Twenty-Six

Nakahiga ako sa balikat ni Ceejay habang nasa byahe kami. Hawak niya ang kamay ko habang nasa labas ang tingin ko. Malapit sa bintana ako nakaupo habang siya naman sa kabilang banda.

Hindi parin ako mapakali matapos makakita ng panibagong pangitain. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa tree planting na ito. Pero gagawin ko ang lahat upang matapos ang araw na ito na hindi nasisira at walang mapapahamak.

Alam kong malapit na ring mamatay sa curiousity si Ceejay kasi hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. At hinahaplos niya ang kamay kong nakakulong sa dalawang kamay niya. Hindi kasi ako nagsasalita simula ng makita ko ang pangitaing yun. Kinakabahan kasi ako.

Matapos ang mahigit isang oras na byahe ay huminto na ang bus. Pinangunahan ni Ma’am MC ang pagbaba sa bus at sumunod na rin ang ilang mga students.

Hindi ko parin inaalis ang ulo ko sa balikat ni Ceejay kaya maingat niyang hinawakan ang pisngi ko, dahilan para maiangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.

Nakikita at nararamdaman kong nagaalala siya sa akin at mukhang nagsisisi siya kung bakit pa kami sumama sa tree planting. Pwede namang kumuha kami ng written exam para sa prelim. Siguro sa biglang pagbago ng mood ko. Hindi ko din naman kasi maiwasang magalala. Hindi lang sa kanya, kundi sa kasama rin namin.

Tipid akong ngumiti sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Assurance na okay lang ako.

“Bumaba na tayo?” Sinubukan kong ibalik ang mood ko kanina.

“Sigurado ka? Pwede naman tayong bumalik sa school at magtake ng written exam kung hindi ka komportable.” Pagdadalawang isip pa nito.

“As in?” Tinitigan ko siya ng seryoso, “Tara, bumalik na tayo. Magtake nalang ako ng written exam.”

Bahagya siyang ngumiti, “Babalik ka talaga kahit andito na tayo?”

Nagpipigil akong tumawa pero hindi ko maiwasang mapangisi, “Tinatanong mo ako di ba? Tumayo ka na jan.”

Agad akong tumayo at hinila ang kamay niya kaya napatayo na rin siya. Pero mas malakas ang hila niya kaya bigla akong dumikit sa dibdib niya at ginapos ang kamay niya sa bewang ko.

“Pilosopo ka talaga.” Natatawa nitong saad.

Sa ngiti niya, batid kong kumalma na siya dahil nakita niya na rin akong ngumiti at bumalik na yung mood ko kanina. Napakagenuine talaga ng ngiti niya. Yung tipong hindi ka magsasawa kahit 24 hours mong titigan.

Magkasabay kaming umagikhik bago bumaba ng bus. Nagkumpulan na ang mga students sa harap ni Ma’am MC at iba pang NSTP Instructors. Nakaagaw ng atensyon ko ang tatlong bus na medyo may kalayuan sa amin. Hindi kapareho ng kulay sa bus namin at dalawa lang din ang bus na naghatid sa amin.

Ibang school? Hindi lang kami ang magtree planting dito?

“Hello, students. Welcome to Inayangan, Calinan.” Panimulang pagbati ni Ma’am MC, “Siguro may ilan sa inyo na dabawenyo at dabawenya ngunit hindi pa nakakapunta dito. But today we are here to recover some certain areas na madalas inaabuso ng mga illegal loggers.” Paliwanag nito.

“But first, lets go to our camping area.” Excited na dugtong naman ni Ma’am Shirley.

Pinangunahan ng NSTP Instructors ang paglalakad papunta sa camping area namin. Bukod sa mga Instructors, excited ang nga students sa gagawin namin at naririnig kong nagbubulong-bulongan sila habang naglalakad.

Nakikiramdam ako sa paligid habang naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan. Kahit well-develop na ang Davao, meron pa rin pa lang certain places na virgin area. Yung tipong, kagubatan pa talaga at walang gaanong nakatira.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, nakalabas kami ng kakahuyan at nakarating sa isang malawak na lugar na walang ni isang puno. Wala kahit mga damo. Ngunit sa unahan, may mga students rin na mukhang galing sa ibang school na nagtatanim. Ang ganda ng view mula dito, makikita mo ang buong kabukiran na kulay green at ang clouds na nakapalibot dito. Ilan sa mga students ay huminto sa paglalakad upang mapagmasdan ito at kumukuha pa ng picture yung iba.

Ako naman ay patuloy lang sa paglalakad habang pinagmamasdan ang ganda ng kabukiran.

“So dito tayo magtatanim ng seedlings, pero sa bandang unahan. Mga ilang hakbang nalang.” Paliwanag naman ni Ma’am Shirley habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.

“Rhea!”

Narinig kong may tumawag sa akin kaya naman agad akong napalingon sa likod ko. Huminto rin si Ceejay at tumingin sa dereksyon kung saan ako nakatingin.

Lumitaw sa harap ko ang taong ayokong makita dahil alam kong pwedeng lumala ang hangover ko. Pero mukhang tuwang-tuwa naman siyang makita ako at nakangisi pa siyang naglalakad papalapit sa akin.

Teka nga, ano nga ba ang ginagawa niya dito?

“Tree planting niyo rin ba?” Excited niyang tanong at halatang kumikinang ang mata niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya bago tumango at tumingin sa ibang dereksyon.

“Talaga? Gawin natin yung best natin para mabuhay ang mga seedlings alang-alang kay mother-nature.” Tuwang-tuwa siya sa pinagsasabi niya habang ako naman ay naiirita sa boses niya.

Ni hindi nga ako sumagot sa sinabi niya o kahit lumingon man lang. Kahit nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya at nagaabang ng sagot mula sa akin.

“Magkakilala kayo?” Pangungusisa pa ni Ceejay.

“Opo. Mary Jane Castino ang---”

“Clarkson!” Sumbat ko sa mataas na boses, “Pati apelyedo ko aagawin mo? Inagaw na nga ng papa mo, ang mama ko! Kapal din ng mukha mo!”

“Rhea… Huminahon ka nga.” Sita ni Ceejay sa akin sa mahinang tono na halos pabulong, “Pinagtitinginan tayo.”

Bahagyang ginalaw ko ang mata ko sa paligid at yung mga nakarinig sa amin ay nakatingin na may kasamang bulungan. Halatang lahat sila nagtataka.

Huminga ako ng malalim para kontrolin ang inis na meron ako at baka sumabog ako na wala sa oras.

“Tatandaan mo ito, Mj. Hindi kita kapatid at kahit kailan, hinding-hindi kita magiging kapatid.” Mahina at madiin kong pagkakasabi na tunog nagbabanta.

Napulunok siya sa sinabi ko at nakikita kong bumabasa ang gilid ng mata niya. Ang drama naman niya. Dapat asahan niya na yun.

Bago pa siya tuluyang magdrama sa harap ko, tinalikuran ko na siya at tumuloy na sa paglalakad para humabol sa mga schoolmates kong nasa unahan na.

-Third Person’s POV –

Sa bilis ng lakad ni Rhea, saglit na tumakbo si Ceejay para maabutan siya. Hinarang niya ang harap nito dahilan para huminto siya sa paglalakad at titigan siya nito ng sobrang sama.

“Anong klaseng ugali yan?” Mahinahon nitong sita sa dalaga, “Kinausap ka ng maayos tapos gagaspang ka?”

“Wala kang paki.” Pinandilatan naman ito ng dalaga bago nilagpasan.

Ngunit bago pa man siya makalusot sa harap ng binata ay agad na kinabig niya ang kamay nito upang pigilan siya sa paglalakad. Kaya agad namang lumingon ang dalaga sa kanya na nakasimangot.

“Hindi ko alam kung anong problema niyong dalawa pero wag niyo naman sana dalhin dito.” Seryosong pahayag ng binata.

Mas lalong sumimangot ang mukha ni Rhea, “Family issues kaya wag ka nang makialam.”

Sinubukang kalasin ni Rhea ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng binata but he tightened his grip.

“Pero sana naman, kausapin mo ng maayos dahil humarap siya ng maayos sayo.” Tugon nito sa malalim niyang boses.

“Sino ka ba sa tingin mo para pagsabihin ako?” Mahina pero matulis na sabi ng dalaga na may kasamang panliliit ng mata.

“Future husband mo.” Pagmamayabang niya, “Parte na ako ng buhay at pamilya mo kaya utang na loob naman, Rhea. Makinig ka kapag pinagsasabihan.”

Kumulo na talaga ang dugo ng dalaga at unti-unting nandidilim ang paningin nito.

Hindi na nito napigilan ang inis na namumuo sa kanyang dibdib at hinayaan na nitong kainin ang isip at bibig niya. Nawalan siya ng kontrol sa kanyang bibig at nagkusang lumabas ang mga salita na hindi dumadaan sa pagsusuri ng utak niya.

“Sorry, soon-to-be-husband of my life. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko at halikan ang lupa, hinding-hindi siya magiging kapatid ko. Sinira ng ama niya ang pamilya namin at bunga siya ng isang kasalanan!” Naging marahas at magaspang ang mga salitang nabitawan ni Rhea.

“Itigil mo yan.” Pigil ang boses ng binata, “Wag ka nang magbitaw ng salitang mas masakit pa jan. Kapag nagtuloy-tuloy yan sa paglabas jan sa bibig mo hinding-hindi mo na yan mababawi.”

Natigilan ang dalaga at biglang naubusan siya ng salitang ibabato sa kanya. Kumurap ang mata nito bago napatitig sa seryosong mukha ng binata na bahagyang nakabuka ang bibig.

Lumunok muna ang binata upang makakuha ng lakas ng loob para magpatuloy, “Words are like swords. If you use them the wrong way, they’ll turn into ugly weapons. There are cases of broken friendship that could’ve lasted a life time if not for verbal abuse.” Huminto sa kalagitnaan si Ceejay para obserbahan ang dahan-dahang pagbago ng emosyon ni Rhea sa mukha habang nagpapalitan sila ng tingin, “Once you severe your ties, you may not see each other ever again.”

Nagkatitigan ang dalawa. Hindi makapaniwala si Rhea sa kanyang narinig mula sa kanya. Hindi akalain ng dalaga na mahilig si Ceejay sa anime at maririnig pa niya mismo sa bibig ng binata.

Muling inipon ni Rhea ang kanyang lakas ng loob upang muling makabuo ng salita, “Alam ko kung saan mo yan nakuha. Detective Conan Movie 15: Quarter of Silence. Sinabi yan ni Conan noong nagsisihan sila Genta at Mitsuhiko na nauwi sa pagtatalo.”

His brows furrowed, “Hindi yan yung point. I-apply mo ang quotations ni Conan sa buhay mo. Walang patalim ang dila pero kaya niyang sugatan ang puso. At kahit anong sorry ang gawin mo, hindi mo na yun mababawi. Kahit mapatawad ka pa.”

Nagkapalitan ng seryosong tingin ang dalawa. At habang abala silang pakiramdaman ang bawat isa ay nagkusang bumitaw ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng binata dahilan para maputol ang kanilang titigan bago tuluyang tinalikuran ito ng dalaga at naglakad papalayo sa kanya.

Dahil sa nag. aalala parin ang binata sa kanya at hindi siya mapakali, sinundan niya ito. Lalo pa’t lumihis ng daan ang dalaga at sa kakahuyan ito nagtungo. Sa sobrang bilis ng lakad nito, nagtatakbo ang binata upang maabutan niya ito hanggang sa mapunta sila sa masukal na parte ng kakahuyan.

Alam ng dalaga na nakasunod ito sa kanya ngunit hindi parin siya huminto sa paglalakad at patuloy parin siyang hinahabol nito.

Ilang hakbang nalang at maaabotan na siya ni Ceejay, inabot ng binata ang kamay nito at malakas na hinila papunta sa kanya. Dumeretso si Rhea sa dibdib ng binata at nasubsob ang mukha niya dito.

Bago pa man magpumiglas ang dalaga ay agad na pinulupot ng binata ang mga braso nito sa kanya at hinigpitan ang kanyang yakap.

Sa kabilang banda naman….

“Renzo, alam mo ba talaga ang dinadaanan natin?” Pagdadalawang isip ni Novrine.

“Oo naman. Nasa tamang daan tayo.” Pagmamayabang pa ni Renzo.

“Sshh!!” Sita naman ni Vincent habang nasa labi ang isang daliri, “Dapa.”

Kahit hindi alam ng dalawang binata kung ano ang meron, agad naman silang sumunod at dumapa. At bago pa man sila magtanong, tinuro ni Vincent ang nakaagaw ng atensyon niya. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa nang tiningnan nila ang tinuturo ng daliri nito.

“Si Gonzaga ba yun? At si.. Castino?” Mahina at nakangusong usal ni Renzo habang pinagmamasdan ng maayos ang view na nasa harap nila, “Magkayakap?”

Halos magkasabay na mahinang nag-hagikhikan ang mga ito habang nagaabang sila ng susunod na mangyayari.

Gumapang ng isang beses si Vincent upang makakuha ng mas magandang view. Sumunod naman ang dalawa sa likod niya.

Halos malaglag ang mata ni Novrine ng makakita siya ng nakakadiring bagay sa harap ni Vincent at napanganga naman siya ng lumapag doon ang isang kamay nito. Mukhang hindi napansin ng dalawa ang bagay sa kanilang harap dahil nakafocus parin ang atensyon nila sa kanilang tinitingnan at tuwang-tuwa pa. Maliban lang kay Novrine na hindi mapakali.

Pagsasabihan sana niya ang dalawa ngunit naunahan siya ng pagiging pervert ni Renzo.

“Ang bilis ni Gonzaga. Wala pa nga silang one month, may gagawin na.” Isang pervert na ngiti ang nasa mukha ni Renzo habang taas-baba ang kilay nitong nakatutok.

“Ssh!” Sabay na tinakip ni Vincent ang kanyang kamay sa bibig ni Renzo.

Isang masangsang sa amoy ang pumasok sa ilong ni Renzo mula sa kamay ni Vincent na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata at mahirapan sa paghinga. Sinubukan nitong makawala sa pagkakahawak ni Vincent, ngunit mas hinigpitan niya ito. Imbis na mandiri naman si Novrine, pigil na umahagikhik ito habang pinagmamasdan ang halos mahimatay na hitsura ni Renzo.

“Wag ka nga magulo! Baka mahuli nila tayong nanonood.” Pabulong na tugon ni Vincent na hindi tumitingin kay Renzo at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa bibig nito.

Panay ang sapak nito sa kamay ni Vincent para lang alisin niya ito. Ngunit hindi ito binigyang pansin ni Vincent. Habang si Novrine naman, panay ang pagyugyug sa kanyang balikat dahil sa walang tigil nitong paghagikhik na halos maluha na at hawak-hawak ang tiyan.

“Kumain ng tae si Renzo!” Natatawang sigaw ni Novrine saka humagalpak ito sa tawa.

Pagkarinig nito ni Vincent ay agad na lumingon ito kay Renzo at mabilis na kinuha ang kanyang kamay mula sa bibig nito. Kasabay ng walang kabuhay-buhay na pagbagsak ni Renzo sa lupa, kinakapos sa paghinga na parang maduduling.

Tinitigan naman ni Vincent ang kanyang dalawang kamay at nakita niya ang isa na may konting kulay brown na dumikit sa kanyang palad. Dahan-dahan niya itong nilapit sa kanyang ilong at nagaalinlangang inamoy.

Isang hindi maipaliwanag na pagkasira ng itsura ni Vincent ang nangibabaw nang diring-diri niyang niyuyugyug ang kanyang kamay upang matanggal ang duming nakakapit dito. Si Novrine ay walang ibang ginawa kundi ang tumawa ng malakas at walang tigil kahit kinakapos na ito sa paghinga. Kahit naman ay walang paglalagyan ng kanyang galit, umagikhik parin si Vincent

Dahil sa sobrang lakas ng tawa nito, bahagyang napatalon sila Rhea at Ceejay dahilan para maputol ang kanilang yakapan bago ito lumingon sa kung saan galing ang malakas na tawa.

Nang makilala ni Rhea si Novrine na tinatawag niyang kuya wolverine, na halos mabaliw na sa kakatawa ay agad itong lumapit sa kanila. Nakasunod naman si Ceejay sa likod nito.

“Hoy! Anong ginagawa niyo dito?” Nakangisi si Rhea habang pinagmamasdan sila. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari, pero halos matawa na lamang siya sa walang humpay na halakhak ni Novrine.

Nakangising palipat-lipat ang tingin nila Ceejay at Rhea sa tatlo, ngunit mas nakafocus ang atensyon nilang dalawa kay Novrine na halos wala ng planong huminto sa kakatawa.

“Kalma lang yung tawa mo.” Natatawang tugon ni Ceejay kay Novrine, “Ano bang meron?”

Huminga ng malalim si Novrine upang pakalmahin ang sarili niya ngunit hindi niya talaga maiwasang matawa.

“Si Renzo…. Pinakain ni Vincent ng tae.” Paliwanag nito sa gitna ng kanyang tawa.

Magkasabay na umagikhik ang dalawa habang naitakip naman ni Rhea ang kamay niya sa kanyang bibig.

“Ano daw?” Usal ni Rhea na nakangisi.

“Nakahawak si Vincent ng tae tapos yung kamay niya biglang napunta sa mukha ni Renzo.” Natatawang kwento ni Novrine na naluluha na at hawak-hawak pa ang kanyang tiyan.

Humalakhak ang dalawa habang si Rhea ay napakapit sa braso ni Ceejay. Vincent shakes his head in disgusted pero natatawa pa rin siya habang si Renzo naman ay nakahandusay sa lupa na nakapikit at mahinang umaagikhik.

Ngunit, sa kasamaang palad, tinaob ng malakas na pagsabog ang kanilang halakhakan na nagmula sa kung saang parte ng kakahuyan. Agad na bumangon si Renzo mula sa pagkakahiga at nanlaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila.

Segundo lang ang lumipas at nasundan ng isa pang malakas na pagsabog, dahilan para silang lahat ay mangamba at nagkapalitan sila ng tingin. Humigpit ang kapit ni Rhea sa braso ni Ceejay nang biglang sumagi sa isip niya ang nakita niyang pangitain kanina sa bus.