TWENTY-EIGHT (28)

-Rhea’s POV –

Halos kapusin ako sa paghinga nang makabalik kami sa camping area. Pawis na pawis ang mukha ko at dagdag pa natin yung luha kong nagkusang tumulo mula sa mata ko kahit hindi ako humihikbi. Hindi parin humuhupa ang kaba na nararamdaman ko at nanlalamig pa rin ako.

Lahat ng tingin ay nabaling sa amin na puno ng pagtataka. Halos lahat ng students ay kunot ang noo na tinitigan kami mula ulo hanggang paa. Ikaw ba naman mukhang binagyo sa sobrang gulo ng buhok at mukhang gumulong sa lupa sa sobrang dumi ng suot. Yung white t-shirt ni Ceejay na kumikinang sa puti, mukha ng basahan pagkatapos hampasin ng alikabok.

“Grabe naman kayo, crushmate. Pwede naman kayo sa bus kung may plano kayong….. mag.. ano..” Nakanguso na pangaasar ni Almira habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Bago palipat-lipat ang tingin niya kina kuya wolverine.

I was still catching my breathe when I glared on her na parang tatadtarin ko siya. Sa dami ng araw na pwede niya akong asarin, wag naman sana ngayon.

Hindi parin ako makapagsalita dahil siguro sa hinihingal ako kasabay ng isip kong hindi mapakali kaya nilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko na may kasamang kamay na nakatakip sa bibig nito.

“Ano? Masarap? O masakit?” Bulong nito sa pilyong tono na may pervert na ngiti.

Nainis na talaga ako kaya malakas na sinapak ko ang kanyang balikat dahilan para mapaatras siya. Umungol siya sa sakit at nanlaki ang mga mata habang hinihimas ang kanyang balikat.

“Wag ngayon, crushmate!” Galit na sigaw ko sa gitna ng kinakapos kong hininga.

Ramdam kong marahang hinimas ni kuya Wolverine ang likod ko, “Huminahon ka lang. Baka hindi ka makahinga.”

“Paano ako hihinahon kung naiwan doon si Ceejay!?” Agad kong sumbat sa malakas na boses na naging dahilan para mapunta sa akin ang lahat ng kanilang mga mata, “Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko! Konting overthink nalang at mapaparanoid na ako!”

Nanginginig ang labi ko habang lumalabas ang salita sa bibig ko at nagkusa ulit na tumulo ang luha ko.

Dumistansya sa akin si Almira, gulat at hindi makapaniwala. 1st time ko pa kasi nakaramdam ng matinding panginginig at panlalamig. Yun din ang unang pagkakataon na nagkaganun ako.

Nagkumpulan ang mga students sa harap namin at yung iba ay nagbubulongan habang ang tingin ay nasa amin, to be specific, nasa akin talaga. Mula ulo hanggang paa. Parang tumatagos sa utak ko ang mga tingin nila na pilit nakikichismis sa ano man ang nangyari sa amin.

Hindi ko talaga alam pero parang mas nanginginig ang katawan ko sa mga tingin nila. My eyes are slowly filled with tears dahilan para maging medyo malabo ang paningin ko. Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko at pati malamig na pawis ko sa noo at palad ay hindi humuhupa. My hands are involuntarily shaking as I put it together and swallowed hard.

I stared on Almira. Like a child that lost its way home. She smiled on me with assurance and gently pulled me in for a comforting hug. Malambot niyang tinapik ang likod ko. Ako naman ay tumugon sa yakap niya habang tuloy-tuloy lang ang agos ng luha sa mata ko.

“AAAHH!!”

Isang sigaw ang di inaasahang yumanig sa area namin na mula sa kung saan.

Umikot ang ulo ng mga students para hanapin ang pinagmulan nito. At yung iba naman ay nagtatanong-tanong sa kanilang katabi.

Ako naman na nakayakap kay Almira ay dahan-dahang humiwalay sa kanya. Mas naging weird ang pakiramdam ko. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa mga students na nagmamadaling tumakbo papunta sa unahan, ganun din si Almira.

Mabilis man ang kabog ng puso ko ngunit nagkaroon ng lakas ang aking mga paa upang sundan ang mga students.

Unti-unting bumubuka ang bibig ko kasabay ng pagtulo ng malamig na pawis mula sa noo ko habang papalapit ako sa pinagkakaguluhan ng lahat. Biglang nanigas ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko kasabay ng panginginig ng labi ko.

“Si Clarkson! Nasa loob!!” Halos mabaliw na sigaw ng nakakita.

“Oh my God! Dederetso ang bus sa pang-pang kapag hindi napigilan!”

Samot-saring sigaw ng kung sino ang naririnig ko sa paligid. Dahilan para mas lumakas ang kabog ng puso ko na parang tatalon na mula sa aking rib cage. Yung iba ay natatarantang tumatawag sa kanilang mga cellphones.

Nagpatuloy parin sa paghakbang ang mga paa ko kahit ito’y nangingig hanggang sa makarating ako sa harap. Muntik na talagang mahulog ang mga mata ko ng makita ko si Mj sa loob. Nanginginig ang kamay ko nang sinubsob ko ang aking daliri sa aking bibig habang umiigting ang aking panga. Pawis na pawis ang mga palad ko at halos hindi na ako makahinga sa nakikita ko.

Halos mabaliw si Mj sa loob ng bus. Walang tigil niyang pinaghahampas ang window frame ng bus, sa bandang likod. Kahit tumatagaktak na ang luha niya at pulang-pula na ng mga kamay niya, hindi pa rin siya humihinto.

Pambihira naman!! Wala bang tulong na dadating?! Hindi ko kasi magalaw ang katawan ko. Kahit nga utak ko ay loading. Naging bato na yung anghel niyo.

May parte ng konsensya ko na nagpoprotestang kumilos at gumawa ng paraan. Pero yung paa ko, ayaw humakbang.

Mayamaya ay bigla akong napatalon kasabay ng panlilisik ng mata ko at hinampas kami ng malakas na hangin na may kasamang sandamakmak na alikabok. Lahat sila ay napatakip sa kanilang mukha habang ako naman at bahagyang pinikit ang aking mata at lumingon sa likod.

Isang makapal at itim na usok ang nagbigay ng matinding kilabot sa pakiramdam ko. Lahat ng students ay nagsisisgaw habang nagtatakbo papalayo dito. Ngunit ako na napako ang tingin sa usok ay nanginginig ang bawat ugat sa katawan ko at pakiramdam ko ay hindi na tumitibok ang puso ko. Naging blangko ang isip ko at pakiramdam ko ay binabalotan ako ng panlalamig na naging dahilan ng pagiging bato ko.

Naramdaman kong may humila sa kamay ko pero ang tingin ko ay nasa usok parin.

“Takbo!” Boses ng naguutos ang narinig ko at mukhang itoy nagmamadali.

Nagkusang lumingon ang ulo ko sa kung sino ang humigit ng kamay ko ngunit napunta ang tingin ko sa bus na kung saan natrap si Mj. Tuloy-tuloy parin ang hindi kontroladong andar nito at mas malala pa talaga kung dederetso ito sa pangpang.

Unti-unting bumabasa ang mga mata ko at namumuo ang luha sa gilid nito. Kinakagat ko parin ang aking daliri kahit nanginginig ang labi ko. Napalingon ulit ako sa makapal na usok. Dahil sa hagupit ng hangin ay mas kumapal pa ito at papunta sa aming kinaroroonan ang usok. Mas tumindi pa ng maka-aninag ako ng kulay yellow mula sa itim na usok at mabilis itong kumakalat.

Si Ceejay….

Si Mj…

Sabay ba silang mawawala nang wala akong ginagawa??

Gulong-gulo na talaga ako..

Nabingi ako ng malakas na sigawan ng ilang students na nasa unahan ko na naging dahilan para gumana ang utak ko. Tuluyan na talagang tumigil ang puso ko sa pagtibok at wala na akong malanghap na hangin nang mawala sa paningin ko ang bus. Napabitaw ako sa kung sinong may hawak ng kamay ko at kumaripas sa pagtakbo.

Everyone was horrified. Hindi ko alam kung paano i-spell out ang takot na nasa mukha ng lahat. Maging ako ay nangingibabaw ang takot. At yung iba ay nagtitili dahil sa naguguluhan kung ano ang gagawin.

Kalaonan ay nakaramdam ako ng init sa aking likod. Natigilan ako at biglang tumulo mula sa noo ko ang malamig na pawis. Dahan-dahan akong lumingon at nanindig ang balahibo ko habang malalaglag na sa lupa ang bibig ko ng makita kong kinain na ng apoy ang kalahati ng kakahuyan na pinanggalingan namin.

Tumindi ang panlalamig na naramdaman ko at pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko dahil wala na itong pwersa para alalayan ang katawan ko. Mas bumilis ang kabog ng puso ko na parang naririnig ko na ang bawat tibok nito. Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko alam kung ano gagawin. Hindi ko magawang paganahin ang utak ko.

Umagos ang luha mula sa mata ko nang pinikit ko ito. Kahit nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan ay pinagdikit ko ito. Sinubukan kong hanapin ang kapayapaan na kailangan ko upang makapagisip ng maayos.

Pakiramdam ko ay huminto ang galaw ng mga taong nasa paligid ko. Tila ako lang ang nagiisang taong andon at parang wala akong naririnig, sa kabila ng nakakabinging sigaw ng lahat dahil sa takot.

Kadalasan kong nararamdaman ay ang takot nila sa kamatayan, pero kailangan kong kumalma dahil mas mahihirapan akong hanapin ang kapayapaan sa loob ko kung magpapadali ako.

No rush. Relax and meditate, calmly.

‘If there’s a will, there’s a way.

If its God’s will, it will be.’

My eyes automatically open, with hope inside. I let my instincts get the best of me, as I brace myself and charge in the war I am facing.

I am not allowed to use my angelic powers pero makakagawa pa rin ako ng tama kahit walang kapangyarihan para iligtas ang araw na ito.

Gagawin ko ang sa tingin ko ay tama at maninindigan ako para sa tama. Pinapaubaya ko na sa inyo, Dakilang Panginoon ang lahat.

Let Your will be done on Earth as it is in Heaven.