Hermosa La del Barrio Series #1: Jamila

Hermosa La del Barrio Series #1: Jamila

By: Yuna Hime

4.9K
views
42
Chapters
Completed
Status

Hermosa La del Barrio Series #1: Jamila is a completed billionaire novel by Yuna Hime with 42 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added May 11, 2022.

Synopsis

“You belong. Always, here in my heart.”

From its blissful azucareras, wide haciendas, and many riches, the barrio of Ezperanza is one of the most untouchable barrio for its people and even from the people outside of it. Walang makapangliliit sa barrio na ito sapagkat hindi pambihira ang nakakubling mga yaman na itinatago nito. And Jamila Elize Aldivar is the outcast of the beautiful barrio of Ezperanza.

Once a Geronimo at isa lamang na pobreng anak ng isang katulong, para kay Jamila ay tila isang panaginip pa rin nang kupkupin at pinatuloy sila sa kilalang barrio ng isa sa mga makapangyarihang tao na mula sa Ezperanza. The great and powerful Elton Aldivar fell inlove and married his mother dahilan na mula sa Geronimo ay naging isa siyang Aldivar. From rugs to riches, dream come true ika nga ang malagay sa ganoong sitwasiyon. Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Jamila dahil para sa mga tao ng Ezperanza, hindi pa rin ang lugar na iyon ang kinabibilangan niya at ng kaniyang ina.

What will happen if Jamila meet the handsome playboy and the only heir of the Ferrer clan, Bellisimo Alexis Ferrer of Ezperanza? Magpapahulog ba siya sa mga pagpaparamdam nito o maging isa lang siya sa mga babae nito? Will she finally find her home in his arms o masasampal lang ulit sa kaniya ang katotohanan na wala siyang lugar sa barrio na iyon? Lalo na kapag lumabas ang isang eskandalo na kinasangkutan ng kaniyang nakatatandang kapatid laban sa buong Ezperanza.

Will Jamila take the risk of coming back to the place she once called home or finally accept the truth that she’s only an outcast?

Read the first chapter

Chapter 1: SIMULA

It was summer that time, I was sixteen back then. Halos hindi pa rin ako makapaniwala nang sabihin ni Nanay na aalis na kami sa aming buhay na kinagisnan para pumunta sa mas marangyang buhay. Siyempre natuwa ako, sino ba naman ang hindi? Noong una ay kinabahan din ako at umayaw nang malaman namin ni Kuya na may kalaguyo na si Nanay. Masaya naman kami dahil matapos sa mahabang pagmumukmok magmula nang mamatay si Tatay ay noon lang namin ulit siya nakitang masaya. Iyon lang, hininantakutan kami nang malaman kung sino ang kalaguyo niya at kung gaano kataas ang estado nito sa buhay.

Sariwa pa sa alaala ko ang gabi na nagtalo sila ni Kuya dahil doon.

“Nay, tanggap ko naman! Kaso sa iba na, huwag lang do’n! Masyadong mataas, Nay, hindi natin maaabot ‘yun!” si Kuya.

“Ano ka ba naman, Jamile? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ganoong tao ang Tito Elton mo! Oo noong una may pagdadalawang-isip din sa akin, ngunit pinatunayan niya naman sa atin na puro ang intensiyon niya, hindi ba? Isa pa, nagmamahalan kami! Hindi ito tungkol sa yaman o ano! Minahal niya ako kahit isa lang akong hamak na katulong!”

Kitang-kita ko na mas nalukot ang mukha ni Kuya. Nagpabalik-balik ang lakad niya sa harap ni Nanay. He’s really frustrated. Pakiramdam ko nga ay tumanda kaagad siya bigla. Ganoon siya kaproblemado.

“Ang akin lang naman ay ang kapakanan natin, Nay. Kung ano ang sasabihin ng mga tao kapag nalipat ang pamilya natin sa lugar na iyon. Nay, hindi lang basta-basta ang barrio na iyon! Kung ang atin pugad ng mga kahig at isang tuka, ang Ezperanza ay pugad ng mga taong tumatae ng ginto!”

Ezperanza. Ang napakagandang barrio ng Ezperanza. Sa gitna ng pakikinig sa pagtatalo nina Nanay at Kuya, kaagad namang lumayag ang diwa ko sa lugar na noo’y sa mga kwento ko lang naririnig. Minsan ay nakita ko na rin ang kaunting pasilip ng lugar na iyon sa telebisyon at hindi ko maiwasang mahalina sa sinabi ni Tito Elton na dadalhin niya kami roon ni Nanay para manirahan kasama niya. Naguguhit ko na sa aking kaisipan ang isang magandang lugar na may mga magagarang kabahayan. Matatanaw ang mga masaganang palayan, maisan, at asukalan sa paligid. Magkakaroon ako ng mga kakilala o mas masaya ay mga kaibigan na hindi pangkaraniwan sa mga kaibigan ko lang dito sa amin.

“Hindi hahayaan ni Elton iyon, Jamile! Aldivar siya! Makapangyarihan at tiyak na ang seguridad at proteksiyon sa buhay natin!”

“Iyon na nga, Nay! Aldivar! Ikalawa sa pinakamayaman sa Ezperanza! Ayos kung si Tito Elton lang, paano ang buong angkan niya? Ang ibang angkan na nakapaligid sa kaniya? Tsaka bata pa si Jamila at nag-aaral, Nanay! Ayokong maranasan niyang apihin at kutsahin sa papasukan niyang paaralan doon na hindi niya kailanman naranasan dito!”

Sa narinig kong sinabi ni Kuya ay tila usok na naglaho bigla ang kanina ay masaya kong paglalayag sa aking isip. Dahan-dahan akong ginapangan ng kaba at napababa ang tingin sa kahoy naming sahig.

Tama si Kuya. Kung si Tito Elton ayos sa amin dahil mahal niya si Nanay, paano ang mga tao roon? Tsaka baka hindi ako magkaroon ng kaibigan doon dahil tama si Kuya, baka kutsain lang ako. Ang taong mukhang putik, linisan man at bihisan para ihanay sa mga mukhang ginto, magiging mukhang putik pa rin dahil sa umpisa, hindi naman tunay na ginto.

Ngunit walang nagawa si Kuya, buo na ang desiyon ni Nanay.

“Nay, bakit po hindi mo pinilit pa si Kuya? Paano na siya, Nay?”

Umiiyak ako ngayon habang nasa byahe na kami patungong Ezperanza. Sakay sa mamahalin at magarbong kotse ni Tito Elton, maaga pa lamang ay tumulak na kami. Nagpaiwan si Kuya na siyang kinaiyak ko. Ayaw niya talagang sumama sa amin.

More by Yuna Hime

View all

You may also like

Billionaire

Sign in to join the discussion