5. The last heir of Monterealez Clan
"S-salamat,"
Iyon na lamang ang kanyang sinabi. Tumango ang lalaki bago humalukipkip ang braso sa dibdib nito. He tilted his head and then a mischievous grin appeared in his lips. Bahagya pa itong natawa. Ngumiwi siya. Lalo siyang hindi mapakali sa presensya ng lalaki.
"Lahat 'yon, gagawin ko." Tumango-tango ito. "Ako naman ngayon,"
Natigilan si Isabela. Kumuyom ang mga kamao niya. Sinasabi na nga ba niya. Nasisiguro niyang may ibang pakay ang lalaki. Tuso ito kaya impossibleng pumayag na lamang ito basta basta na walang kapalit.
"A-ano ba ang kapalit?"
"Simple lang naman,"
Bigla itong tumayo at sa gulat niya, bigla na lamang siya nitong hinapit patayo at ibinagsak ang sarili sa kama. Malakas na humiyaw si Isabela dahil sa gulat. Bumagsak siya sa itaas ni Israel.
"Akin ka,"
Kasabay ng pagkasabi ni Israel no'n ang paglakumos nito sa labi ng babae.
Namimilog ang mga mata ni Isabela. Pinilit niyang umalis sa ibabaw nito pero mahigpit na nakapulupot ang braso nito sa kanyang bewang habang ang isa ay nasa kanyang batok para hindi siya makaiwas sa halik.
Naiiyak si Isabela sa kalampastangan na ginagawa sa kanya ni Israel. Hindi lang dahil do'n, kung halikan pa siya nito ay buong labi niya ang sinisipsip at kinakagat. Gigil na gigil ito. Dumaing siya sa sakit.
Nagpasalamat siya dahil bumitaw na ang labi nito sa kanya. Balak niyang sigawan ito nang mauwi sa muling pagtili ang kanyang boses.
Mabilis na binaligtad ni Israel ang kanilang posisyon. Siya na ngayon ang nakahiga sa kama, ang nasa ilalim, habang si Israel ay nakakubabaw sa kanyang itaas. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at hinawakan ng mariin sa itaas ng kanyang ulo. Nagpumiglas siya pero sadyang malakas ang lalaki.
"Damn! Kanina lang pangarap ko 'to, ngayon nandito na!"
"H-huwag." Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nagpupumiglas.
Gusto niyang sumigaw pero tila may nakabara sa kanyang lalamunan at hindi niya magawa.
Hindi siya pinakinggan ng lalaki, parang wala itong naririnig, bagkos ay sinimulan ulit nitong halikan ang malambot niyang labi. Mas marahas kaysa sa kanina. Ilang beses nitong kinakagat ng may panggigigil ang itaas at baba ng kanyang labi.
Humikbi siya ng lubayan nito ang labi niya at inumpisahan na halikan at kagatin ng puno ng gigil ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg.
"T-tama na,"
Malakas siyang napasigaw ng mas kagatin nito ang kanyang leeg na akala mo pambira. Ang kanyang mga paa ay pilit nagpupumiglas sa pagdag-an ng mabibigat nitong binti.
Nawala na sa sarili ni Isabela. At napasigaw ng mas malakas, kasama ng kanyang malakas na pag-iyak. Malakas na yumuyugyog ang kanyang katawan sa pag-iyak at dala na rin ng sobrang takot.
Natigilan si Israel. Namumutlang nag-angat siya ng tingin sa mukha ni Isabela. At halos mawala siya sa ulirat nang makitang miserable ang mukha ng babae. Nahabag siya. Nagdilim ang kanyang mukha at nais na suntukin ang sarili.
"Sh-t!"
Mabilis siyang umalis sa ibabaw nito at umupo sa kama. Hinila niya rin paupo si Isabela at niyakap ito ng mahigpit.
"Hey, don't cry. I'm s-sorry, I d-didn't meant it. Fuck!"
Patuloy na umiyak si Isabela. Ang katawan nito ay nanginginig pa rin.
Mariin na pumikit si Isarael. Kasalanan niya! Dahil sa kahalayan niya, sa pagnanasa niya sa dalaga, nagawa niya ang bagay na ito! Aminado siyang masama siya pero, fucking hell talaga!
"I'm sorry... hindi ko na uulitin. Please tumahan ka na. Hindi ko na uulitin. Patawarin mo ako, baby..."