THIRTY-TWO (32)

-Rhea’s POV –

“5 on 5 po?” Bahagya akong nagulat sa minungkahi ni Sir Jeff.

Nakatayo si sir sa aking harap at muli siyang umikot bago humarap sa akin, “Yes, Castino. It will be more fun kesa sa 1 on 1.”

“Paano naman po tayo pipili ng mga players?” Tanong ko bago nilagay ang aking kamay sa ilalim ng aking chin at sinandal sa mesa na pumagitna sa amin.

Medyo bored na ako eh.

Pinatong si Sir ang kanyang dalawang kamay sa mesa at tiningnan ako ng deretso sa mata, “Bukas ang screening at dalawang set ang screening. Ikaw din ang magiging host.”

Again? Bigla akong napalunok ng sumagi agad sa isip ko ang nangyari noong huling screening.

“Wag kang magaalala, Castino.” Nakangiti sa akin si Sir saka mahinang tinapik ang aking balikat, “Magiging okay ang screening bukas dahil times two ang ginawang pagiingat ng mga technicians sa lahat ng mga magiging System Units.”

Kahit hindi ako kumbinsido ay tipid pa rin akong ngumiti kay Sir. Para lang matapos ang usapan namin sa loob ng kanyang office.

“Good.” Nakangiting sabi ni Sir saka nag-crossed arms, “I’m counting on you for tomorrow morning. Don’t be late.”

“Y-yes sir.” Napilitan akong tumango kasabay ng ngiti bago tumayo. Kahit pinipilit paring mag. sink sa utak ko ang mga sinabi ni sir.

Tinalikuran ko na si sir at naglakad papunta sa pinto. Habang nakatingin sa bawat hakbang ng aking mga paa.

Morning ang screening? Sasang-ayon na kaya ang panahon sa screening bukas? Sana naman. Kinikilabotan akong isipin ang nangyari noong nakaraan. Muntik na akong mapahamak pati si Ceejay.

“Happy Lunch.” Kasabay ng pamilyar na boses ay nakaramdam ako ng kung anong malambot na dumampi sa pisngi ko.

Bahagya akong napatalon sa aking kinatatayuan at automatikong nailagay ko ang aking palad sa pisngi ko. Nakataas ang dalawa kong kilay at slight na nakabuka ang aking bibig ng bumungat sa harap ko si Ceejay.

Blooming ang dating niya at fresh na fresh din ang ngiti niya sa akin. I rubbed my palm against my face to brush off my random thoughts and smiled back on him, genuinely.

“Kanina ka pa?” Tanong ko, pretending to act normal.

“Medyo.” Nakangisi niyang sagot saka binandera sa harap ko ang isang paper bag, “Hungry?”

I smiled on him, showing my shiny white teeth, “Akin ba yan?”

Binaba niya na ito saka humakbang papalapit sa akin, “Kanino pa ba sa tingin mo?”

Nag-smirk ako, “Sayo.”

He chuckled, “Halika na nga.”

Pagkatapos nun ay kinabig niya ang aking bewang papalapit sa kanya. Magkalapit ang aming mukha at konti nalang ay magdidikit na rin ang mga ilong namin. Pareho kaming nakangiti na abot hanggang tenga habang nakatitig sa isa’t-isa. Pero yung ngiti ni Ceejay ang mas nagpapalaki ng ngiti ko. Ang ganda kasi ng ngiti niya at ang cute niyang tignan dahil na rin sa mata niyang paningin ko ay kumikinang.

Lately, mas nagiging clingy siya sa akin. Meron man kaming ilang subjects na hindi classmates, humahanap pa rin siya ng paraan upang magkita kami bago magsimula ang klase.

Pero weird talaga yung pakiramdam ko sa pagiging clingy niya. May spark naman, yung tipong kikiligin ka pero meron talagang kakaiba. Hindi ko talaga maintindihan. O medyo nababaguhan lang ako?

“Dito tayo.” Aniya saka pumasok kami sa isang room na walang tao.

Alam ko rin naman ang room na yun kasi may klase din ako doon kapag 2 pm. Sobrang tahimik doon dahil syempre lunch break at lahat ng students ay lumabas. Kami lang ang andon.

Nauna siyang naglakad papunta sa Instructor’s table at ako naman ay nasa likod niya. Eksaktong humarap siya sa akin nang biglang masamid sa kung saan ang paa ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatuon ito sa kanya. Siya naman napalunok na nanlaki rin ang mga mata at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nanginginig ang tuhod niya at parang ayaw humakbang ng mga paa niya.

Mabuti nalang at bago pa ako tuluyang bumagsak ay gumalaw na ang mga paa niya. Nahuli ng kamay niya ang braso ko at hinila ito papalapit sa kanya.

Napapikit ako nang tumama ang dibdib ko sa kanyang dibdib. Meron kasing kung anong bumulong sa akin upang bumilis ang kabog ng puso ko. May inaasahan akong kakaiba ngunit ako ang nagulat.

Dahan-dahan kung dinilat ang aking mga mata at kumonot ang noo ko nang makita kong nasa kanyang dibdib ang isang palad niya habang ang isang braso niya naman ay nakapulupot sa bewang ko. Tumulo ang isang malamig na pawis mula sa noo ko kasabay ng pagbilis ng kabog ng puso ko.

“M-Mag-ingat ka kasi.” His voice was unsettled at hindi siya nakatingin sa akin.

Ang weird sa pandinig ng boses niya.

Kusang kumurap ang aking mga mata at napunta ito sa aking dibdib. Napaatras ako at mabilis na kinapa ang katawan ko. I even looked underneath my uniform just to make my thoughts right. My chest wasn’t bleeding and I don’t feeling anything sharp katulad noong niyakap ko siya sa Calinan.

Nagsisimula na akong kilabutan na hindi ko alam kung bakit. Napalunok ako habang nakakunot ang noo na humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin. Nakataas ang isang kilay niya at nasa kanyang dibdib pa rin ang isang kamay niya.

Doubts started to eat the best of me. I don’t know why but I doubt his existence. Tumitig ang mata ko sa kamay niyang nasa kanyang dibdib.

“A-Ano?” Pagtataka niya saka dahan-dahang inaalis ang kanyang kamay mula sa kanyang dibdib.

I slapped my own face to brush off my stupid thoughts na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Why would I? Naiinis na ako sa sarili ko. Kailangan ko lang siguro kumain.

“Oh nga pala. Nakalimutan ko palang i. hug ka.” I tried my best na maging cheerful sa pandinig ang boses ko with angelic smile at naglakad papalapit sa kanya.

Ngunit bago pa man ako makalapit ay agad niya akong tinalikuran. Nahinto ako sa aking kinatatayuan at naglaho ang ‘fake angelic smile’ ko sa mukha. Kumunot ang noo ko na may kasamang pout.

“Ang drama mo talaga. Kumain na nga tayo.” Mahina niyang pagkakasabi.

“Ikaw ang madrama.” Sumbat ko, “Bakit bigla kang naging Ampalaya? Kanina halos langgamin na ako sa sobrang sweet mo?”

“Natural. Kailangan balance katulad ng nasa food pyramid. Magkaka-diabetes ka kung palagi akong sweet.” Bahagya siyang lumingon sa akin. Nahagilap ng paningin ko ang labi niyang nakabungisngis at pisngi niyang bahagyang namumula.

Pambihira ka talagang mokong ka. Lage ka talagang may baon na kapilyohan. But my instincts wasn’t convinced at all.

I giggled as I walked towards him.

“Si Sir Jeff oh!” Pahayag ko sabay turo sa labas.

Hindi naman ako pumapalpak at automatiko siyang lumingon kung saan ako nakaturo.

Huli ka!

Bago pa sumagi sa isip niya ang pambata kong kasinungalingan, mabilis ko siyang niyakap. Sobrang higpit na malabong matanggal niya.

I finally caught him off-guard.

I could feel ramdom sharps stabbing my chest. Pero hindi ako nagpatinag. Mas hinigpitan ko ang aking yakap kahit sirang-sira na ang mukha ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Bahagya kong pinikit ang aking mata nang mahagilap ng mata ko ang isang maliit na liwanag na dahan-dahang nabubuo sa didbdib niya.

“Cr-Crista!!” His voice was thick at parang paos.

I looked straight to his eyes with mischievous smile, “Hindi ako si Crista!”

“Tssk!” He clenched his teeth at sinubukan niyang magpumiglas ngunit ginamit ko ang buong lakas ko upang ikulong siya sa aking mga braso.

Patuloy ang pananaksak ng patalim sa aking dibdib ngunit kahit isang dangaw ay hindi ko niluwagan ang aking yakap. Nagkalat sa buong classroom ang aking dugo at bumabaha na rin ito sa aming kinatatayuan. Pati mukha ko ay natatalsikan rin.

Nakaramdam ako ng enerhiya na unti-unting nabubuo sa pagitan namin. Isang positibong enerhiya na kayang tunawin ang lahat ng mapaglinlang na elemto sa mundo.

Hinayaan ko itong lumaki habang siya ay nanlalaki ang mga mata na pinagmamasdan ito. Mas naging agresibo ang kanyang galaw upang kumalas sa braso ko ngunit ginamit ko ang aking huling lakas na tinatago upang hindi siya makawala. Nakabukang lumabas ang aking mga pakpak at naging ginto ang aking buhok.

Naging dalawang beses na mas malaki sa akin ang liwanag na nasa pagitan namin. Hindi ko na siya makita sa sobrang liwanag na nasa harap ko ngunit nararamdaman ko parin ang katawan niyang nakakulong sa aking braso. Tuluyan na siyang kinain ng liwanag hanggang sa tumilapon sa buong katawan ko ang isang katerbang dugo. Maging sa sahig, kisame at kahit saan parte ng classroom.

Kumunot ang noo ko habang nakanguso na nakatingin sa aking braso. Nabalutan ito ng isang katerbang dugo na hindi ko na halos makita ang kulay ng balat ko. Bahagyang nakapikit ako habang niyuyugyog ang aking mga braso. Nandidiri ako sa hitsura ng aking kamay at konti nalang masusuka na ako.

“Masyado pala kitang minaliit.” I heard a thick and hoarse voice behind me. It sends me chills down to my nerves as I slowly turned to confirm who it could be.

Nakatayo siya sa aking harap na lumulutang na may itim na ulap sa ilalim ng kanyang paa na umuusok. His eyes are red and his skin was so damn white na wala kang makikitang dugo na dumadaloy dito at ang putla ng mga labi niya na parang bond paper.

“Nasan si Ceejay Gonzaga!?” Inipon ko ang lakas ng loob ko upang tahasang itanong sa kanya ang kinaroroonan ng lalaking ginaya niya.

Humalakhak siya ng sobrang lakas na nag. echoe sa buong room. Yung boses niya na parang paos ay sobrang nakakatakot na nagpatindig ng balahibo ko.

“Hindi mo ba alam? Ikaw ang huling kasama niya.” Isang masamang ngiti ang lumutang sa mukha niya na naging dahilan para kilabutan ako.

Biglang tumigas ang buong katawan ko nang sumagi sa aking isip ang alala na meron ako noong huli ko siyang nakasama.

Kinain ng matindi at nakakakilabot na lamig ang aking buong katawan habang tagaktak ang pawis mula sa aking noo. Nanginginig ang aking labi habang naririnig ko naman ang bawat tibok ng aking puso sa sobrang lakas ng kabog.

Muli siyang humalakhak na naging dahilan para manginig ang aking buong katawan at nanlaki ang aking mata na nakatuon sa kanya.

“Akin ang kaluluwa ng mga mortal dito sa mundo.” Muli siyang humalakhak habang unti-unting nagiging usok ang kanyang buong pagkatao hanggang sa tuluyan siyang naglaho sa aking harap.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang kanyang presensyang maglaho sa aking harap. Napalunok na lamang ako dulot ng matinding panlalamig. Dahan-dahan kong binaba ang aking tingin sa aking mga braso. Nanginginig ang mga ito at tumulo parin ang dugo mula rito.

Hindi ako makahinga. Halos hindi ako makaramdam ng hangin na pumapasok sa aking lungs at halos hindi ko na maramdaman na tumitibok ang aking puso. Nanlalaki parin ang aking mga mata nang makaramdam akong ng basa sa gilid nito at unti-unting nanlalabo rin ang aking paningin. Tumulo ang malamig na pawis mula sa aking noo habang nakakaramdam rin ako ng panlalamig sa aking mga palad. Nanginginig din ang aking mga tuhod dahilan para mawalan ito ng lakas para suppurtahan ang bigat ng aking katawan.

Nagkusang bumagsak ang tuhod ko kasabay ng pagtulo ng luha mula sa aking mata papunta sa aking kamay. My palms started to form a fist and slowly tightening its clench na parang mababaon na aking mga kuko sa aking mga palad. I shut my eyes in disbelief as I gritted my teeth.

Bakit kasi ang hina ko?

Mawawala nalang ba sila ng ganun lang kadali ng dahil sa akin?