THIRTY (30)

I felt relief nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos tumalon ako sa sobrang saya sa nararamdaman ko. Lumingon ako kay Mj at nakangiti siya. Nakikita kong nagkaroon ng pag-asa ang bawat kinang ng kanyang mata.

Mayamaya ay nagtama ang tingin namin. Pandalian kaming nagkatitigan at mayamaya ay nagkapalitan kami ng ngiti. We both giggled as we look up and closed our eyes. Dinadama ko ang bawat patak ng ulan na pupatak sa aking mukha.

Kalaonan ay nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit sa amin. At habang papalapit ng papalapit ang mga ito sa aming kinaroroonan ay biglang sumubsob ang mukha ko sa putik. At nakaramdam din ako ng biglang pagbigat ng likod ko.

“Crushmate! Akala ko talaga hindi na kita makikita!” Nakaramdam ako ng sabik sa boses ni Almira habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko at nakadagan sa likod ko.

“Ang bigat mo, crushmate!” Sigaw ko kahit halos mapaos na ang aking boses.

Agad naman akong naramdaman ng pag-gaan ng aking likod kaya agad na akong tumayo at lumingon sa kanya.

Nakikita ko sa kanyang likuran na papalapit ang mga schoolmates at classmates namin. Pati mga schoolmates ni Mj. Sa sobrang saya nila, nagtatawanan sila habang basang-basa silang lahat. Yung iba pa nga nagrain dance, mala-Sarah G. Mukhang nageenjoy ang lahat na umulan at naghaharutan pa nga yung ilan.

Nakabungisngis akong nakatingin sa lahat. Pinagmamasdan ko ang bawat ngiti nila habang patuloy parin ang kanilang kulitan at tawanan sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Kung pwede lang talaga na pag-ibig at kaligayahan ang isipin ng bawat isa sa mundo. Malamang, may pag-asa pa itong maging paraiso ulit.

Hindi ko namalayan, nakaramdam ako ng yakap mula sa likod dahilan upang bahagyang manginig ako. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking likod upang makita ang mukha ni Mj na nakasandal sa balikat ko. Maaliwalas ang mukha niya at wala akong nakikitang takot kahit namumutla pa rin siya.

“Salamat, Rhea.” Mahina at sinsero ang kanyang tono, “Hindi talaga pumasok sa isip ko na ililigtas mo ako.”

Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa akin dahilan upang iangat niya ang kanyang ulo mula sa balikat ko bago ako humarap sa kanya.

Nakangiti siya. Isang maaliwalas na ngiti na puno ng nakatagong emosyon. Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto na may tipid na ngiti. Kalaonan ay binaba niya ang kanyang tingin saka pinagdikit ang kanyang kamay.

“Bakit mo nga pala ako tinulungan? Mukhang ayaw mo nga akong kausapin.” Halos siya lang ang nakarinig sa kanyang sinabi habang pinaglalaruan niya ang kanyang sariling mga daliri.

“Kailangan ko ba ng dahilan para tumulong?” Mahinahon kong sagot.

Mabilis na naiangat niya ang kanyang tingin at tumama ito sa aking mata. Nahagilap ng mata ko ang konting luha na namumuo sa gilid ng mata niya. Lumunok siya upang mapigilan ang pagtulo nito saka ngumiti.

“Kung wala man akong dahilan para tulungan ka, hindi parin yun sapat para panoorin kitang mawala sa mundo.” Pagpapatuloy ko sa pinakasensirong tono ng boses ko.

Nakangiti man siya, tumulo parin ang luha mula sa kanyang mga mata at napayakap siya sa akin ng sobrang higpit.

Bahagya akong napaatras. She caught me off guard twice. Pero imbis magprotesta ako, I had this warm feeling while she’s in my chest. Gumaan ang pakiramdam ko na parang nilipad ng hangin ang lahat ng bitterness na meron ako kanina lang.

Unintentionally, dahan-dahang gumalaw ang kamay ko at napunta sa likod niya. Namalayan ko nalang na nagkusang tinatapik nito ang kanyang likod. Bigla atang naging komportable ang pakiramdam ko.

“Crushmate, si Mj ba yang kayakap mo?” Nakarinig ako ng pangungusisa.

Bago pa man ako makalingon, humiwalay sa akin si Mj at naunang tumingin sa likuran ko.

“Almira?” Pagtataka ni Mj.

Magkakilala sila?? Hindi ko ata alam..

“Ikaw nga.” Nangising sagot naman ni Almira, “Kamusta ka na?”

“Magkakilala kayo?” Sumingit ako bago pa man makasagot si Mj, habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

“Oo.” Tuwang-tuwa pa si Almira, “Ex kaya siya ni Jc.”

Tumango naman si Mj na may kasamang ngiti. Habang ako naman ay nasa kalagitnaan pa rin ng pagiisip.

Oo nga pala. Nabanggit pala ni Jc na naging Ex niya si Mj. Noong nasa kalagitnaan kami ng 10 questions with the influence of Scotch.

“Hoy, Castino!”

Magkasabay kaming lahat na napalingon sa kung sino man ang tumawag sa akin. At sa di ko maintindihan ay biglang bumilis ang kabog ng puso ko.

Bumungat sa harap ko mula sa kung saan si Renzo, hinihingal at mahirap ipaliwanag ang kanyang hitsura.

“Nakita mo na si Gonzaga?” Usal niya habang hinahabol niya ang kanyang hininga.

I froze as my heartbeat stopped.

Si Ceejay nga pala…

Automatiko akong napalingon sa kakahuyan na kanina ay kinain ng apoy. Natatabunan ito ng hamog na dulot ng malakas na ulan ngunit nakakakita parin ako ng itim na usok mula dito.

Halos lalabas na ng aking rib cage ang aking puso at nagsimula na namang pagpawisan ng malamig ang mga palad ko. Napalunok ako nang sumagi sa isip ko ang pangalan ni Ceejay. Nagsimula na namang mamuo ang luha sa gilid ng aking mata dulot ng kung anu-anong posibilidad na pumapasok sa isip ko.

Bago pa man ako maparanoid sa kakaoverthink ay kumaripas na ako sa pagtakbo, pabalik sa kakahuyan kung saan kami nanggaling kanina. Sinugod ko ang liblib na kakahuyan upang hanapin ang taong nagpaintindi sa akin ng salitang kapatid.

“Ceejay!!!” Sigaw ko habang nililingon ang paligid at panay ang walang tigil na pagtakbo.

Makulimlim ang paligid lalo pa’t malakas ang ulan at walang humpay ang usok na bumabalot nito. The deeper I ran in the forest, the darker it gets. Making my heart raced like crazy. Wala akong masyadong maaninag dahil sa hamog and only silhouette of the trees ang tangi kong nakikita.

“Ceejay!!”

“Ceejay!!!”

I made it louder. But my lips started to tremble. Knots slowly forming in my throat and tears escaped from my eyes. I was having difficulties to breathe but I didn’t stop running. I know he was here somewhere. I can feel it. Hanging on the single strand of hope I had.

Accidentally, my foot bumped into something. Strong enough to make me fell on the ground. My arms were shaking as I leaned them on the ground to support my weight. Though my knees don’t have enough strength to stood, pinilit ko paring tumayo ngunit sumubsob ulit ang mukha ko sa lupa.

“Ceejay!!”

Humagulhol ako sa pagiyak habang hinahampas ang lupa. Diniin ko ang aking noo dito habang patuloy ang agos ng aking luha mula sa mata. Napaupo ako at nilingon ang paligid.

Wala akong ibang makita kundi hamog at itim na usok. Hindi rin malinaw sa aking paningin ang mga punong kahoy sa unahan.

Hindi ko na ba talaga makikita si Ceejay? Ang unfair naman. Nagtalo pa naman kami noong huli kaming nagusap.

I closed my eyes as I took heavy deep breathes. Nahihirapan na akong huminga at sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso, I could even hear every single beat of it. My fist slowly clenching as I gritted my teeth and squeezed my eyes.

I did my best to save the day but why it had to turn out like this?

“Umiiyak ka ba?” I heard a familiar voice behind me.

Nanlisik ang aking mga mata ng bigla akong napadilat. Isang boses na kilalang-kilala ko ang nagpatigil ng aking mundo. Mas lalong bumilis ang kabog ng aking puso nang hindi ko namalayang huminto ako sa paghinga. Nagdadalawang-isip akong lumingon o baka naman kasi imagination ko lang.

“Tumayo ka na nga jan.” Pagpapatuloy nito sa mahinahong tono saka inabot ang aking kamay, “Hindi bagay sayo ang magdrama.”

Nagkusang tumayo ang aking mga paa ng hilahin niya ako. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para humarap sa kanya at titigan siya sa mukha.

Kahit puno ng putik ang kanyang mukha at tila basahan ang suot niya, nakilala ko parin siya. Dahil sa makinang at nakakabihag niyang ngiti.

Naluluha pa rin ako nang ngumiti rin ako sa kanya. Nakikita kong tuwang-tuwa siya na makita ako at ganun din ako sa kanya. Hindi na ako nagpigil pa at sumugod ako sa kanya para yakapin siya ng sobrang higpit.

Ngunit bigla ko siyang naitulak kasabay ng aking pagatras nang makaramdam ako ng kung anong matulis na tumusok sa dibdib ko. Kumunot ang aking noo kasabay ng pagungol ko sa sakit. Napahawak ako sa aking dibdib at diin dito ang aking kamay.

“Galit ka parin ba?” Aniya na puno ng pagtataka.

“Hindi yun….” Sagot ko habang nagpipigil huminga.

Bukod sa ulan, nakaramdam din ako ng malapot sa aking palad. Nakanganga ako ng dahan-dahan kong tiningnan ang aking palad. Muntik ng malalag ang aking mata ng masaksihan ko ang nasa aking palad.

Dugo? M-May dugo sa palad ko?

Nanginginig ang aking kamay habang tinititigan ko ito. At dahil naging bato na ako at napako na ang aking tingin sa aking palad, mabilis na lumapit siya sa akin.

Kunot ang noo niyang kinuha ang aking kamay at tinignan ang aking palad. Mayamaya lumipat ang kanyang tingin sa dibdib ko.

“Ano bang ginawa mo, Rhea? Magpapakamatay ka ba?” Sunod-sunod niyang tanong habang matulis ang tingin niya sa akin.

Inis kong binawi ang aking kamay mula sa kanya at tinapatan ang kanyang tingin, “Bumalik lang naman ako dito sa kakahuyan para hanapin ka kahit alam kong pwede akong mamatay. Tapos may gana ka pang magalit?”

Naging mahina at malalim ang aking boses dahil sa hindi inaasahang pagtulo ng aking luha. He hissed as he gritted his teeth with a sharpen stare on my eyes.

“Sino ba kasing hindi magaalala sa sitwasyon mo? Tignan mo nga yang dibdib mo, parang gripo kung umagos ang dugo!” Sermon pa niya sa matulis na boses.

“Kung hindi ka lang kasi lalampa-lampa tumakbo, hindi ka sana mapapahamak!” Sumbat ko pa sa kanya sa mataas na tono.

Pinilit kong maging matigas kahit naluluha pa rin ako.

He hissed as his jaw clenched, “Kung hindi ka rin lang pumunta dito, hindi rin sana ako mapupunta dito!”

Nagkusang kumurap ang aking mata kasabay ng pagnganga ng aking bibig, “Sinabi ko bang sumunod ka!?”

Umigting ang kanyang panga habang mas lalong sumasama ang tingin niya sa akin. Nanginginig naman ang aking labi na nakatitig sa kanya habang patuloy sa pagagos ng luha ko mula sa aking mata.

“Tang-ina! Tumigil ka nga sa pagiyak! Naiinis ako!” Sigaw nito sa akin. Lantad ang inis sa kanyang tono.

“Magalit ka sa sarili mo!” Sigaw ko pero nawala yung boses ko sa kalagitnaan. Agad ko naman siyang tinalikuran at naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig.

I heard him sighed, “Ako na nga itong concern sayo, ang sungit mo pa.” Biglang naging mahinahon ang kanyang boses, “Buti ka pa nga, may concern sayo. Ewan ko lang sa akin.”

Nakakainis ka talaga, Ceejay at nakakaubos ng pasensya.

Bahagya ko lamang siyang nilingon, “Sira ka talaga, Ceejay. Babalikan ba kita dito kung hindi ako concern sayo?”

Inalis ko na ang aking tingin sa kanya. I shut my eyes as I rub my fingers against my forehead.

Nakakainis kang mokong ka…

“Idiin mo ito sa iyong dibdib para tumigil ang pagdugo.” Utos nito sa mahinang tono.

Binuka ko ang aking mata at bumungat sa harap ko ang kamay niyang may hawak na maruming damit niya. Nanlaki ang aking mga mata ng lumingon ako sa kanya.

Imbis na sa mukha niya, dumeretso ang tingin ko sa hubad niyang katawan at nagkusa itong suriin ang katawan niya. Hindi naman siya ganun kamaskulado at hindi rin siya ganun kataba. Katamtaman lang ang katawan niya at kahit wala siyang abs, hindi rin naman malaki ang tiyan niya.

Bago pa mapunta sa kung saan ang aking mga mata ay mabilis kong kinuha ang kanyang damit at diniin ito sa aking mukha.

Narinig kong nagsmirk siya kaya mas binaon ko ang aking mukha sa damit.

“Sa dibdib mo diin, hindi sa mukha.” Pangaasar pa nito.

Naging hilaw yung ngiti ko nang inalis ko yung damit sa aking mukha at diniin ito sa aking dibdib, nang hindi tumitingin sa kanya. Naramdaman ko tuloy na dahan-dahang umiinit ang pisngi ko.

Mayamaya ay pumunta siya sa harap ko at lumuhod na nakatalikod. Ako naman ay mabilis na nilihis ang tingin sa kanya.

“Sumampa ka na sa likod ko.” Utos nito.

“Ayoko!” Maiksi kong sagot saka tinalikuran siya.

Akmang hahakbang na sana ako ng mahuli niya ang aking kamay at agad akong napatingin sa kanya. Pandaliang napunta ang mata ko sa katawan niya ngunit agad ko naman itong binawi.

“Gusto mo bang sumalangit?” Sarkastikong pagkakasabi niya.

“Matagal na akong sumalangit.” Biglang lumabas ang salita sa bibig ko ng hindi sinusuri ng aking isip.

Tinalikuran ko ulit siya ngunit hinila niya ang aking kamay na kanyang hawak bago pa ako makahakbang kaya napalingon ulit ako sa kanya.

This time, nakafocus na talaga sa mata niyang matulis ang tingin sa akin.

“Sira ka ba? Kung panay ang lakad mo habang umaagos ang dugo jan sa dibdib mo, hindi pa tayo nakakarating sa camping area, ubos na ang dugo mo.” Sermon na naman niya.

Hindi naman ako mortal kaya hindi ako mauubusan ng dugo. Pero bakit nga ba may dugo ako??

Hindi na nagawang makipagtalo ng bibig ko at napatikom ito dahil sa sama ng tingin niya sa akin. Napalunok nalang ako habang pinagmamasdan siyang lumuhod ulit sa aking harap na nakatalikod. Dahan-dahan naman akong sumampa sa likod niya. Nilagay ko ang aking braso sa kanyang leeg habang nakalocked ang magkabilang paa ko sa dalawang braso niya.

Pero parang may kakaiba kay Ceejay na hindi ko maipaliwanag. Hindi pa rin humuhupa ang bilis ng kabog ng puso ko kahit nasa harap ko na siya at pasan niya pa ako sa kanyang likod. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit.

Baka naman kailangan ko lang ng pahinga. Sa dami pa namang nangyari sa araw na ito. Malamang ayoko na magtree planting. Trauma na ako.

-End of Rhea’s POV –

Bakit ang dilim ng paligid?? Nasan ba ako?

At anong lugar ito? Bakit wala akong ibang makita kundi itim. At hindi ko rin magalaw ang katawan ko. Parang tumitigas. Ni hindi ko nga maramdaman.

Nanlisik ang aking mga mata ng makakita ako ng maliit na kulay yellow na lumutang sa harap ko.

Nagsimulang tumindig ang balahibo ko ng may lumutang na bungo sa tabi ng kulay yellow. Nagsimula na ring bumilis ang kabog ng puso ko ng lumitaw ang isang putting kandila sa ilalim ng kulay yellow. At may nakaukit dito na…. Pangalan ko????

My heart raced randomly as I gasped. A cold sweat broke from my forehead as chills started to get in my nerves. My whole body was shaking as I thought of where I could possibly be.

Please.. Let this be just a nightmare. Ayokong maging totoo ito at ayokong maniwala na totoo ito…