TWENTY-NINE (29)
Hinila ako ng aking mga paa papunta sa pangpang kung saan nagkukumpulan ang mga students. Naririnig ko ang bulong-bulongan nila habang papalapit ako. Yung iba naman ay natataranta. Habang papalapit naman ako ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinangungunahan pa rin ako ng takot pero kailangan kong maging matatag.
Malapit na ako ng maka-aninag ako ng maliit na usok mula sa pangpang dahilan para magpanic ang mga nagkukumpulan. Mukhang lumalala na ang sitwasyon.
Nagdadalawang-isip man ako ngunit kailangan kong maniwala sa himala ng Panginoon at sa sarili kong abilidad.
Hindi ako tumigil sa pagtakbo nang makarating ako sa railings at tumalon. Sa lugar kung saan nanggaling ang usok na nakikita ko. Lahat sila ay gulat ng makita nila ako mula sa kung saan at nakanganga na sinundan ako ng tingin. Pilit na hinihila ang aking mga mata sa kakahuyan ngunit pinikit ko nalang ito upang makapagfocus ako.
Saglit akong gumulong ng bumagsak ako sa bintana ng bus, tagilid kasi itong bumagsak. Una kung hinanap ang pamilyar na amoy na umagaw sa atensyon ko. Dumungaw ako sa ilalim nito at nakakita ako ng butas mula sa itim na kahon nito. Galing doon ay umagos ang kulay pula na parang tubig. Kinilabotan ako ng makita ko yun at tumulo ang pawis mula sa noo ko.
Kailangan kong magmadali.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa bintana para hanapin si Mj. Buti nalang nakita ko agad siya. Nasa kabilang parte siya ng bus at mukhang nag-pass out. Magandang bagay na bahagyang nakasara ang mga bintana nito kaya naging madali lang saakin ang pagbukas nito. Tinulak ko lang ito pataas at bukas na talaga siya. Pwede nang madaanan ng tao.
Pinasok ko ang aking katawan sa bintana at nakapasok na ako sa loob. Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Mj. Lumuhod ako sa tabi niya at una kong sinuri ang pulso niya sa kamay.
Salamat sa Diyos, humihinga pa siya.
“Mj.. Mj…” Sambit ko sa kanya habang niyuyugyog ang kanyang balikat, “Mary Jane..”
“hmmm..” She groans as she shakes his head.
“Mj..” Inaalog ko parin ang balikat niya kahit nanginginig ang kamay ko.
Her brows furrow as she opens her eyes. Nanghihina siya nang tumingin siya sa akin while I was relieved to see her opened her eyes.
Gumaan ang pakiramdam ko kaya kahit mabilis parin ang tibok ng puso ko ay napangiti ako. Namumuo naman ang luha sa gilid ng mga mata niya nang ngumiti siya sa akin na may halong pag-asa.
“Rhea…” Usal niya at tuluyan ng tumulo ang luha niya mula sa kanyang mga mata.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang may namuong luha sa gilid ng mga mata ko. Pero bago pa man yun tumulo ay nilunok ko yun saka ngumiti sa kanya.
“Save your dramatic speech for later. Sa ngayon, kailangan muna nating mabuhay.” Pahayag ko saka naunang tumayo bago inabot ang kamay ko sa kanya.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. But when she was about to stand, she instantly groaned in pain as she gasped on her knee.
Hindi na ako nagtanong. Nakikita ko namang masakit ang tuhod niya kapag gumalaw siya. Kaya ang ginawa ko nalang ay tumabi sa kanya saka nilagay ang braso niya sa balikat ko.
Dahan-dahan ko siyang inalalayang tumayo habang mahigpit ang kapit niya sa balikat ko. She hissed and exhaled deeply. Maingat kaming naglakad papunta sa bintana kung saan ako dumaan. She was holding her breathe everytime she took a step, kaya dahan-dahan lang ang lakad namin baka naman mas lalo siyang masaktan.
“Mauuna ako.” Tugon ko saka maingat na inalis ang kamay niya sa balikat ko at sinandal siya sa likod ng nakatagilid na upuan.
Tumango siya na may kasamang tipid na ngiti at nauna na akong dumaan sa bintana.
Pagkalabas ko ay dumapa ako at iniabot ang aking kamay sa kanya. Mahigpit niya naman itong inabot habang sinusuprtahan ko ang kanyang bigat at ang isang kamay niya, nasa frame ng bintana nakakapit saka dahan-dahan ko siyang inaangat. Gumapang siya papalabas ng bintana ng mailabas ko na ang kalahati ng kanyang katawan saka bumagsak ang katawan ko at hinahabol ang aking paghinga. Humiga rin siya sa tabi ko habang humihinga ng mabilis.
Matutuwa na sana ako ng biglang nilipad kami ng malakas na hangin na naging dahilan para tumilapon kami sa malayo. Gumulong kami sa lupa at pareho kaming nabalotan ng alikabok at lantang dahon.
Maingat naming pinulot ang aming sarili sa lupa at lumingon sa aming pinanggalingan. Parehong nanlaki ang aming mga mata ng masaksihan naming kinain ng apoy ang bus. At muli na naman akong nanlamig ng makita kong may lantang dahong nadadali ng apoy na nasa katabing puno nito at nahuhulog sa lupa.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kinuha ko na ang braso ni Mj at pinatong sa balikat ko. Pinulupot ko ang aking isang kamay sa kanyang bewang at ang isa naman ay nakahawak sa kanyang kamay, na nasa balikat ko. Dahan-dahan kaming tumayo at maingat na naglakad papalayo dito.
Hinihingal siya habang ginagawa niya ang lahat upang makalakad, sa tulong ko. Kahit hirap na hirap siya ay nakikita kong determinado siya makaligtas kaya mas naging pursigido ako. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay nakaramdam ako ng init sa aking likod. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula na naman akong manlamig.
Nakayuko ako nang lumingon si Mj sa likod namin at naaninag ko sa gilid ng aking mata na napalunok siya. Nanginginig ang labi niya at naramdaman kong mas humigpit ang kapit ng kanyang kamay sa balikat ko.
“Magfocus ka sa paglalakad.” Tugon ko para ma-divert yung atensyon niya.
Ramdam kong kinakabahan at natatakot siya.
Inalis na niya ang kanyang tingin sa likod at tinuon sa harap.
Ngunit nagkusang bumagsak ang katawan niya at bumitaw ang kanyang kamay sa balikat ko. Ni hindi ko man lang napigilan.
Halos kapusin na siya sa paghinga at pawis na pawis ang buong mukha niya. Humihinga siya ng malalim gamit ang bibig niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Bumigay na rin ang tuhod ko at bumagsak sa tabi niya. I lean my hands against the ground with my head down and gasping to breathe.
Pawis na pawis na ang buong katawan ko, pati ang mga braso ko. Tagaktak na rin ang aking pawis sa mukha. Maging ang puso ko ay parang sasabog na rin.
Tiningnan ko rin si Mj. Pagod na pagod na rin siya at nahihirapan. Pero kailangan naming magpatuloy. May pag-asa na naghihintay sa amin sa dulo ng pinagdadaanan namin at yun ang pinanghahawakan ko.
Pakiramdam ko ay mapapaso na ang aking likod sa init na aking nararamdaman. Alam kung malapit na ito sa amin at kung hindi kami magpapatuloy sa paglalakad ay tostado na talaga kami.
Inipon ko lahat ng natitirang lakas na meron ako at tumayo. Inabot ko ang kamay niya at marahan na hinila. Dinilat niya ang kanyang mata at tumingin sa akin.
Puno ng lungkot ang mga mata niya at parang nawawalan na siya ng pag-asa. Pero hindi pwedeng panghinaan ako ng loob. Malalampasan namin ito.
“Hindi ko na kaya.” Paos ang boses niya at halos mangiyak siya.
“Talaga, Mj? Ngayon ka pa talaga mag-iinarte?” Sermon ko.
Akmang luluhod na sana ako para alalayan siya nang biglang nanginig ako sa takot kasabay ng pagbagsak ng nagliliyab na puno sa gilid ko.
Muntik ng mahulog ang mata ko at napanganga ang bibig ko sa matinding gulat. Bumilis ang kabog ng puso ko at nagmamadaling hinihila ang kanyang kamay.
“Bilis na!!” Sigaw ko na tonog ng nagpapanic at sunod-sunod na hinihila ang kamay niya.
Kahit nakikita kong napipilitan siya, natutuwa parin ako dahil kumikilos siya.
Lumuhod ulit ako sa tabi niya. Kusa na niyang nilagay ang kanyang kamay sa balikat ko at dahan-dahan siya tumayo. Sinabayan ko rin siya upang alalayan ang kanyang katawan.
Nagsimula ulit kaming maglakad. Nagmamadali ngunit maingat ang bawat hakbang namin.
Naliligo na ako sa sarili kong pawis dahilan para maging malagkit ang bawat galaw ko. Parang nasa loob kami ng oven at binibake ng buhay.
At mula sa kung saan ay may bumagsak sa harap namin. Nagliliyab at sa sobrang init ay impossible kaming makalapit.
Napayakap sa akin si Mj at ramdam kung nanginginig ang buong katawan niya. Sinilip ko siya at binaon niya ang kanyang mukha sa balikat ko. Mahinang yumuyugyug ang kanyang balikat at sumisinok-sinok siya.
Tulala akong napatitig sa kung anong nagliliyab sa aming harap. Nanginginig ang labi ko at hindi ko na rin maramdaman ang sarili kong paghinga. Nanlalabo na ang aking paningin na may kasamang namumuong luha sa gilid nito. Pakiramdam ko ay tumatagos na sa aking balat ang init sa paligid namin. Naaaninag ko na rin ang liwanag ng apoy sa gilid ng aking mga mata. Para bang lahat sa paligid namin ay sunog na at kami na lamang ang natitirang buhay.
Kalaonan ay tumulo na ang luha ko habang pinagmamasdan ng aking mga mata ang paligid. Wala akong ibang makita kundi ang init ng apoy na posibleng maging katapusan ng pangalawang buhay ko.
Talaga? Ito na ba ang katapusan? Madadamay pa si Mj?
I close my eyes and allow myself to drown in my thoughts. I was thankful that God believe in me and gave me second chance to be with the ones I loved and treasured. It was only temporary but no word can define how much I am grateful.
Oo nga naman. How dare I am to question myself when The Creator of heaven and earth believe in me?
I open my eyes once again. With the courage and strength to overcome the situation that we are facing.
Yumuko ako para tignan si Mj. Marahan ko siyang tinulak upang mapagmasdan ang mukha niya.
Basang-basa ang kanyang mga mata at namamaga pa. Maputla na rin siya na parang walang dugo. Pero ngumiti ako sa kanya. Isang ngiti ng assurance na mabubuhay kami.
“Sumampa ka sa likod ko.” Utos ko sa kanya.
“Hu?” Naguguluhan siya.
“Gawin mo na. Aarte ka pa?” Muling utos ko.
Hindi na siya nagprotesta at sumampa na siya sa likod ko. Medyo mabigat siya pero kakayanin ko.
Bago pa man ako humakbang ay nahagilap ng mata ko ang isang putting liwanag na nasa likod ng nagliliyab na nasa harap namin.
It’s a sign. Sign of hope.
Nagtatakbo kong sinulong ang nagliliyab at naramdaman ko sa aking likod na diniin ni Mj ang kanyang mukha. Wag kang magaalala, Mj. Kakain tayo ng Taco at Zagu pagkatapos nito.
I bravely jumped over the burning thing that was blocking on our way as I closed my eyes. Naramdaman ko ang init sa gitna ng hita ko na tumagos sa balat ko.
Gumulong kami sa lupa nang maglanding kami. Pareho kaming umungol sa sakit at dahan-dahang pinulot ang sarili mula sa pagkakabagsak. Pero laking pagtataka kong hindi na ako nakaramdam pa ng init sa paligid. Dinilat ko ang aking mga mata at ginala ang aking mga mata.
Ngunit napako ang tingin ko sa langit. Naging itim ito at unti-unting nababalotan nito ang natitirang kulay blue.
Imbis na mag-alala ako, nakaramdam ako ng tuwa at bumungisngis ako.
Lucky Rain..