Twenty-One (21)

Rhea’s POV –

It took one look

And forever laid out in front of me

One smile and I died

But I do need to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

‘Bout the way life plays out

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only you….

Nakarinig ako ng maamong boses mula sa kung saan nang bumaba ako mula sa balcony. May bagong kalokohan na naman kasing pumasok sa utak ni Otso kaya nagsibaba kaming lahat mula sa balcony papunta sa kwarto niya.

Pero habang binabaybay ko ang hagdan ay pilit na hinihila ang tenga ko ng kung sinong boses na kumakanta. Hindi ko na nagawang pumunta sa kwarto dahil namalayan ko nalang na hinahanap na pala ng tenga ko yung napakalamig na boses na naririnig ko.

Now I know

That I know not a thing at all

Except the fact that I am yours

And you are mine

They told me that it wouldn’t be easy

And I know

That I am not the one to complain

Nahanap ko na ang hinahanap ng tenga ko. Magisa siyang nakaupo sa harap ng pinto na hawak ang kanyang guitara. Sikreto akong umupo sa tabi niya, sinisigurong hindi niya ako napansin.

Rhea: I’ll take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only….

I’ll take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only you…

Napalingon si Jc sa akin ng marinig niya ang boses kong sumabay sa kanya. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin ng makita niya akong nakaupo sa tabi niya.

“Ba’t ka naman huminto?” Pagtataka ko nang bigla siyang huminto sa pagkaskas ng guitara.

Nagtama ang tingin namin.. Tingin niya na parang sinusuri ang mukha ko na parang may kung ano. Tumagal ng ilang minutong nakatingin lang siya sa akin.

Pakiramdam ko nanlalamig ang katawan ko sa tingin niya eh.

Maya-maya ay iniangat ko ang dalawang kilay ko, nagpapahiwatig na kung ano ang tinitingin niya sa akin. Parang ayaw niya kasing magsalita at mas gusto pa ata niyang titigan lang ako. Naghahatid tuloy ang tingin niya ng kakaibang kilabot sa pakiramdam ko.

“Aaah…..” Kinakabahan itong lumunok saka tipid na ngumiti, “Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa labas?”

Naging blangko bigla ang utak ko. Hindi ako nakapaghanda ng idadahilan kaya napangiti nalang ako. Hilaw pa.

“Ang sama kasi ng tingin mo sa akin kanina.” Bigla tuloy akong nagsisi sa sinabi kong hindi nagiisip.

Nagsmirk lang siya saka tinuon ulit ang atensyon sa guitara, “Kinabahan lang siguro ako.”

At bago pa man ako makapagisip ng isasagot ay agad niyang pinatugtog ang guitara. Nabaling na rin ang atensyon ko doon sa kantang kanyang pinapatugtog.

Mabuti na rin dahil pakiramdam ko parang awkward eh.

Jc: Kislap ng inyong mga mata

Ako’y iyong nadadala

Parang anghel ang iyong ganda

Di maiwasan hahanap-hanapin ka

O kay tamis ng yong mga ngiti

Ako’y iyong naaakit

Tulad ng rosas nakakaaliw

Di mapigilang mabighani sa iyo

At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala

Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa akin

“Mahirap bang mag-guitara?” Pangungusisa ko habang nagtatakang nakatingin kay Jc.

Huminto siya sa pagkaskas at nakangiting lumingon sa akin, “Hindi naman. Gusto mong subukan?”

“Hindi ako marunong eh.” Pagpapacute ko with puppy eyes.

Sige. Kunwari di ako marunong. Kahit ikaw din naman nagturo sakin dati.

“Subukan mo lang.” Inabot naman niya ang guitara sa akin, “Tuturuan naman kita.”

“Okay??” Nagdadalawang-isip akong kinuha ang guitara sa kanya at pinosisyon ang soundhole sa harap ng tiyan ko habang ang frets naman nasa kaliwang kamay ko. Bale right hand ang i-strum ko.

“Anong kanta ang gusto mo?” Tanong niya nang nakaposisyon na ako.

Nakatitig ako sa guitara habang nag-iisip, “Stars by Callalily.”

Bumaba ang mga mata niya sa guitara na tila nagiisip din, “Okay. Madali lang naman ang chords niya at kaskas.”

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. At iniangat niya ang kanyang mga mata sa akin para ngumiti rin. Isang kinakabahang ngiti.

Parang ako pa dapat yung kabahan eh.

“Ahmm..” Tumingin siya sa kanyang mga kamay at binuka ito sa aking harap, “Kapag nagdemonstrate ka ng chords, ito ang one, two, three at four. Tapos itong thumb ay sa likod ng frets.” Paliwanag niya habang isa-isang tinuturo ang daliri niya mula sa point finger, middle finger, ring finger, index finger at thumb.

Sumulyap siya sa akin at tumango lang ako nang magtama ang tingin namin.

“Tapos sa strings naman, eto yung one, two, three, four, five, six.” He explained then plucked the strings, one by one, mula sa pinakamaliit na string hanggang sa pinakamalaki “At ito naman ang fretboard.” Dugtong niya saka tinuro ang fretboard.

Tumango lang din ako sa mahaba niyang paliwanag. Acting ng hindi marunong mag-guitara.

“Yung chords naman niya ay Em, C9, G at D. Led yung intro pero saka ko na ituturo sayo kapag marunong ka na.” Dugtong niya saka lumapit sa akin at nawala ang konting gap na meron sa aming dalawa.

Hindi ko namalayan na unti-unting tumatayo ang balahibo ko sa batok. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinikilabotan ako kapag ganito siya kalapit sa akin. Ang weird..

At sa sobrang focus ko sa kilabot na nararamdaman ko ay kinabahan ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko.. Ganun na pala kalapit ang mukha na ng hindi ko napapansin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa guitara. Hindi ako makagalaw. Parang unti-unting kinakain ng kilabot ang buong katawan ko.

“Unang chords ay Em.” Pagpapatuloy niya habang ako ay malapit nang maging bato sa kinauupuan ko, “1st finger sa 5th string, 2nd finger sa 4th string, 3rd finger sa 2nd string tapos 4th finger sa 1st string.” Inilalarawan niya habang hinawakan ang mga daliri ko at inilagay sa kaukulang mga string na kanyang binanggit.

Mga mata ko lang ang ginalaw ko para pagmasdan ang kamay niyang maingat na hinawakan ang mga daliri ko. Parang naiilang siyang humawak eh at ako naman ay parang nanlalamig sa lapit ba naman ng mukha niya sa akin.

“Tapos Down ang strumming niya.” Pagpapatuloy niya saka kinaskas ang strings ng guitara.

Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko at ginaya ang ginawa niya. Lumingon ako sa kanya na nakangiti, showing my shiny white teeth habang siya naman ay tikom ang bibig na nakangiti sa akin.

Paningin ko ay parang nagspark ang mata niya dahil sa ganda ng ngiti niya… O medyo blurd na ang paningin ko dahil sa nainom ko.

“Ang dali lang pala no?” Pagpapacute ko.

Hindi parin nawawala ang ngiti niya sa mukha nang ilihis niya ang tingin niya sa akin.

“Sunod naman ay C9.” Pagpapatuloy niya, “1st finger sa 4th string, 2nd finger sa 5th string tapos 3rd finger sa 2nd string at 4th finger sa 1st string.” Paglalarawan niya at ganun din ang ginawa niya sa mga daliri ko, “Down parin ang strumming niya.” Dugtong niya.

Kasabay ng pagkaskas niya sa guitara ay parang nahulog galing sa langit na may naglanding sa harap namin ni Jc. Magkasabay kaming napatitig sa kung sino man siya at nanlaki ang mga mata namin sa gulat. Habang ako naman ay parang malalaglag ang bibig sa lupa.

Pareho kaming tulala nang lumingon ito sa amin at halos mabaliw sa kakatawa na hawak-hawak pa ang tiyan niya.

Parang alam ko na ata kung anong nangyayari eh

“Tol Juviler, maluwag na ba ang tornilyo mo sa ulo?” Natatawang tanong ni Jc sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya, “Nagwawala si Boss Uno sa loob.”

Bago pa man makasagot si Jc ay di ko na napigilang humalakhak. Tawang tawa ako sa dare na pinagawa ni Otso eh. Ewan ko lang kung ano naging reaksyon ni Uno.

Nagkasalubong ang kilay ni Jc na lumingon sa akin. Obvious na nagtataka.

Natatawa naman ako ng magtagpo ang tingin. Obvious sa mukha niya kung anong gusto niyang itanong kaya nagpaliwanag nalang ako.

“Nung nagwalk out ka sa taas, si Uno yung napiling gumawa ng dare. Tapos nilagyan ng blind fold ang mata niya tapos pinasok siya sa kwarto ni Otso…” Bigla akong nahinto ng hindi ko napigilang umagikhik kaya natawa na rin siya, “Tapos pumili kami ng dalawa na makakasama ni Uno, isang lalaki at isang babae.” Halos magkasabay kaming umagikhik ni Juviler kaya nagkapalitan kami ng tingin. Nakangisi naman si Jc habang sinusulyapan kami ni Juviler.

“Siya at si Angel. Syempre nakablind fold silang dalawa.” Pagpapatuloy ko na tinuro si Juviler habang pinipigilan ang sariling matawa, “Tapos i-tuturn on ni Angel si Uno pero si Juviler ang makikipag-lips to lips sa kanya.”

“Ikaw tol? Nakipag-lips to lips kay Uno?” Natatawang lumingon si Jc sa kanya at magkasabay na kaming humalakhak.

Grabe yung tawa ni Jc. Halos maluha na ang mata niya at hawak hawak pa ang tiyan niya. Kulang nalang gumulong siya eh. At namumula pa ang mukha niya sa kakatawa.

“Ano? Masarap?” Natatawang pangungutya pa niya kay Juviler.

“Pwee! Lashang nalangish tol!” Biro pa ni Juviler at muling humagalpak sila sa tawa na halos ikabaliw na nila. At sumali na rin ako sa tawanan.

“Shit! Sino ba nakaisip nyan? Wika ni Jc sa gitna ng halakhak niya.

“Syempre, no other than Janica Aquino aka Otso. The great co-founder of kabaliwan.” Natatawa ko pang sagot.

At muli ay humagalpak silang dalawa sa tawa. Grabe sila. Sobrang tawang-tawa sila. Baka kailangan na namin ng paramedics dito. Nababaliw na kasi ang dalawang ito.

Pero sa isang tunog lang ng guitara nahinto ang dalawa sa kanilang halakhak na halos ikabaliw na nila. Nabaling ang tingin nila sa akin ng magsimula akong mag-guitara.

Kitang-kita kong namamangha si Juviler habang pinagmamasdan ako at nag-aalala naman ako sa tingi sakin ni Jc. Mukhang nagtataka kasi siya. Natural, hindi niya ako tinuruan ng intro kasi led pero alam ko.

Rhea: A picture of you reminds me

How the years have gone so lonely

And why do you have to leave me

Without saying that you love me

I’m saying I love you again

Are you listening?

Open your eyes once again

Look at me crying

Rhea, Juviler: If only you could hear me shout your name

If only you can feel my love again

The stars in the sky will never be the same

If only you were here…..

Bago pa man ako maka-proceed sa next stanza ay nabara ako ng palakpak ni Juviler. Kaya pareho kaming napatingin ni Jc sa kanya.

“Ikaw ba nagturo tol?” Namamanghang tanong ni Juviler kay Jc.

Tumango lang siya na may tipid na ngiti. Pero mukhang nagaalangan pa siyang tumango.

“Galing mo talagang magturo tol.” Nakabungisngis pang papuri niya, “Maganda pa ang boses ni Primera pero wala sa tono ang guitara.”

Nagsmirk lang siya at tumingin sa akin na nagkasalubong ang kilay habang nakataas ang isang kilay.

Oh my god! O_O

Alam na alam ko ang tingin na yan. Bihira lang talaga siya magtaas ng kilay. Pwera nalang kung meron siyang ….. Pinagdududahan??? Lagot X_X

“O nga naman, Four… Wala sa tono ang isang string.” Pahiwatig ko. Lumabas ang salita sa bibig ko na halatang kabado.

Hindi siya nagsalita at mas lalong lumapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at binaling ko nalang ang atensyon ko sa guitara. Naramdaman ko ang bahagyang pagdampi ng pisngi niya sa pisngi ko. Kaya inakyat ng kakaibang lamig ang buong katawan ko.

Inunat niya ang kanyang braso at umikot ito sa aking likuran habang inaabot niya ang kaukulang tuning peg ng string na wala sa tono.

Habang nag-aadjust naman siya, biglang may tumulak sa kanya na naging dahilan para dumeretso ako sa lupa. Pero bago pa humalik ang mukha ko sa lupa ay agad kong nailagay ang kamay ko sa lupa. Kaya naman, guitara lang at tuhod ko ang bumagsak, habang si Jc naman ay deretso ang bagsak sa lupa.

Mabilis kong nilingon kung sino man yun ngunit nasa harap na siya ni Jc at malakas na kinabig ang kwelyo nito at hinila para tumayo.

“Hindi ka talaga didistansya sa kanya? Kakaladkarin kita papalayo sa kanya.” Madiin at makapal ang boses nitong pinagbantaan si Jc.

Nagawa niya pang mag-smirk kahit medyo nabalotan ng alikabok ang mukha niya, “Nagpapaturo lang ng guitara ang girlfriend mo.”

Bago pa man lumala ang sitwasyon ay agad akong lumapit sa kanila at hinila ang kamay ni Ceejay na mahigpit na nakahawak sa kwelyo ni Jc.

“Ceejay, tu----”

“Wag kang makialam!” Malakas na hinampas niya ang kanyang braso sa mukha ko kaya naman ay bumagsak ako sa lupa at sumadsad ang mukha ko.

Sunod kong nasaksihan ay malakas na kumalas si Jc sa pagkakakwelyo at deretsong sinuntok si Ceejay sa mukha. Dahilan para makahakbang si Ceejay paatras.

“Gago ka ba!? Sasaktan mo ang girlfriend mo!?” Agresibo ang boses ni Jc na mas nagpainit kay Ceejay.

Parang walang naririnig si Ceejay kaya deretso itong sumugod kay Jc at sinipa siya sa tiyan. Napaungol si Jc sa sakit habang nakapulupot ang mga braso sa tiyan at bahagyang yumuko.

“JUVILEEEER!!” Halos maiyak kong tili.

Nagmamadali namang pumunta si Juviler sa kanila. Ang tanging nasa labas na kasama namin. Nagmamadali siyang pumagitna sa kanila habang papalapit si Ceejay kay Jc pero hindi parin si Ceejay nagpaawat. Nagpumilit parin siyang makalapit kay Jc kahit pilit na tinutulak siya ni Juviler paatras.

Doon ko na pinulot ang sarili ko mula sa pagkakabagsak at dali-daling lumapit kay Ceejay. Umaasang kakalma siya at makikinig sa akin.

“Makinig ka naman! Tumigil k----”

Sobrang lakas ng pagkakatama ng siko niya sa mukha ko, dahilan para manghina ang buong katawan ko at bumagsak sa lupa.

Biglang bumigat ang katawan ko at kahit anong gawin kong paggalaw ay hindi ko man lang magawang maiangat ang mga kamay ko. Ramdam kong may mainit na kung ano na tumulo mula sa ilong ko at nanlalabo na ang paningin ko.

Pilit paring pinaghihiwalay ni Juviler ang dalawang dragon na nasa harap ko habang unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa naging itim na lahat ang paningin ko.