TWENTY-SEVEN (27)
-Rhea’s POV –
Parang bulkan na sumabog ang puso ko ng makarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa kung saang parte ng kakahuyan na kinaroroonan namin. Unti-unting tumatayo ang balahibo ko sa leeg kasabay ng malamig na awra na umaakyat sa katawan ko. Napalunok naman ako ng masundan naman ito ng isa pang pagsabog. Nagsimula na rin akong pagpawisan ng malamig sa kamay.
Kaming lahat ay kanya-kanyang tingin sa paligid upang alamin kung saan ito nanggaling. Halatang hindi mapakali.
“Hoy… Ano yun?” Takot na usal ni Renzo sa ilalim ng kanyang malalim na paghinga habang panay na iniikot ng kanyang mga mata ang paligid.
Sunod kung nasaksihan ang dahan-dahang pagtumba ng ilang punong kahoy sa paligid namin. Dahilan para magpanic na talaga ako. Nanlaki naman ang mga mata ng kasama ko habang pinagmamasdan ang bawat pagbagsak ng kahoy.
“Illegal loggers.” Aniya ni Ceejay bago niya inunat ang kanyang kamay sa aking likod at pinulupot sa balikat ko.
“Mukhang dinamita ang gamit nila.” Dugtong ko saka inalis ang kamay niya sa balikat ko.
Akmang tatalikuran ko na sana siya nang muli niyang kinabig ang braso ko ngunit bago pa humigpit ang pagkakahawak niya ay mabilis kong inalis ito.
“Pupuntahan at titignan ko.” Pagdidiin ko at bago pa niya ulit ako mahawakan ay agad akong tumakbo papunta sa huling kahoy na nakita kong natumba.
Nahagilap pa ng mata ko ang pagbuka ng bibig niya at noong sinubukan niyang abotin ang kamay ko ngunit huli na dahil nakalayo na ako sa kanya.
Pinagpapawisan ng malamig ang noo ko at nanginginig ang kamay ko sa nangyayari. Masama ang kutob ko at sa sobrang sama ay hindi ako mapakali at kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko dahilan para mabaliw ang utak ko. Pero kailangan kong kumalma at baka mapahamak pa ako dahil hindi ako makapagisip ng matino.
Nahinto ako sa pagtakbo kasabay na natulala ng matuntun ko ang mga kahoy na preskong natumba. Nagkalat ito sa kung saan at ang ibang punong kahoy na nakatayo pa ay may nakataling lubid na may kung ano sa gitna nito na binabalutan ng kulay brown na papel. Nakatambak naman sa kabilang parte ang mga sanga na pinutol kasama ng mga lantang dahon. Buti nalang at walang tao.
Hinahabol ko ang aking hininga ng maramdaman ko sila Ceejay sa likod ko. Hingal na hingal ako sa pagmamadali at tagaktak ang pawis sa noo ko. Pare-pareho silang hinihingal at nagulat din sila nang makita ang natatanaw ko.
“Kailangan na nating bumalik sa camping area. Delikado dito.” Halos hindi makahinga si Renzo nang sabihin niya ito.
“Oo nga, dota girl. Mapapahamak tayo kapag nakita nilang may nakakita sa kanila.” Dugtong pa ni Novrine, yung tinawag kong wolverine.
“Kayo nalang ---” Sagot ko kasabay ng pagharap sa kanila ngunit bago ko pa man madugtungan ang sinabi ko, sumabat agad si Ceejay.
“Sira! Alam mo ba kung gaano kalaking kaso ang illegal logging? Kapag nakita nila tayo swerte lang kung buhayin nila tayo. Eh kung dispatshahin nila tayo?” Naiinis na paliwanag ni Ceejay na tunog agresibo.
Sumagi na rin yan sa isip ko bago pa man ako pumunta dito. Pero kailangan ko itong pigilan bago pa man mauwi ito sa kung saan.
“Mamaya na kayo magdebate. Kailangan natin magtago.” Natataranta si Renzo nang may kung ano siyang nakita sa di kalayuan.
Pagkatapos niyang magsalita ay agad siyang tumakbo sa pinakamalapit na puno para magtago, ganun din sila Vincent at Novrine ngunit magkakahiwalay. Lumingon muna ako sa tiningnan kanina ni Renzo bago ako mabilis na hinila ni Ceejay para magtago. Nakasandal ang likod niya sa puno habang ako naman ay nakasubsub sa dibdib niya at mahigpit na yakap niya.
Buti nalang sobrang laki ng katawan ng puno na hindi kayang yakapin ng ilang tao kaya hindi talaga makikita kung may magtatago dito.
Nakarinig ako ng ilang pares ng mga paa papalapit sa kinaroonan namin. Habang papalapit sila, mas lalong bumibilis ang kabog ng puso ko na walang paglalagyan sa kaba. Bahagyang inangat ko ang ulo ko at nakitang ko ang pagbago ng emosyon ni Ceejay sa mukha. Kahit mukha siyang agresibo, nababasa ko sa mata niya na natatakot at kinakabahan siya. Yumuko ulit ako at sinubsub ang mukha ko sa dibdib niya at tumugon sa yakap niya.
“Tapusin na natin ito at nang makapagpahinga tayo.” Utos ng isang andon na narinig ko.
“Oh nga. Gutom na rin ako.” Sagot naman ng kasama nito.
Nakarinig ako ng mahinang tunog ng kung ano galing sa likod ng punong pinagtataguan namin.
Kasunod ng tunog na yun ay isang malakas na kung anong sumabog na halos bumutas sa eardrums ko. Hinigpitan ni Ceejay ang kanyang yakap nang manginig ako sa gulat.
Mayamaya ay nakarinig ako ng kung anong sunod-sunod na malakas na pitik na tila may kung anong nababali na malapit lang sa amin. Namutla ako nang dahan-dahan ko itong nilingon. Unti-unting gumegewang ang punong kahoy na nasa tabi lang namin. At mukhang sasalpuk ito sa amin?!
Nanigas ang buong katawan ko na parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. My lips are shaking and I can feel chills dominating my body. My heart skips a beat as I stare on it, mindlessly. Naku! Mamamatay na naman ba ako sa pangalawang pagkakataon? X_X
Buti nalang alerto si Ceejay kaya mabilis siyang tumakbo kasabay ng paghila ng kamay ko. Pero naghahang parin ang utak ko at ayaw magfunction. At sa sobrang laki ng punong sasalpok, pati sila Novrine ay lumabas din sa punong pinagtataguan nila dahil siguradong aabot ito sa kanila. Nagpapanic sila habang nagtatakbo at kami naman ni Ceejay ay natataranta, habang ako naman ay pinagpapawisan ng malamig. Tumatakbo lang ako na wala sa pagiisip.
Nilipad ako ng malakas na hangin sa kalagitnaan ng pagtatakbo at hinampas ng isang katerbang alikabok. Bahagyang pinikit ko ang aking mata at dali-daling hinawi ang alikabok na nasa mukha ko. But I am so terrified when I can’t feel his hand, touching my wrist. My eyes widen and my shaky lips are hang open as I turn back.
Sumalpok sa lupa ang dambuhalang puno at mas malala pa, hindi nakikita ng mata ko si Ceejay.
Naguguluhan kong ginala ang aking paningin at napaparanoid na ang utak ko sa posibleng nangyari sa kanya. Hindi ako makahinga ng maayos at masyadong nanginginig ang tuhod ko para manatili akong nakatayo. Kaya nagkusang bumagsak ito sa lupa.
“Dali na, dota girl.” Naiinip na utos ni Novrine saka hinila ang kamay ko para tumayo.
Pero parang nawalan ng lakas ang buong katawan ko kaya hindi ko magawang iangat ang sarili ko. Tulala akong nakakatitig sa puno habang nakanganga parin ang bibig ko. Patuloy parin akong hinihila ni kuya Wolverine pero pakiramdam ko, tuluyan na talagang naging bato ang katawan ko.
“Bilis! Bago nila malaman na andito tayo.” Narinig ko ang boses ni Vincent sa kabilang parte ng kamay ko na hinihila ito.
Dalawa na silang pinagtulungan akong hilahin kaya nagkusang tumayo ang mga paa ko at matamlay na tumakbo. Blangko ang isip kong nakasabay sa kanila. Tuluyang nawala ang lahat ng lakas ko para gumalaw, kahit man lang ihakbang ang aking paa. Nanginginig parin ang tuhod ko at nanlalamig ang katawan ko dahilan para pagpawisan ang palad ko.
Sa kalagitnaan ay nagkusang bumagsak ang tuhod ko sa lupa kasama ang kamay ko. Nakatulala akong nakatitig dito at hindi ko namalayang may tumulong luha mula sa mata ko. Dinig kong huminto sila sa pagtakbo at ramdam ko ang tingin nila sa akin.
“Castino, naman..” Hinihingal na sambit ni Vincent habang hinabol ang kanyang hininga.
Dinig ko ang mga hakbang niyang nagdadabog papalapit sa akin. Saka muling inabot ang kamay ko at malakas na hinila ito para tumayo ako.
Agad ko naman siyang tinulak nang bumalik ang mga paa ko sa lupa at kinakabahang lumunok.
“H-hindi natin pwedeng iwan si C-Ceejay.” Nahihirapan akong magsimula ng salita dahil sa gaspang ng lalamunan ko. Hindi ko nga marinig ang sariling boses ko.
“Pare-pareho tayong mapapahamak kung babalikan natin siya.” Madiin na sumbat ni Renzo, “Kailangan nating makabalik sa camping area upang makahingi ng tulong.”
Hindi ako makapagsalita dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Ang gaspang din ng lalamunan ko kaya nahihirapan akong ibuka ang aking bibig. Lumunok muna ako at pinilit makipagdebate kahit nangingig ang labi ko.
“A-Ako..” I mouthed as a tear escape from my eye, “Babalik ako. B-balikan ko siya. Ka-kasalanan ko kasi sobrang bitter ko.... sa step-sister ko kaya.. napunta kami dito.” Hindi ko alam kung may tunog ba ang bawat salitang binitawan ko kasi wala akong naririnig, at pautal-utal akong magsalita dahil sa gaspang ng lalamunan ko.
“Mamaya ka na magdrama. Kumilos ka nalang.” Utos ni Vincent bago niya malakas na hinila ulit ang kamay ko at pwersahan akong pinalakad.
-Ceejay’s POV –
Patay na ba ako?
Bakit ang dilim?
Ugh!
Umungol ako sa sakit ng makaramdam ako ng kung anong pumipigil sa pag. galaw ng katawan ko at hindi maipaliwanag na sakit. Sinubukan kong sumigaw but only whimper comes out. Something’s blocking my mouth.
Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nagulantang ako sa kung anong bumungat sa akin.
Nahiga ako sa ibabaw ng isang katerbang dahon na lanta at may kaunting mga sanga. Nakatali ang kamay ko sa aking likod at nakabaluktot ang mga paa kong nakatali din. Sinubukan kong magpumiglas ngunit pakiramdam ko ay masasakal ako kapag pinilit kong ituwid ang paa ko. Parang may tali na nakatali sa leeg ko na connected sa paa ko. Lagot na. Nakakangawit pa naman ang laging nabaluktot ang paa.
Paano nga ba ako nakarating dito?
Pinilit kong paganahin ang naguguluhang utak ko hanggang sa may alaalang pumasok dito.
Nadaganan pala ako ng kahoy at naipit ang takong ng paa ko sa sanga nito saka nag. passed out. Dahan-dahan kong niyuko ang ulo ko, baka kasi masakal ako, upang makita ang paa ko. Hindi ko siya masyadong makita kasi kapag napasobra ng tuwid ang paa ko, masasakal ako. Kahit hindi ko makita, nakakaramdam ako ng sakit kapag ginalaw ko ito, kahit konti.
Buti nalang nabuhay pa ako. Akala ko talaga hindi ko na makikita si Rhea.
Sila Rhea kaya? Sana naman nakabalik sila sa camping area.
Walang katao-tao sa paligid at sobrang tahimik. Ngunit hindi naman ako makasigaw kasi may nakaharang sa bibig ko. Inikot ko ang aking paningin sa pagaakalang may magamit ako na kung ano sa sitwasyon ko.
Ngunit kinilabot ako sa aking nasaksihan. May kunting itim na usok na lumabas mula sa nakatambak na mga dahon at mabilis itong kumapal. Nanginginig ang katawan ko at pakiramdam ko ay naliligo ng malamig na pawis ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa takot at halos lalabas na ng rib cage ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Naging bato ako sa aking kinalalagyan habang unti-unting kinain ng takot ang buong pagiisip ko.
Mas lalo akong nagimbal ng makakita ako ng color yellow mula sa itim na usok. Dahilan upang mas kumapal ang usok sa paligid at mas bumilis ang pagkalat nito.
I scream at the top of my lungs but only a whimper comes out. I even cried out it but I can’t even hear my own voice.
Nangyayari ba talaga ito?
Paano nalang si Rhea?? Hindi ko na ba siya makikita? Kahit kailan?