WAKAS

I grew up believing that I could always easily get what I wanted. Lumaki ako sa pamilyang hindi salat at kahit anong hilingin ko ay kaagad kong nakukuha. That’s the same for those woman na kaunting ngiti o pakilig ko lang ay sila na mismo ang nagkakandarapang lumapit sa akin. I loved every woman though. I just don’t enjoy the idea of relationship and being tied down to one woman. Mas gusto kong mag-explore at ma-experience lahat.

“Guys, punta kayo bukas ng gabi sa bahay. We’re having a welcome party,” ani Eli na barkada ko na mula pa elementary, ahead lang sila ng isang taon habang kami ni Red naman ang nasa same year.

Mula sa pagdutdot sa aking cellphone ay napatingin ako kay Eli. Nasa kamalig kami ngayon na nasa likod lang ng higschool campus na pinapasukan namin. Tambayan ito ng barkada.

“Oh, right. Nagpakasal nga pala ulit ang Dad mo,” si Melissa. “So how was it? Maayos naman ba ang new family?”

Inayos ni Eli ang salamin niya sa mga mata. Busy na naman mag-review. Siya lang ang kilala kong barkador pero seryoso mag-aral, malayo sa karamihan sa amin dito.

“They’re nice.” Eli shrugged habang hindi inaalis ang paningin sa binabasa. “My new little sister’s very pretty. Mukhang natakot siya sa akin noong una pero magaan naman ang loob ko sa kanila. Now she’s less shy.”

My ears perked up hearing that. Napaayos ako nang upo at ngumisi sa direksiyon ni Eli.

“Pretty?” Doon nawala ang atensiyon niya sa binabasa. “Could I get to know her?”

Mariin akong tinitigan ni Eli sa likod ng mga salamin niya. Naramdaman ko ang batok sa akin ni Red kaya natawa ako. What? Now, I’m curious. Kapag nakaririnig ako ng maganda, hindi ko mapigilang kilalanin kaagad.

“Not her, Bal. She’s out of your league,” Eli simply said with a smirk on his lips.

Tumaas ang isang kilay ko. Sinasabi ba niyang hindi ko makukuha ang stepsister niya?

Well, let’s see about that.

Ngunit nang makita ko na siya, roon ko tuluyang natanto kung gaano katama si Eli. Jamila’s way out of my league. Nang makita ko siya noon sa garden nila, she was like a deity. Her black hair swayed with the wind at ang katamtaman na kulay ng kaniyang balat ay bumagay sa puti niya noong dress. Her eyes were like that of a cat. And her lips. Her lips looked like I could get addicted kissing it. I never realized and knew that time that the moment I laid my eyes on her, I could do anything just to be with her. She made my heart ache with both pain and love. She made me knew the feeling of being inlove.

“Kailangan mong layuan ang bata na iyon, Bellisimo. We didn’t want to be at the Esperanzas’ bad side.”

I smirked hearing what Dad just said. Too late. Siya na ang lumayo sa akin.

“Funny how you liked her a lot at first, pero ngayon ganiyan niyo na siya tratuhin para lang sa reputasiyon.”

“Watch your mouth, kid,” galit na usal ni Dad sa akin. “This is for your own good.”

Yes, maybe it really was. Ganoon din naman ang tingin niya. She dumped me, shooed me, rejected me. I must give up.

I wanted to give up on her. I almost did.

But I couldn’t.

“Gustong-gusto ko talaga itong Esperanza noon pa. Kaya nang nakarating dito, inasam ko na mararamdaman ko ang pagiging at home rito. Like I belong to the place I liked. Pero hindi ganoon ang nangyari.”

Napayakap ako nang mahigpit sa gilid niya nang marinig ang kapaitan sa bawat katagang kaniyang sinabi. We were sitting here at the park’s feeris wheel now, adoring the beautiful night from above. Funny how we also started here, and now, here we are.

I kissed her temple.

“You don’t have to worry about anything now, Mila. I’m here. You belong to me.”

Narinig ko ang mababaw niyang pagtawa at ang marahan niyang paghilig sa akin. I wouldn’t trade this moment now for anything. Pakiramdam ko ay hawak ko na ang buong mundo.

“Tama…” halos pabulong niyang ani. “I love you, Bellisimo.”

Nangiti ako. “I love you, Jamila.”

You know what, Mila? You belong. Always, here in my heart.

FIN