Twenty (20)

Third Person’s POV –

Sa kabila ng malakas na tilian at pangungutya ng lahat, di parin makapaniwalang nakatingin si Jc kina Rhea at Ceejay. Si Rhea naman na nanlalamig ang buong katawan ay halos malaglag na mata at nanginginig ang mga kamay. Tulalang-tulala itong nakatingin kay Ceejay na noo’y halos mapunit na ang mukha sa sobrang bungisngis nito.

Kalaonan ay nakaramdam ng kakaibang paninigas ng katawan ni Rhea. Natataranta siya ngunit hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng katawan niya. Mas lalong nanlilisik ang mata niya dulot ng mahirap nitong paghinga.

Habang pinagmamasdan ni Ceejay ang dalaga ay dahan-dahang naglalaho ang ngiti nito sa mukha at unti-unting napalitan ng nagtatakang tingin. Lahat naman ng mga mata ay nakatuon sa kanya ng mapagtanto ng lahat na kakaiba ang naging reaksyon ng mukha ng dalaga. Mukha itong nahihirapan kaya ganun na lamang ang pagtataka ng lahat.

Kahit nahihirapan ay pilit paring inabot ng dalaga ang kanyang dibdib at mariing binaon ang kanyang kamao. Sinuntok niya ang kanyang sariling dibdib ngunit wala siyang sakit na maramdaman. Inulit niya pa ng isang beses at mas malakas kaysa nauna ngunti wala siyang maramdaman.

Nagaalala na ang lahat ng members. Lalo na ang mga officers na nandon ay tumayo na rin at nakahanda na sa ano mang iuutos sa kanila ng Founder. Nagsimula ng magalala si Ceejay. Kaya tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa para suriing mabuti kung anong nangyayari sa kanya.

“Hoy… Rhea…” Mahina at nagaalalang usal pa ni Ceejay.

Hirap na hirap na ang dalaga at pakiramdam niya ay mauubosan na siya ng hangin. Dahil hindi mapakali si Jc, agad na itong tumayo at kumaripas sa paglapit sa kanya.

“Rhea… Kalma k---”

“Hooo!”

Biglang nakapagexhale ng malakas ang dalaga ng hawakan ni Jc ang kamay nitong nasa dibdib niya. Sunod-sunod ang malalim na paghinga ng dalaga habang nanlilisik ang mata, na para bang nakikipag-agawan siya ng hangin.

Doon pa lang lumapit si Ceejay sa kanya at mahinang tinulak si Jc papalayo sa dalaga.

“Ano bang nangyayari sayo?” Kinakabahan ang boses ni Ceejay habang hawak niya ang magkabilang pisngi ng dalaga.

Alam ng dalaga na kinakausap siya ng binata but her attention was still focused on herself as she closed-opened her hands. Bakas ang buong pagtataka sa mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung paano at parang magic na naglaho ang kakaiba niyang nararamdaman na parang may sumasakal sa kanya.

Kumalma man ang kanyang pakiramdam ngunit bakas parin ang malaking palaisipan sa mata ng dalaga, nang lumingon ito kay Ceejay na nanginginig ang labi na pinagmamasdan siya.

Bumuntong-hinga siya, “Hindi ko alam kung anong nangyari sakin…” Sumulyap ulit siya sa kamay niya, “Pero mukhang okay na ako..”

Ceejay smiled on her with relief as he pulled her for a hug, “Sobrang kinabahan ako.”

Yumakap din naman ang dalaga sa kanya na may tipid na ngiti.

Nasa likod lang ng binata si Jc na nakangiti habang nakatingin sa kanila. Maging siya ay nagalala rin kaya gumaan ang pakiramdam niya ng makita niyang okay na si Rhea.

Sa kabila nito, hindi rin naman maitatanggi ang samot-saring tingin ng mga members sa kanila. Ang iba ay natutuwa dahil naging maayos na ang pakiramdaman ni Rhea, yung ilan ay bakas parin ang pagtataka sa hindi maipaliwanag na nangyari at ang iba naman ay nakatuon ang hindi magandang tingin kay Jc.

Naramdaman naman ni Jc ang mga matang nakatuon sa kanya at ramdam niya rin na nakatingin sa kanya si Uno, na siguradong sinusuri ang reaksyon ng mukha niya.

Sumirit lang ito at nagsimulang maglakad habang nasa bulsa ang dalawang mga kamay.

“Four…” Tinawag siya ni Uno sa mahinahong boses, “Saan ka—”

“Sa labas lang.” Sagot naman ni Jc na hindi pinatapos si Uno sa pagsalita.

“Saan?” Muling tanong nito at nilingon siya.

“Sa labas nga lang.” Tipid nitong sagot na hindi lumilingon at tuluyan ng naglaho sa likod nila.

“Ano ba naman kasi ang nangyari sayo?” Pangungulit pa rin ni Ceejay. Kahit sa tingin niya ay maayos na si Rhea. Hindi kasi mapanatag ang isip niya.

“H-hindi ko rin alam.” Nagdadalawang isip si Rhea. Kahit alam naman talaga niya kung ano ang nangyari sa kanya.

“Okay, ganito nalang….” Inagaw ni Otso ang atensyon ng lahat at nabaling naman ito agad sa kanya.

At sila Rhea at Ceejay naman ay humiwalay sa pagkakayakap sa isa’t isa upang mapakinggan ng maayos kung ano man ang sasabihin ni Otso.

“Gagawa pa tayo ng kalokohan?” Sumbat pa ni Uno.

Lumingon naman ang dalaga sa Founder habang nakataas ang isang kilay, “Hindi pa tapos ang birthday ko, Boss.”

Nagsmirk lang ang binata kahit gusto nitong kumontra. Pero dahil birthday nga ng Co-Founder nila ay binagbigyan na niya.

“Paikotin na yung bote!” Demand pa ni Otso.

Kumuha naman ng isang bote ng beer na walang laman si Sais mula aa case at pinaikot niya ito sa gitna ng lahat.

Lahat ng atensyon ay nasa bote. Tahimik na naghihintay kung sino ang ituturo nito.

Maya-maya ay bumabagal na ang ikot ng bote at dahan-dahan itong huminto. Lahat ng tingin ay nakatuon kay Uno ng tuluyan ng huminto ang bote sa pagikot.

Dinig niya ang mahinang agikhik ng ilang members kaya matipid itong ngumiti kay Otso.

“Lalagyan ka ng blind fold at ipapasok sa kwarto ko. Doon maghihintay ka ng iuutos sayo.” Pervert na nakangiti si Otso habang nagpapaliwanag.

Umagikhik naman si Uno, “Ayoko sa ngiti mo.”

“But you better like it.” Pangungutya pa ni Otso at kinindatan siya.

Naglabas ng panyo si Otso mula sa kung saan at siya na ang naglagay ng blind fold sa founder. Matapos niyang masigurong hindi na ito makakakita ay sumenyas siya kina Jhunz at Rhuji na ihatid si Uno sa kwarto niya.

Agad namang lumapit ang dalawang binata at inalalayan si Uno na tumayo at naglakad na sila paalis ng balcony.

Tahimik lang ang dalawa habang nageescort sila sa Founder. Tanging nakakabinging yapak lang ng kanilang paa ang tanging maririnig mo habang binabaybay nila ang hallway papunta sa kwarto ni Otso.

Si Rhuji ang nagbukas ng pinto ng makarating na sila. Si Jhunz lang rin ang sumama kay Uno na pumasok sa loob habang si Rhuji naman ay bumalik na sa balcony. Inupo ni Jhunz ang Founder sa kama habang nakatayo lang itong nagbabantay sa kanya.

“Tingin mo, anong kalokohan na naman ito?” Curiosity ni Uno.

Nagkibit balikat si Jhunz, “Mahirap sabihin. Marami kasing alam na kabaliwan si Otso.”

“Tulad siguro ng pagkabaliw niya sa akin.” Bungisngis pa nitong biro.

Tumawa naman si Jhunz, “Noon yun.”

“Kasi obsessed na siya ngayon.” Dugtong pa ng Founder.

Humagalpak naman siya sa tawa, “Tapang mo ah.”

“Laging nagkakape eh.” Ngiti pa ni Uno.

“Yan. Kaya KAPEnalitan.” Natatawa pang pangungutya ni Jhunz.

Umagikhik naman si Uno at sinabay na rin siya ni Jhunz.

Kalaonan ay bumalik na si Rhuji na may kasama. Dalawang nakablind fold. Kasama niya rin ang lahat ng members ngunit nasa labas lang sila at nakasilip sa loob. Nagtanguan lang ang dalawanh binata at dumistansya si Jhunz kay Uno.

Mahinang tinulak ni Rhuji ang isang nakablind fold at lumapit ito kay Uno. Maingat na naglalakad pa lang ang nakablind fold ay mapupunit na ang mukha ng dalawang binata dahil sa bungisngis nila sa mukha. Ganun din ang members na nakamasid sa loob. Nakasulat sa mukha nila na super excited sila at hindi makapaghintay.

Nang makalapit na ang nakablind fold ay walang pasabing nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ng binata. Naglakbay ang mga kamay nito mula sa dibdib ng binata pababa. Napasinghal siya ng maramdaman niyang dahan-dahang pumasok ang mga daliri nito sa kanyang pantalon. Napaungol naman siya nang maramdaman niyang hinimas-himas nito ang kanyang pagkalalaki.

Dinikit ng nakablind fold ang dibdib niya sa binata at naramdaman niya ang malambot nitong dibdib na mas lalong nagpalaki sa alaga niya.

Suminghal siya ng malalim, “Pabango ng babae.”

Inabot naman ni Uno ang braso ng nakablind fold at hinaplos ito.

“Aah… Kamay ng babae…” Malumanay na usal nito ng makaramdam siya ng masarap na sensation, “Ito ang pinakamasarap na kalokohang pinagawa sakin ni Otso.”

Nakarinig siya ng mahinang tawa sa kanyang paligid ngunit hindi niya ito pinansin at nagpaanod sa masarap nitong nararamdaman.

Maya-maya ay inescort ni Rhuji ang isang nakablind fold na lumapit kay Uno at tinapik ang naunang lumapit sa kanya para ihinto ang kanyang ginagawa.

Maingat namang tinanggal ng nauna ang kamay nito sa loob ng pantalon ni Uno at umatras. Agad namang lumapit yung pangalawa at dahan-dahang umupo sa hita ng binata. Madiin na hinalikan si Uno ng pangalawa at sumagot naman ang binata sa halik nito.

Dinig na dinig ang pigil na tawa ng mga members sa labas habang ang dalawang binatang nasa loob ay nakakamao ang kamay na tinakip sa bibig habang umaagikhik. Tinanggalan na ni Jhunz ng panyo sa mata ang nauna upang makasali na rin sa tawanan.

Lumaki ang mata nito at halos bumagsak ang bibig nito sa sahig ng makita ng naunang nakablind fold ang pinagtatawanan nila. Naitakip nalang nito ang dalawang mga kamay niya sa kanyang bibig habang umaagikhik.

Lasap na lasap ni Uno ang bawat halik ng kahalikan niya habang sarap na sarap siyang tumugon.

Kalaonan ay nakabungisngis na lumapit ang dalawang binata kina Uno. Si Jhunz sa tabi ni Uno habang si Rhuji sa tabi ni Uno.

Nagkatinginan ang dalawa at nagsalita ng walang boses na maririnig kasabay ng senyas sa kamay, “Isa… Dalawa… Tatlo…”

Pagkatapos mabigkas nila ang tatlo ay magkasabay nilang tinanggal ang blind fold nila Uno at nang kahalikan nito saka kumaripas sa paglabas ng kwarto. Mabilis namang sumunod ang naunang nakablind fold sa kanila.

Dinilat ni Uno ang kanyang mga mata at nagulantang siya sa kaniyang nakita. Mabilis at malakas na tinulak ni Uno si Juviler dahilan para bumagsak ito sa sahig habang yumanig ang malakas na halakhakan ng mga members sa buong bahay. Panay naman ang dura ni Uno sa sahig na halos magsuka na siya.

Tawang-tawa naman si Juviler habang hawak ang tiyan niyang gumugulong sa sahig, halos maluha na ito. Kahit si Uno ay naiinis, natatawa niyang binagsak ang katawan sa kama saka pinikit ang mata. Sa sobrang kahihiyan ay namumutla ang labi nito na halos wala ng dugo.

“Ano, ha? Sarap na sarap ka?” Natatawang pangungutya ni Juviler saka humagalpak ulit sa tawa.

“Gago kang tarantado ka!” Mabilis na bumangon si Uno at inis na lumapit kay Juviler.

Ngunit bago pa man siya makalapit ay automatikong bumangon si Juviler mula sa sahig at mabilis na lumabas ng kwarto. Parang langaw na nagkahiwa-hiwalay naman ang mga members na nagkukumpulan sa pinto nang lumabas si Juviler at dali-daling nagtungo sa living room. Ang ilan ay umakyat sa balcony.

“Ikama mo si Otso para makaganti ka!” Sigaw na pang-aasar ni Juviler habang nagtatakbo ito papunta sa living room.

“JANICA AQUINO! LUMABAS KAA!!” Galit na sigaw ni Uno na umalingawngaw sa buong bahay na halos buong barangay ang makakarinig.