Twenty-Two (22)
Third Person’s POV –
Sa mga members na nakarinig ng malakas na tili ni Rhea, nagtatakbo silang lumabas para alamin kung kanino ang malakas na tili na kanilang narinig.
Nasaksihan nilang bumagsak sa lupa si Juviler, matamlay at wala nang lakas para bumangon, si Ceejay na nakahiga sa lupa habang nasa ibabaw niya si Jc. Mahigpit na hinawakan ang kwelyo at pinagsusuntok ang mukha.
Binaon naman ni Ceejay ang kanyang kamao sa tagiliran ni Jc, dahilan para mapahinto ito sa pagsuntok sa mukha niya at umungol sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataon at sinipa niya ang tiyan ni Jc. Tumilapon ito at bumagsak.
Parehong nanghihina na ang dalawa ng lumapit ang mga lalaking members sa kanila para harangan ang harap nilang dalawa at masigurong hindi na sila makakalapit sa isa’t isa.
Pagkalabas ni Almira ay unang nakaagaw ng tingin niya ang katawan ni Rhea na nakahandusay sa lupa, ilang hakbang mula sa dalawang binata. Kumaripas siya sa paglapit sa kanya habang nakasunod naman sa kanya sila Boss Ganda at Sais.
Lumuhod si Almira sa tabi nito at nanginginig ang kamay niyang hinawi ang buhok niyang nakatakip sa mukha nito. Napalunok siya para maubos ang kaba na nararamdaman niya bago niya maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
“C-Crushmate…” Natataranta ang boses nito at hinihimas-himas ang buong mukha niya.
Lumuhod din si Boss Ganda sa tabi ni Rhea at mahigpit na hinawakan ang kamay nito, “P-Prim…. Okay ka lang?” Kabado ang tono nito.
“Hala! M-may dugo sa ilong n-niya…” Natataranta si Sais sa ilalim ng kanyang hininga.
Nagsimula ng magpanic si Almira at niyugyog ang balikat nito, “Crushmate!! RHEA CASTINO!”
Samantala, nagkakagulo parin sila kahit marami ng nakaharang sa gitna nila Jc at Ceejay, gigil na gigil parin ang dalawang makalapit sa isa’t isa. Kaya nagpupumiglas ito sa mga nakaharang at ayaw magpaawat.
Nasa kaliwa ni Jc si Akinka, nakagapos sa kanya ang kaliwang braso ni Jc. Nasa kanan naman niya si Rhuji, nakagapos sa kanya ang kanang braso nito. Dalawa naman sila ni Tagj at Seven na nasa harap ni Jc para pilit na itulak ito paatras.
Sa kabila naman, nasa kaliwa ni Ceejay si Dope, nakapulupot ang braso nito sa kaliwang braso ni Ceejay. Nasa kanan niya naman si Nono, nakapulupot ang braso nito sa kanang braso ni Ceejay. Habang sila Lil_ron at Jhunz ay nasa harap niya na pilit nilalayo siya kay Jc.
“Kalma ka lang tol!”
“Tama na, Princebeybe!
“Tumigil na kayong dalawa!”
“Huminahon kayong lahat!!”
Sunod-sunod na sita at awat ng mga pumapagitna sa kanila. Pero hindi parin sila nagpapigil at nanggigilaiti parin silang durugin ang isa’t isa.
Ngunit napatigil lamang sila ng mahinang hikbi. Lahat ay natahimik at nagtatakang lumingon sa paligid, para alamin kung sino ang humihikbi. Di nagtagal ay napunta lahat ng atensyon sa kinaroroonan nila Almira.
Mahigpit na niyakap ni Boss Ganda si Rhea, habang nakabaon ang mukha nito sa balikat niya na hindi sumagot sa yakap niya. Mahinahong hinahaplos naman ni Almira ang likod nito habang si Sais ay nakatayo sa likod ng tatlo. Nakapamewang at sobrang sama ng tingin kina Ceejay at Jc. Parang kahit anong oras ay sasaksakin niya na kung magpapatuloy pa sila.
“Rhea…” Nagaalala ang tono ni Ceejay at kumalas sa dalawang gumapos sa kanya bago tuluyang pumunta sa kinaroroonan nila.
Ngunit bago pa man siya makalapit ay mabilis na humarang si Almira sa harap niya saka siya tinulak.
“Wag kang lumapit.” Utos nito na tila naiinis ang boses.
Kumunot ang noo niya at sinubukan niyang lagpasan si Almira pero hinarangan ulit siya nito at tinulak siya nito.
“Sinabing wag kang lalapit!” Inis na sigaw niya kay Ceejay.
“Tumabi ka, Almira kung hindi---”
“Ano?” Galit na sumbat nito bago pa matapos ni Ceejay ang sinasabi niya, “Uupakan mo ako? Sige gugulpihin kita!”
Unti-unting nakakuyom ang palad ni Ceejay habang nakakamatay ang tingin sa mga mata nito. Ngunit hindi naantig dito si Almira at pinandilatan ito.
“Nagkakagulo na naman ba kayo?” Boses ng isang galit na dragon ang muntik ng bumutas sa eardrums nila.
Lahat ay nagalinlangang lumingon sa may-ari ng boses dahil sigurado naman sila kung sino ito.
Matulis ang tingin nitong nagpalipat-lipat sa lahat ng members na tila sinusuri ang paligid, lalong lalo na kina Jc at Ceejay. Sinusuri nito ang bawat pasa sa mukha ng dalawang nagbabasagan ng ulo.
Ngunit mas kumulo ang dugo nito ng makita niyang nagtatago si Rhea sa balikat ni Boss Ganda habang humihikbi.
“Otso, iakyat mo nga si Primera sa kwarto mo. Baka makapatay ako ng tao kapag hindi ko natiis na makitang ganyan ang itsura niyan.” Mahinahon ngunit bakas ang nagtatagong galit sa tono nito.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Otso. Nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Ngunit bago pa man makalapit si Otso sa kanila, tumayo na si Rhea at pinunasan ang basang pisngi nito habang nakayukong naglalakad, papasok ng bahay. Sumunod naman si Otso sa likod niya.
Ilang minuto ng mawala sa paningin sila Rhea at Otso ay nabingi sila ng katahimikan ng gabing malalim. Kaya mas uminit ang ulo ng Founder habang naiinip na naghihintay siya ng paliwanag sa gulong nangyari.
“Wala bang magpapaliwanag kung bakit kayo nagwawala dito?” Kontrolado ang boses niya pero bakas dito na nauubusan na siya ng pasenya.
“Ikaw Boss, hindi ka ba magpapaliwanag kung bakit pawis na pawis ka?” Bulong ni Juviler pagkatapos niyang lumitaw mula sa kung saan.
Pinandilatan niya si Juviler na may kasamang sarkastikong ngiti, “Nakakatawa ba ako?”
“Nung hinalikan kita, oo.” Mahinang umagikhik naman ito.
Umigting ang panga niya, “Wag kang mang-asar ngayon, kundi dudurugin ko ang mukha mo.”
Hilaw pa sa hilaw na mangga ang naging ngiti ni Juviler at nag. peace finger sign ito sa kanya. Hindi ito binili ng Founder at mas naging masama ang tingin niya sa lahat.
Siniko naman siya ni Lil_ron na katabi lang nito, “Ayusin mo kasi ang joke mo. Yung pati walang ngipin, ngingiti.” Bulong nito.
“Magjojoke pa ba ako? Parang kakain na nga ng tao yan si Uno.” Nakanguso pang bulong din ni Juviler kay Lil_ron.
“Saan ka na naman pupunta, Four?” Sita ni Uno nang maaninag ng kanyang mata na naglalakad si Jc sa likod niya.
“Hindi ko kailangan ng lecture mo. At kung magteterminate ka, nasa Exit na ako.” Lumabas ang mga salita sa bibig ni Jc na marahas at magaspang na mas lalong nagpainit ng dugo ni Uno.
Pandaliang nagpalitan ng masamang tingin sila Uno at Jc bago tulayang naglaho si Jc sa kanilang mga mata.
Nakatitig parin si Uno sa likod ni Jc habang papalayo ito sa kanila nang mahinang hilahin ni Almira ang kamay nito.
“Ako na ang bahala sa isang yun.” Bulong ni Almira sa kanya. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito at sinundan niya si Jc.
“Matulog na kayong lahat! Bukas na tayo maguusap!” Utos ni Uno sa lahat, “Kailangan ko rin pakalmahin ang sarili ko baka makapatay ako ng tao ng di oras.”
Nakatuon ang gigil na tingin ni Uno kay Ceejay na halatang nagbabanta ito. Nagtama naman ang tingin nila at pandalian silang nagpalitan ng masamang tingin bago tumalikod si Uno at naunang pumasok sa loob.
Umugong ang bulong-bulongan ng mga members tungkol sa pinagsimulan ng gulo habang papasok sila sa loob. Halos lahat ng tingin ay ramdam ni Ceejay na nasa kanya at alam niyang siya ang pinaguusap. Pinalabas niya lang ito sa kabilang tenga at nagpatuloy sa paglalakad.
Rhea’s POV –
Sinipa ko ang pinto ng kwarto at nagdadabog akong pumasok. Sa lakas ba naman ng badyak ng paa ko, malamang dinig na dinig sa baba. Dinig kong may mga paa na nakasunod sa akin at nahagilap ng mata ko si Janica na nakatayo sa pinto.
Biglang sumagi sa isip ko na bahay niya pala ito, kaya nilunok ko nalang ang galit na kanina pa gustong lumabas at sinubsob ang mukha sa unan.
“Sorry sa pinto.” Mahina kong sabi.
Ewan ko lang kung narinig niya. Natatakpan kasi ng unan ang bibig ko.
“Okay lang. Magpahinga ka na.” Mahinahon at kalmado ang boses nito.
Narinig ko ang tunog ng pintong sumara at mga hakbang ni Janica papalayo sa pinto.
Bumuntong-hinga ako..
Ngayon nagsisisi na ako kung bakit pa ako pumunta sa birthday ni Janica. Hindi sana nasira ang kaligayahan niya. Looking forward pa naman siyang i-celebrate ang birthday niya kasama ang buong clan. Kasi ang tagal niya sa manila at kakauwi niya lang. Parang welcome home party na rin to eh.
Si Ceejay din naman kasi. Sobrang seloso. Napuruhan pa ang mukha ko sa init ng ulo niya. Nakakainis na talaga siya.
Dahil hindi ko malabas ang galit ko kasi nga nasa bahay ako ni Janica, humagolgol ako sa pagiyak habang mas lalong nisusobsob ang mukha sa unan.. Para hindi nila ako marinig.
“Nakakaamoy ako ng luha mula sa pinaniniwalaang pag-ibig ng anghel na malapit ng mabalian ng pakpak.”
Nanlaki ang mata ko at agad na nahinto sa pagdadrama nang makarinig ako ng magaspang at nakakakilabot na boses.
Inabot ng ilang minuto ang tenga ko para ipasok ang narinig ko at magprocess sa utak ko. Nanatili ako sa posisyon ko habang nakikiramdam sa paligid.
Sunod ko namang narinig ang nakakalokong halakhak ng kung sinu-sino na naghatid ng kakaibang lamig sa katawan ko, para magsitayoan ang mga balahibo ko.
Nilunok ko ang takot na nararamdaman ko at dahan-dahang bumangon sa kama. Naninigas ang buong katawan kong lumingon sa pinto na posibleng pinanggalingan ng lahat ng naririnig ko.
Konti nalang at mahuhulog na ang mata ko nang masaksihan ko si Andrei. Ngunit kakaiba sa pakiramdam ang presensya niya. Sobrang puti ng kutis niya, pati mga labi. At nakakatakot ang mukha niya, lalo pa’t nakasmirk siya parang demonyong nakangiti.
Grabe.. Wala na bang mas isasama itong bangungot na ito?
“Masaya ba ang naging gabi mo, Crista?” Makapal at nageechoe ang boses niya na umangkin sa buong kwarto.
I gritted my teeth, “Ikaw ang may gawa?”
Humalakhak siya ng sobrang lakas para maging dahilan ng panginginig ng buong katawan ko.
“Akin ang mundong ito at ito ang aking kaharian.” Pahayag niya, “At ikaw? Magiging akin ang kaluluwa mo.”
Muli siyang humalakhak. Sa sobrang nakakatakot ng boses niya ay nanlalamig ang katawan ko at nanginginig. Parang tatalon na rin ang puso ko mula sa rib cage sa sobrang lakas ng kabog. Huminga ako ng malalim. Hindi ako makagalaw. Parang unti-unti akong nagiging bato sa kinatatayuan ko.
Nagpatuloy ang nakakatakot niyang tawa hanggang sa unti-unti siyang nagiging itim na usok. Nanlalaki pa rin ang mata ko habang kabadong pinagmamasdan ang buong katawan niyang maging usok at tuluyan ng naglaho sa harap ko, pati ang nakakakilabot nitong halakhak.
Tila lantang halaman na bumagsak ang buong katawan ko sa kama. Nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko talaga katapusan ko na kanina.
Pinikit ko ang aking mata.
Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko? Bakit hindi ko kontrolado? Mukhang mapapahamak pa ata ako bago ko magawa ang misyon ko. Kailangan kong makabangon mula sa mga manipulasyon ng Fallen o baka ako pa ang maging Fallen. Isang maling galaw ko pa, mawawala na talaga ang pakpak ko. Kailangan ko na talagang magdoble ingat. Baka bunga lang ng manipulasyon ang nangyayari sa paligid ko.
Isang katok mula sa pinto ang nagpatino ng aking nalulunod na isip.
Sino na naman ba yan??
Dahil hindi ako sumagot ay dahan-dahang bumukas ang pinto. Agad ko naman inabot ang unan at tinakip sa mukha ko bago makapasok ang sino mang kumatok.
Dinig ko ang bawat hakbang nitong palapit sa akin. Kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa unan.
Maya-maya, biglang hinila nito ang unan at automatikong napadilat ako. Bumulaga sa harap ko si Lorenz. May hawak siyang kape.
Naman…. Wala ako sa mood para sa fliptop ng isang ‘to.
Gumapang ako sa kabilang dulo ng kama at humigang nakatalikod sa kanya. Dinig kong nilapag niya ang hawak niyang kape sa bed side table at nilagay ang unan sa likod ng ulo niya bago humiga sa hinigaan ko kanina.
“Hindi naman ako magsesermon.” Panimula niya at mukhang medyo matino na ang tono ng boses niya, “Nagaalala kasi silang lahat sa baba. Kaya dinalhan kita ng kape.”
Dedma……
“Pinunasan mo na ba mukha mo? Parang nagnosebleed ka kasi kanina.” Dinig kong nagaalala siya sa akin.
Hindi ako sumagot pero pinunasan ko ang ibabang parte ng ilong ko gamit ang kwelyo ng damit ko. Tinignan ko ang kwelyo at nakakita ako ng maliliit na tuldok na parang dugo.
“Ang hirap talagang mamili nu?” Pagpapatuloy niya.
At ewan ko kung saan pupunta itong magiging usapan namin. Dahil sa tono ng boses niya, mukhang magdadrama naman siya.
“Galing din ako jan kaya nararamdaman kita.” Mahina nitong tugon.
Dahil nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya ay nilingon ko siya. Nasa likod ng ulo niya ang dalawang kamay niya at nakatingala siya sa kisame.
“Namili ka rin ba?” Mahinahon kong tanong.
Tumango siya pero nakatingin parin siya sa kisame, “Kay Almira at Janica.”
“Sinong pinili mo?” Hindi ako sigurado kung tama ba na tinanong ko. Alam ko kasi ang kwento nilang tatlo at ang sakit nun.
“Syempre yung minahal ko.” Sagot nito.
“Si Almira?”
“Pero hindi ako ang pinili niya.” Dama ko ang lungkot sa boses niya, “Mas matimbang ang pagkakaibigan nilang dalawa at yun ang pinakaimportante para sa kanya.”
“Kaya sa Manila nag-aral ng college si Janica.” Dugtong ko, “Akala ng lahat hindi na talaga siya babalik.”
“Hindi rin naman siya magtatagal dito. Sa susunod na semester, babalik na siya ng Manila.” Aniya.
“Masakit ba?”
“Hindi naman. Parang sinagasaan ka lang ng bulldozer.”
Natawa naman ako sa sagot nito. Nakuha niya pang magloko. Ngumiti na rin siya ng marinig niya ako umagikhik.
“Pero hindi naman yun ang mahalaga.” Pagpapatuloy niya, “Kung talagang mahal mo siya, susuportahan mo ang kaligayahan niya. Kahit hindi ikaw ang nagpapasaya sa kanya.”
“Aahh. Lakas ng sipa ng red horse ah.” My dramatic response.
Ngumisi lang siya, “Ewan ko sayo.”
Maya-maya, Ininis ako ng malansang amoy na hindi maipaliwanag. Kanina ko pa napapansin ang amoy pero masyado akong kinilabot kay Andrei kanina kaya nawala sa isip ko.
Nakasimangot akong umupo at hinihimas- himas ang bed sheet at kumot. Tumingin naman si Lorenz sa ginagawa ko na halatang nagtataka.
Sa bed sheet, nakaramdam ako ng malamig. Kaya agad kong hinawi ang kumot para makita kung ano ito.
May basang parte ng bed sheet na pinaniniwalaan kong doon galing ang masamang amoy.
Tinignan ko si Lorenz na nakatingin din sa basang parte bago nagtama ang tingin namin.
Doon lang sumagi sa isip ko na may ginawa silang kababalaghan dito sa kwarto ni Janica.
“Anong ginawa niyo dito ni Juviler?” Buo ang boses ko at nakanguso.
Agad na inalis niya ang tingin niya sa akin, “Bukod sa hinalay niya ako, malamang pinagtawanan.”
“Si Janica?” Biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan na naisip ko.
Automatikong napalingon naman siya sa akin, “Ba’t napunta sa kanya?”
“Anong ginawa niyo dito?” Bahagyang nanlaki ang mata ko nang isalang ko siya sa hotseat.
Agad nitong inalis ang tingin niya sa akin para hindi ko makita ang nakangisi niyang mukha. Pero huli na dahil nahagilap ng mata ko.
Lagot ka sakin, Lorenz.
“Ano ba yang pinagsasabi mo?”
“Nakita kitang binuhat si Janica papunta dito bago ako bumababa nang living room.” Nakangiti kong pangungulit.
“Bukod sa nanood kami ng Horror movie sa laptop niya…..” Hindi niya pinagpatuloy ang sinabi niya at bahagyang lumingon sa akin.
Kitang-kita sa mukha nitong nagpipigil siyang ngumiti at ako naman ay naiintriga dahil sa bitin niyang magsalita.
“May nangyari sa inyo?” Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na talaga. Papatayin ako ng curiosity eh.
“Kukuha pa nga sana ako ng isa kaso ang gulo-gulo niyo sa baba. Hindi kayo marunong magcooperate.” Sa laki ba naman ng ngiti niya ay talagang mahahati na ang mukha niya.
“Hoy, Lorenz! Ang landi mo!” Natatawa kung sumbat bago kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinapon sa kanya.
Bago pa man siya matamaan ay agad siyang tumayo para umilag.
“Hinubaran niya ako at hinalay. Kaya hindi ko kasalanan.” Natatawa pa nitong pagmamalinis.
Kung hindi ka lang Founder, kanina pa kita inupakan.
“Langya kayo. Ang haharot niyong dalawa.” Bulalas ko sa gitna ng tawa ko.
Humagalpak na talaga siya sa tawa, “Matulog ka na nga lang, Rhea. Madaling araw na.”
Tinalikuran na niya ako at naglakad papunta sa pinto. Habang ako naman ay natatawang pinagmamasdan siya.
“Isasara ko na ang pinto.” Nakangiti pa rin siya nang magpaalam siya.
“I. lock mo na rin.” Tugon ko.
Ni-lock niya muna ang doorknob bago sinara ang pinto. Dinig ko rin ang mga hakbang niyang papaalis.
Kaya pala, nagliliyab siya sa galit nung bumaba siya kanina. Bukod sa nagkakagulo kami, naputol pala ang byahe niya papuntang langit.
Humiga na ako ulit para magpahinga na. Malamang, madaling araw na ngayon.
‘Nakakaamoy ako ng luha mula sa pinaniniwalaang pag-ibig ng anghel na malapit ng mabalian ng pakpak.’
Bigla kong naalala ang sinabi ni Andrei kanina.
Pinaniniwalaang pag-ibig? Ano kaya ang ibigsabihin niya?
Well, isa lang ang paraan para malaman ang sagot.
Tapos ang misyon ko dito sa lupa.