Twenty-Three (23)
Jc’s POV –
Sinipa ko ang pinto ng bahay pagkadating ko. Wala akong pake kung marinig man ni tita, pero mukhang wala naman siya dahil naka. off ang ilaw ng bahay pagdating ko. Hinampas ko ng aking kamay ang switch na nasa tabi ng pinto at lumiwanag ang paligid.
Nanggigigil talaga ako sa sobrang galit na parang gusto kong tirisin ang nakikitang bagay ng mga mata ko. Lalo kong naikuyom ang kamao ko na parang malilibing na ang mga daliri ko sa aking palad. Wala talagang paglalagyan ang init ng ulo ko.
“Sige, sirain mo yung pinto na parang bahay mo!”
Nakakunot ang noo kong lumingon sa likod ko. At nakita kong naka. crossed arms si Almira saka sobrang sama ng tingin niya sa akin.
Nagkusang lumitaw ang isang sarcarstic smirk sa mukha ko, “Lasing ka na talaga dahil naliligaw ka na ng bahay.”
Bahagya lamang siyang ngumiti, “At nangaling pa talaga sayo.”
Masyado ng sira ang gabi ko para makipagtalo pa sa kanya kaya tinalikuran ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto. Naririnig ko naman ang bawat hakbang ng mga paa niya sa likod ko.
“Ano ba kasi ang nangyayari sayo?” Panimula niya habang nakasunod sa akin, “Hindi naman ikaw yung tipo na nakikipagbugbugan hanggang sa mapuruhan ang mukha.”
Hindi na ako kumibo at baka kung ano pa ang masagot ko kaya dere-deretso lang ang lakad ko, ng hindi siya nililingon. At nagpatuloy pa rin siya sa pagtalak kahit hindi na ako sumasagot.
“Tignan mo nga ang itsura mo! Tingin m---”
“Tumahimik ka nga, Almira!” Napagtaasan ko siya ng boses. Lumabas ang salita sa bibig ko kasama ang galit na kinikimkim ko.
Tumama ang dumidilim kong paningin sa gulat niyang reaksyon. Yun pa naman ang unang pagkakataon na sinigawan ko siya kaya natural lang na magugulat siya.
“Wag ngayon. Wag ikaw. At ayokong marinig galing sayo.” Malalim at madiin ang tono ng boses ko habang umiigting ang aking panga.
Nakikita ko sa mga mata niyang natatakot siya at medyo basa din ang mga ito.
Kaya bago ko pa makitang pumatak ang luha niya, tinalikuran ko na ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad.
“At kanino mo naman gustong marinig?” Mahina ang boses niya at naririnig ko na naman ang yapak ng kanyang mga paa sa likod ko, “Kay tita? O kay Cesha?”
Nasa harap ako ng pinto ng aking kwarto ng biglang manigas ang katawan ko. Biglang tinangay ng hangin ang galit ko at napalitan ng pagaalinlangan at pagaalala. Siguradong hindi matutuwa ang kapatid ko kapag nakita niya ang mukha kong puno ng pasa at sugat.
“Tingin mo matutuwa ang kapatid mo kapag nakita niya ang hitsura mo?” Pagpapatuloy niya ng hindi ako kumibo, “Tignan mo nga ang sarili mo, pinsan. Kailan ka pa naging basagulero?”
Kailan nga ba? Noong namatay si Crista? O nang dumating si Rhea?
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili kong nagliliyab sa galit at lumingon sa kanya, “Umuwi ka na bago maubos ang pasenya ko.” Mahinahon man ang tono pero halata paring nagbabanta ito.
“Eh di ubusin natin. Para sumabog ang bulkan.” Pilosopong sagot nito saka marahas na tinulak ako.
Tangina! Kung hindi ko lang talaga pinsan itong babaeng ito…. Ewan ko nalang..
“Ano ha!?” Maangas nitong hamon habang patuloy parin akong tinutulak.
“Almira, tumigil ka.” Umiigting na talaga ang panga ko habang mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko.
“Ilabas mo ang yabang mo!” Sinuntok ba naman ako sa braso ng sunod-sunod na halatang gigil na gigil siya.
Pambihira… Ang lakas niyang sumuntok kahit kababae niyang tao. Talagang ginagalit ako ng isang ito.
Hindi parin niya ako tinigilan at panay parin ang tulak-suntok niya sa akin. At ako naman ay kunot-noo’ng nagpipigil ng inis sa kanya. Pero ang sakit na ng suntok niya sa akin. Kapag hindi pa talaga siya tumigil, magsisisi talaga siya.
“Almira!!” Matalas at mataas ang tono ng boses ko at bakas na napipikon na ako sa ginagawa niya. Pero hindi parin siya natinag at mas nilakasan niya ang suntok niya sa akin.
Huling suntok niya sa braso ko ay hinuli ko ang kamay niya. Mahigpit na hinawakan at sinandal siya sa dingding. Idiniin ko ang kamay niya sa pader at napaungol siya sa sakit.
Kahit gigil na gigil na talaga akong sapakin siya, nagawa ko pa namang kontrolin ang sarili ko bago tuluyang kontrolin ng alak ang pagiisip at galaw ko.
Pinandilatan ko siya na parang kakain ko siya ng buhay sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Ngunit ito ay masyadong masikip at ang kanyang lakas ng babae ay hindi sapat para dito.
“Pinsan. Masakit na.” Nanghihina ang kanyang boses pero parang wala na akong naririnig.
Mas diniin ko ang kamay niya sa dingding dahilan para manghina siya. Habang ako naman ay nanlilisik ang mata kong dumidilim sa galit at nanginginig ang isang kamay ko habang humihigpit ang pagkakakuyom nito.
Kalaonan ay dahan-dahang bumukas ang pinto at nabaling ang atensyon namin ni Almira. Lumutaw sa bukas na pinto si Cesha na bahagyang nakabuka ang mga mata habang kinukusot nito ang isang mata.
Bigla akong nanghina at parang bula na naglaho ang nagliliyab kong galit. Lumuwag ang hawak ko sa kamay ni Almira at agad niya naman akong tinulak para masahiin ang kamay niya. Nakatulala akong nakatingin sa kapatid ko habang inalis niya ang kamay niyang kinukusot sa isang mata niya bago siya tumingin sa akin. Mukhang nagaalala at nagtataka.
“Kuya? Anong nangyari sa mukha mo?” Inosenteng tanong nito.
Hindi ako sumagot. Napakurap ako at iniwasan ang tingin niyang sinusuri ang bawat pasa sa mukha ko. Nahagilap ng mata kong naghalf-smile si Almira sa akin at siya na ang lumapit sa kanya.
Iniyuko niya ang kanyang tuhod at umupo sa kanyang sakong bago siya binigyan ng isang nakakatiyak na ngiti, “Wag kang magalala kay kuya. Ikaw bakit gising ka pa?”
Tipid naman itong ngumiti sa kanya, “Nakarinig kasi ako ng sigawan kaya nagising ako.”
Biglang bumasa ang mga mata ko bago ito sunod-sunod na kumukurap. Sobrang inosente niya kasi sa lahat ng kalokohang pinaggagawa ko. Kaya biglang pinasok ng konsensya ang utak ko.
Bago pa ako magdrama sa harap ng pinsan ko, lumapit na ako sa kanya bago pa muling makapagsalita ni Almira. Binuhat ko siya at niyakap ng sobrang higpit. Sobrang mahal ko talaga ang kapatid dahil siya nalang ang nagiisang pamilya na meron ako pagkatapos mamatay ni mama at tinalikuran kami ni papa.
“Magpahinga ka na, pinsan. Madaling araw na rin kasi.” Kalmado ang boses niya saka tinapik ang likod ko na parang nagaalangan.
Ginalaw ko ng bahagya ang mata ko at nakita kong nakangiti siya sa akin. Isang senserong ngiti sa kabila ng ginawa ko sa kanya. Hindi na ako nagbitaw ng salita at nagtungo na ako sa kama. Hiniga ko doon si Cesha bago tuluyang isara ni Almira ang pinto ng kwarto.
Nakatitig sa mata ko si Cesha na puno ng katanungan habang nakaupo ako sa tabi niya. Pinagdikit ko ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa sahig. Ramdam ko ang mga mata niya sa akin na tila sinusuri niya ako at mukhang hindi siya mapakali.
Bumuntong hinga ako bago lumingon sa kanya. Kailangan kong magsalita o hindi niya ako titigilan sa kakatanong niya.
Sinubukan kong ngumiti ng normal sa kanya at maingat na hinaplos ang buhok niya. Ngumiti din naman siya pero mukhang pinapakiramdaman niya parin ako.
“Pasensya ka na kung nagising ka sa ingay namin. Matulog ka na.” Mahinahon at sinubukan kong maging malambing ang boses ko para mawala ang pagaalala niya sa akin.
Hinila ko ang kumot hanggang sa matakpan ang kalahati ng katawan niya at hinaplos ang buhok niya. Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti siya bago pumikit ang mata niya.
Tsk..
Mukhang kailangan ko pa ng isang tagay sa dami ng nangyari.
Maingat akong tumayo sa kama at naglakad papunta sa pinto. Sinisigurong hindi magigising si Cesha. Dahan-dahang binuksan ko ang pinto at maingat na lumabas bago mahinang sinara ulit ang pinto.
Binabaybay ko ang hagdan ng makarinig ako ng ingay mula sa living room. Doon muna ako dinala ng aking paa dahil narin si pagtataka.
Nang mahagilap ng mata ko ang living room ay sumilip lang ako kung ano ang ingay na yun. Naka-on ang tv at nasa couch nakaupo si Almira. Nakasuksok ang kamay niya sa ilalim ng baba niya habang nanonood.
Hinayaan ko lang siya at nagtungo sa kusina.
Nagtungo ako sa ref. at binuksan ang ibabaw na parte nito. Kinuha ko yung ice cube molder at nilagay sa sink bago binuksan ang gripo at hinayaang dumaloy ang tubig dito ng ilang segundo, pagkatapos ay pinatay.
Nagtungo naman ako sa cabinet na nasa ilalim ng kitchen table na nasa harap ng ref. Binuksan ko yun at kumuha ng malinis na tela bago ito sinara. Nilapag ko sa mesa ang tela na kinuha ko saka kinuha sa sink ang ice cube molder at nilagay ang ice sa tela. Pagkatapos ay tinali ito.
Iniwan ko muna yun sa mesa tapos nagtungo sa dulo ng mesa para kumuha ng dalawang tasa at isang kutsara mula sa pinaglalagyan nito. Kumuha naman ako ng kape mula sa maliit na hanging cabinet na nasa taas ng pinaglalagyan ng tasa. Binuksan ko ang dalawang kape at magkahiwalay na sinalin ang laman sa dalawang tasa. Sunod naman ay inabot ko ang termos na katabi lang ng pinaglalagyan ng tasa at sinalinan ng mainit na tubig ang mga ito. Hinalo ko naman ang dalawang tasa gamit ang kutsarang kinuha ko kanina at nilagay ito sa sink pagkatapos haluin ito.
Una kong kinuha ang ice na binalot ko ng tela, sunod ang dalawang tasa at maingat na naglakad papunta sa living room. Maingat at mabagal kesa mabilis at mapuruhan na naman ako.
Seryosong nanonood ng T. V. si Almira pero hindi ko alam kong andon ba talaga ang atensyon niya. Parang yung mata niya lang ang nasa T. V. pero yung isip niya wala.
Nilapag ko ang kape sa maliit na mesa na nasa harap niya bago umupo sa tabi niya.
Bumababa ang tingin niya sa kape pero hindi siya lumingon sa akin at binalik niya lang ang tingin niya sa T. V. ng walang salita.
Dinedma ako ng makulit kung pinsan.. Nagtatampo talaga to nung sinigawan ko.
Inabot ko nalang yung kamay niyang muntik ko nang baliin at nilagyan ng ice. Saka pa siya sumulyap sa akin at tumingin sa kamay niya. Napalakas talaga ang pagkakahawak ko dahil bumakas ang kamay ko at namamaga.
Maya-maya, inagaw niya yung ice at pinatong ba naman sa ulo ko….
“Anong---” Nagkasalubong ang kilay kong tinitigan siya.
“Mas kailangan mo yan para tumigil ang pagkulo ng dugo mo.” Magsusungit pa nito saka hinila ang kamay niya pabalik sa kanya.
Sinapian na naman ng inis ang utak ko, “Talaga? Tingin mo nakakatawa?”
“Sinabi ko ba?” Nakataas ang isang kilay niya nang binalik niya ang kanyang tingin sa T. V..
Suminghal ako. Kung hindi lang talaga babae at pinsan ko…..
Buti nalang at kumalma na ako. Malamang kanina ko pa to nabatukan.
“Akin na.” Pagpupumilit ko.
Ngunit bago ko pa mahawakan ang kamay niya, hinampas niya ang kamay ko palayo sa kanya.
“Kamay ko to kaya wag kang maka-‘akin’ jan!” Inis nitong sita at sumulyap sa akin.
Nakasimangot na talaga ako at mukhang sinapian na ako ng espirito ng inis, “Kasing tigas ka rin ng bato nu?”
Palaban siyang humarap sa akin, “Bakit? Malambot ka ba? Ha?” Saka sinuntok niya na naman ako sa braso at pinosisyon ang mga kamao niya sa harap niya.
I breath as I hissed. Babaeng ito talaga…
“Tumigil ka, pinsan. Babatukan na talaga kita.” Mahina pero nagbabanta ang tono ko.
Pikon na binaba niya ang kanyang kamay saka nagpout, “Pinsan naman eh. Wag na nga. Grounded din naman ako pag-uwi ko.”
“Ihahatid na kita tapos ako na ang magpapaliwanag kina tito at tita.” Tugon ko.
She hissed and reached for her coffee, in front of her and sip from it, “Wala bang mas matapang na kape kesa dito?”
“Yung kaya kang ipaglaban niya?” Nakangisi kong dugtong.
She chuckled, “Yung kasing pait ng relasyon niyo.”
Humagalpak ako sa tawa, “Wag mong sisimulan.”
“Ikaw ang nauna.” Natatawa nitong sagot.
Napaagikhik naman ako, “Malakas ba tama ng red horse? O malakas ang tama mo sa kanya?”
Humalakhak siya na may kasamang kilig. Namumula ang mukha niya eh.
“Masakit ba ang suntok niya? O masakit na na-friendzone ka?” Pangaasar pa nito na nakangiti.
Nilagay ko sa mesa ang ice na hawak ko bago ko inabot ang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin saka ginapos ko ang aking braso sa leeg niya, “May sinabi ka?”
“Ano ba! Nasasakal ako, pinsan!” Sigaw niya habang pilit na inaalis ang kamay ko sa leeg niya.
Natatawa naman ako habang kunwari ay hinihigpitan ko ang pagkakagapos ng braso ko sa leeg niya.
“Inumin mo na nga lang ang kape mo! Malamang malamig na yan!” Dugtong pa niya.
“Kasing lamig ng puso ni Lorenz?”
“Kasing lamig ng pagtingin ni Rhea sayo!”
Humagalpak ako sa tawa, “Ulitin mo nga. Hindi ko narinig.”
“Friendzone!”
“Sawi!”
“Umasa!”
“Iniwan!”