Chapter 19: KABANATA 18

“Po? Bakit ako? Ayaw ko po, Nay,” agaran kong tanggi nang marinig ang sinabi ni Nanay sa akin.

Nalalapit na naman ang kapiyestahan ng Esperanza. Kapag ganoon, may mga kasiyahang ginagawa sa barrio at isa na roon ang pasayaw sa gabi ng mismong piyesta. Ang pasayaw ay parang pageant, iyon lang, walang rampahan o QandA na ganap. Sa pasayaw, ang basihan ng kokoronahang kandidata ay kung sino ang may pinakamaraming nalikom na pera mula sa magsasayaw sa kanilang mga lalaki. Kukuha ng iba’t ibang kandidata sa iba’t ibang baranggay at hindi ko alam kung bakit ako ang kinukuha ngayon para sa amin. Noon pa man ay tagapanuod lang ako sa ganiyan at hindi na ako nagtataka kung bakit walang kumukuha sa akin. Not that I wanted it anyway. Habang si Kuya Eli naman ay taong-taon nang kinukuhang escort sa piyesta.

“Dahil mga Aldivar ang nakatokang sponsor ngayon sa pasayaw, ija! Ang mga Esperanza mismo ang kumausap sa Tito Elton mo tungol doon at para na rin pasalihin ka,” ani Nanay na mas kinasimangot ko.

Mga Aldivar na pala ang sponsor ngayon. Rinig ko na ang huling toka ng mga Aldivar sa pasayaw ay wala pa kami rito sa Esperanza. Kung ang prominenteng pamilya at may-ari pala mismo ng Esperanza ang kumausap kay Tito, mukhang wala na akong lugar sa pagtanggi. Ayaw ko namang mapahiya si Tito Elton dahil lang sa akin.

“Ikaw ang kandidata ng baranggay natin?” masayang-masaya na ani Bonita nang marinig ang balita ko habang ako nama’y tila sinakluban ng langit at lupa.

“Ayaw ko sana, eh. Kaso kinausap si Tito Elton ng mga Esperanza at mga Aldivar din pala ang sponsor ngayon ng pasayaw. Ayaw ko namang mapahiya si Tito Elton, pati sina Nanay at Kuya Eli ay pinagkaisahan din ako.”

“Aba’y mabuti! Huwag kang mag-alala, sasamahan kita roon sa table mo para hindi ka masyadong kabahan sa mga tao,” aniya na kinatuwa ko talaga.

“Bonita!” Sumisinghot-singhot akong yumakap sa kaniya. “Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?”

Tumawa siya at pabiro akong binatukan. “Gaga! Tigil-tigilan mo nga ako sa drama mo. Ngayong ikaw ang kandidata, panalo na baranggay natin panigurado.”

“Paano mo naman nasabi?” kaagad kong kontra. “Sa tingin mo may sasayaw sa akin?”

Tinignan ako ni Bonita na tila tinubuan ako ng isa pang ulo. Umiling-iling siya.

“Makinig ka, Jam. Kahit naman ganiyan kang ituring ng mga tao rito, ang mga lalaki mahina pa rin iyan sa mga magagandang babae! Kahit magpustaan pa tayong dalawa, may pipila niyan sa’yo. Sa ganda mong ‘yan?”

Ngumuso ako. Hindi ko alam ang i-re-react sa sinabi niya kaya nag-isip kaagad ako ng panglihis sa usapan. Siniko ko si Bonita.

“Buti na lang hindi sumasali iyong si Kendall, ano? Taon-taon at mula pa noon, escort na niya si Kuya Eli,” ani ko, tinutukoy ang tagapagmana ng Esperanza sa ngayong henerasiyon.

“Naku, iyon ipahahawak at ipasasayaw nila kung kani-kanino? Ni hindi nga lumalabas ng mansiyon nila iyon, Jam! Kami, kahit hindi ganoon kayaman, nagpapasalamat pa rin ako at hindi buhay niya ang napunta sa akin. Masahol pa sa preso ang buhay niya. Hirap maging kabilang sa angkang tilaw may dugong bughaw. Tsaka bakit isasali sa pasayaw iyan? Sila ang may-ari ng Esperanza. Natural lang na roon lang sila sa pasayaw para manood.”

Napatango ako sa sinabi ni Bonita. Wala ako sa posisyon ni Kendall, pero kung naroon man ako, hindi ko siguro kakayanin. Nasayo nga ang lahat ng yaman at nabibigay sa’yo lahat-lahat, pero wala ka namang kalayaan mula pa maliit ka. Rinig ko’y home-schooled lang din siya kagaya ng ina niyang susundan niya bilang tagapagmana ng Esperanza. Sa pamilya kasi na iyan, parang ginto kung ituring ang mga anak na babae dahil sila ang magiging tagapagmana at magpapatuloy ng kanilang henerasiyon. Kapag nagkaanak ng babae ang tagapagmana ay hindi na sila pwedeng mag-anak dahil ang babaeng supling nang iyon ang magiging bagong tagapagmana. Noong marinig ko ang kwento na iyan noon, pinagpapasalamat ko na kaagad na hindi ako napunta sa pamilyang ganoon. Ayos at kuntento na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon.

“Excited na naman siguro iyong si Kuya Eli sa paparating na pasayaw,” wala sa sarili kong kumento.

Narinig ko ang singhal ni Bonita sa tabi ko ngunit wala na siyang sinabi. Lihim akong nailing. Si Kendall kasi ang babaeng matagal nang napupusuan ni Kuya Eli. Malapit ang mga Aldivar at mga Esperanza kaya maliit pa lamang ay magkakilala na ang dalawa. Sa katunayan nga ay walang ibang pinapayagan na makipaglaro noon kay Kendall sa mansiyon ng mga Esperanza kung hindi si Kuya Eli lang. Naglaon, maari lang makalabas at makapasyal si Kendall kung si Kuya Eli ang kasama niya, pero dapat hindi malayo ang pupuntahan. Spoiled na spoiled nga iyang si Kendall kay Kuya Eli. Dalawang beses ko pa lamang yata siya nakaharap at nakausap dahil nga maraming bawal sa kaniya.

“Hindi na ako magugulat kung sabihin na lang isang araw na silang dalawa ang nakatakdang ikasal,” halos pabulong na ani Bonita sa tabi ko na kinatahimik ko.

Nalungkot naman ako bigla. Kahit laging pinapakita niyang si Bonita na ayaw niya o galit siya kay Kuya Eli, I could still read her. I am her bestfriend afterall. Ngunit sa punto na ito, wala manlang akong masabi para pagaanin ang loob niya. Kung mayroon man, alam kong itatanggi lang din niya kaya nanahimik na lamang ko.

Nang makauwi kinahapunan noong araw na iyon pagkatapos ng klase, nagulat ako nang makita ang isang babae sa sala ng bahay at may dalang samo’t saring mga gown. Halatang mamahalin ang mga iyon at elegante.

“Oh, ija! Good that you’re here now. We have our trusted stylist here at ngayon ay papipiliin ka namin ng nais mong gown para sa pasayaw,” ani Tito Elton na siyang unang nakakita sa aking papasok sa bahay.

“Anak!” si Nanay. “Naku, tignan mo ang mga ito. Hindi ba at magaganda?”

Kung wala lang si Tito Elton sa paligid, nabara ko na si Nanay at natanggihan sa mga ito. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ngumiti at nahihiyang lumapit sa kanila sa sala. Ngumiti naman ang stylist sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ako.

“K-Kailangan pa po ba niyan? Okay lang naman po sa akin ang mga simple lang.”

Halos sabay si Nanay at ang stylist na sumimangot sa sinabi ko.

“Ano ka ba naman! Heto ang unang pasayaw mo at ang mga Aldivar ang sponsor kaya nararapat lang na maayos ka tignan sa gabing iyon!” ani Nanay.

Nahihiya akong tumingin kay Tito Elton at sa huli ay wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Nanay pati ng stylist sa pagsukat noong mga gown. Noong nasa ikalimang gown na ako ay pagod na kaagad ako. Tinali ko sa messy bun ang mahaba at itim kong buhok habang sinusuot ang ikalimang gown. Kulay pula iyon na bumagay sa katamtamang kulay ng aking balat. May slit iyon sa gilid na nagpa-expose sa kanan kong biyas. Off-shoulder naman ang sa itaas na nagpakita ng aking collarbones. Sa likod ay may pa-ekis-ekis iyong kailangang itali. Nang matali lahat ng stylist ay lumabas ako para mapakita kaagad kina Nanay at Tito Elton para sa kumento nila.

“Nay, heto po –”

Natigilan ako sa pagsasalita at nang makita ko pa lamang ang pares ng singkit na mga mata na iyon na nakatingin na rin sa akin ay tila gusto ko kaagad na tumakbo pabalik sa silid ko kung saan ako nagsusukat. Noong una ay nagulat din siya nang makita ako, ngunit nang matignan ang kabuuan ko ay may sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi.

Naandito ang mga kaibigan ni Kuya at kasama na roon si Bellisimo!

“Ay, anak! Iyan! Bagay sa iyo iyan! Ang ganda!” si Nanay na noo’y lumabas sa kusina dala ang tray ng sa tingin ko’y meryenda para kina Kuya Eli na saktong kadarating lang din at ako kaagad ang nakita.

“Sis, you look stunning,” Kuya Eli commented with a smile and slight nod.

Napahawak ako sa magkabilang gilid ng gown. I could feel my knees shaking and my face heating-up dahil sa halong hiya at ilang na nadama. Nang tignan ko ulit si Bellisimo ay nakangiti pa rin siya sa akin. There was a hint of pride on his face and sparks of joy in his eyes. I unconsciously bit my lower lip. When he mouthed, “You’re beautiful” at me, my heart almost gone crazy.