Twenty-Five (25)
Rhea’s POV –
Gusto ko pa sanang makipagyakapan sa unan ko at makipaghalikan sa kama ngunit eto ako ngayon, naglalakad sa campus na lutang at wala sa pagiisip. Habang ang ilang mga mata ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Bukod sa hangover kong nambwisit, dumagdag pa talaga ang step-sister kong nasa bahay. Wala na talagang kapayapaan itong second life ko.
Nasa harap na ako ng pinto ng classroom at akmang bubuksan na sana ito ng makirinig ako ng kaskas. Kaskas na agad umagaw ng atensyon ko. Medyo wala siya sa tono at pahinto-hinto ang pagkaskas nito.
Ilang minuto ring inikot ng aking mga mata kung saan ito nanggaling bago ko natagpuan ang pinaggalingan nito. Kusang naglakad ang aking mga paa para puntahan ang pinanggalingan nito at dinala ako nito sa harap ng hangdan papuntang second floor.
Kumunot ang noo ko ng makita ko si Ceejay na nakaupo sa hagdan while strumming the guitar that he was holding. Wag mo naman sabihin na sa kanya galing ang naririnig ko? Kaya pala ang sakit sa tenga. Sinasalvage niya yung guitara eh.
“Hindi ka ba naaawa sa guitara?” Sarkastikong sita ko habang nakacrossed arms.
Huminto siya sa pagstrumming at nakakunot ang noong nakatingin sa akin, “Iniingatan ko naman ah.”
“Sinasalvage mo!” Sumbat ko sa mataas na tono, “Itigil mo yan at baka masira pa yan.”
“Sorry kung hindi ako kasing galing ni Four mag. guitara. Nagpapractice pa kasi ako.” Inis nitong pagkakasabi na diniinan pa ang codename ni Jc.
Nakikipagkumpetensya ba siya sa kanya? Ang sarap niyang batukan.
Inilabas ko sa pagbuntong-hinga ang aking inis bago pa ako mapikon.
“Ano na naman ba pumasok jan sa utak mo?” Matulis na pagkakasabi ko.
“Selos!” Sumbat niya na halos pasigaw, “Sinapian ng selos ang utak ko kaya nagaaral akong mag. guitara kahit hindi ako marunong. Para sa akin ka lang magpapaturo.”
Namumula ang mukha niya at nakasimangot. Ewan ko lang kung sa inis na pinipigilan niya o nahihiya siyang aminin.
Pero huli na. Marunong na akong mag. guitara at si Jc nagturo sa akin. Noong buhay pa ako..
Naitakip ko ang aking kamay sa bibig para matabunan ko ang bibig kong nakangiti.. Kinilig din naman ako..
“Oh? Anong nakakatawa?” Halos matawa niyang usal. Trying hard ang boses niyang maging matigas kahit malapit na siyang matawa.
Nahalata niya atang napangiti ako kaya nahawa na rin siya.
Nakayuko akong binaybay ang hagdan para makalapit sa kanya. Nakangiti parin kasi ako eh. At kahit anong gawin kong pagiging poker face, gusto talagang kiligin ng labi ko.
Ramdam kong pinagmamasdan niya ako hanggang sa makaupo ako sa kanyang tabi. At kinalma ko ang aking sarili bago humarap sa kanya pero nakangiti parin ako. Atleast hindi na mukhang kinikilig.
Napakurap siya habang nakangiting nakatingin sa akin. Bahagyang namumula parin ang pisngi niya at ako naman ay naghaharlem shake ang mga bituka sa kakatingin sa maganda niyang ngiti.
“Sige nga. Turuan mo nga ako.” Mahina at malambing kong pagkakasabi.
Bahagyang bumuka ang kanyang bibig ngunit parang nag. hang ito at hindi makabigkas ng salita. Tinaas ko ang aking kilay para senyasan siya at ng gumana naman ang brain cells niya.
Hindi ko inaasahang bumaba ang mata niya sa skirt ko at napako ng ilang minuto ang tingin niya dun. Dahan-dahan ding bumaba ang mata ko sa sarili kong suot.
Shit! Nakalimutan kong naka-dark blue pencil skirt ako na hanggang tuhod at tumaas ito hanggang kalahati ng hita ko, kasi nga nakaupo ako sa hagdan. Yan kasi uniform namin with white polo.
Ramdam kong umiinit ang mukha ko at makikipagpustahan akong namumula na ang pisngi ko.
Bago pa ako makapagisip ng gagawin ay mabilis na pinatong niya ang guitara sa hita ko. Pagkatapos ay tumingin siya sa ibang dereksyon habang hinahabol niya ang kanyang hininga.
“B-Bakit ka ba kasi naka-uniform? S-Saturday ngayon.” Ramdam kong kabado siya. Pero sinusubukan niyang maging kalmado.
Nagpout ako habang nakasimangot at nakatingin sa guitara, “Monday to Friday lang ba pwedeng mag-uniform?”
Bahagyang gumalaw ang mata niya at napunta sa akin. Iniangat ko naman ang aking tingin para tapatan ang mata niya ngunit agad niya itong binawi.
“NSTP ngayon. Tree planting natin tapos ganyan ang suot mo?” Pahayag niya na parang naiinis.
O_O
Kaya pala nakatingin sakin ang mga students kasi ako lang ang nakauniform habang sila, naka. PE attire. Lutang talaga utak ko. Naiwan ko ata kina Janica eh. Katawan lang yung nauwi ko
Nasapak ko nalang ang mukha ko.
This time, nilingon na talaga ako ni Ceejay. At nakikita ko mula sa gap ng aking daliri. Tumayo siya saka inabot ang aking kamay at hinila.
Automatikong napalingon ang ulo ko sa kanya at nagtama ang tingin namin. Medyo namumula parin ang pisngi niya at bahagyang nakapout.
“T-Tumayo ka. At magbihis.” Utos nitong nauutal.
Nakasimangot ako nang nilihis ko ang aking tingin sa kanya, “Wala nga akong dala.”
“May extra akong dala kaya tumayo ka na.” Pangungulit niya saka mahinang hinila ang kamay ko.
Maya-maya, nakarinig ako ng kung sinong umaagikhik, dahilan para bumilis ang kabog ng puso ko. At nanggagaling pa talaga sa baba.
Maingat akong dumungaw sa baba at inakyatan ako ng lamig ng makita kong nakadungaw sa akin ang mga lalaking students at nagtatawanan.
Wala na bang mas nakakahiya pa dito? Pinagpapawisan na ako ng malamig at bahagyang nanginginig ang kamay ko.
Pinikit ko nalang ang aking mata saka diniin ang guitara sa hita ko. Hindi ko alam kung paano magrereact eh x_x
Makalipas ang ilang segundo, nakarinig ako ng yapak ng paa na pumusisyon sa harap ko. Saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at maingat na hinila ito para tumayo. Ako naman na hindi alam ang gagawin ay nagkusang tumayo. At nang binuka ko na ang aking mga mata, si Ceejay pala ang nasa harap ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero magkasalubong ang kilay niyang nakapout. Parang may emosyon siyang pinipigilang lumantad.
“Sa susunod, wag kang uupo ng hagdan kapag naka-uniform ka.” Mahinahon nitong tugon. Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya.
Tiningnan ko siya sa mukha at eksaktong nagtama ang tingin naming dalawa.
Hindi ko alam pero dahan-dahang kumalma ang dibdib ko. Unti-unting nawawala ang kaba sa puso ko at pakiramdam ko, ligtas ako kapag nasa paligid ko siya.
Nagkatitigan parin kami nang kinuha niya ang guitara sa kamay ko at pinulopot sa bewang ko ang isang kamay niya. Parang nagaalinlangan siya nang kinabig niya ang bewang ko papalapit sa kanya at dumikit ako sa dibdib niya. Mataas ng konti sa akin si Ceejay. Parang 5’6 and half yung taas niya.
Nagkusang humakbang ang mga paa ko nang magsimula siyang maglakad at hilain ang bewang ko, habang nakayuko. Tila iniiwasanan ang tingin ng mga students na nakangisi sa amin.
“Chin up. Nahihiya ka ba na si Ceejay Gonzaga ang boyfriend mo?” Bulong niya.
Saan niya naman napulot ang salitang yan?? Grabe yung overthink niya oh. Napakagat tuloy ako sa ibabang parte ng lips ko.
Ayoko ko lang iangat ang mukha ko dahil alam kong mukha akong kamatis sa pula ng pisngi ko. Nakakahiya kaya. Baka mabingi pa ako sa pangaasar eh.
Nakayuko pa rin ako ng makarating kami sa restroom. Inalis niya ang kamay sa bewang ko at inabot sakin ang bag niya.
“Magbihis ka na. Malapit ng dumating ang bus.” Utos nito kasabay ng pag-abot niya ng bag.
Maingat ko namang kinuha ito sa kamay niya, na medyo nagdadalawang isip, “Kakasya kaya ang damit mo sa akin?”
Iniiwasan ko paring mapunta ang tingin ko sa mata niya.
“Kesa naman magmukha kang tanga.” Mahina nitong sagot at ramdam kong tinitigan niya ang mukha ko.
Hindi ko napigilang iangat ang tingin ko sa kanya at nagtama ang mga mata namin. At nang magtama na ang mga mata namin ay agad niyang inalis ang tingin niya sa akin at tumingin sa ibang dereksyon.
Bumuntong hinga nalang ako at pumasok na sa lady’s room. Oh nga naman. Baka pagtripan pa ako ng mga classmates kong lalaki kapag pumunta ako ng tree planting na nakauniform.
Pagpasok ko ay agad lumingon sa akin ang mga students na busy sa harap ng salamin. Syempre kasali doon ang nagiisang classmate kong echosera.
Panandalian akong sumulyap sa kanila at bago pa man ako makarinig ng pangaasar ay agad na akong naghanap ng bakante. Pero dahil andito ang isang ito, hindi ako nakaligtas sa kanya.
“Crushmate, lutang ka ba?” Halos matawang tanong nito sa akin ng mapadaan ako sa likod niya.
Bago ako pumasok sa bakanteng nakita ko, lumingon ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Nakita kong umagikhik ang mga kasama niyang stupidyante, este estudyante pala at nakangisi din siya.
“Ikaw lang kasi ang nakauniform ngayong tree planting.” Halos matawa nitong dugtong nang tinitigan ko lang siya ng sobrang sama ng walang salita.
Mahinang nagsitawanan ang mga kasama nito. At siya naman ay nakangisi na parang nagpipigil na tumawa. Kunwari pa siya, siya naman yung nangasar.
“Sorry, crushmate ha. Naiwan ko ata kina Janica ang utak ko. At katawan ko lang ang nauwi ko.” Sarkastikong sagot ko at tinalikuran siya.
Akmang papasok na sana ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
“Nandoon kay Ceejay? O ninakaw ni Jc?” Bulong niya sa akin sa tono ng pangaasar.
Kalahati ng dugo ko ang kumulo. Dahil hindi nakakatawa ang biro niya pagkatapos ng nangyari sa bahay ni Janica. Ngayon pa talaga. May hangover pa ako.
Ginalaw ko ang ulo ko para titigan siya ng sobrang sama sa mata ngunit nakabungisngis ang mukha niya na halatang nangaasar.
“Wag mong dagdagan ang sakit ng ulo ko.” Mahina pero madiin na pagkakasabi ko, na parang nagbabanta.
Tumaas ang dalawang kilay niya, “May hangover ka pa? Sumobra ata ang pagibig ni Ceejay sayo. O sumobra ang lambing ni Jc sayo.” Saka tinakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at mahinang umagikhik.
Sarap mo talagang batukan. Babae ka.
Umigting ang panga ko. At para hindi na siya pangulit ay tinalikuran ko na siya at pumasok. Para makita niyang hindi ako affected sa pangaasar niya.
Babaeng ito talaga. Puro nalang talaga kalokohan ang nasa isip.
Nilocked ko yung pinto bago ko pinatong sa toilet sit ang bag ni Ceejay. Hinubad ko muna ang bag ko at nilagay katabi ng bag niya.
Binuksan ko ang bag niya at bumungat sa akin ang isang white t-shirt at PE jogging pants uniform namin. Unang kinuha ko ang white t-shirt at binandera sa ere bago dinikit sa katawan ko.
Hindi naman ganun kalaki at kaliit. Mukhang kakasya ito sa akin. Hindi naman kasi mahilig si Ceejay sa sobra kalaking mga damit. Halos t-shirt niya, semi-fit sa katawan niya.
Nilagay ko muna sa ibabaw ng bag niya ang t-shirt at hinubad ko muna ang polo ko. Tapos tinupi ko ng maayos ito bago pinasok sa bag ko. Nakakapagod kaya magplantsa. Saka sinuot ang t-shirt.
Next naman, kinuha ko sa bag niya ang jogging pants. Pinulupot ko muna sa aking leeg ang bewang nito at hindi naman ako nasakal o masyadong maluwag. Nilagay ko muna ito sa ibabaw ulit ng bag niya saka hinubad ang skirt ko. Tinupi ko rin ito ng maayos at pinasok sa bag ko. Sinuot ko na ang jogging pants at tiningnan ang mga paa ko. Medyo mataas talaga ito ng konti tulad ng inaasahan ko. Ang ginawa ko, tinupi ang dulo ng jogging pants ng ilang beses para lang hindi ito sumayad sa lupa.
Nang maging komportable ako sa suot ko ay sinara ko na ang bag niya saka kinuha ito kasabay ng bag ko at lumabas na. Hindi na ako humarap sa salamin at deretso na akong kumabas ng lady’s room. Ayokong makita ang sarili ko na parang ailen dahil sa katangahan ko.
Nakatayo pa rin si Ceejay sa harap ng lady’s room habang nakatingin sa ibang dereksyon ng makalabas ako.
Mukhang narinig niya ata ang yapak ng aking mga paa dahil lumingon ito sa dereksyon ko para salubungin ako ng kinikilig niyang ngiti.
“Ta-Tara na nga.” Naiilang kong usal kasabay na iniabot ang bag niya sa kanya bago sinuot yung sakin.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso kasi titig na titig siya sa akin. At abala siyang suriin ako mula ulo hanggang paa na parang… Ewan..
Lumunok muna siya bago kinuha ang bag sa kamay ko saka sinuot ito sa isang balikat niya. Tumingin ulit siya sa akin at tumango bago niya ulit kinabig ang bewang ko papalapit sa kanya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at bago pa magsink sa utak ko ang ginawa niya ay naglalakad na kami papunta sa exit ng campus. This time, taas-noo akong nakangiti habang nakasunod ang tingin ng mga students na nadadaanan namin.
“Ay ang daming langgam!”
“Sana all!”
Sigaw nila habang yung iba ay umaagikhik. Lumingon naman si Ceejay sa akin na halos mapunit na ang bibig nito sa sobrang laki ng ngiti. Kinindatan ko naman siya ng magtama ang mga mata namin.
Nakapark na sa labas ng campus ang bus na sasakyan namin, nang dumating kami sa labas. May ilang students ng nasa loob at medyo occupied na.
Humiwalay si Ceejay sa akin bago siya naunang umakyat at humanap ng mauupuan sa loob. Agad naman akong sumunod sa kanya.
At ng mailapag ko na ang aking paa sa steps ng bus ay bigla akong kinilabutan at nagsitayoan ang balahibo ko sa batok. Agad akong natigilan at parang naging bato ako sa kinatatayuan ko.
Agad kong inikot ang tingin ko sa paligid. Unti-unting dumidilim ito at ang langit naman na kanina ay maaliwalas ay unti-unting nababalutan ng itim na ulap. Bumilis ang kabog ng puso ko na pakiramdam ko ay sasabog na ito ano mang oras dahilan para pagpawisan ako ng malamig at manginig ang kamay ko. Parang mabubutas din ang tenga ko sa sobrang tulis at malakas na tili na naririnig ko mula sa kung sino. Pero wala akong makita ni isang tao maliban sa dilim na bumabalot.
Naitakip ko sa aking tenga ang aking mga kamay habang patuloy parin ang nakakabinging sigaw. Yumuko ako at pinikit ang aking mga mata ngunit bigla ko itong naidilat nang makaramdam ako ng init sa balat ko.
Bumungat sa harap ko ang bus na sasakyan ko sana ay biglang nagliyab mismo sa harap ko. Halos malaglag na ang mata ko at nakanganga naman ang bibig ko. Natataranta akong sumugod sa loob, at wala akong ibang nakikita maliban sa nagliliyab na apoy sa loob. Wala ang mga stundents doon kahit isa. At kahit si Ceejay o Almira ay hindi ko makita.
Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot at pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init sa loob. Nagpapanic na ako sa sobrang kaba dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Unti-unting lumalapit sa akin ang apoy as I take heavy deep breaths. Dahan-dahan namang lumalaki ang mata ko hanggang sa napakurap ako dahil may mahinang sumapak sa magkabilang pisngi ko.
Legit ang gulat ko ng bumungat ang mukha ni Ceejay sa paningin ko. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko at mukhang nagaalala.
Nanlaki pa rin ang aking mga mata nang ginalaw ko ito para suriin ang paligid. Lahat ng hindi magandang tingin ng students ay nasa akin. Ang iba naman ay nagulat sa galaw at reaksyon ng mukha ko. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa nakita ko, kanina lang.
Binalik ko na ang tingin kay Ceejay at lumunok. Nasa mata niya ang pagaalala at pagtataka. Pero mas nanaig ang pagaalala nang yakapin niya ako ng mahigpit. Ramdam kong gusto niya akong i-comfort dahil sa paghaplos niya sa likod ng ulo ko. Hindi ako tumugon sa yakap niya dahil hindi parin ako makapaniwala at hindi magsink sa utak ko. Pero mas hinigpitan niya ang kanyang yakap sa akin.
Mas naging lutang tuloy ako. Ano na naman yung nakita ko? Wag mo namang sabihin na magiging meserable na naman itong araw na ito?? Hindi na ba dadating ang matinong araw at ng makapagpahinga ako? Kahit 5 minutes lang?