ang mga punong kahoy na nakapalibot sa kanila. Nakaramdam ang dalaga ng init sa kanyang katawan kaya ito ay napadilat. Naaninag ng mga mata ng dalaga ang sinag ng araw na tumatama sa dahon ng mga punong kahoy. Tumingala ito sa taas at nakikita niya na ang sikat ng araw. Tuluyan na talagang lumiwanag sa buong paligid.

Pintado sa mukha niya ang walang paglalagyang tuwa. Excited siya nang niyuyugyog niya ang balikat ng binata para gisingin ito.

“Ceejay.. Ceejay…” Usal pa nito na halatang hindi makapaghintay.

She gasped when she saw his eyes were moving then slowly opening.

Tumili siya ng makita niyang dumilat na ang kanyang mga mata. Hindi siya nakapagpigil at mahina niyang hinampas ang magkabilang pisngi ng binata saka diniin ang kanyang mga palad dito.

Nagkasalubong naman ang kilay ng binata habang nakatitig ito sa mukha ng dalaga. Halatang nagtataka sa mukha niyang sobrang natutuwa.

“Ceejay!” She exclaimed as she pulled him for a tight hug. Yakap na parang ilang dekadang hindi niya nakita ang binata.

He smirked kahit ito ay naguguluhan pa rin at tumugon sa yakap ng dalaga.

“Namiss mo agad ako?” Biro pa nito.

Humiwalay ang dalaga sa kanilang yakapan ngunit ang mga kamay nito ay nasa batok pa rin ng binata.

“Oo. At dahil sa sobrang namiss kita, na-miss rin natin ang bus ng school natin pauwi.” Nakangising paliwanag ng dalaga na halos mapupunit na ang mukha nito.

“Ano?!” Halos malalag ang panga ng binata.

Humagalpak naman sa tawa ang dalaga dahilan para bumusangot ang mukha ng binata.

“Hayaan mo na. Sasakay na lang tayo ng jeep pauwi.” Nakangisi pang sagot ng dalaga.

“Yun lang. Nasa bag ang pera ko.” Dismayadong sagot naman ng binata.

“May pera naman ako.” Agad na sagot ng dalaga at nang walang pasabi ay hinalikan niya ang pisngi ng binata bago tumayo.

Bahagyang namula ang pisngi ng binata at nanlaki naman ang kanyang mata sa gulat.

Biglang bumagsak si Ceejay sa lupa at agad namang nagpanic si Rhea.

“Ceejay!” Sigaw nito na natataranta at agad na lumuhod sa tabi nito.

Pinagsasampal ng dalaga ang magkabilang pisngi ng binata ngunit hindi pa rin bumubuka ang mata nito. Nagsimula na namang kabahan ang dalaga. Pinatong niya ang kanyang dalawang palad sa dibdib nito at marahas na diniin. Walang nagbago sa hitsura ng mukha ng binata. Pinisil ng dalaga ang ilong nito at nilapit ang kanyang labi sa labi ng binata upang mabigyan ito ng hangin.

Ngunit nang magdampi na ang labi ng dalaga sa labi nito, agad na pinatong ng binata ang kamay niya sa likod ng ulo ng dalaga at diniin ito upang mas dumikit ang labi niya sa labi nito.

Nakasimangot ang dalaga habang nakataas ang isang kilay niyang tiningnan si Ceejay sa mata. Isang pilyong tingin ang sinagot ng binata sa kanya habang marahan niyang kinagat ang labi ng dalaga upang hindi ito lumayo sa kanya.

Buong akala ng binata ay matutuwa ang dalaga ngunit wala sa inaasahan niyang sinuntok ng dalaga ang tiyan nito. Dahilan para mapaungol ang binata sa sakit at nakawala sa pagkakakagat ang labi ni Rhea.

Inis na tumayo ang dalaga habang gumulong naman sa lupa si Ceejay na hawak ang tiyan niya.

“Langya ka! Muntik na akong mabaliw sa pagaalala tapos nagawa mo pang magloko!?” Sumbat ni Rhea sa kanya sa malakas na boses habang nakatalikod ito sa kanya.

“Aray ko naman…” Halos maluhang ungol ni Ceejay habang dinidiin ang kanyang kamay sa kanyang tiyan.